Chapter 4

2363 Words
Gaya nang nakagawian kong mga gawaing bahay maaga ulit akong bumangon upang ipaghanda ng almusal ang aking nga amo. Cereal lamang para kina Mrs. Sørensen, bread with avocado and salt flakes naman kay Sir at siyempre ang kaniyang kape. Sa mga bata naman ay naisipan kong gumawa ng pancakes at nagtimpla na rin ng mainit na milktea para makondisyon ang kanilang katawan, walang maiiwan mamaya sa bahay kundi ako lang, siguro maglilinis nalang ako at mag-iisip kung ano ang aking lulutuin para sa kanilang hapunan, papasok sa opisina ang mag-asawa at isasabay naman nila sina Karen at Andrew dahil papasok na sila sa kanilang eskwela. Gaya nang nakasanayan, nauna na akong kumain dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na kasama sila sa hapag, kahit madalas akong pagsabihan ni Mrs. Sørensen. Ginaganahan ako sa lahat ngayon kaya hindi ko namalayan na nasa hapag na ang buong mag-anak. “Ate May-may, why are you smiling?” Narinig kong mahinang tanong ni Karen habang nilalapag ko sa kaniyang mesa ang plato ng kaniyang pancake. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko kaya napatigil na lang ako saglit saka naman nagsalita si Andrew. “Well, maybe ate May-may has a boyfriend.” he said jokingly, humahagikhik pa ito. Pinagsabihan naman agad siya ng kaniyang ina sa wikang Danish at tinapik ang kaniyang kamay. “No, it’s just I have a complete sleep and I feel recharged,” I explained while faking my smile. Ayaw ko naman na mag-iba ang impression sa akin ng mga amo ko lalo at wala pa akong isang taon sa kanila. Mahirap na at baka masesante sa mga kaharutan ko. “It’s fine dear, forgive my Andrew for being too nosy.” She said with an apologizing look. Mukha namang walang pakialam ang bunso at ngingisi-ngisi pa. Then her husband spoke, “Well it seems Andrew had your personality right?” mapagbiro nitong wika na tumataas-taas pa ang dalawang kilay. Natawa naman ako ng samain siya nang tingin ni Mrs. Sørensen. Halatang pikon ang amo kong babae, dahil minura niya ang asawa sa kanilang wika. Tawa lamang ng tawa ang lalaki at kumuha ng tissue sa kanyang gilid at pinunasan ang labi. “Anyway, May. A Friend of mine will be staying here for a week maybe until he finds an apartment. Can you please clean the guest room?” Utos ni Sir, habang binubuhusan ko ng tubig ang baso niya. Nagpunta muna ako sa dalawang bata upang salinan ng tubig ang kanilang baso bago nagtanong ng mga detalye tungkol sa kaibigan niya. “Uhm, which of those guest room sir?” “Hmm, I think it would be better if the guest room on the right corner? Near your room, so he can ask you when he needs something? Don’t worry he’s kind and I knew him for years because I had a business trip together with him last year in Flyn.” Mahabang sagot naman niya, ramdam ko naman na nirereassure niya ako lalo at lalaki pala ang kaibigan na papatuluyin niya. Nakagat ko nalang ang labi ko, habang dahan-dahang tumango. Medyo kampante naman ako dahil alam kong isa ang Denmark sa pinaka safe na lugar, bibihira lang ang rape cases dahil iba ang pagpapraktis nila ng kanilang sexualidad dito. Kung sa Pilipinas ay nasira mo na ang dignidad at puri mo dahil lang sa uto-uto ka at bumukaka ka para lang sa jowa mo, iba naman dito. Walang Marites, walang mildred at mosang na mangchichismis sa kung sino ang kasama mo kahit hating-gabi pa iyan. “Okay sir, I’ll just ask ma’am later after breakfast for the keys to the storage room and guest rooms so I can change the sheets. When will he be coming by the way sir?” I formally ask. “I will check my messages later after this.” humigop siya sakaniyang tasa at saka tumingin sa kaniyang relos. Isa din pala sa mga batas ditto sa kanilang tahanan na ihiwalay ang kani-kanilang mga cellphone sa oras ng kainan bilang paggalang sa pagkain na nasa kanilang hapag. Nagpunta muna akong sala at naupo habang inaantay sila na matapos, maya-maya pa ay lumapit na si Mrs. Sørensen sa akin at iniabot ang susi na nasa kaniyang hand bag. Naka coat pala si Ma’am ganun din si Sir at ang mga bata, nakakatuwa lang kasi ang propesyonal tignan sakanila. Ilan pang mga payo ang binigay ni Mrs. Sørensen sa akin kung papaano ang set up na gagawin ko sa pag-aayos ng guest room dahil daw may pagka metikoloso ang bisita, sinabihan din ako na ako na bahala sa bahay. Naglakad kami ng sabay hanggang sa may pasilyo lang at nagpunta sila sa garahe samantalang nang punta naman ako sa may gate. Malamig ang metal nang mahawakan ko, nakalimutan kong kunin ang mittens ko. At noong nasa tapat na nila ako, Ibinaba ni Mr. Sørensen ang bintana ng kaniyang sasakyan at sinabing baka mamayang gabi makarating ang bisita. Kaya naisipan kong linisan na ang guest room pagkatapos silang Pagsarahan ng gate. Kumaway pa saakin ang mga bata, at pinayuhan ako na Huwag ko raw kalimutan na gagawa kami nang pastillas pagka nakauwi na sila. After lunch pa naman sila makakauwi dahil half day lang ang pasok ng mga mag-aaral dito para daw maalagaan nila ang kanilang mental health. Naalala ko noon, nasabi nga saakin ni Lars na minsan ay pumalo ang suicide rates o cases nila nang halos kaparehong porsyento sa Japan, nakakabahala ito dahil ang bansang Japan ay nangunguna sa mga may malaking bilang ng nagpapakamatay. Madalas daw na sanhi nito ani pa niya, ang pagiging unstable o unsure sa mga gusto sa buhay nag nagdudulot ng anxiety at depression. Dahil sa rasong iyon naisipan nang gobyerno nang Denmark na tumanggap ng mas marami pang refugees at mga nag nanais na maging danish citizen sa pamamagitan ng maluluwag na recruitment policies para sa mga migrants gaya ng community examination, at pagka nakapasa ka na daw ay makukuha mo na ang kaparehong benipisyo na naeenjoy ng bawat Danes ditto, hindi lang ako sigurado kung hanggang ilang taon ba dapat manatili dito bago makakuha ng exam na nasabi. Isa yun sa mga suggestions niya saakin noon habang pinag-uusapan namin ang magiging future namin kung sakaling di kami magkatuluyan sa huli, naalala ko pang siguradong-sigurado pa ako na pag-umayaw na siya saakin ay bukal sa kalooban kong palayain siya. Pero di ko pala magawa, ang hirap pala. Naiiyak nanaman ako, kada talaga siya ang naiisip ko hindi ko mapigilan maging emosyonal. Mula sa storage room ay kumuha na ako ng sapat na dami ng punda at bed sheets kasama na rin siyempre ang nga duvet o comforter, makapal itong kumot bagay na bagay sa lugar na ito. At bagamat may aircon ang pamilya, madalas nilang gamitin ay ang heater dahil malamig masyado sa labas at kailangan nila ng katamtamang temperatura pag nasa bahay. Naglakad na ako patungo sa naka bukas na kuwarto at agad na nag walis ng alikabok at nag vacuum na rin para sigurado. Sinigurado ko din na walang gusot ang paglagay ko ng bagong bed sheet at mga punda pati na rin ang pag tupi ng comforter. Tiniyak ko na spacious ang kuwartong iyon pati na ang loob na bathroom nito. Tinignan ko sa cabinet kung may sapat pa bang shampoo, toothpaste, sabon saka bagong set ng electric toothbrush. Habang ginagawa ko lahat nang iyon ay di ko namalayan ang oras, mag-aalasdos na pala. Baka dumating na ang mga bata, kaya agad akong pumahik sa kuwarto ko matapos isara ang guest room at naligo. May school bus naman na naghahatid sa mga bata kung sakaling ipinaalam na ng magulang kung hindi nila masusundo ang kanilang mga anak. Wala pang 10 minutes nang matapos akong maligo, nakatapis lang ng tuwalya akong lumabas at naghanap ng komportableng shorts, dahil hindi ako sanay na maglagay ng pajama o jogging pants habang basa pa ang mga hita ko. Naka malaking t-shirt lang ako at may tuwalya sa ulo ng marinig kong may nag doorbell, naisip ko na baka mga bata na iyon kaya hindi na ako nag-abala pang magsuot nang mas mahabang tabing saaking hita. Nagmamadali akong lumabas sa bahay dahil may pagkamainipin silang magkapatid, nagkanda patid-patid na ako kaya hinawakan ko ang tuwalya sa ulo ko para hindi mahulog kakalaba ko lang kasi ito. Nakatingin lang ako sa aking daan upang makita ang mga batong nakakalat, at para di ako madapa. Nang malapit na ako sa may gate ay hinanda ko ng hawakan ang malamig na metal na lock nito. Nakita ko naman agad ang mga bata na ka bagpack ng maliiit. Excited na lumapit upang yumakap saakin ang dalawa, hindi naman na ako nahirapan na lumuhod o ano dahil matatangkad naman ang nga bata. “Ate May!! I miss youuu! Did you prepare the ingredients already??” excited na tanong ni Andrew na agad namang sinigundahan nang kaniyang ate Karen. “Yeah! I have been telling to my friends about it as well. And they said I should bring them some for tomorrow, so we should make pleeeeenty of pastillas” “Okay, Okay kids, but first let me carry your bags. Or else you would look like Quasimodo!” I jokingly said. They just giggle and help me get there bag from their back. “Did the Bus already left you here?” concern kong tanong, dahil kadalasan naman ay inaantay pa ng driver na makuha ang mga bata ng parents o guardians ng mga ito bago umalis “Nooooo, Uncle Lars drove us here. I thought you know that he’s coming here with us?” sagot naman ni Karen. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa narinig. Lars? Hindi kaya siya na iyon? O baka naman iba, kasi common na ang mga ganoong pangalan sa Denmark. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga, hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Nanlalamig ang mga paa at kamay ko sanhi ng pagkanginig ko kaya pinilit ko nalang na ngumiti sa dalawang bata, at inayos ang postura ko habang nasa magkabilang balikat ko ang kanilang bag. “S--- so where is he now?” kinakabahang tanong ko. “Uhm---” nakita kong luminga linga si Karen at tinignan ang mga naka park na mga sasakyan sa malapit sa harap ng kanilang bahay. “Oh! There he is! He’s just getting his things! Lot of things actually hihi.” Sagot muli ni Karen habang nakaturo sa isang itim na kotse, nakabukas ang compartment nito at may tao nga sa likod noon. Sinikap kong tumingkayad at silipin ngunit hindi kaya mula sa pwesto ko. “Can we uhm just wait for him, so you can help me where should he put his things later?” Masuyong pakiusap ko, tumango naman ang dalawang bata. At sinamahan nga nila akong mag antay na matapos ang lalaki sa ginagawa. Pakiramdam ko ang tagal nang ilang minuto na iyo dahil sa kaba na baka si Lars nga iyon, ibang Lars na kapangalan lang niya. Hinanda ko na ang sarili kong madismaya nang dahan-dahang naglakad ito papunta saamin na tila nagslow-motion ang dating saakin. Nakatitig lang ako sakaniyang sapatos habang papalapit siya, at habang hawak ang kamay ng aking mga alaga. Naka maong na pantalon ito, at may suot na turtleneck sweater na kulay brown. Dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin,dinig ko ang bawat t***k ng aking puso. Halos habulin ko ang aking hininga at napasinghap nang makita ang Lars na tinutukoy ng dalawang bata. May katamtamang laki ng katawan ito, sobrang tangkad at sobrang puti. Namumula-mula ang matangos nitong ilong, may mapupungay na mga mata, mga matang kulay asul at natatakpan ng malaking itim na salamin, at mayroong mapupulang manilis na labi. Kulay ginto din ang buhok nitong naka clean cut. Pinilit kong huwag suminghap at mas lalong humikbi. Pinilit kong tumayo ng matatag doon kahit na nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking mga traydor na luha. Hindi ko na marinig ang paligid. Siya iyon, alam ko. Si Lars iyon, yung lalaking mahal na mahal ko sakabila ng lahat ng nangyari saaming dalawa. Inantay ko na salubungin niya ako ng tingin, at nakita ko din na napatigil siya at pinag masdan ako ng mas matagal. Nagkatitigan kami, at wala akong ibang marinig kundi ang pintig ng puso ko, walang ibang gustong gawin ang katawan ko kundi ang yakapin siya at humagulgol na parang bata sakaniya, gusto kong sabihin lahat ng mga pasakit ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, kaya pinutol ko ang pakikipagtitigan sakaniya at binitawan ang kamay ni Andrew na takang-taka sa naging reaction namin ng Uncle niya. Nakita ko naman na lumapit si Karen, na bumitaw na pala sa pagkakahawak ko upang samahan na akayin si Lars palapit saamin. “Are you crying Ate May-may? Did uncle Lars scared you??” naguguluhang tanong ni Andrew. Tumingin naman ako sakaniya at ginulo-gulo ang buhok habang pinipigilan ang muling pagpatak ng aking luha. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob upang muling salubungin ng tingin si Lars at ayain sa loob. “uhm, S—sir Let me accompany you to the house and for your r—room.” yumuko ako at hinawakan muli ang kamay ni Andrew, nang hihina ako. Pakiramdam ko nakatingin sya sa akin mula sa pagpasok namin sa main gate hanggang sa pagpasok sa bahay. Pinagpalit ko ng damit ang dalawang chikiting, kaya nag-unahan sila na magpunta sa taas. Naiwan lang kami ni Lars… Nakita ko ang dalwang malaking bag na hawak niya at isang bagpack. Nanginginig man, ay lumapit pa rin ako sakaniya. “Uhm, Let me get y—your bag sir. I’ll bring it to your room here, don’t worry.” tuwid kong pakiusap sa kaniya, habang akmang bubuhatin ang nga bagahe na nasa lapag. Ngunit napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinatuwid ako ng tayo. Tumingin lang siya saakin ng diretso sa mata na parang binabasa ang aking emosyon, na tila tinutunaw ang pagkatao ko. Tingin na tila na ngungusap. “How are you Maybelline?” Apat na salitang kay tagal kong inantay na marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD