Talagang bumalik agad ang shokoy. Timing naman na tapos na kami ni nanay at naihanda ko na ang hapag kainan. Ano na naman yang dala mo? “softdrinks sa inyo at harddrinks sa'min ni tatay lito.” Paiinumin mo tatay ko? “Hindi naman nakakalasing ang Red horse eh. Saka minsan lang naman” Tigilan na ang bangayan, maupo na kayo at tayo ay kakain na. “Wow ang sarap naman niyan nay!”... tuwang-tuwa pa siya sa ulam namin. Anong gusto mo kutsara o lapis? “Anong lapis?” Di ba kapag sosyal hindi gumagamit ng kamay at kutsara. Iniipit sa lapis ang mga pagkain. “hahaha chopsticks tawag doon hindi lapis.” pakialam mo, basta lapis yun pwedi kitang bigyan meron sina Lerian at Leandro naiwang lapis. “Magkakamay nalang ako, magaling akong magkamay.”....sabay pilyong kindat sa'kin. Haliparot ka tal

