“Young and gullible. Ito ang tingin ko sa ‘yo noong unang beses kitang nakita. Tanda kong naghahanap ka ng apartment. Sinundan talaga kita dahil malalim na ang gabi. Pero ang lakas ng loob mo magpunta kung saan-saan. Kaya kahit magkaiba kayo ng itsura ni Andrea, somehow, I saw her braveness in you.” Dahil sa sinabi ni Dylan ay naalala ko ang tagpong tinutukoy niya. Akala ko si PJ lang din ang sumunod sa akin noong gabing ‘yon pero nagkamali ako. “At first, I just wanted to observe you from a distance. I was amused that one time when I saw you pole dancing. I couldn’t help but take pictures of you. Naalala ko kasi si Andrea. Palagi niyang inuungot sa amin ni PJ na gusto niyang subukang mag pole dancing.” Mahina siyang tumawa dahil sa magandang alaala. “Being a feminist, she said one

