Hindi ko alintana ang sakit ng p********e ko habang lakad takbo kong tinungo ang daan na umiiyak. Nanginginig ang tuhod ko, kaya naman huminto muna ako sa malapit na bench at umupo saka umiyak. Pakiramdam ko ang baba ko na masyado, napakasama niya. Sabagay ako naman pala ang unang nagbigay sa kanya ng motibo upang gawin namin iyon, pakiramdam ko wala akong karapatang masaktan kasi ako ang dahilan kung bakit nagkasala siya sa fiancé niya. Galit ako pero hindi ko alam kung para kanino ako dapat magalit at kung sino ang sisisihin ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Pinunasan ko ang aking mata upang makita kung nasaan ako, nakita kong nasa playground pala ako. May mga mangilanngilan na mga batang naglalaro, at may mga magulang o bantay naman sila sa nag-uusap sa kabilang dulo ng playground

