Chapter 14 Nasa sala ulit ako habang nag-huhugas naman si Lars ng pinagkainan namin. Nag-insist naman ako na samahan siya pero sabi niya kaya niya na daw iyon at mag-antay ako dito, kaya ganon ang ginawa ko. Nangangati ang kamay ko na buksan ang isang bote ng whisky na nasa harap na mesa ko habang nanonood ng balita. Namiss ko kasi ang lasa ng alak, noong nasa Pilipinas ako madalas kami mag-inom ng mga kaibigan ko kaya naman simula ng magpunta ako dito ay dumalang na, minsan na lang kung mag-aaya si Helen at mga iba pa naming kasamahang OFW. Nakita ko naman na may microphone sa gilid ng tv kaya tinawag ko si Lars. “Lars! Do you have a Karaoke on your TV?” sigaw ko, tumayo na ako at saka pinakialaman ang nakitang microphone. “Yeah, you want to sing?” balik na sigaw niya. Natuwa naman ako

