“You’re not supposed to be here.” Ito ang sinabi ni PJ bago ako hinawakan sa palapulsuhan at marahang iginiya sa kanyang likuran. Tila nagbigay proteksyon ang lapad ng kanyang katawan kaya naman kahit papaano ay kumalma ang buong sistema ko. Kinain ko agad ang sinabi ko kaninang umaga na hindi ko siya kailangan. Masakit pa rin ang parte ng balakang kong pinalagyan ko ng tattoo pero pilit ko itong ininda upang hindi na niya mapansin pa. Ayaw ko namang dito pa kami magtalo ‘pag nagkataon. “I’m sorry, hindi ko naman kasi--” Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni PJ sa akin kaya natigilan ako sa pagsasalita. Napatingin naman ako sa mga lalaking humabol sa akin kanina at dito muling nangatog ang mga binti ko. Paano’y ang isa sa kanila ay nagawa pang lumapit kay PJ, tila nakahanda

