Chapter 5
“How are you Maybelline?”
Apat na salita, salitang matagal ko ng gustong marinig.
My senses become so numb except that I could feel how cold his hand is, as well as mine. How my body reacts now that he is holding my arm, how my heart over react on the way he look straight to my eyes. This is what I’ve been craving for so long, this is the moment that I prayed for. Now he’s standing next to me, asking if how’s life, like it’s just so easy trying to survive with all this f*****g messed up situations I’ve been through. I couldn’t help reminiscing how he told me he would be in life’s greatest struggles… but of course he end up leaving, because that relationship ain’t gonna work.
“I’m fine sir, excuse me. I have some things to do. If you want you can follow me on your room and I will just call you when snack is ready.” I manage to broke a smile in front of him. Gusto kong sabunutan ang sarili ko, ito na iyon! Yung araw na inaatay ko! Ba’t inuunahan ako ng pesteng pride ko! Dapat niyakap ko na siya.
Taliwas ang lahat ng gusto ng utak ko sa sigaw ng puso ko, pero alam ko rin na dapat ilugar ko ang pagkasabik ko sakaniya. Nakita kong tumango lang siya at kinagat ang labi, nauna na ako papunta sa pasilyo papalayo sa sala kung saan naroon ang kaniyang kwarto katapat lamang ng akin. Nag mamadali akong lumabas pagkatapos ko siyang ihatid, tumigil nalang ako sa may dingding malapit sa kusina atsaka nagpakawala ng hangin, pakiramdam ko nasasakal ako, nauubusan ng hininga…
Nakakapagod,
Gusto ko na siyang kausapin, ngunit kailangan kong maging propesyonal at isaalang-alang ang tamang pamamahala ng bahay dahil isa lamang akong alipin dito. Maya-maya narinig ko na ang mga yabag ng mga bata, nag-uunahan sila na magpunta sa kusina kaya naman bago ako sumunod ay nagtungo muna ako sa kwarto ko upang tanggalin ang tuwalya sa ulo ko dahil sumasakit na ang ulo ko.
Dali-dali akong nagpunta sa kusina, nakita ko naman na nagsuot na ng apron ang dalawang bata. Masayang masaya si Karen, ganun din naman si Andrew na hawak hawak ang sandok. Nag- apron naman na ako at nag-umpisang samahan si Karen sa pag lagay ng powdered milk ang bowl, hinayaan ko lang na panoorin kami ni Andrew na kumakanta pa nang nursery rhymes. Sinusubukan kong umakto na parang wala si Lars dito, ayaw kong bumalik doon sa kwarto niya at yakapin siya ng napakahigpit.
Nasa pagbibilog na kami ng pastillas nang lumabas si Lars, at pinanood ang ginagawa namin. Kinausap naman siya ni Andrew sa salitang Danish kaya di ko sila maintindihan, napasulyap lang ako sakaniya ng marinig kong sinabi niya ang salitang “Pastillas”. Nagtaka naman ang dalawang bata at tumingin sa kaniya, narinig kong may tinanong si Karen, habang ako naman ay nanatili ang tingin sa lamesa at sa dalawang kamay ko na nagbibilog ng pastillas.
“Well, that’s May-may’s favorite candy. If I remember it pretty well.” I heard him whisper, namilog naman ang mata ni Karen at tumingin saakin na nalilito. Alam kong magtatanong na ito.
“Do you know each other?” nahihiwagaang tanong nito, hindi ko batid kung para saakin ba iyon o para sa uncle nila.
I just heard him chuckle and get some of the round pastillas that we just made. Napalunok ako nang tumitig siya saakin habang sinubo iyon, napasinghap ako.
“Hmmmm, now I got to finally taste your pastillas May-may. You’re right, I would love this candy.” tumingin siya kay Karen at sinagot ang tanong nito.
“May-may is my friend, Karen. A very good old friend of mine.” Diretso ang tingin niya sakin, nakakapanghina napalunok na lang ako at ibinalingnag tingin sa ginagawa.
