Chapter 8
Kinabukasan ay mas maaga akong nagising dahil alam kong maagang pupunta dito ang Lolo at Lola ni na Karen at Andrew upang ihatid sila. Baka nga mag stay pa sila dito ng mga ilang oras kaya naman naisipan kong gumawa na rin ng Leche flan upang maging meryenda nila. Naghilamos lang ako at saka nagpalit ng T-shirt na maluwag at pajama bago lumabas. Nakasarado pa rin ang kwarto ni Lars, siguro ay magtatanghalian na naman bago siya lumabas sa lungga niya.
Kumuha lang ako ng Danish cookies sa may aparador, wala akong balak magluto ngayon dahil wala naman ang mga bata. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitimpla ng kape nang marinig ko ang yabag papalapit sa akin, lumingon ako at nakita si Lars na pupungas-pungas pa. Dumeretso siya sa sink at kumuha ng baso sa katabing lagayan nito. Pinanood ko siyang uminon ng tubig at inantay na matapos sa paglagok. Napakagat ako ng labi nang makita ko siyang pinunasan ang labi na may kaunting tubig gamit ang likod ng kaniyang palad. Tumikhim ako upang makuha ang kaniyang atensyon, nagtagumpay naman ako nang lingunin niya ako. Tumingin siya sa akin na tila nagtatanong.
“Do you want me to cook you some breakfast?” dinilaan ko ang aking natutuyong labi, nakita ko namang napatingin siya doon. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at inilapag ang kutsara na kanina ko pa pinagtitimpla ng kape, gusto kong tampalin ang sarili ko dahil nasobrahan ang halo ko sa aking kape kakanood sa kanyang uminom ng isang basong tubig. Nakita ko namang tila napapaisip siya bago sumagot.
“Hmmm, I rarely eat breakfast to be honest because I’m in a diet. You can just prepare me some cereal and coffee or we can just share that cookie.” He said while still looking at me intently. Tumango naman ako at hindi na pinansin ang nakakakilig niyang titig, pakiramdam ko tuloy isa akong teenager na sa wakas ay pinansin na nang kaniyang crush. Iniwasan kong magtagpo ang aming mga mata dahil para akong matutunaw sa kinatatayuan ko ngayon. Mula sa peripheral vision ko naman ay nakita ko siyang nagtungo sa may upuan doon sa may counter table.
Napansing ko din na nakasweat shirt lang siya at jogging pants, hindi ko maiwasang tumingin sa pagitan ng kaniyang hita. Naalala ko noon na sabi niya sa akin na ayaw niyang magsuot ng jogging pants dahil kita ang lawit niya. Napahagikhik naman ako sa naisip, pinipigilan ko na lang na tumawa at kumuha pa ng isang tasa upang ipag timpla siya ng kape. Habang nilalagyan ang tasa ng ground coffee, sugar at kaunting creamer. Kabaligtaran nang kape ko na kulay itim, hinalo ko na ito pagkalagay ng mainit na tubig. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang buong mukha ko dahil kahit anong iwas kong isipin na baka hindi na naman siya nagbrief dahil masyado daw nasisikipan ang p*********i niya ayon sa kanya dati. Tumikhim uli ako bago iniangat ang dalawang tasa at inabot sa kanya and isa.
“Tak.” Pagpapasalamat niya sa wikang Dane habang ang mga mata ay nakapako sa kanyang cellphone. Baka kausap niya ang fiancee niya napasimangot naman ako sa naisip at padabog na umupo sa gilid niya. Napatingin pa siya sa akin kaya nagpatay malisya na lamang ako at ngumat-ngat ng biscuit na nasa harapan namin. Pinapanood ko lang siya hanggang sa maiangat na niya ang tasa upang doon ay sumimsim ng mainit na kape, nakita ko naman na napapikit siya kaya agad akong nag-alala. Dahan-dahan itong nag mulat at kumunot pa ang kaniyang noo.
“Why? Does it taste bad?!” Nag-aalalang tanong ko, hindi agad siya nagsalita kaya naman nag-umpisa naman na akong mapraning at lumapit agad sa kanya dumukwang ako ng unti sa tapat ng lamesa upang makuha ang tasa. At uminom dito, naramdaman ko naman na napahawak siya sa balakang ko, siguro upang hindi ako mahulog.
Natikman ko na ayos lang naman, matamis, nagpanic ako dahil baka asin o Msg ang nailagay ko. Nagpakawala ako ng malakas na hininga bago ko siya nilingon sa likod ko na ngayon ay nakatayo habang tila nakahiga ang itaas na katawan ko sa lamesa. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha nang mapagtanto ang aming nakakahiyang posisyon.
“Omg!” I screamed, at nagmamadaling umalis ngunit sa halip ay natulak ko sya pa upo sa dati niyang upuan at ako naman ay napaupo rin sa ibabaw ng mga hita niya, nakatalikod sa kaniya. Muli ko siyang nilingon na may pekeng ngisi dahil kabado na ako sa magiging reaksyon niya. Umigting ang kanya panga, at nakatingin sa ceiling, dahan-dahan ko naman naramdaman ang unti-unting pagtigas ng bagay saaking puwitan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na iyon, nahihiya ako at panandaliang nakaisip ng kalokohan dahil nalaman ko na may epekto pa rin ako sa kanya.
“S—sorry.” Painosento kong pahayag at bahagyang iginiling pa ang bewang dahilan upang hawakan niya ito at mariing idinikit sa tumitigas na bahaging iyon ng kaniyang katawan. Napabuntong hininga naman siya, habang nag-uumpisang uminit ang buong pakiramdam ko. Pinilit ko nalang na umalis sa kanya hita at naupo ng tuwid sa aking silya.
“I just took care of it a while ago! Damn it!” mariing pahayag niya kaya napakagat na lang ako ng labi at sinulyapan ang matigas at nakatayong bagay sa loob nang kaniyang jogging pants. Magsasalita na sana ako nang padabog siyang tumayo na may awkward pang b***r.
Napangiwi naman ako at muling humingi ng pasensya.
“Sorry, I am just really clumsy. I thought, you--- you don’t like the taste of the coffee that I made for you!” bulyaw ko, na pa face palm na lamang siya at umiling-iling.
“It’s fine! You should have waited for my response. Just wait for me there, I’ll take care of this. Wait me for breakfast.” Utos niya at nagmamadaling umalis at pnagunta sa kwarto niya. Pagkasara niya nang kaniyang kwarto at saka naman ako bumunghalit ng tawa. Mukhang mapapadali ang pang-aakit ko sa kanya as a friend. Isinubo ko kaagad ang biscuit na kinuha at muntik pang mabilaukan.
Bago pa siya bumalik ay tinapos ko na ang pagkain ko at nagsimula nang gumawa ng leche flan. 20 minutes lang naman itong iluto at saka ilalagay ko na sa ref para mamaya pagdating ng mga batang amo ko ay may makain na sila. Nasa paglalagay na ako ng mga ingredients nang dumating si Lars na naka sibangot.
“You’re finish already. You didn’t wait for me.” Tila nanunumbat pa niyang pahayag, lumapit naman ako sa kanya upang mas lalong lokohin siya.
“Sorry Sir.” Malanding tugon ko, ginaya ko ang sinabi ni Helen. Para daw mas lalo siyang mabaliw, kailangan kong ilabas ang inner goddess ko. Hindi naman ako nabigo dahil tumitig siya sa mga labi ko pagkatapos kong sabihin iyon.
“Are you teasing me?” nagcross arms pa siya habang sinasabi iyon. Humalakhak na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
“Just seat and watch me cook here, if you don’t have plans for today.” Kumindat pa ako sa kanya, napailing-iling na lang sya at umupo saka tinignan ang mga kasangkapan sa pagluluto ng leche flan.
“What will you cook? Crema de leche?” tanong pa niya habang inaabot ang canned condensed milk at evaporated milk.
“Yeps! Can you open the canned milk?” tanong ko habang inaayos ang inihiwalay na egg yolks sa puti ng itlog. Baka gagawa na lamang aki ng cloud bread gamit ito, tiyak kong magugustuhan iyon ng dalawang alaga ko. Napangiti na lang ako nang agad niyang kinuha ang abre lata, titig na titig siya sa kanyang ginagawa. Pansin kong hanggang ngayon ay naka sout pa rin sya ng eye glasses. Sabi niya sa akin dati ay malabo na daw talaga ang nga mata niya, hindi naman daw siya sanay sa contact lens kaya pinagtiyatiyagaan na lang nya ang makapal na na salamin. Nagmumukha tuloy siyang poging nerd, napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Tumingin naman siya sa akin at napansing nakangiti ako, ngumiti lang siya pabalik at saka binigay ang condensed milk, sinunod naman niya ang lata ng evaporated milk.
Maya’t- maya lamang siyang nag tatanong sa akin nang kung ano-ano, ganun din naman ako sa kanya habang inaantay na maluto ang leche flan at cloud bread. Bilib na bilib pa nga siya at tinatanong kung saan ko daw natutunan lahat ng iyon samantalang noon ay nag rereklamo daw ako sa kanya na hindi ako marunong magluto.
“I was really devastated the moment you said we can just only friends before. Since you had promised me before that you’ll come and visit me in the Philippines. I thought one of the reasons why you didn’t have faith in our relationship is because I am useless, I can’t cook or even wash clothes. So I taught myself how to do it all, while still waiting for you. All those years that you didn’t contact me, I patiently waited but you didn’t send me any message. I am remained blocked, that moment I think of giving up. Until an opportunity came, I am sent here to work and finally meet you.” Hindi ko alam kung paano ko lahat iyon nasabi sa kanya, natahimik naman siya habang nakatitig sa akin na nagkwe-kwento. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya, ang lambot saka mamula-mula pa. Noon sabi niya saakin bawal ko daw siyang kurutin kasi masakit daw, ngayon naman na kinurot ko siya wala siyang reaksyon.
“Hey! Are you okay?” nag-aalala nang tanong ko dahil, maliban sa pag kurap ay wala na siyang ibang ginawa kundi titigan ako. Mapait siya ngumiti bago nagsalita.
“You said you wanted to forget me, that I could only help you by blocking you and never talk to you again. I give you my email address and snap username. But you never messaged me, those years I thought you’re moving on.” May himig nang pagsisisi niyang pahayag, ngumiti lang ako at tumango.
“Well maybe, we don’t know it. It’s just funny that after all that we been through, I never knew I would meet you here. After all the goodbye’s and cry that we shared, here we are. If things aren’t this complicated, I would immediately take you away from her.” Halos pabulong ko na sinabi ang huling pangungusap ko. Ayaw kong malaman niya na alam ko na, na may fiancee siya. Yung mga pagsagot niya sa mga tawag niya at lalayo pa sa akin upang hindi ko marinig ang usapan nila. Minsan naririnig ko pang nag-aaway sila dahil halata ang pagka-irita sa boses niya.
“What?” naguguluhang tanong niya. Nagpeke na lang ako ng tawa at sinagot siya.
“Nothing, hahaha. I think my grammar is wrong hehe.” Lumayo muna ako sa kanya upang tinitignan ang pagsteam ko ng leche flan dahil 20 minutes na ang nakararaan simula nang isalang ko ang mga ito. Nakagawa din ako ng 5 na leche flan, kinuha ko na rin ang cloud bread na nasa oven, nakagawa ako ng apat. Hinati ko ang isang cloud bread para saaming dalawa, saka naman ako kumuha ng pirasong leche flan at nilagay sa platito upang ibigay sa kanya. Umupo na ako pa katapat niyang upuan, habang siya naman ay nag umpisa nang lantakan ang cloud bread dahil mainit pa daw ang Leche flan. Pinapalamig ko lang din naman ang iba pang natira na nasa sari-sariling container upang mailagay na sa ref mamaya. Tumingin ako sa orasan sa taas ng fridge at nakitang alas-nuebe na.
“Hmmm! This all tastes so good!” papuri niya sa niluto ko, masaya naman ako. Hindi naman ito ang unang beses kong nagluto ng ganiyan dahil matakaw ang dalawang alaga ko at kung ano-ano ang nirerequest na pagkain sa akin.
“I know. I was the one who made it.” Natatawang sabat ko, sinamaan niya lang ako ng tingin habang nagmamake face. Napaface palm na lang ako sa mga pinaggawa-gawa para siyang tanga doon kaya iniwan ko muna siya sa kusina at nagpuntang kwarto upang kunin ang cellphone ko. Wala namang tawag ngunit may mangilan-ngilan na mensahe galing sa mga kaibigan ko kaya dinala ko na lang ito bago lumabas. Ngingiti-ngiti akong nagreply sa mga ito, lalo na si Jonel, kaibigan kong bakla. Nagsend siya ng litrato ng bagong jowa niya daw.
Fr. Kween Jonel:
May titira na sa akin shet!
Nag reply naman ako ng,
“Go na bakla, nandito lang ako support kita.” Ibubulsa ko na sana nang bigla ay magmessage uli siya.
Fr. Kween Jonel:
Gusto siya mag-aya! Alam mo naman na mahinhin ako mamsh! Kamusta na paghahanap mo kay Lars diyan? Malapit na akong maniwala na ikaw na ang papalit kay dora eh.
Tatawa-tawa ako kaya kinagat ko ang daliri ko upang pigilan ito, magrereply na sana ako nang biglang sumulpot si Lars mula sa kung saan. Seryoso niya akong tinititigan, kaya ibinaba ko muna ang cellphone ko.
“Who’s that?” kunot noo niyang tanong, napataas naman ako ng kilay at bago ko pa ito sagutin ay nag ring na ang cellphone ko, nagrerequest ng video call si Jonel. Nagsignal ako kay Lars nang saglit lang at saka sinagot ang tawag, sigaw naman ng sigaw ang bakla.
“Taray mamsh! Yayamanin ang house ng amo mo. Bet ko nga yung amo mong lalaki eh, pasabi i-divorce niya na yung asawa niya. Mas masikip ako.” Natatawang sabi niya, nakagat ko naman ang labi ko at saka hinarap ang camera ng cellphone ko kay Lars. Sumigaw ang bakla nagulat ko ata.
“Nandito na siya.” Sabi ko na parang nag dodocument pa, naiiritang umiwas naman si Lars at kinuha ang cellphone sa akin.
“Who are you talking with?? I don’t understand your alien language!” bulyaw niya sa akin. Hinarap niya ang camera sa kanya habang ako naman ay tumitingkayad upang makita kung naroon pa si Jonel, ang loka ay nanonood pa habang tumatawa.
“Tawag ka na lang mamaya, explain ko sayo!” Sigaw ko, narinig ko din naman na sumigaw siya.
“Dapat lang! Hi Papa Lars! Nice to finally meet you! Babyeee.” Narinig kong naputol ang linya, nakasibangot pa rin si Lars na tumingin sa akin at inabot ang aking phone.
“That’s one of my friend’s in the Philippines! He knows you obviously!” sigaw ko sa kanya, pinaningkitan naman niya ako ng mga mata at sumagot. Ibinulsa ko na ang cellphone ko habang nagsasalita siya.
“Oh, a friend? That’s why you keep on smiling while chatting him?” Napatingin naman ako sa kanya at nakapamewang na tumindig.
“I never thought you would have this reaction just because I am smiling to my friend’s silly convo? I remember that you once told me that you want to meet him.” Pagtataas ko ng kilay. Dedepensahan niya na sana ang sarili niya nang biglang tumunog ang doorbell. Iniwan ko na siya doon na nagngingit-ngit sa inis, hindi ko nga alam kung ano ang kinaiinisan niya. Supportive nga siya sa mga bakla sabi niya sa akin dati, ewan at bakittila nag-iba ang simoy ng hnagin ngayon.
Dumeretso na ako sa labas ng bahay at nakita ang kotse ng mga magulang ni Mr. Sørensen. Dinalian kong maglakad papunta sa gate upang pagbuksan sila, ngumiti naman ang matandang mag-asawa nang makita nila ako at madaanan. Sa likod na upuan naman ay nakita ko ang aking makukulit na alaga na kumakaway-kaway pa. Kumaway naman ako at nagmadaling magpunta sa garahe upang kunin ang ilang mga gamit, nakita ko naman na nandoon si Lars at binuhat si Andrew. Narinig kong nag-uusap sila nang mga matatanda, binuksan ni Karen ang pinto ng kotse at saka lumulundag na tumakbo papalapit sa akin. Agad naman siyang sumenyas na may ibubulong kaya yumuko ako ng bahagya. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko at saka bumulong.
“Andrew said you and Uncle Lars make a baby last night!” nanlaki naman ang mata ko at namula sa sinabi niya. Umiling agad ako sa kanya nang nagpunta na siya sa harap ko.
“No baby! That’s not true, anyway I made some Leche Flan for you and your grannies!” pag-iiba ko na lang nang usapan, yawa talaga ang mga batang ito. Nakita ko naman na namilog ang mga mata niya at agad na tumakbo paloob ng bahay, sinigawan siya ng lola niya na Mag-ingat at baka madapa.
“Karen! Careful!” nag-aalalang tono ng Lola niya. Sumigaw naman siya pabalik.
“I will go and get the Leche flan before Andrew the pig will eat it!!” Napailing na lang ang mga matanda at naoansin ko rin na nag pupumiglas si Andrew at pinipilit na magpababa sa kanyang Uncle Lars, sumunod din ito agad sa kanyang ate.
“Ma’am, Sir! Let me take care of the kids things. I prepared some Leche flan for you two.” Ngumiti ako at kinuha na ang mga gamit.
“Oh! I’m afraid we can’t join you there, we have some errands to run.” Halata ang mapag-umanhin sa wika ng matandang lalaki.
“Uhm, could you please wait for me here then and I will pack those for you so you could have something to eat after dinner!” sabi ko na lang, nag-agree naman ang dalawang matanda kaya hinayaan ko muna na kausapin sila ni Lars. Nakita kong binuksan na ng dalawang makulit ang tag-isang container kaya sinuway ko sila. Mas nagiging hyper kasi sila pag nakakain ng matamis. Nagmadali akong ibalot ang isa container at humanap ng paper bag saka binalikan ang dalawang matanda na ngayon ay nasa may gate na. Ini-abot ko nalang sa matandang babae ang leche flan, nagpasalamat naman ito at ngumiti sa amin ni Lars bago nag paalam.
“Bye May! Bye Lars, and by the way send my regards to Nina. Hope to see you two on your wedding day! We’re so excited!” tila kinikilig pang pahayag ng matanda saka nito sinara ang bintana. Napayuko na lang ako at nag patay malisya, kunware walang narinig. Hindi naman na nag-abala pang mag explain si Lars kaya hinayaan ko na lang. Pero may parte sa akin na kumirot, nagseselos ako pero wala akong karapatan. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay baguhin ang kaniyang isip habang narito pa siya sa akin. Nakayuko lamang ako na bumalik kina Karen at Andrew na ngayon ay nilalantakan ang cloud bread at ipinapalaman ang Leche Flan. Napamewang na lang ako sa kalat nilang kumain, lumingon naman si Andrew at ngumiti.
“Look Ate May-may! We are now Filipino! We made the Leche flan stuffing with this new soft bread that you made.” Sabi niya habang ngumunguya. Proud na proud pa siya, habang ang ate naman niya ay hindi na makausap kakasubo ng pagkain. Kumuha ako ng makapal na tissue mula sa gilid na bahagi ng counter at lumapit sa kanila at isa-isang pinunasan ang kanilang mga nguso dahil malagkit na pati nga pisngi nila dahil sa caramelized sugar.
Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang lahat nang sinabi ng matanda. Parang kailangan ko na atang magmadali, dahil kung hindi ako ang mapag-iiwanan. Sinilip ko mula sa bintana si Lars na nasa pool at paikot-ikot na naman habang may kausap sa cellphone.
Isa sa mga araw na ito Lars magbabalik ka sa akin. Pinapangako ko iyan saiyo. Tayo dapat ang ikakasal at hindi kayo nang kung sinong Nina na ‘yan.
Bulong ko sa sarili ko. Napansin niya ata na may nakatingin sa kanya, lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Samantalang pang-akit na ngiti naman ang sinukli ko, nakita ko kung papaanong tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.