Nauna na akong nagising kasi 4:30 am naman talaga ang nakasanayan kong oras sa pagising. Nakita ko si shokoy na nakabukaka pa habang natutulog sa couch. Nahulog pa yata ang isa niyang paa kaya nasa sahig. Burara din pala matulog ang isang ito feeling siguro niya ay pamamahay niya ang tinutulogan. May naisip akong kalukuhan kinuhanan ko siya ng picture. Ipapadala ko ito kay Afsheen mamaya. Malaking mama kasi kaya medyo nahihirapan siya sa couch. Tskk niyaya pa akong tumabi sa kanya mabuti nalang at hindi ako masyadong marupok, slight lang konti nalang tulak bibigay na sana.... haissttt pangungutya ng talandi kong utak. Dahan-dahan kong hinawakan ang binti niya para ilagay uli sa couch. Mukhang nilalamig kaya kinuha ko ang kumot ko para ibigay sa kanya. Patayo na sana ako ng bigla niya ak

