talambuhay ni baby Zaile

1766 Words
Pwedi tayong mag-usap sa favourite place ko Sheen. Gabi na hindi ka ba natatakot? “Ano ka ba Less, ang liwanag ng buwan oh anong ikinakatakot mo. Sanay ako sa madilim na mundo Less, dahil sa trabaho ko. Bilang isang secret agent ng Canada sa gabi kami lumalabas para mag-manman sa mga kasong hawak namin para hindi kami makilala ng kalaban. At bilang isang sundalo sanay kami sa sagupaan kaya wala kang dapat ipag-alala habang kasama mo ako. Ang galing mo naman Sheen. “Nagmana lang ako sa ugali at katapangan Ng Papa ko Less. Don't worry you will know the real Afsheen Della Torres Aragon later. Yugto ng buhay mo ito kaya sa'yo dapat naka-focus ang daloy ng kwento. Palamuti lang kami I mean back up mo para masaya ang daloy ng kwento mo.” Hahaha nakakatawa ka naman. Dito tayo Sheen sa malaking bato maupo. Mas maganda kong sa araw mo marating ang lugar na ito para makita mo ang kagandahan ng buong paligid. Ano nga ba ang pag-uusapan natin Sheen? “May itatanong lang akong personal na bagay sa'yo. Anak mo ba talaga si baby Zaile sa pagka dalaga?”....bigla akong nagulat sa tanong ni Afsheen. “Huwag kang mag-alala Less, isa ako sa pwedi mong pagkatiwalaan. Safe ang sekreto mo sa akin, trust me.” Taga Iba Zambales kami dati Sheen, si tatay nagtatrabaho sa talyer at si nanay naman ay may maliit na karenderya sa bayan. Si Ate Leah ko high school graduate lang. Hindi na siya pumasok ng college dahil siya na ang naging katuwang ni nanay sa karenderya. Kaming tatlo ang pinapaaral niya. Pagkatapos ko ng high school nag take ako ng exam for scholarship sa Ramon Magsaysay State University at sa awa ng diyos ako ang nakakuha ng highest score kaya full scholar ako. Second year college na ako may nag-recruit kay ate Leah na magtrabaho sa maynila. Maganda ang offer at mabait daw ang magiging amo. Kaya pinahintulutan siya nila nanay at tatay na pumuntang maynila sa pag-aakalang magandang opotunidad iyon para matulungan niya kami. Katatapos lang ng final exam ko ng ma-stroke si tatay. Kaya isinara na ni nanay ang karenderya para alagaan nalang si tatay. Hindi ako pumayag na isara iyon dahil saan kami kukuha ng pantutos sa araw-araw kung wala kaming pangkabuhayan. Ayon na ang time na huminto ako sa kolehiyo at ako na ang namahala sa aming karenderya. Tatlong buwan mula ng pumunta si ate Leah sa maynila bigla itong umuwi. Hindi pala siya dinala ng nag-recruit sa kanya sa maynila bilang kasambahay. Sa isang Club siya dinala para maging serbidora. Sa pangatlong buwan niya sa club ng mag-serve daw siya sa isang costumer sa isang VIP room. Doon siya sapilitang ginalaw o sabihin nating ginahasa siya. Nakasaad naman daw sa penirmahan niyang kontrata na hindi siya pweding galawin ng customer na labag sa kagustuhan niya, bawal siyang pilitin Kong ayaw niya. Kaya nanatili siya ng ilang buwan bilang serbidora sa club na iyon. Pero pagkatapos na mangyari ang gabing iyon, madaling araw pa lang ay tumakas na si ate Leah at umuwi sa lugar namin. Ilang araw siyang tulala at nagmukmok lang sa bahay. Siguro na trauma siya at lalo na Ng madatnan niya na na-stroke si tatay. Dalawang buwan na mula ng makauwi siya ay biglang nagsusuka siya sa umaga. Nagbunga ang isang gabing kahayopang ginawa ng taong sumira sa pagkatao ng ate ko. Gusto ni ate Leah na ipalaglag ang bata pero hindi pumayag si nanay. Ang katwiran ni nanay mali ang