Itinawa ko ang kaba ko habang nakatingin sa akin ang lahat. Grabe naman kasi si Kuya MJ, unang tanong pa lang ay pinagpawisan na ako. Nakakatakot pala silang kalaro. “Ay joke lang. Dare na lang pala,” bawi ko bago napakamot sa ulo. Tuloy ay tinawanan nila ‘ko. “Sige, dahil ikaw ang buena mano, pagbibigyan kita. Pero ‘yung mga susunod na matatapatan bawal magpalit ah.” Nakakaloko ang ngiti sa labi ni Kuya MJ nang tingnan ako. Kaya naman ramdam kong ‘di ko magugustuhan ang sunod niyang sasabihin. “Okay! Iaree… I dare you to kiss the guy you’re most attracted to. Syempre ‘yung nandito lang sa laro. Kung ako ang mapili mo, apir na lang tayo. Ayaw na kitang pahirapan, syempre alam ko namang ako ang pinakapogi rito,” pagyayabang niya kaya agad ko siyang inirapan. “Pinalala mo lang eh!” r