“Ahhhhh, you Didn’t have s*x with her right?” Diretsahang tanong uli ni Karen, doon naman nanlaki ang mata ko. Ibang klaseng bata, ang sarap sampalin ng bunganga.
“Karen!” I shouted, nabigla ako sa tanong niya at alam kong ganon din si Lars.
“No, we just met online. But if things got the opposite way before, then maybe you and Andrew have a playmate already.” mapait na sabat ni Lars. Napalunok naman ako at pinagmasdan siyang magtungo sa sala habang nakatingin sa phone niya. Hindi ko alam ang sasabihin sa mga bata, hiyang hiya na ako. Gusto ko nalang lamunin ng lupa mula dito sa aking kinatatayuan. Ang kapal ng mukha niyang sabihin yan samantalang ako naman ang iniwan niya sa ere, dahil daw he knows that he isn’t good for me.nanlilisik ang mga mata ko pero hindi ko nalang siya tinignan.
“D—don’t mind him, he’s just joking he he. Andrew can you get the jar on the left counter and we will put there the finished pastillas.” utos ko nalang, gusto kong puntahan si Lars sa sala at sabunutan. Huminga nalang ako ng malalim at nagpunta sa ref upang maghanda ng kaniyang meryenda. Gumawa ako ng quick sandwich at nagtimpla ng kapeng barako.
“Kids? Just stay there okay? I will just give this to your uncle so he could have snack.” Paalam ko sa dalawang batang nagkwe-kwentuhan na habang pinapapak ang pastillas. Tumingin lang sila sa akin at saka tumango, dala ko ang tray hanggang sa makapunta sa salas. Nasa selpon ang tingin ni Lars, nakakunot ang kaniyang noo habang may tinitipa sa selpon. Inilapag ko ang tray sa harapan niya, sa may maliit na mesa. Atsaka ako tumikhim, napatingin naman siya saakin. Tiim niya akong tinitigan bago bumuka ang kaniyang bibig.
“Why didn’t you tell me you’re here?” tila galit na tono niya. May halong panunumbat iyon na tila kasalanan ko pang hindi ko sinabi na nandito na ako.
“Since when did you work here? Why I don’t know? Why didn’t you contacted me?” dagdag na mga tanong niya. Naghahanap ng kasagutan ang kaniyang mga mapupungay na mga mata na natatakpan ng salamin.
“5 months, I searched for you here. But I couldn’t find you. I went to your parent’s house but you weren’t there.” I said, marami pa akong gustong sabihin. Ngunit ito lang ang kayang ipabatid ng utak ko, ayaw ko ng magsalita dahil nasasaktan ako. Akala ko prepared na ako para sa ganitong pangyayari. Hindi pa pala, gusto kong tanongin sa kaniya na ngayong nandito na ako. May pag-asa ba kami?, tatanggapin niya kaya ako?
Sa totoo lang, takot ako sa sagot niya. Sapagkat narinig ko na lahat ng masasakit na salita mula sakaniya noon, tungkol sa relasyon namin. Ayaw kong mareject. Gaya nga ng sabi ko noon, makita lang siyang okay, ayos na ako. Hindi na ako maghahangad ng iba, ng mas higit pa sa sitwasyong makita siya.
Nakita kong tumango siya at tumayo, hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sakaniya. Niyakap niya ako, nanginginig ang katawan niya habang nakabaon ang kaniyang ulo saaking leeg. Kung sa ibang sitwasyon ito matatawa pa ako dahil pinipilit niyang ipagkasya ang sarili niya sa maliit kong katawan. Pero iba, ang naririnig ko lang ay ang t***k ng puso namin, naluha ako. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ito, ni sa panaginip ay di ko naranasan na mayakap niya ako nang ganitong kahigpit habang humihikbi.
“I’m here now.” iyan lang ang namutawi sa akin habang lumuluha. Sa pagpikit ng mata ko naalala ko nanaman ang mga mensaheng paulit-ulit ko noong binabasa na mula sa kanya.
“I won’t promise anything I might not able to live up to, I don’t know in a year on an instance. But yes, I really wanted to be with you and I am waiting for you”
“Oh God! The late night honestly coming up: but I’m sad knowing you live far away. I really wish I could take you out for dinner, talk and laugh with you, I’m sure we will have a good time together”
“Get some sleep babe, then if you wake up try messaging me and I will reply as soon as I read your messages”
“Why do you live so f*****g away?”
“I wish you’re here”
“This relationship wouldn’t work! Can’t you see? We always argue! We are different! We live so far from each other. I’m sorry but I need to block you for you to move on from me”
At that though, I blink and made a poker face while he’s still hugging me. Hindi ko alam, bumagsak na lang ang braso ko mula sa pagkakayakap sa kaniya dahil naalala ko nanaman yung sinabi niya noon na wala na talaga. Wala na talaga kaming pag-asa. Sumuko siya nung panahon na nagmamakaawa ako sa kanya na baka pwede pa, na baka kaya pa. nab aka gusto niya lang nang space, pero babalik lang din siya sa akin, pero an narinig ko lang mula sa kanya na paulit-ulit niya lang akong nireject, madalas ay nagagalit pa siya dahil ang kulit ko daw. Nilamon ko lahat ng hiya ko noon sa katawan at nagmakaawa. Pero hindi niya iyon nakita, ang tanging nakikita niya lang ay ang hirap niyang mag-aantay para lang saakin.
Dahan-dahan ko siyang tinulak at, pinunasan ang luha ko. Nakita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko, sumibangot siya at suminghot pa. Nakita kong namumula ang kaniyang mukha at meron syang nga tuyong luha. Tumingin sya sa mga mata ko at nagsalita.
“I miss you.” his voice broke while he’s saying that word. Suminghot lang ako kasi pakiramdam ko na tutulo na ang sipon ko sa pagpipigil ko ng luha.
“I do too, t---that’s why I am here. But I think, I am fine just by seeing you now. L---let’s not talk again.” kinakabahang sinasabi ko, nakagat ko ang labi ko dahil tutulo na ang mga luha ko. Agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa kwarto ko. Umiyak lang ako ng Umiyak doon, okay na. Ito na yung gusto ko diba? Makita lang siya?? Pero bakit ganito? Bakit masakit sobrang sakit.
Hindi lang din ako nagtagal sa kwarto ko dahil alam kong may mga batang nag-aantay sa akin sa salas, pumasok muna ako sa cr ko at saka nag hilamos. Nag lagay na rin ako ng jogging pants para di lang manipis na short ang suot ko. Nagpraktis muna ako kung paano ngumiti bago pihitin ang siradora at magpunta sa kitchen. Ngunit wala na doon ang mga bata, tanging mga maruming hugasin na lamang at di pa napupunasang counter table.
Hinanap ko muna ang mga bata at nakita sila sa salas kasama si Lars na sumisimsim pa ng kapeng ibinigay ko sakaniya habang nasa tabi naman niya ang dalawang bata at tila nag-uusap sila. Hindi ko maintindihan dahil salitang danish ang ginagamit nila, kaya nagtungo na lang ako sa kusina at nag-umpisang maglinis ng mga kalat. Iniligpit ko na rin ang iba pang mga gamit matapos itong matuyo, habang naglilinis ako napansin kong puno na ang trash can kaya itinali ko na ito at nagtungo sa kabilang pintuan kung nasaan ang likod bahay, nandun ang mga garbage bag na iniipon ko dahil ilalabas ko lang din sila pag nandiyan na yung nangungolekta ng basura.
Alam kong nakamasid lang sa akin si Lars, kaya pinanatili kong okupado ang araw ko. Nagvacuum sa itaas na bahagi ng bahay, nagpunas ng mga webless at mga babasagin. Nang mapansin kong malapit nang mag alas-syete ay dali-dali na akong nag hugas ng kamay upang maghanda ng iluluto. Binuksan ko ang double door fridge ng mga amo ko, habang nag-iisip kung ano ang iluluto para sa araw na ito nang mapansin kong may dumaan sa likod ko at tumigil mismo sa tapat ko. Huminga ako ng malalim.
“You should just stay in your room, I’m not comfortable with you here in the kitchen.” tiimbagang pahayag ko, na pinanatili ang tingin sa ref.
“Why? Don’t tell me you’re scared of what we would do here.” may diin ang kaniyang pananalita, kaya humarap ako sakaniya matapos isara ng padabog ang ref.
“No I’m not.” maikli lamang na sagot ko ngunit nanghahamon akong tumitig sa maladagat niyang mga mata.
“Then pretend I’m not here, and just do your job. I’m interested that you can cook now.” he said smiling, a teasy smile. He then went to one of the high chairs and crossed his arms. Pinagmamasdan ko lang siya sa kaniyang pagkilos.
“Cook adowbow, I want to taste your version. Besides my Friend Jacob won’t bother at all if I request some food for you” dagdag niya pa na halatang nang-aasar pa, namumula ang aking mukha sa inis at pagkayamot. Kaya tumalikod na lang ako at sinunod ang bilin niya. Nagsalang muna ako ng kanin sa rice cooker, atsaka bumalik sa paghahanap ng mga rekado sa ‘adowbow' niya. Ang arte ng accent pero wala eh ganiyan talaga siya, pero ang ingles naman niya ay napakabanayad, parang laging naglelecture lang, palibhasa ay isa siyang kilalang researcher dito. Isa sa mga bagay na ipinagmamalaki ko noon sa mga kaibigan ko sa Pilipinas.
Inihanda ko na ang mga rekado; sibuyas, bawang, paminta, soy sauce,asukal, suka at yung baboy. Inilabas ko naman na ang isang bowl at pinaghalo-halo ang nga sangkap upang maimarinade pa ang baboy pagkatapos ko itong hugasan.
Isinalang ko na sa electric stove and medyo malalim na pan at nilagyan ng konting mantika, pinirito ko naman ang baboy doon upang maging malambot ang karne, hinati ko na pala ito into cubes bago ko pa imarinate. Nung mapansin kong medyo malambot na ang karne at medyo crispy na ang balat at hinango ko muna ito saka nag gisa. Pinanatili ko ang pansin sa niluluto at hindi na nag-abalang tumingin sakaniya, habang siya naman ay tinutunaw ako ng tingin mula sa likuran. Tahimik lamang siya habang pinapanood akong iluto so marinade ang karne. Gusto kong gawin ay iyong tuyo na adobo kaya naman humarap ako sa kanya upang magtanong.
“Uhm, do you want me to put some potatoes on it?”
He look so surprised, and just nodded when I ask him. He just look amazed on what I am doing, I clean and cut some 4 pieces of potatoes. Hinugasan ko ito at naglabas malinis na tissue atsaka tinuyo, sa isa namang pan ay pinrito ko ito hanggang sa maging cripy ang outer layer niya bago hinalo sa kumukulong adobo. Dinagdagan ko ito ng asukal kanina para mas masarap. Narinig ko naman na tumunog ko ang rice cooker kaya nagtungo ako sa kabilang dulo at pinatay ko na ito.
Kumuha ako ng sandok at nilagyan ang platito ng isang pirasong maliit na karne, konting sabaw at isang hiwang patatas. Lumapit ako kay Lars na ngayon ay halata ang pagkagutom dahil napako lamang ang tingin niya sa platito na inihain ko sakaniya.
“Taste it.” hamon ko, inabot ko sakanya ang tinidor kinuha naman niya ito. Pinanood ko siyang lantakan ang adobo sa harap ko. Napapikit pa siya habang ninanamnam iyon.
“So?” I asked impatiently.
Iminulat naman niya ang kaniyang mga mata at tumitig saakin.
“Now, you’re really making me regret my choice before.s” mahina at may pait niyang tugon. I just cleared my throat at muling humarap sa lutuan upang tiyakin na napatay ko na ang mga lutuan habang nagpapatay malisya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong may ilang oras pa bago dumating ang mga amo ko, kaya iniwan ko na siya sa kusina, sinilip saglit ang mga bata sa sala na nagbabasa ngayon bago nagpunta sa kwarto ko at naligo ulit dahil nangangamoy adobo ako.