Itay, inay nandito na kami. Nandito na po ang pinakagwapo ninyong apo sa balat ng dagat. “Hay juskong babae ka, ano ba yang pinagsasabi mo? Anong akala mo sa anak mo anak ng shokoy.”....humagalpak ako ng tawa sabay lingon sa aking likuran. Sinamaan naman ako ng tingin ni shokoy. “Oh hijo, kasama ka pala. Halika pasok ka, bakit ang dami naman niyang pinamili nyo?” “Magandang umaga po,nay”....nagmano pa kay nanay samantalang ako na anak hindi man lang nakapagmano. Pahiya ka tuloy Lessery, kabaliwan kasi ang inuna mo.....tudyo ng utak ko. Close kayo? Nay, ampon lang ba ako? “Siraulo yata ang babaeng ito kung anu-ano lang pinagsasabi.”.... nakairap na sabi ng nanay ko. Eh kasi po, agad nyo siyang pinatuloy. Samantalang kami ng apo nyo di man lang inanyayahang pumasok sa loob ng bahay...

