Being rich and successful has never crossed my mind in the past twenty-four years because all I wanted was to have a normal life. Wala akong ibang hiniling kung hindi mapalitan ang puso ko. I tried to be patient while waiting for a heart to be available for me. It was as though we were praying every day for someone to die so I could live. Eventually, I found this cruel and selfish. I began hating myself. Ngunit kahit hirap na hirap ako sa kundisyon ko ay nagpakatatag ako para sa mga magulang ko. Alam ko naman kasing kung nahihirapan ako ay mas doble pa ang nararamdaman nila. Ako ang kaisa-isa nilang anak pero sobrang hina ko… Kaya mas pinili kong umalis noon. Tumakas ako. Gusto kong maging malaya pero mas matimbang sa akin ang kagustuhang hindi na pahirapan pa ang mga magulang ko dahil

