Kabanata 5

2954 Words
 As early as now, I need to get away from PJ. Ayoko siyang makasama araw-araw habang kinukumpleto ko ang mga items na nakasulat sa bucket list. Siguradong dahil hindi kami magkasundo sa maraming bagay, masisira lang ang mga plano ko. Baka palagi lang kaming mag-away dahil para kaming aso’t pusa. Alam kong may rason siya para sundin ang kanyang lolo’t lola. Pero sigurado naman akong ‘di pababayaan ng pamilya niya ang gusto niyang ipatayong headquarters dito sa Maynila kahit na mabigo siya sa pagbabantay sa akin. Kaya naman ngayong araw, I will do everything to make him quit as my personal bodyguard. At malakas ang kumpyansa kong madali ko lang itong magagawa. Dahil palagi lang akong nasa bahay, may ilang damit akong nabili online pero hindi ko pa naisusuot. Isa na rito ay short cocktail dress na makulay at may iba’t ibang disenyo sa bandang palda. Bukod sa nangingibabaw ang kulay purple, may malaking blue ribbon din ito sa bandang dibdib malapit sa balikat at puno ng glitters ang itaas na bahagi. Ang problema lang na nakikita ko rito nang isuot ko ay masyado itong ma-igsi. Halos lagpas kalahati na ng hita ko ang exposed. Hindi ko matandaan kung ganito na ba talaga ito noong nabili ko pero imposible naman kasing tumangkad pa ako. It’s too much to wear, considering na sa mall lang ang punta ko ngayong araw. Pero dahil siguradong sasama sa akin si PJ, tamang-tama lang ito. Mukhang kulang pa nga kaya nang mag-ayos ako ng sarili, naglagay pa ako ng kulay pink na bulaklak sa ibabaw ng ulo ko. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko at nag-apply ng make-up. Nagmukha akong cosplayer sa ayos ko. Tamang-tama at nakasulat din sa bucketlist na kailangan magbihis cosplayer ako. Dress up as a cosplayer Sakto pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay narinig ko ang doorbell sa unit ko. Pagsilip ko ay nangiti ako dahil si PJ na ito. Agad ko namang binuksan ang pinto dahil inaasahan ko rin naman talaga ang pagsulpot niya ngayong umaga. “Good morning!” bati ko sa nakabusangot niyang mukha. Mas lalo pang nagsalubong ang kilay niya nang makita ang kakaibang ayos ko ngayong umaga. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa na para bang ‘di siya makapaniwala. At bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya. “Tara?” Kinuha ko lang ang bag ko at nagsuot ako ng sandals bago lumabas ng unit. Pagka-lock ng pinto ay ako na ang naunang naglakad papunta sa elevator. “Saan ba tayo pupunta at ganyan ang ayos mo?” tanong niya na muntik nang magpatawa sa akin. Bakas kasi sa mukha niyang aayaw na siyang sumama sa akin dahil sa ayos ko. “E ‘di sa mall, saan pa ba?” “Akala ko sa perya.” Kinagat ko ang labi ko at binilisan ang paglalakad. Nainis agad ako sa kanyang sinabi. “Kung hindi ka kumportable sa ayos ko, ‘wag mo na ‘kong samahan.” Makagamit siya ng term na ‘tayo’ e ako lang naman ang may lakad talaga ngayong araw. Siya itong buntot ng buntot sa akin. Ilang sandal lang pagpindot ko ng elevator button ay bumukas na ito. Hindi ko naman inakalang may ibang tao kaming makakasabay dito. Tuloy ay nagbulungan sila nang makita ang ayos ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng cosplayer na kasing ganda ko? Pinalis ko ang buhok ko papalikod at taas-noong pumasok sa loob ng