Para akong lumulutang kasama ang mga ulap, napapakagat labi ako sa tuwing naaalala ang tagpo naming iyon ni Lars kanina lang. Naputol lang ang halikan namin ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Napahawak ako sa labi ko, kanina nalalasahan ko pa ang tamis nang labi ni Lars, nasobrahan ata ako sa pagkagat ng mga labi ko dahil medyo humapdi na ito. Inamoy ko ang sarili at naamoy ko pa ang pabangong gamit niya mula sa pagkakayakap sa akin kanina lamang.
Sumunod na akong bumalik sa bahay pagkatapos kong iligpit ang mga ginamit ko sa paglilinis sa bakuran. Kahit naman ayaw ko na mawala ang amoy ni Lars sa akin ay kailangan ko pa ring maligo dahil baka mag-amoy araw na ako. Bigla tuloy akong naconscious sa itsura ko, kaya naman nagmadali na akong pumasok sa loob ng bahay dala-dala ang cellphone ko. Sinilip ko kung nasa salas ba si Lars, pero wala ito doon. Malamang ay nasa may kwarto niya ito, nagtaka naman ako bakit naman ang tagal niyang sagutin iyong tawag. Naligo muna ako saka lumabas at nagpunta sa kusina upang magluto na ng pananghalian namin ni Lars. Naisip ko na dalawa nga lang pala kami ngayon dito sa bahay, tapos kakain kami ng sabay. Lihim akong napangiti sa naisip, hehe. Para kaming mag-asawa sa lagay na ito, pero hindi naman namin ito bahay.
Pinilit ko na lang alisin sa utak ko ang kabaliwang naisip at saka nag-umpisa ng magluto nang bigla siyang sumulpot mula sa kung saan.
“Let me help you cook.” Wika niya habang nakangiti sakin, lumapit naman siya at tinignan ang kabuuan ko at nagtaka. Kaya bago ko pa sagutin ang pagmamagandang loob niya ay nagtanong ulit siya.
“Did you take a bath? You still smell good a while ago though.” naguguluhang tanong niya. Napahagikhik naman ako bago sumagot.
“Yeah, yeah. You didn’t change a bit, you are still good with your words.” Makahulugang pahayag ko, mabulaklak siyang magsalita iyong tipong mahuhulog ka talaga, kaya pagbumagsak ka masakit, dadamhin mo. Bumuntong hininga nalang siya at saka muling nagsalita.
“Seat on the chair, I will make lasagne.” Pag-iiba na lang niya ng usapan, ramdam ko na ilag pa rin siya sa mga nagawa niya noon sa akin. Sumunod naman ako at pinanood kung paano niya hatiin na parang eksperto sa pagluluto ang mga rekado at ihanda ang pasta. Tahimik lamang kami, habang niluluto na niya ang tomato sauce. Nang bigla siyang magsalita.
“So, what do you think of my idea?” nakakaloko niyang tanong, habang tumataas-taas pa ang kaniyang kilay, tinitigan ko lang siya ng masama bago sagutin.
“Fine, we can be friends. But no kissing!” Natatawang sigaw ko. Sa totoo lang alam ko naman na hindi ko maiiwasan na halikan siya, lalo ang plano ko ngayon ay akitin siya sa mga paraang alam ko para bumalik na siya sa akin. Tutal naman ay mapilit siya na makipaglapit, alam ko na para sa kanila ay wala lang ang halik na iyon dahil kaya nga niyang makipagtalik noon sa nakilala niya lang nang isang gabi, iyon pa kayang simpleng halik na pinagsaluhan namin kanina? Ang tanging magagawa ko na lamang ay makisabay sa kaniya hanggang sa siya na ang mahulog saakin.
Gagawin ko ang lahat Lars, kahit maubos ako. Ito na kasi ung pagkakataon ko eh, sasayangin ko pa ba? Saka na lang ako susuko pagnakita ko nang wala na talagang pag-asa. Alam ko naman na sa kabila nang lahat ay mahal niya pa rin ako.
“Well if that’s what you want, but my offer still stands okay? You can just call me whenever you want to learn how to kiss. I would gladly give it to you, just so you know.” Sinabi niya at kumindat pa. Napa face palm na lamang ako at nagpaalam sa kanya na pupunta lang muna ako sa kwarto ko. Nag-approve sign naman siya kaya, naglakad na ako. Nasa salas ako nang makita ko ang cellphone ni Lars na tumutunog, may tumatawag ulit. Sinilip ko at nakita ko ang screen wallpaper niya, nanikip ang dibdib ko sa nakita.
Larawan iyon ng isang babae, blonde din siya at may kulay abo na mga mata, nakangiti ito sa larawan at naka-extend ang kamay niya na may singsing na silver at may malaking diyamante na kulay emerald na napapalibutan ng maliliit na puting diyamante din sa may palasingsingan.
Posible kaya?
Napalingon ako kay Lars na abala sa paglalagay ng pasta sa glass container para siguro ibake na niya. Napakagat na lang ako ng labi ko, at pinatay ang tawag.
Hindi pwede iyon. Buo na ang pasya ko, bahala na.
Agad akong dumeretso sa kwarto at nilock agad ang pintuan. Saka tinawagan si Helen, sumagot naman siya makalipas ang ilang segundo. Kaya di na ako nag-atubiling ikwento na sa kanya lahat. Wala naman akong tinatago tungkol sa buhay ko dahil wala naman akong ikinahihiya sa mga desisyon ko sa buhay success man o palpak, lahat ikinukwento ko sa mga taong tinuturing kung kaibigan.
“Teh, kung ako sa iyo noh? Lumandi ka! Landiin mo pa rin si Lars, kasi kung mahal naman niya iyong babae, hindi ka niya kukulitin nang ganiyan. Naniniwala pa rin talaga ako na may pag-asa kayo. Wag mo na akong gayahin na nagpaka martir, eh di sana may ama na iyong nga anak ko diba? Ipaglaban mo lang iyong alam mong para talaga saiyo. Tapos if in the end of the day, wala pa rin. Accept mo na lang ang defeat mo, at mag move on na talaga.” Nagulat ako sa payo niya saakin, suportado pa ng gaga ang plano ko. Ang akala ko ay pagsasabihan niya ako, napangiti na lang ako at nagpasalamat sa kanya.
“Sige, Maraming salamat sa pagpapagaan ng loob ko Teh. Medyo na kokonsensya ako para doon sa babae. Pero tama ka nga, hindi naman lalapit-lapit si Lars sa akin kung wala siyang nararamdaman para sa akin.” Buong kompyansa kong tugon, nagbilin pa siya nang ilang mga kaharutan at sinabing magkita daw kami sa susunod na day-off namin dahil may utang daw ako sa kanya na milktea.
Natawa na lang ako at Um-Oo saka pinatayan na niya ako pinatayan ng tawag dahil tinatawag na naman ata siya ng masungit niyang amo. Bumalik ulit ako sa kusina at nakitang naka-upo si Lars at tahimik na naka abang sa may pintuan ng kwarto ko. Ngumiti naman ako saka pinihit and seradora ko upang maisara ang pinto.
Nagkunwari akong walang alam sa mga nangyayari, hindi ko din naman alam kung nakikipaglaro lang ba siya saakin, kaya sasabayan ko siya sa abot ng aking makakaya.
“It is almost ready, do you want to help me prepare the dining table for us? Alex told me that the kids are out with their grandparents, so…” he suggested, Alex ang pangalan ni Mr. Sørensen. Tumango na lang ako at saka nagtungo sa may sink upang mag-hugas ng kamay. Naramdaman ko naman na lumapit siya, kaya inantay ko siyang makalapit saka winisikan ng tubig sa mukha. Kitang kita ang gulat sa malakaragatan niyang mga mata, at nang makabawi ay hinablot niya ang aking braso at saka kinagat iyon. Sigaw ako ng sigaw, tinanggal naman niya agad ng makitang namumula na ang braso ko, pero di pa rin sya nakontento at binuhat ako at iniupo sa counter table.
“You’re really that naughty huh?” mahinang bulong niya at saka niya kinurot ang pisngi ko.
“Hey! I should be the one doing that!” Impit na sigaw ko at saka pinipilit na alisin ang kaniya kamay sa pisngi ko, habang gigil na gigil niya itong kinukurot at paulit- ulit na sinasabing ang cute ko raw. Nang makahanap ako nang tamang tiyempo ay agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya, nagulat na naman siya sa ginawa ko natawa lang ako, saka ko siya hinalikan sa kaniyang matangos na ilong. Gulat na gulat siya, kaya agad akong nakawala sa kanya.
“Oh, now I know that you still have a crush on your little obsess ex girlfriend.” Pang-uuyam ko, at nag madali nang isaayos ang mga kubyertos at plato na gagamitin namin sa pagkain, habag nandoon pa rin siya at nakatayo kung saan ko siya iniwan. Tila nag-iisip pa siya ng malalim dahil noong tinawag ko siya na kakain na ay saka pa lamang siya tumalima.
Puno nang kwentuhan at tawanan ang hapag, natutuwa akong pagmasdan siyang ganito. Naalala ko, dati pangarap ko lang ito, ngayon nandito na siya sa harap ko kasama siyang kumakain, at higit sa lahat naririnig ko ang mga biro at halakhak niya sa tuwing nagkwe-kwento ako. Napapapunas na lang siya ng mata dahil sa mga luha na tumatakas mula sa kanyang mata dahil sa sobrang tawa. Lalo nang i-kwento ko na kamuntikan na akong mawala, dahil sa hilo ko kung sa’ang eroplano ako sasakay upang makarating dito sa Denmark, wala kasing eksaktong flight ang Philippine Airlines na patungo sa bansang ito. Kailangan pang bumaba sa France at muling magpabook ng flight papuntang Copenhagen.
“What’s funny?? I was so nervous, and I don’t have someone to be with me during the flight!” Reklamo ko habang, inaalala ang panlalamig ng buong katawan ko habang nagtatanong sa mga pasahero kung Danish ba sila at kung maaaring makisabay kahit manlang sa sasakyan naming airplane.
“Well, I don’t see anything wrong with it. Pfffft—but babe! What if they’re not kind or worst a criminal? And I imagine a small girl talking to big people asking to join their flight. Hahahaha.” Tawa niya pa, naiirita naman ako dahil alam kong pinagtri-tripan na niya ako.
“Kabagin ka sana.” Bulong ko sabay subo ng malaking bahagi ng lasagna, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Karen iyon. Pinilit kong lunukin ang pagkain sa bibig ko at uminom ng tubig bago sinagot ang video call. Humagikhik naman ang nasa kabilang linya, at nagsalita pa ito ng danish. Narinig ko naman na halos mabilaukan si Lars at dahil sa pagpipigil ng tawa.
“Karen, what did you say?” tanong ko, habang may pekeng ngiti si mga labi. Bumunghalit naman ulit ito ng tawa, kaya naguguluhan kong tinignan si Lars na natatawa-tawa pa.
“What?!” naiirita ko nang tanong. Lumapit naman siya sakin sabay kuha ng tissue. Pinunasan niya ang baba ko at ang pisngi ko na puno na pala ng tomato sauce at cheese. Narinig ko namang tumitili mula sa kabilang linya si Karen, doon ko naalala na nakaharap pala ang phone camera sa amin ni Lars kaya nakita niya ang ginawa nang kaniyang uncle.
“Yieeee! Uncle Lars! Ate May-may! You looks so cute together!” tila kinikilig nitong sigaw, namumula na ang pagmumukha ko ngunit pinilit ko pa din na humarap at tatarayan sana si Karen, dahil alam kong sanay na siya sa mga kunwaring pag-tataray ko sa kanilang magkapatid nang biglang agawin ni Andrew ang cellphone sa ate niya at salubong ang kilay na tinignan kami ni Lars.
“No! Yuck Karen! Look, Uncle Lars looks like Ate May-may’s Grandpa! Sooo blond hair, hahahaha sorry Uncle! Love you!” doon naman ako natawa, kaso biglang inagaw ni Lars ang cellphone. At nagsalita ng Danish, alam kong binibiro niya lamang si Andrew dahil nakakunot ang noo nito habang pinagsasabihan ang bata. Sa huli ay sinabi na lamang ng bata na,
“Okay, Uncle! You look handsome and you look good with Ate May-may, just promise me that you will give me a water gun that you promised!”
“Me too! Me too!” rinig ko naman na sigaw ni Karen, namimiss ko na tuloy sila. Ang sabi saakin ni Mrs. Sørensen ay baka bukas daw iuwi ang mga bata, lalo at walang klase bukas. Habang silang mag-asawa naman ay sa makalawa. Nakakalungkot dahil hindi ko sila mapapatulog ngayong gabi, ako minsan kasi ang nagpapatulog kay Andrew sa tuwing hindi siya makatulog at wala ang Mommy niya, si Karen naman ay naka ugalian nang pumunta sa kwarto ko para magpasuklay. Masyadong malapit ang dalawang batang iyon saakin kahit pa pasaway sila, sana hindi sipa magbago. Nagpaalam na ang dalawa, dahil kasama nila ang kanilang Lola, magpipitas daw sila ng mga wild berries sa bakuran doon. Biniro ko pa si Andre na dalhan ako kasi alam niyang mahilig ako sa mga ganon. Nag “Yes Ma’am” lang siya at saka patalon-talon na umalis na. Nag flying kiss naman si Karen bago pinatay iyong tawag.
Nakangiti pa akong nakatitig sa cellphone nang mapukaw ko ng atensyon si Lars, nakatingin lang ito sa akin at tila amaze na amaze sa sobrang close ko sa mga bata.
“So, it’s really true that you like kids a lot.” Nakangiting wika niya sabay kuha ng kamay ko at hinaplos niya gamit ang kaniyang hinlalaki. Tila malalim ang iniisip nito, wala din naman akong masasabi kaya hinila ko na lang ang aking kamay papalayo.
“Uhm, I will clean the dishes. You can just go to your room to rest, Lars” I said and walked away from him. Tumango naman siya at sumabay na saakin sa pagpunta sa may sink, nauna ako kaya naman laking gulat ko nang muli niya akong yakapin.
“Just for a second. You don’t know how much I wished for this moment..” he chuckled a bit, and continued.
“I though I would never see you, you meant so much to me May. And I am totally embarrassed that you went all alone here, to see me. It was my job, but I failed. One reasons why I am so persistent that you don’t deserve someone like me.” Punong-puno ng emosyong wika niya, natigilan na lamang ako. He really know how to confuse me, lagi na lang. Hindi ko alam kung mahal niya pa ba ako, o ano. Kaya iniisip ko nalang, na ang importante ay ang kung ano ang malinaw na nararamdaman ko sa kanya. At handa ko iyong ipaglaban, kahit pa magmukha akong desperada.
“As I said before, you will always be my exception Lars. You can hurt me with your words and your choice, but you can’t change the way how I felt for you.” Makahulugang wika ko, humarap ako sa kanya at pinilit na abutin siya. Niyakap niya lang ako nang mahigpit. At saka bumulong sa tenga ko.
“I wish, we could stay like this forever.” Mainit at banayad niyang himig.
“We could, Lars. We could. If you will only choose me.” Iyon lang ang nasabi ko, bago ko alisin ang sarili sa pagkakayakap niya. Kinuha ko na lahat ng lilinisin at hindi na muna siya pinansin. Kung pipiliin niya lang ako, kung pipiliin niya lang na sumaya sa piling ko. Narinig ko lamang ang pagbuntong hininga niya, hindi ko alam kung kailan niya aaminin sa akin na may fiancee na siya. Patas lang naman sa akin kung tutuusin dahil hindi ko alam kung papaano ang magiging reaksyon ko.
Mapait lamang akong napangiti habang naghuhugas ng pinggan. Sana tama ang ginagawa ko, sana hindi ako magsisi sa huli.
“So, uhm---- did you finish your studies?” tanong niya, lumingon ako sa kanya at nakitang nakaupo lamang siya mula sa pwesto niya kanina.
“I did, I’m a licensed professional teacher already.” I followed you here because I know that I need to follow my dreams. Dagdag ng isip ko, dahil totoo naman, kahit ilang beses akong magsinungaling sa sarili ko alam kong sa kabila nang natapos ko, siya ang hinahanap ko. Bumalik ako sa paggiging abala sa paghuhugas ng mga tirang plato na may sarsa. Pakiramdam ko, hindi ako magiging kontento sa buhay ko kung hindi ko siya makikita. Marupok lang talaga ang puso ko at pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya.
“Hmm, can I ask why?” seryosong tanong niya. Alam kong tinitimbang niya ang mga sagot ko, gaya kung papaano niya timbangin ang mga sagot ko sa kanya dati, dahil ayon sa kanya kilala niya daw ako.
Humarap uli ako sa kaniya at ngumiti bago siya sinagot, sa pinaka tapat na sagot na kaya ko.
“Because of you, because that’s how I love. I didn’t lie when I told you before that I will follow you here.”
Nakita kong napalunok siya, at na paiwas ng tingin. Alam kong hindi niya inaasahan ang pahayag kong iyon. Tinapos ko na ang mga hugasin at dumeretso sa kanya. Ngumiti ng peke at inabot ang kamay sa kanya. Napatingala naman sya ng konti at naguguluhang tumingin sa akin.
“But as you said, we would just be friends. So yeah, don’t think anything silly about me, moving here.”