Chapter 6

2985 Words
“Sweet dreams Babe! And by the way, I dreamed about you having a 2 pretty little girls “With you??❤️” “With me ❤️” Naalimpungatan ako, mabilis ang t***k ng puso ko at hinihingal akong nagising mula sa panaginip, panaginip na minsa’y naging totoo. Ewan kung bakit ba kahit sa mga chat lang nangyare ang lahat ay ganon pa rin. Hindi nagbabago ang ala-ala ko sakaniya na minsan ay nadadala ko pa sa aking kahimbingan. Tumingin ako sa selpon sa tabi ko, at nakitang 3 am pa lang. Ganito ako madalas magising noon, nung mga panahong kami pa ni Lars. Iniisip ko kasi na hindi lang siya yung dapat mag adjust sa magkaibang oras namin, ayaw kong napupuyat siya, kaya kahit sa kinaumagahan ay maaga pa akong papasok sa eskwelahan at minsan puyat pa, pinipilit kong bumangon kasi alam kong maghihintay siya. Hindi naman siya magagalit actually kung nahuli ako ng gising, pero ako naman ang madidisapoint sa sarili ko dahil gustong-gusto ko siyang kausapin. Gustong-gusto…. Naalala ko nung mga panahon na nangangarap pa kami nang sarili naming mga supling, pingapipilitan niya na gusto niyang maging kamukha ng mga anak namin ay ako. Eh ayaw ko, gusto ko mamana nila lahat ng katangian na meron siya, kasi dun saamin pag ka maitim ang anak mo, bubuyuin nila. Ayaw kong maranasan ng magiging anak ko iyon, dahil naranasan ko na. Tapos mag-aaway na kami ni Lars dahil gusto niya ng maluwag na pagpapalaki sa mga ito, ako naman gusto ko sa paraang madidisiplina sila talaga. Tapos iiyak na ako na parang tanga sa madaling araw kasi ayaw niya akong pagbigyan sa gusto ko, kaya mag- iisip nalang siya ng bagong pag-uusapan, mag sesend ng litrato niya kasama ang mga kaibigan o Kahit aso pa ng kaibigan niya na kasama niya sa larawan. Saka niya ako tatanungin kung sakali daw ba na magkakabahay kami, ilang aso daw ba ang gusto ko… Hindi ko alam na sa bawat pag-suyo niya saakin noon, pagka nagkakatampuhan kami ay iniipon niya na pala. Lahat ng sama ng loob niya sakin ay inipon niya hanggang sa isang araw sinabi niya na magkaiba kami ng gusto sa buhay… Wala na yung sinabi niyang: “I want you because you’re unique and you challenge my perspective. I want you to be with me in my life…” Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang parang bomba na bumungad saakin isang umaga noong sinabi niya na maghiwalay na kami, kasi tama na na sinubukan lang namin ang kung anong meron lang saamin noon. Na ang nais na lamang niya ay magkaroon ng space sa pagitan namin upang makamove on kaming dalawa at maging magkaibigan sa paglipas ng panahon. Isang napaka unfair na choice, pero wala akong nagawa kundi magmakaawa sakaniya araw-araw. Hanggang sa mapagod na ako, kasi walang patutunguhan ang kahibangan ko na iyon kahit mahal na mahal ko siya, at siya lang yung taong pinangarap ko na makasama pagtumanda na ako. Sa mga kaisipang iyon di ko namamalayan na umiiyak nanaman pala ako, humihikbi at nahihirapang huminga. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko dahil alam kong aatakihin ako ng asthma ng wala sa oras. Isa iyon sa mga hindi pupuwede dito sa trabaho ko, kaya nagsinungaling ako at humingi ng pekeng dokumento para lang matuloy ang pagpunta ko sa Denmark. “try inhaling hold you breath a bit babe! Then slowly exhale. Repeat that process, please stop crying babe ☹️❤️ jeg elsker dig” I tried remembering the things he said before until I am able to clear my sights. Nakakahinga na rin ako kahit papaano sa ilong ko, sumandal muna ako sa bed rest at saka ipinikit ang mga mata. Kinuha ko ang unan ko at niyakap ng mahigpit, iniisip na siya iyon upang kahit papano ay lumagay sa katahimikan ang pagkatao ko. Ganito ako lagi kahit noong nasa Pilipinas pa ako, hilig kong isipin na siya Iyong bolster ko. Hanggang kailan kaya ako makakamove on sakaniya? Hanggang kailan ko papahirapan ng ganito ang sarili ko. Pinilit kong matulog pa hanggang ilang oras lang nung gabing iyon, dahil alam kong stress nanaman ang aabutin ko lalo’t sa biglang paglaro ng tadhana ay heto at kasama ko na ang lalaking hinihiling ko noon na masilayan. Makakasama ko siya ng isa o higit pang linggo. Bago ako matulog ay napagdesisyonan ko nang itigil na ang kalokohan kong ito at pagtuunan na lamang nang pansin ang aking pagtatrabaho lalo na at inaantay nang mga magulang ko ang sustento ko sa kanila para sa kanilang pang-araw-araw. Nagtatabi din naman ako kahit papaano sa sarili ko at para sa plano kong Lupa at bahay na bibilhin Ko pagnakaluwag-luwag na ako. Ayaw ko doon saamin dahil maputik at madalas na nababaha, kawawa sina mama at papa. Nang mag-uumaga na ay ganun paren ang siste, maaaga akong gumising upang magluto at para maaga na ring mag-almusal. Nasa hapag na ang buong pamilya at isa-isa na rin nilang nilalantakan ang hinanda kong almusal nila, nagluto lang ako nang bacon at pan cake, nagtataka akong nag-umpisa na silang wala pa ang bisita. Kaya nagtanong ako. “Uhm Ma’am, Sir? Is Sir Lars won’t join your breakfast?” tanong ko, inubos muna si Mrs. Sørensen ang nginunguyang pancake bago nagsalita, “That cousin of mine never eat breakfast May-may. He’ll wake up in lunch time maybe” she said and sip a coffee. Nagulat naman ako, akala ko ay kaibigan lamang siya ni Mr. Sørensen, yun pala ay pinsan din siya ng misis nito. Tumango na lamang ako at nag patuloy sa paglagay ng tubig sakanilang kaniya-kaniyang baso bago, nagtungo sa sala upang antayin na sila’y matapos. Palinga linga ako mula sa kinaroroonan ko patungo sa kwarto kung saan natutulog si Lars, napasimangot ako. Hanggang ngayon pala ay di na nawala sa sistema niya ang hindi magising sa tamang oras, minsan lamang kasi ito gumising ng maaga lalo pag may meeting siya. Isa din ito sa madalas naming pagtalunan dati, ayaw ko kasing napupuyat siya at hindi iyon maganda sa kalusugan niya, pero wala eh. Matigas ang ulo. Napabuntong hininga na lamang ako at inantay na matapos na sa hapag ang aking mga amo, ang alam ko ay may nilalakad nanaman tungkol sa kanilang trabaho sina Mr. And Mrs. Sørensen. Naririnig ko kasing pinagsasabihan sila nang nanay nila, habang ang tatay naman nila ay sinesigundahan ang mga danish/English na pahayag nang asawa. Ganitong-ganito sila kung may out of town trip nanaman sila, at maiiwan ang mga bata saakin. At tama nga ang hinala ko dahil matapos lamang nilang kumain ay sinabihan ako ni Mrs. Sørensen na ako na muna ang bahala sa bahay, bisita at lalo na sa mga bata dahil pupunta daw sila sa Aarhus at may aasikasuhing aparato sa isa sa ospital doon. Sumang-ayon na lamang ako, habang hinahatid nanaman sila sa labas. Bumalik muli ako sa kusina at inayos ang mga tirang pagkain nila, di daw makakauwi ang dalawang bata ngayong araw dahil pagkatapos ng eskwela ay dadalhin sila sa kanilang lolo at lola, na matagal nang di nila nabibisita. Natawa pa nga ako kay Andrew dahil sinabihan niya ako na gawan ko sila ng pulboron at yema nang ate niya dahil dadalhin daw nila ito sa kanilang grandma at grandpa. Nilagay ko lamang iyon sa loob ng lunch box nila bago umalis at dinoble check pa nila kung nag lagay ba ako. Pagkatapos mag ligpit ay nagpunta ako sa kwarto upang magsuot ng cardigan dahil malamig sa labas at di kaya ng makapal na T-shirt ko. Nakajogging pants uli ako at cardigan, balak ko kasing magwalis sa mga pasilyo at garden ng bahay. Bago lumisan at magtungo sa labas ay nag-iwan ako ng note, nabili ko pa ito sa isang online shop nung nasa Pilipinas ako, BTS inspired ito kaya napaka especial nito saakin. “Hey, I will just clean the garden. You can reheat the food inside the ref or you can call me when you need me to cook for you” Iniisip ko pa kung lalagyan ko pa ba ng emoji pero, napagdesisyonan kong huwag na lang at baka mag-isip pa siya nang kung ano. Idinikit ko ito sa pintuan niya at hindi na kumatok. Dinala ko ang aking cellphone dahil balak kong tawagan ang aking pamilya, alam kong hapon na ngayon sa Pilipinas. Miss ko na sina Mama at Papa, pati na rin si Minerva ang nakababata kong kapatid na college na ngayon at kumukuha din nang kursong Bachelor of Elementary Education. Masaya at proud ako dahil kahit papaano ay matutupad ko na ang pangarap nang lola ko noong nabubuhay pa siya. Pamilya kasi talaga kami ng mga katulong o kasambahay sa Pilipinas, kaya laking pagtatampo ni Mama na sa kabila ng mga natapos ko ay pinili ko pa rin na magpaalila sa banyagang lugar. Ayos lang naman para sa akin dahil kung tutuusin ay mas malaki ang kita dito kumpara sa mga kagaya kong guro sa Pilipinas, Iyong mga naiwan ko ngang mga kaibigan sa kolehiyo ngayon ay ganap na ring mga guro, iyon nga lang ay wala pa silang asawa. Siguro boyfriend mayroon, lalo na si Joan. Si Clarisa naman ay paniguradong busy sa pag-iipon upang matupad ang pangarap niyang makapagbakasyon sa Japan, kaya hindi maharap ang mga manliligaw. Napailing-iling na lamang ako habang naalala ang dalawang iyon. Nasa labas na ako ng bahay at napansing maayos pa ang tubo ng bermuda grass at hindi pa naman kailangang tabasin kaya, sumaglit muna ako upang mangamusta sa pamilya. Hinanap ko ang f*******: ni Mama, at nakita ko ngang online ito. Agad kong pinindot ang Video call button, Ilang ring pa ay sumagot na rin ito. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya nang makita ako sa kanyang cellphone, kumaway-kaway muna ako habang naka ngiti. “Mama!! Kamusta kayo diyan? Sorry medyo na patagal iyong tawag ko, marami din po kasi akong inaasikaso sa malaking bahay.” Paghingi ko nang paumanhin sa kanya, alam ko na nag aalala na naman ito. Kaya minsan pag may oras ako sa gabi, nag-iiwan ako ng mensahe upang ipaalam ang kalagayan ko. Nakita ko naman na napapunas siya ng mata bago nag salita. “Oo nga, ang tagal mong di tumawag. Hinahanap ka na ni Papa mo, tinatakot kasi ni Minerva na baka daw may asawa ka na diyan!” tila nanunumbat na wika niya, napahalakhak naman ako ng malakas sa sinabi niya. Loko-loko talaga si Minerva kahit kailan, tahimik lang iyong kapatid ko ngunit pag siya ang nagbiro ay napakamabenta. “Ma, naman! Alam niyo naman si Minerva, sabihin mo kay Papa na matagala pa iyon! Wala pa nga akong nakikita dito na may malawak na lupain eh!” pabirong sagot ko habang tumatawa, nakita ko namang ngumiti siya at napa-iling na lamang. “Miss ka na pala ni Minerva anak, alam mo naman na hindi showy iyong kapatid mo na iyon. Minsan tawagan mo din siya, lalo at balik eskwela na sila.” Napangiti naman ako habang naalala na pareho silang tatlo na hindi showy, madalas nagtuturuan pa sila kung sino ang nangungulila sa kanila. “Alam ko naman Ma, na miss niyo na na may maingay sa bahay. Sinabi ko naman na sainyo dati na pakinggan ninyo iyong iniwan kong recorded na mga kanta ko diyan para hindi niyo ako masyadong mamiss.” Nakangising sabi ko, siniringan niya lamang ako at nagbigay nang ilan pang mga payo bago namin ibaba ang tawag, dahil kailangan ko na rin na mag linis. Sinabihan ko naman sila na pag may-oras ako bukas ay tatawag uli ako, kaya sumang-ayon na lang ito at sinabing miss na daw ako ng mga aso. Nakangiti akong nag umpisang magbunot ng medyo mahahaba ng mga damo, inspired ako lalo at nag send saakin nang larawan ni Minerva si Mama na naka teacher Uniform, iyong bagong tahi na pinapabili niya saakin. Hindi man nagsabi ng salamat si Mama , ramdam ko naman ang pasasalamat sa kaniyang mga payo. Hindi ko maikakailang miss ko na ang Pilipinas, pero kailangan kong sumugal dito para saamin. Pagod na kasi akong makitang minamaliit lang kami ng mga kapit bahay namin na siya ring kamag-anakan namin. Sabi ni lola saakin noon na kahit mahirap ay tiisin ko na makapagtapos. Dahil ako lang ang makakapag-ahon saamin sa kahirapan, non-reader si Papa pero madami siyang trabaho kaya naka pagtapos ako, si Mama naman palaaway kaya walang kaibigan. Napapabuntong hininga na lang ako habang naglilinis, dahil naalala ko ang mga problemang tinakbuhan ko sa Pilipinas para lang maiparanas kina Mama at Papa ang maayos na buhay na ngayon lang nila matitikman. Iyong tipong hindi na sila mamomroblema sa kung anong kakainin dahil may pera na para sa ulam na karne, isda at gulay. Hindi yung panay bagoong o toyo na ulam. Inabala ko ang sarili sa pagwawalis nang mga nahulog na bulok na mga dahon nang mapansin kong may naka titig saakin, luminga-linga ako at nakita si Lars na naglalakad papunnta sa akin. Ramdam ko na naman ang malakas na t***k ng puso ko, nagwawala sa rib cage ko dahil lang sa lalaking ito. Nang makalapit na siya sa akin ay diretso ang titig niya sa nga mata ko, nakakatunaw ito, nakakalunod. Napalunok ako. “Please Let’s talk.” Nagsusumangong pahayag niya, napakagat na lamang ako ng labi. Alam kong mali na paulit-ulit ko siyang iwasan, at dapat na talaga na magkausap kami upang magkaliwanagan. Tumango ako at binitawan ang reek na dala ko sa may poste. Nauna akong naglakad patungo sa upuan sa labas ng bahay. Sumunod naman siya saakin at naupo naman sa harap na upuan ko. Tanging ang lamesa lang sa gilid namin ang naka pagitan sa amin. Tumitig muli siya sa mga mata ko, habang matapang ko namang tinitigan siyana nasa harapan ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “What are we going to talk about?” tanong ko habang mabibigat na hininga ang pinapakawalan ko. Hindi ako sanay na ganito siya kalapit sa akin, pero may kung ano sa pagkatao ko na gusto ko lang siyang yakapin tapos okay na ang lahat. “I wanted to say sorry. For everything I did to you, for causing you so emotional stress before and even now. May, I want you to be really part of my life as I said before we lost contact.” Huminga siya ng malalim at inabot ang kamay ko, hinawakan niya ito at piniga ng marahan bago nagpatuloy sa mga sinasabi. “Please, I wanna be close to you again like what we are in the past.” Buong pagsusumango niyang pahayag. Gusto kung sabihin na hindi niya kailangan magmakaawa dahil buong loob ko iyong ibibigay sa kaniya. Gusto kong sabihin na after all this time, mahal na mahal ko pa rin siya. Kaso natatakot ako na sabihin niyang hanggang magkaibigan lang talaga kami. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, siguro pagkatapos nito hihingi ako ng payo kay Helen. “I don’t really understand myself Lars. I just grab the opportunity to come and work here to be able to see you in person. I thought everything would be okay when I see you. But you’re messing me up again, I’m sorry.” Akala ko okay na, na makita ko siya pero bakit ayaw makontento ang puso ko? Mali na eh, nasaktan niya na ako nang sobra dati. Pinunasan ko ng aking kamay ang mga traydor na luhang tumakas mula sa aking mga mata at saka tumayo upang umalis na at ipag patuloy ang mga gawain. Ngunit laking gulat ko na lamang nang bigla din siyang tumayo at hinatak ang maliit kong braso at saka kinabig ako ng halik. Nakamulat lang ako habang dinadama ang manipis at mainit niyang labi sa labi ko, hindi ako gumalaw dahil hindi ko alam kung papaano. Nakayuko lang siya habang pilit na inaabot ang mukha ko, itutulak ko na sana siya nang hawakan niya ng mariin ang balakang ko, at dahil maliit lang ako kumpara sa kaniya kayang-kaya niyang itaas ang batok ko upang siilin ako ng mas malalim at nakadadarang halik. Nakakahiya mang aminin, ngunit ito ang unang beses ko na mahalikan sa labi. He expertly insert his tongue on my mouth, forcefully he make his own way to touch mines and play with it. Napapikit na lang ako habang dinadama ang init ng katawan namin, napahawak na lang ako sa kaniyang balikat at hinayaan siya sa kaniyang ginagawa. Sinubukan ko ring igalaw ang aking labi at makipagsabayan sa kaniya. Ramdam ko na ang pagsinghap niya at pagyakap saakin ng mas mahigpit habang ang isang kamay ay naglalakbay na sa nakabalot kong katawan. Tumigil lang kami nang mauubusan na kami ng hininga, ngunit hindi niya pa rin ako pinapakawalan sa kaniyang mga bisig. Nakapikit lamang siya at habang magka dikit ang noo namin. Dinilaan niya ang kaniyang mga labi at ngumiti habang dahan-dahang binubuksan ang kaniyang mata upang salubungin ako ng tingin. Nahihiya na ako sa ganitong posisyon namin, nakakailang at alam kong nangangamatis na rin ang aking bilugang pisngi. “You taste so sweet,” muli siyang nagnakaw ng mabilisang halik ulit sa akin, saka siya humagikhik at pinagpatuloy ang mga sinasabi. “You want me to teach you how to kiss?” pang-uuyam niya saakin, sumibangot lang ako at pinilit na umalis sa bisig niya ngunit hindi niya pa rin ako pinakawalan at mas lalong humigpit pa ang kapit sa akin. “If you don’t wanna be friends with me, then maybe I could just help you how to improve your kisses.” Bulong niya. At saka muli ay siniil ako ng halik. Hindi ko alam kung ano na namang gusot ang pinasok ko sa sarili ko. Alam kong hindi na niya ako mahal na sing tindi nga dati, pero siguro wala namang masama kung susubukan ko uling maakit ang puso niya lalo at nandito na ako kasama siya. Buo na ang pasya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD