“May jowa na pala ako. ‘Yung lagi kong kasama? Si PJ Valderrama.” Hirap man tumanggi sa mga kaibigan ko ay naglakas-loob na akong sabihin ang totoo pagdating ng uwian. Ayaw ko kasi talagang sumama sa group blind date nila. Pakiramdam ko ay kahit hindi pa kami ni PJ, dahil nanliligaw nga siya sa akin ngayon, masasabi pa ring cheating ang pag-entertain sa iba. Kung makikipagpalit man kasi ako ng pusisyon kay PJ, alam kong hindi ko magugustuhan kung malalaman kong makikipag-blind date siya sa ibang babae. Baka nga bago pa man siya makapunta sa kanyang date ay binulag ko na siya. Palabas na kami ngayon ng campus at huminto muna dahil sa sinabi ko. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla. Marahil dahil hindi nila talaga inasahan ang narinig. Kabado ako dahil