elevator. Pagpasok ko’y ang laki agad ng space na na-occupy ng suot ko. Humarap ako sa bukas na pinto at nakitang nakatayo pa rito si PJ at nakatitig sa akin. Iniisip yata niyang bibigyan ko siya ng bakanteng pwesto pero sorry na lang siya dahil madamot ako ngayon. Ngumisi ako at kumaway para magpaalam dahil hindi na siya kasya. At nang makita kong magsasarado na ang pinto ng elevator ay bumelat pa ako sa kanya habang nagpipigil ng paghagikgik. Sabi na kasi at mabilis ko lang siyang mapapaatras. Inilabas ko ang bucket list na dala-dala nang bumukas ulit ang pinto. Natigilan tuloy ako at nalaglag ang panga nang makitang nandito pa si PJ. “Excuse me, magkasama kami.” Bumilog ang bibig ko nang ipagsiksikan niya talaga ang sarili sa loob ng elevator para lang makasabay sa akin. Tuloy ay halos maipit na siya sa pinto ng elevator nang magsarado ito. Talagang ipipilit niyang samahan ako kahit nakakatawa ang itsura ko?! I already wore a crazy outfit to shoo him away! “Ang inconsiderate naman ng girlfriend niya.” Narinig kong bulong ng isang babae sa likuran ko kaya tuloy nanlaki ang mga mata ko. Agad nag-init ang ulo ko. “Kung ako si Kuya iiwan ko na lang ‘yan. Parang may sayad.” I gritted my teeth. Aba’t ako pa ang lumabas na masama ngayon?! Huminga ako nang malalim. Kinalma ko muna ang sarili bago nagsalita. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, Kuya… kaya ko nang magpunta sa event nang mag-isa. Sumama ka na lang ulit sa mga barkada mo tulad ng ginawa mo last year. Hindi ‘yung napipilitan ka lang tapos aawayin mo ko mamaya pag-uwi…” sabi ko kay PJ at hindi yata niya agad nakuha na siya ang kausap ko dahil takang-taka siya nang tingnan ako. Nagkunwari naman akong naiiyak para makuha ang simpatya ng mga kasabay namin sa elevator. Nagkaroon sandali ng katahimikan bago ko narinig ang bulungang pabor sa akin. “Ay magkapatid pala sila…” “Kawawa naman siya… Buti pa ‘yung kuya ko ang supportive.” Pinagdikit ko ang labi ko nang makita ko ang panlalaki ng mga mata ni PJ sa akin. Tinaas ko naman ang dalawan kilay ko sa kanya, tulad niya’y pinandilatan ko siya. At bago pa siya mangagat ay saktong bumukas ang pinto kaya nagmadali na akong bumaba. Narinig ko namang may lalaking kumausap pa kay PJ kaya hindi siya kaagad nakasunod sa akin. “Bro, hindi naman sa nangingielam. Pero may kapatid din akong babae. Tayo dapat ang nagmamahal at nag-aalaga sa kanila. Kaya sana tratuhin mo ng tama ang kapatid mo.” Napatakip ako ng bibig gamit ang dalawang kamay ko. Muntik na kasi akong matawa nang malakas dahil napangaralan pa siya! Ayan, naging kuya ko talaga siya! Ang galing ko talagang umarte kahit kailan. ”Mind your own business,” mariing saad ni PJ bago ako binalingan ng tingin. At bago pa kami mag-away in public ay nagmadali na akong maglakad papunta sa parking lot. Malayo pa lang ay pinatunog na ni PJ ang kanyang kotse kaya naman nakita ko agad ito. Dito na ako dumiretso. Pagkasakay namin sa kanyang sasakyan. Walang nagsasalita sa amin. Pero kita ko sa peripheral vision ko na medyo namumula siya. Pansin kong ganito si PJ kapag naiinis ng sobra kaya tuloy wala muna akong sinabi. Delikado na at hawak niya ang manibela. Siguro’y ilang minuto ring katahimikan ang tiniis naming pareho bago siya nagsalita. “Balik mo ‘yung kaldero ko.” Natawa ako nang malakas! Paano’y nakanguso siyang parang bata ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ‘yong kaldero ba talaga ang ikinakagalit niya o ‘yung nangyari kanina sa elevator. Napailing na lang ako bago tumingin sa bintana. “Oo, huhugasan ko lang,” simpleng sagot ko habang may multo pa rin ng ngiti sa labi. Pagdating sa mall, akala ko ang ibig sabihin ng pagsama ni PJ sa akin ay magmamasid lang siya mula sa malayo. Kaya naman laking gulat ko nang maglakad siya sa bandang likuran ko. Kakaunti lang ang distansya sa pagitan namin kaya nagmukha talaga siyang bodyguard ngayon. Nakaitim pa siya – itim na shirt, jacket, at pants. Nagkibit-balikat na lang ako. Tamang-tama dahil hindi pa rin naman ako sumusuko sa balak kong pagtaboy sa kanya. Ang nasa bucket list na gusto kong magawa ngayon, bukod sa pagiging cosplayer, ay ang pagkakaroon ng total makeover. Kahit kasi pagdating sa paligid ay hilig ko ang makukulay na bagay, pagdating sa sarili ko ay kabaliktaran ang nangyayari. I always wear plain clothes and I don’t normally apply make-up nor style my hair. Wala naman kasing dahilan para gawin ko ang mga ito dahil palagi lang akong nasa bahay. Kaya naman ang boring ng itsura ko. Give yourself a total makeover. Una kaming nagpunta sa mga clothing boutiques. Pumili muna ako ng mga damit na gusto ko at tyaka ito isinukat nang sabay-sabay. I wanted to look more daring kaya naman kahit iba’t iba ang style, lahat ng mga napili ko ay may bold colors. May sinukat akong orange na pants na pinares ko sa striped shirt at blue coat. Kumuha rin ako ng orange skirt na uubra ring ipares dito. Syempre’y may isinukat din akong bright yellow dress at isang floral dress. Lahat ng mga isinukat ko ay pinaresan ko na rin ng accessories at heels. Lumalabas naman ako ng fitting room sa tuwing nakakabuo ako ng isang buong outfit. Inabot ko kay PJ ang phone ko para kuhanan ako ng litrato suot ang mga ito kaya naman wala siyang choice kung hindi tingnan ang ayos ko. “Ayusin mo naman ‘yung anggulo!” sabi ko pa sa kanya. Halatang naiilang na siya nang makita kong panay ang pagtingin niya sa mga customers na nakikiusyoso sa pagkuha niya sa akin ng litrato. At dahil nawala yata ang hiya ko sa katawan ngayong araw pagkatapos ng pagsayaw ko sa club kagabi, tinodo ko na ang fitting game nang mag model talaga ako sa harapan ni PJ. Animo brand ambassador ng boutique na pinasok, kung anu-anong poses ang ginawa ko sa harap ng phone ko. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni PJ habang pumipindot dito. Mukhang pikon na pikon na siya at kaunti na lang ay iiwanan na ako nito! Kaya nga lang bago pa siya sumuko ay ako ang unang napagod sa ginagawa. Nang makapili na ako ng mga damit ay agad kong dinala ang lahat sa counter. Syempre’y nakasunod pa rin si PJ sa akin. Binalik naman niya sa akin ang phone ko at siya naman itong naglabas ng sarili niyang phone. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pag-angat ng isang dulo ng kanyang labi habang nakatitig dito. Nangingiti ba siya? Napairap ako sabay iling. Kanina ang seryo-seryoso niya habang kinukuhanan ako ng litrato, parang inis na inis siya kasama ako. Tapos ngayon napapangiti siya ng kung sino mang kausap niya? “Hi Ma’am, how would you like to pay for these po?” tanong sa akin ng babae sa cashier, Loisa ang nakalagay na pangalan sa kanyang name tag.  At dahil nakita kong busy si PJ at nalagay na sa paper bags lahat ng items na dinala ko sa counter, I thought of the best way to cut him off completely. “Ah, ‘yung KUYA ko ang magbabayad,” sagot ko sabay siko sa tagiliran ni PJ. Napatingin naman siya sa akin agad ng masama at nagpaawa ako. “Thank you sa treat mo sa akin! You’re the best KUYA in the whole wide world!” Nang makita ko ang animo pag-usok ng ilong at tainga ni PJ, akala ko’y panalo na ako dahil mukhang magwo-walk out na siya. Kaya naman laking gulat ko nang ilabas niya ang wallet niya. Naglaho ang ngiti sa labi ko nang may kinuha siyang card dito at inabot sa cashier. “Ang sarap namang magkaroon ng kuyang tulad mo, Sir,” malagkit ang tinging ipinukol ni Loisa kay PJ! Mukhang may iba itong ibig ipahiwatig kaya kinuyom ko ang dalawang palad ko sabay kuha ng mga paper bags mula sa counter. Maglalakad na sana ako papalayo nang agawin ni PJ mula sa akin ‘yong mga dala ko. Marami-rami rin ito kaya naman nang makipag-agawan ako ay ayaw niya talagang magpatalo. Sa huli ay hinayaan ko na lang siya. At nakalabas na sana kami ng boutique mapansin kong may isang paper bag na naiwan. “Bakit?” tanong ni PJ nang papasok sana ulit ako. Hinawakan niya kasi ako sa braso. “May nakalimutan lang,” sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa loob. Doon sa cashier. Ngumiti naman sa akin si Loisa nang makita ako ulit. Inabot niya ‘yong naiwan ko. “Is there anything else I can help you with, Ma’am?” malambing nitong tanong. Animo naga-apply nang sister-in-law ko. Imbes na sa akin ang atensyon, panay ang tingin niya sa bandang likuran ko kung saan naghihintay si PJ. “Ah, Loisa right?” Pinalis ko papalikod ang buhok ko sabay ngiti sa kahera. “Gusto ko lang sabihin na hindi for sale ang kuya ko, at parte siya ng sindikato. Have a nice day!” *** Hindi tumalab ang outfit ko, ang pagpapahirap ko habang namimili ng mga damit, maging ang pagpapabayad ko ng mga pinamili ko. Ang dami ko na ngang biniling gamit para sa unit ko na siya ang pinagbitbit ko pero para siyang bato. Sumasakit na tuloy ang ulo ko kakaisip ng paraan kung paano ko matataboy si PJ. Dahil hindi rin naman ako kumportable sa outfit ko, nagpalit na ako ng simpleng damit bago kami nagpunta sa salon para magpaayos ng buhok. Iniisip kong gutumin siya para iwan ako pero parang nasa mukha ni PJ na sanay siyang magtiis ng gutom. Ako itong kanina pa kulo ng kulo ang tyan habang nakaupo sa harap ng salamin. Habang tino-torture ko siya, para bang ako itong mas nahihirapan. Ito ba ‘yong tinatawag nilang karma? “Miss, anong hairstyle ang gusto mo?” tanong ng hair stylist na na-assign sa akin. Binalik ko na lang muna ang atensyon ko sa bucket list item sa araw na ito. Dahil may na-save naman na akong litrato sa phone ko na gusto kong gayahin ay pinakita ko na lang ito sa kanya. Gusto kong magpakulay ng medyo brown at magpakulot na rin. Matagal pa kami rito sa salon kaya sigurado akong maiinip talaga si PJ. Aalis din ito maya-maya lalo na kapag naghapon na. Imposible naman kasing hintayin pa talaga niya akong matapos magpaayos ng buhok. That would be too much of a hassle lalo na’t saying talaga ang oras niya. Nasa couch siya ngayon at gumagamit lang ng cellphone. Mukhang bored na bored na siya pero talagang may paninindigan siya kaya hindi pa niya ako iniiwan. May kung anu-anong inilagay sa buhok ko. Matagal din akong kailangang maghintay. At dahil inaantok talaga ako kapag hinahawakan ang buhok ko, hindi ko namalayan nang makatulog na ako. Pagdilat ko, babanlawan na raw ang buhok ko. Napansin ko naman sa reflection na nawala bigla si PJ sa couch. Hindi ko alam kung bakit ako medyo nadismaya imbes na matuwa sa pagkakataong ito. Gusto ko naman talaga siyang mawala pero ito ako at nakaramdam bigla ng lungkot nang maiwanan. “Nakita mo pong umalis ‘yung kasama ko?” tanong ko sa hair stylist na nagbabanlaw ng buhok ko. “Ay hindi po ako sigurado Ma’am. Hindi ko napansin. Pero kanina parang kinukuhanan ka pa niya ng litrato habang natutulog.” Kumunot ang noo ko. Gumaganti pa yata ang isang ‘yon dahil sa nangyari kagabi. Hindi lang maka-move on? Mabuti na rin sigurong umalis na si PJ. Para wala na akong intindihin. Pagbalik namin sa harap ng salamin, ayon lang at nagulat ako nang makakita ng burger at juice sa maliit na patungan sa harapan ko. Napatingin agad ako sa reflection at nakitang nakaupo na ulit is PJ sa dati niyang pwesto sa couch. Kumakain din siya ngayon ng kaparehong burger kaya mukhang sa kanya galing ang pagkaing natanggap ko. Umalis siguro siya sandal para bilhan kami ng makakain. “Ang sweet naman ng boyfriend mo, Miss,” sabi ng hair stylist na halatang kinikilig pa sa tambalang siya lang ang nagpauso. “Ah hindi ko po siya boyfriend. Kuya ko po,” pagtatama ko bago nakangiting kinuha ang pagkain. “Ay sorry! Bagay kasi kayo e. Sayang, magkapatid pala kayo,” nahihiyang saad nito. Napatingin akong muli kay PJ at tipid na nangiti. Dahil sa kabutihang pinakita niya sa akin ay huminto muna ako sa planong pagtataboy sa kanya. Payapa lang ang lahat hanggang sa makabalik na kami sa condominium pagkagaling sa salon. Dire-diretso kami sa elevator. Gabi na nang matapos ang pagpapaayos ko. Wala kaming sinasabi sa isa’t isa. ‘Ni hindi nga niya pinuri ang bago kong hairstyle. Tinitigan lang niya ako ng matagal at muntik na siyang matalisod. Huminto ang elevator sa palapag kung nasaan ang unit ko. “Ako na,” sabi ko nang bawiin ko ang ibang pinamili ko. Pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. At dahil wala na nga akong lakas ay sumunod na lang ako sa kanya. Nagtaka nga lang ako dahil wala pa man ako sa pinto ay nakita kong bukas na ito. Nakatayo sa harapan nito si PJ at para bang maging siya ay nagulat din. “Hoy! May duplicate ka rin ba ng susi ng unit ko?!” Nagulantang ako nang makita ko ang bukas na pinto ng unit ko. May nakatayong babae’t lalaki rito na hindi ko naman kilala at mukhang maging sila ay nagtataka rin nang makita kami ni PJ. “Anong ginagawa niyo sa unit ni Iaree?” seryosong tanong ni PJ. Pero hindi ko naman siya kailangan para protektahan ako kaya sumingit na ako. “I have one-year rental lease in this unit. Paid na rin iyon. Anong ginagawa niyo sa loob ng unit ko?”  Nagsalubong ang kilay nung babae. Nagkatinginan pa sila nung lalaking kasama niya. Tila ba hindi nila naintindihan ang sinabi ko. “Miss, kami yata ang dapat magtanong. Anong ginagawa mo sa unit namin?” At dito ko nabitawan ang mga dala-dala kong paper bags.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD