Matapos kumain nang dalawang bata, ay dinala ko sila sa kanilang kwarto at nilinisang maigi, pinagpalit ko din sila ng komportableng damit dahil puno na ng malagkit na Leche Flan ang kanina’y malinis nilang damit.
“So what do you want to do kids?” Tanong ko sa kanila, nagkatinginan naman ang dalawa at pareho pang ngumisi. Naunang sumagot si Andrew na excited pang hinarap ang mukha ko sa kanya gamit ang maliliit niyang mga kamay.
“I want a family game, since mum and dad aren’t around. Ate May-may would play as mommy, and Uncle Lars would be the daddy. Please Ate.” Nagpacute pa ito, alam ko na ang mga kalokohan nilang magkapatid kaya naisip kong hindi sila pagbigyan sa pagkakataong ito. Nabatid ata ni Karen na aayaw ako, kaya naman hinila niya ang kamay ko upang mapunta sa kanya ang atensyon ko.
“Please Ate May-may! Just this one, mum and dad are always busy. They don’t take care of us, like what parents do, according to the show we watched. Mommies should take care of babies while the daddies work and will go home and play with the kids. While me, and my brother are always together.” Rason niya, may punto naman siya. Minsan naaawa na ako kaya, nung malaman ko na ganito ang siste nila, kaya naman ay agad na napalapit ang loob ko sa kanila. Dati ilag pa silang dalawa sa akin dahil daw nananakit yung dating kasamahan nila sa bahay, at kahit na may tiwala sa akin ang kanilang magulang dahil sa mga credentials ko. Medyo matagal din bago ko sila mapa-amo, pagkain lang pala ang katapat nila.
Hinalikan ko ang noo nilang dalawa at ibinigay ang gusto nila. Nagtatalon naman sila sa tuwa.
“Go to your Uncle Lars, tell him. If he’s in then I would be your mum for a day.” Sabi ko sabay kindat na rin, magkahawak kamay naman silang lumabas at agad na hinanap si Lars. Magandang oportunidas na rin ito upang mas mapalapit sa kanya. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ng mga bata ay sumunod na rin ako, nakita ko silang nasa sofa naka upo si Lars at nakahiga naman si Karen na nakaunan pa sa hita ni Lars, si Andrew naman ay nasa kabilang bahagi habang nakaakbay naman si Lars dito. Nanonood na ata sila, tumikhim ako upang makuha agad ang kanilang atensyon. Bumungisngis si Karen at itinuro ako.
“Mummy, you should wear a dress! Not that ‘boring’ jammies.” Wala pang ilang saglit ay tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa akin, dinala niya ako sa kwarto ko at inilock iyon.
“Karen, isn’t it too much? You know I don’t wear such dresses!” napabuntong hininga ako sa sobrang irita. Humagikhik lang siya at parang walang pakealam sa reklamo ko. Pinakialaman niya ang aparador ko upang kalkalin at hanapin ang damit na ibinigay niya sa akin noong birthday ko. Isa itong maxi dress, sa palagay ko pa ay halos nakaluwa ang dibdib ko sa baba ng neckline nang damit na iyon kung isusuot ko.
“Wear this! You should look pretty! You know what Ate May-may? Uncle Lars told us that he has a crush on you but you should act like you don’t know it okay?” Nanlalaki pa ang mga mata niya, hinaplos ko naman ang kaniyang buhok at pilit na itinago. Sa sobrang galak ko sa nalaman ay dali-dali akong pumasok sa Cr at nagpalit ng damit, nahirapan pa nga ako dahil medyo may kasikipan pala ito sa bandang itaas. Napapalakpak naman si Karen nang lumabas na ako at matamang inaayos ang laces ng bistida, ngumiti ako at umikot sa harapan niya.
“So, what do you think my dear naughty princess?” tanong ko, humagikhik lang siya at sumagot.
“Now you look gorgeous! You have a crush on Uncle Lars as well? Hihi.” Nagconclude na agad siya.
“Shh, it’s a secret between us okay? I know your Uncle has a girlfriend already.” Sumimangot pa ako habang nakayuko upang maabot siya. Naningkit naman ang mata niya.
“Yeah, the tattooed woman. You’re more beautiful than she is, you should try to get Uncle. I know you too have a chemistry, like the sparks-sparks I see in the television last time. ” She said giggling, she looks so cute while doing that. Hinawakan ko na ang kaniyang kamay at sabay kaming lumabas. Bago pa kami mapunta sa sala ay pinatigil niya ako.
“Ate May-may--- oppsss! My bad! You’re Mommy now! You stay here and wait for my signal, I will close my Uncle’s eyes. We will surprise him.” Bulong niya.
“Okay, hahaha.” Hindi ko mapigilan ang matawa sa mga kalokohan niya, napakapilyang bata.
“Shhh, quite!” strikta pang utos niya, napapangiti na lang ako at tumango. Bumulong pa ako nang “Yes boss.” Tatawa-tawa lang siya at nagtip-toe pa. Agad niyang tinakpan ang mga mata ni Lars. Muntik pa ngang mahulog ang salamin. Buti nalang at nahawakan niya. Narinig kong sumigaw pa siya. Bumulong naman si Karen sa kanilang lingguwahe. Saka niya ako tinignan at sinenyasan ako na magpunta sa harap.
Hanggang tenga naman ang ngisi si Andrew. At maloko pang pumito.
“Witwiiiw! Uncle Lars surely you would give us a playmate after this!” napaface palm na lang ako, sa sinabi niya. Magandang ideya naman iyon, kaso nakakakaba. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin pag nabuntis ako dito. Ayon kasi sa kontrata madedeport daw ako. Hindi pa pwede iyon.
Dahan-dahan binuksan ni Karen ang mga mata ni Lars. Nakita kong pumikit-pikit pa si Lars, kinuha ang salamin at isinuot ito. Kinakabahan ako habang inaantay ang reaksyon niya.
He just pressed his thin lips together, his jaw tightened and his blue eyes went into a darker shade. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tila naman nabingi ang buong paligid dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim at dinilaan ang natutuyong labi. Nahihiya ako para sa sarili dahil nandito ang mga bata.
“That floral blue dress suits you very well. I’m completely speechless.” Seryosong pahayag niya. Nagbaba na lang ako ng tingin kasi kinikilig ako, baka mapansin din niyang namumula ang mukha, napansin kong tumayo siya at inabot ang cellphone kay Karen.
“Baby, can you take pictures of us? I wouldn’t miss this for a moment.” Request niya sa bata, agad namang tumalima si Karen na may nakakalokong ngisi. Si Andrew naman ay nag punta sa likod ng ate niya at binubulungan ito ng kung humagikhik naman silang dalawa.
“Uncle Lars, can you put your arms on Ate May-may’s waist? And Ate May-may, can you please lean on Uncle Lars' chest. Pleaseee.” Nag puppy eyes pa nga siya kaya bumuntong hininga na lamang si Lars at sinunod ang gusto ng mga pamangkin.
“Right here?” tanong niya, naramdaman ko naman agad ang pagkakakulong ko sa kanyang yakap.
“Yes! Yes! And Ate May-may! Please cooperate! Lean on Uncle’s chest! Hihi.” She demanded like a professional photographer, I just rolled my eyes to her and she just laughed. I leaned on his chest then suddenly I feel his chin resting on my head, nabigatan ako kaya itataas ko na sana ang ulo ko para samaan siya ng tingin nang bigla ay hinalikan niya ako sa noo, sakto din ang pag flash ng ilaw ng camera. Napapikit na lang ako at napa kapit sa braso niya nakapulupot sa bewang ko.
“You don’t know how hard it is for me not to kiss you right now. Damn it! You’re so fuckin’ beautiful and hot.” Bulong niya habang nakayakap pa rin sa akin, pakiramdam ko naman tapos na mag picture ang dalawang bata dahil nagseselfie na lang sila ngayon. Umalis na lang ako sa pagkakayakap ni Lars, maya-maya pa ay humarap sila saamin at nagkaroon kami ng group photo. Binuhat ni Lars ang dalawang bata sa magkabilang bisig niya, habang ako naman ang may hawak ng cellphone ni Lars.
“1, 2 & 3 say cheese!” Sabi ko, sabay-sabay naman kaming ngumiti. Matapos ang ilang shots ay nagsalita si Karen.
“Uncle Lars, send that photo to our parents! Mum said, I should always update her. Okay?” Ang cute talaga ng slang na English ng batang ito, may pagkamatigas kasi ang salita niya. Habang si Andrew ay bulol-bulol at pacute lang ang alam.
“Hmmkay, later. What do you want us to do right now?” tanong ni Lars sa mga bata. Nang biglang tumunog ang tiyan ko, gutom na ako kanina pa sa totoo lang. Hindi kasi ako kumain ng kanin kagabi at nagbicuit lang ako kanina. Napatingin naman si Lars sa akin, at marahang natawa, sumibangot lang ako at hinawakan ang tiyan ko. Tumungin siya sa dalawang bata at yumuko. May tinanong siya sa mga ito na hindi ko maintindihan. Ang narinig ko lang ay may Mcdo at saka naman humiyaw sa tuwa ang mga bata at umakyat sa second floor.
“What are you up to guys?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin bago nagsalita.
“Get your things and we will eat in Mcdo, after we will go shopping. As a family.” Sabi niya at kumindat pa. Naglakad na siya patungo sa kwarto niya at may kinuha siguro kaya sumunod na rin ako sa kwarto ko. Matagal na din na hindi ako nakapunta sa Mcdo, wala naman kasing Jollibee dito kaya nagtiyatiyaga na lang ako sa Mcdo. Masarap din naman ang pagkain doon kaso may masarap pa rin ang pagkain dun sa bubuyog na laging nakangiti.
Habang nag-aayos ng gamit ay napangiti ako. Ang cute naman ng ideya niya, family date. Kinagat ko ang labi ko, tumingin ako sa salamin at bahagyang inayos ang kulot kung buhok. Inilugay ko ito ay naglagay ng hair spray para maayos naman at hindi buhaghag kahit papaano. Naglagay ako ng kilay, at nude na lipstick. Nagpabango na rin ako, at habang ginagawa iyon ay nakita ko ang box na nasa ibabaw ng lamesa ko. Binuksan ko iyon at nakita ang kwintas na inorder ko pa sa china, silver ito at may pendant na bar, naka engrave dito ang pangalan ni Lars. Nakalagay naman sa likod na bahagi ay “My only Exception” binili ko ito 6 years ago, noong mga panahong sinusubukan ko pang makipagbalikan sa kanya. Sinubukan ko naman na ibigay ito sa kanya, sabi ko pa ipapadala ko na lang ito sa Denmark. Ang sabi naman niya ay huwag na akong mag-aksaya pa.
“If you don’t want us to be in a relationship again, then maybe you can accept my gift for you.” Nanlalabo na ang mga mata ko habang tinitipa ang mga salitang iyan at sinend sa kanya. Umabot ng ilang minuto bago siya nagreply.
“I don’t really like necklace, I wouldn’t wear that, if you want you can throw it or just keep it. Do whatever you want.” Isa sa mga mensahe niya na nagpaiyak sa akin ng todo. Napaka unfair niya sa akin, bakit ganun siya magsalita? Alam ba niya na pinag-ipunan ko ito? Isa pa, napaka especial ang kwintas na ito. Hindi lang basta-bastang kwintas.
“Fine. I can’t believe that you would turn out to be this kind of a man. But I promise you. I will give it to you personally. Just block me, then. I love you.”
Marami pa akong gustong sabihin sa kanya, gusto ko pa ulit magmakaawa. Pero pinigilan ko na ang sarili ko, para naman may matira pa sa akin na ego kahit papaano.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, habang dahan-dahan kong inangat ang kwintas na ito. Isunoot ko siya kahit nanginginig ang mga kamay ko, at hiniling na sana ay mapansin niya ito mamaya. Narinig ko na ang mga katok sa aking pinto, marahil ang mga bata na iyon. Inayos ko muna saglit ang aking itsura bago sila pagbuksan. Tumatalon-talon pa silang lumapit sa akin at hinila ako patungo sa labas ng gate dahil nag aantay na daw ang kotse ni Lars sa labas. Pinauna ko na silang maglakad sa patungi sa Uncle nila habang sinisigurado ko naman na nakalock ng maige ang bahay. Pag labas ko ay nakita ko si Lars na nag-aantay na, marahil nasa loob na ang mga bata. Sumakay naman na ako sa passenger seat, nagtataka naman ako ng sumakay na si Lars at sinara na din ang pintuan ng kotse ngunit nakatingin lang siya sa akin. Magtatanong na sana ako ng dumukwang siya sa harap ko at may inabot sa gilid ko.
“You should always wear a seatbelt, Miss.” Napapasibangot na saad niya. Nakita ko naman na natigilan siya sa sout kong kwintas. Tinitigan niya itong mabuti, kaya hinawakan ko ang pendant. Tumingin ako sa kanya.
“This was the necklace.” Kinagat ko ang labi ko, dahil nag-iinit na ang mga mata ko, nagbabadya ang mga luhang pilit na kumakawala. Huminga ako ng malalim bago nag patuloy sa sinasabi.
“I didn’t forget to bring it here, but don’t worry. I just kept it so it won’t leave unused.” Ako na ang nagpatuloy sa kanyang ikinakabit na seat belt. Umiwas na ako ng tingin ng lumayo na siya sa akin. Buti na lang hindi nag tanong ang mga bata, sa pansamantala naming pag-uusap ni Lars bago siya nag-umpisang magmaneho. Hindi naman naging tahimik ang byahe dahil kasama namin ang mga bata, andami nilang tanong at isyu sa buhay. Hindi naman na naging matagal ang road trip namin dahil nakarating agad kami sa paroroonan namin.
Nagtatalon ang mga batang lumabas mula sa kotse at agad na hinawakan nila ang kamay namin ni Lars. Para tuloy kaming tunay na masayang pamilya, isang bagay na matagal ko ng pinangarap. Naisip ko, na siguro kung sa muling pagreject niya sa akin matatanggap ko na nang buo sa loob. Dahil napunan na ang mga ‘what if's' ko. Alam ko na, na kung sakaling kami ang nagkatuluyan noon at biniyayaan ng mga pinangarap kung supling na magmumula sa pagmamahalan naming dalawa. Habang pinagmamasdan ko siya na dala ang mga bata sa pag-order ng mga pagkain maski ang happy meal, kung gaano siya maging mapasensya sa mga kakulitan nang mga ito, alam kong magiging mabuting ama siya.
Kumirot naman ng bahagya ang puso ko dahil naalala ko na walang kasiguraduhan ang plano ko, na baka ako na naman ang uuwing luhaan. Malapit na siyang ikasal, bilang na lang ang mga pagkakataon ko na mabago pa ang isip niya. Napahawak uli ako kwintas ko.
Masyado na ata akong nalunod sa aking mga iniisip at di na namalayan ang pagdating nila. Tuwang-tuwa naman sa tag-isang happy meal ang dalawang paslit. Inabutan naman ako ni Lars spaghetti at fried chicken. Ngumiti lang siya sa akin at inasikaso si Andrew sa kanyang tabi. Ako naman ay pinatuwid ko ng upo si Karen na wala ng pakialam sa paligid dahil abala sa pagbuting-ting ng bagong laruan. Tahimik lang ako buong tanghalian at kung minsan ay sumasagot pag tinatanong ni Karen. Madalas kasi, nag-uusap sila ng danish lang kaya nagfocus na lang ako sa kinakain. Napansin kung inabot ni Lars ang plato ko ng bahagya kaya napatingin ako sa kanya. Naglagay siya ng chicken skin doon, kaya nagulat akong tumingin sa asul niyang mga mata.
“I know how you love chicken skin, I remember you send me a picture before eating pancit and chicken skin. I’m sorry there’s no pancit and vinegar here.” Napakamot pa siya sa kanyang batok. Umiling naman ako at sinserong ngumiti sa kanya, natutuwa ako na kahit papaano ay may ilan-ilan pa rin siyang mga naaalala sa akin.
“No, it’s okay. I can cook pancit soon so you could try it. Thanks for this chicken skin.” Sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay at pinisil ito. Napatingin naman siya doon at napansin kong medyo namula siya. Pinipigilan ko ang sarili ko na matawa sa reaksyon niya nang marinig ko ang mga batang nag-“ayieee” pa. Kaya naman na puno ng halakhakan ang lamesa namin. Lalo nang mag-umpisang tuksohin nina Karen at Andrew si Lars, nakasibangot naman na si Lars. Naisipan kong mas lalo itong pagtripan. Tumayo ako at bahagyang inabot ang kaniyang pisngi upang kurutin. Mas lalo naman siyang namula kaya di ko binitawan ang pisngi niya.
“OMG! You’re so adorable when you blush Lars!” Pang-iinis ko siya, tinitigan nama na niya ako ng masam kaya natatawa akong bumalik sa upuan ko. Samantalang di naman magpaawat ang mga bata dahil binubuyo na nila ito. Pinagsasabihan niya lang sila sa kanilang sariling wika, kaso binungisngisan lang siya ng mga bata.
“Uncle Lars looks like a p***y!” biglang sigaw ni Andrew, kaya naman halos mapatingin sa amin ang mga danish na kumakain. Nakita kong natawa silang lahat sa kakulitan ni Andrew pero sinaway ko siya. Si Lars naman ay sinusubukan pang takpan ang bibig ni Andrew na tawa ng tawa.
“Andrew, that’s bad! But it’s true, Uncle Lars is such a pussy.” Bulong pa ni Karen, sinenyasan ko si Karen na tumahimik na at piko na ang Uncle niya. Tumatawa naman siya na tumatango. Lumingon ako kay Lars na masama na ang tingin sa akin. Saka ko lang naalala, ayaw na ayaw niya palang kinukurot siya lalo sa pingi. Ayaw niya din na tinatawag siyang cute dahil hindi daw siya aso. Nagpout na lang ako at tumikhim upang hindi ako matawa. Pina natili ko naman na ng pansin ang pagkain.
Pagkalipas ng halos isang oras ay natapos kami, nagtake out na din siya ng dalawang bucket ng chicken upang hindi na daw ako magluto mamaya. Sumaglit pa kami sa supermarket nila upang mamili ng candy at iba pang stock daw sa bahay dahil hindi naman pwedeng wala siyang ambag doon. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan habang seryosong namimili, ang mga bata naman ay naiwan sa may play station, babalikan na lang namin pagkatapos namin dito. Ako taga tulak at paminsan-minsan sinasamahan niya din ako. Bumili din siya ng ilang stocks ng candy at chichirya dahil balak niya daw manood ng movie sa TV mamaya. Masaya ako bago matapos ang araw na iyon, dahil alam kong unti-unti ay muli kaming napapalapit sa isa’t-isa. Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang bigla siyang magsalita.
“Thank you for this day May, I hope we could really still be good friends. I hope you’re slowly healing from the pain that I caused you.”
Friends.
Pursigido talaga siya sa ideyang iyon. Napangisi na lang ako ng peke sa kawalan bago nagsalita.
“We’ll see, Lars. We’ll see.”