Nakita ko ang paggalaw ni PJ sa couch kaya naman hinugot ko agad ang flash drive ko at niligpit ang laptop na hiniram. Lumabas muna ako ng staff room at ikinuha siya ng tubig. Saktong nakita ako ng mga kasamahan ko kaya nagpaalam na rin silang aalis dahil sarado na ang coffee shop. Hinayaan ko naman na sila. At kami na ni PJ ang magsasarado ng Cup of Twist pag-alis namin. Pagbalik ko sa staff room, naabutan kong paupo na si PJ at nakahawak sa kanyang ulo. Inalalayan ko siya at inabutan ng tubig para mahimasmasan. Kaunti lang ang ininom niya at binawi ko naman ang baso. Hindi ko alam kung anong pwedeng gamot para sa hangover kaya tuloy nagsimula akong mataranta. Aalis sana muna ako para ibili siya ng gamot pero agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakayuko siy

