Sa mga sumunod na araw, naging abala kami sa renovation ng Cup of Twist. Kahit ayaw sana ni PJ ay nagpumilit akong tumulong kasama ng kanyang mga tauhan. Ayaw ko rin naman kasing manatili magdamag sa unit niya. At noong sabihin ko namang magkukumpleto na lang ako ng bucket list, ayaw rin niya akong payagang gawin ito ng mag-isa. Kaya bandang huli ay wala rin siyang nagawa. Araw-araw ay kasama niya akong magpunta sa coffee shop para makita ang progress ng renovation. Nagmamadali na rin kasi kami para makapagbukas na ulit. Hindi naman nila binago nang tuluyan ang Cup of Twist, may mga pinalitan lang si PJ at mas pinaganda ang lugar. Kaya inaasahan nilang one to two weeks lang ay matatapos ang lahat ng mga pagbabagong ito. “Kung natanggal na si Marina, how about the other employees I