pumatay at walang kinalaman ang anghel na nasa sinapupunan ni ate. Maraming tao ang naghahangad na mabiyayaan ng munting anghel pero hindi pinalad. Sa isang gabing pagkakamali ay binigay ng diyos ang isang munting anghel. Kaya dapat daw itong alagaan bilang isang biyaya sa amin. Nawawala ang dating saya sa mukha ni ate, naging malungkotin ito sa bawat araw. Pero nang nasa siyam na buwan na ang tiyan ni ate palagi niyang sinasabi sa akin. Lessery alagaan mo ang anak ko, ikaw na ang bahala sa kanya. Ikaw na ang tumayong ina niya. Nung una hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi ni ate Leah. Sabi ko pa “Ate tayong dalawa ang magiging nanay ni baby paglabas niya. Gagabayan natin siya at sabay na aalagaan.” Sa araw na manganganak na siya dinala na namin siya sa hospital. Hindi niya nakayanan Sheen, pagkatapos niyang ilabas ang bata nawalan ng malay si Ate. Sinubukan ng mga doctor na i-revive si ate pero tuloyan na itong nawalan ng buhay. Saka lang namin nalaman na may sakit pala sa puso si ate Leah. Dapat pala hinayaan nalang namin siyang ipalaglag ang bata. Kung alam lang sana namin na may malalang sakit pala si ate sana di na namin siya pinilit na buhayin ang bata. Naandiyan nga si baby nawalan naman kami ng kapatid. Pero sabi ni nanay sadyang hindi talaga para sa amin si ate Leah kaya kinuha siya ng diyos. Si baby Zaile ang ipinalit ng panginoon para hindi kami sobrang mangulila kay ate. Kaya ayon dahil ayaw naming mahusgahan kami ng mga kapitbahay ibininta namin ang aming karenderya at bahay. Saka kami lumipat dito sa San Martin para walang makakilala sa amin. Si baby Zaile inako kong anak sa pagka-dalaga. Naaawa ako sa pamangkin ko dahil wala na nga siyang ama, nawalan pa siya ng ina....umiiyak kong salaysay kay Afsheen. Isa sa bagong kaibigan ko ng lumipat kami dito na may pwesto sa palengke ang tumulong sa'kin. Nang sumampa siya sa barko bilang seaman sa akin niya ibinigay ang kanyang pwesto. Nagbibinta ako ng isda sa palengke para matustusan ang pang araw-araw naming pangangailangan, gatas ni Zaile at pang-baon ng mga kapatid ko. Pero sadyang malupit parin ang tadhana sa akin. Nilisan nga namin ang aming lugar para makaiwas sa mapanghusgang mamamayan. Ngunit hanggang dito mas lalo pa akong hinusgahagan. Nagalit si aling Corazon ang nanay ni Roy dahil nilalandi ko daw ang anak niya kaya sa akin ibinigay ang pwesto sa palengke ng libre. Ipinagkalat niya sa mga kaibigan niya sa palengke na isa akong disgrasyadang babae. Nagpabuntis at iniwan ng nakabuntis, Kaya araw-araw kong tinitiis ang mga panghuhusga nila Sheen. Dito sa pwesto na ito, ito ang pahingahan ko. Ang lugar na ito ang naging sandalan ko kapag hindi ko na kaya ang mga masasakit na salita na naririnig ko mula sa mga marites sa palengke na walang ibang ginawa kundi ang pestihin ang araw ko. Kung totoo mang may mga shokoy o serina sa dagat malamang sila na ang mga fans ko bilang drama aktres sheen....natawa kaming pariho ni Afsheen sa aking sinabi. Habang naliligo nag-re-rehearsal ako diyan sa dagat para lumuwag naman ang pakiramdam ko. “Naku hindi ka ba natatakot Less na baka may ma inlove sa'yo na isang shokoy.” Hahaha hindi niya nagugustuhan ang isang katulad ko dahil kung meron man. Sasabihin ko sa kanya na kailangan niyang maging tao at magbibinta siya ng isda sa palengke. Ayaw naman siguro niya na ibinta ang mga aliporis niya sa dagat. Kapag sinabi niyang dadalhin niya ako sa kanyang palasyo sasagutin ko rin siya na wala akong ibang kakainin kundi ang mga aliporis niyang isda. Mas masaklap pa kung tulog siya ihawin at kainin ko rin siya. Humagalpak ng tawa si Afsheen sa kabaliwan kong kwento. “Hindi ka nga pala pweding mahalin ng mga serino at shokoy Less dahil wala silang option sa'yo. Naiiling nasabi no Afsheen na ikinatawa naming pariho. “Pero seriously Less, saludo ako sa katapangan mo. Saludo ako na may isang babaeng katulad mo na handang lumaban sa mga pagsubok para sa pamilya. Hayaan mo akong tulongan kita Less. Hayaan mong ibahagi ko sa'yo at sa pamilya mo ang blessings na meron ako. Huwag kayong mahiya dahil hindi kayo nag-iisa sa mga tinutulongan kong makaahon sa hirap ng buhay. Sadyang pinagtagpo tayo dito Ng panginoon dahil isa ka sa deserving na taong dapat biyayaan ng magandang buhay.” Laban lang Less, hindi pa tapos ang mga pagsubok. Habang nabubuhay tayo sa mundong ito, bawat araw ang may bagong ginhawa at pagsubok ang darating. Huwag mong bitiwan ang mga pangarap mo. Dahil may pag-asa ka pang abutin ito. Pagkatapos ng therapy ni tatay Lito at malaki na si baby Zaile pwedi kang bumalik sa pag-aaral mo. Hoy luka-loka bakit ka umiiyak? May mali ba akong sinabi sa'yo?” Ikaw kasi eh, para kang anghel na hulog ng puno. “Hulog ng puno???” Oo puno!, puno ng grasya at namamahagi sa mga kapos palad na tulad ko. “Hahaha para na tayong baliw dito, minsan nag-iiyakan at nagtatawanan.” Ako lang naman ang naiyak sa kwento ko eh. Ikaw ang tigas ng puso mo, hindi ka kasi naiyak. “Ah ganun? Kung iiyak ako gusto mo bang mag high tide dito sa kinauupuan natin?” High tide??? “Oo high tide, kasi kapag umiiyak ako lumalapit ang bagyo at tumataas ang tubig dagat. Kaya kahit gustohin ko mang umiyak pinipigilan ko dahil baka hindi na tayo makauwi sa bahay ni Lolo Mariano.” Totoo ba yan? “Oo maniwala ka dahil minsan Lang akong nagsisisnungaling.” Hahaha luka-loka ka rin, akala ko totoo na. Tayo na nga baka hanapin na nila tayo. Naglalakad na kami pauwi sa bahay ni Lolo Mariano. Nang makita namin ang mga kalalakihan na may dalang flashlight at charge light. Sheen, ang asawa at mga kaibigan mo yata ang mga iyan. Lagot tayo nito baka pagalitan tayo. “Huwag kang mag-alala Less, maglalambing lang yan.” “Love, saan ba kayo galing at hindi man lang kayo nagpaalam?”....tanong ng asawa ni Afsheen “Love sinubukan ko lang makipag-date sa serino at shokoy doon sa tabing dagat.”....baliw na sagot ni Afsheen na ikinatawa namin. “Love hindi pa ba ako sapat sa'yo?”...ang sweet nila. “Sapat naman, sinubukan ko lang eh.” Nauna nang maglakad ang ibang kalalakihan. Si Afsheen at ang asawa niya ay nakasunod habang ako naman ay pinaka nasa hulihan. Pero sumabay naman ang shokoy kong senyorito sa aking paglalakad. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang aking baywang. Parang may kung anong kuryenti akong naramdaman ng dumapo ang braso niya sa aking katawang lupa. Pilit kong tinatanggal ang kanyang braso pero mas lalo lang niyang hinigpitan. Senyorito tanggalin mo yang braso mo...diin kong sabi dahil baka marinig kami ni Afsheen. “Let it babe!”....bulong niya sa tainga ko at kinilabutan naman ako. Babaliin ko yang daliri mo shokoy ka. “Go ahead babe! kung saan ka masaya susuportahan kita.” Baliw ka na......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD