naimbag nga bigat

1769 Words
5 am pa lang gising na kaming lahat para ihanda ang mga almusal. Soldier na soldier talaga si Afsheen dahil napaka dali magluto. Naka assist lang ako sa kanya ng magluto siya ng pansit. Kailangan ko rin mag double time para sabayan ang galaw niya. Buti nalang dumating rin ng maaga ang mga kapatid ko kahit papaano nakatulong si Lerian sa paghanda ng lamesa. Nagtimpla kami ng coffee at inilagay sa tatlong flasks. Tuwang-tuwa si Lolo Mariano at Lola Carmella dahil nagkaroon daw ng kulay ang bahay niya. Ito daw ang pinakaunang kaarawan ni Lolo na sobrang ingrande at napakasaya. Naiinggit ang mga kapatid at ina ni senyorito Zhykher dahil hindi ito nakauwi. Akala nila isang simpling handaan lang ang magaganap pero nang makita daw nito ang video umiiyak sa inis ang ina at kapatid na babae dahil sobrang unfair daw ng mag-lolo. Nangako naman si Lolo Mariano na next year uulitin ito at kailangan kompleto ang lahat. Si Lola Carmella ang taga tikim ng mga luto ni Afsheen. Sabi pa ni Lola magpapa-ampon na daw siya Kay Afsheen dahil hahanap-hanapin daw niya ang luto nito. “Don't yah worry Lola Carmella tuturuan ko si Lessery kung paano magluto para palagi ka niyang lulutuan ng mga masasarap na foods.”.....sabi ni Afsheen sabay kindat sa akin. “I know Lola magaling din si Lessery sa cooking skills kasi may karenderya sila dati. Tikman mo muna ang mga luto niya bago ka magpa-ampon sa akin.”...dagdag pa ni Afsheen Baliw ka talaga Sheen. “Ate Afsheen turuan mo rin ako paano magluto.”....si Lerian “Sure kapag nasa maynila na tayo bonding tayo sa kusina.”...sagot naman ni Afsheen. Nakahanda na sa dining area ang mga almusal. Pancakes, tinapay, lumping Shanghai, pansit, Maja de pruta na ngayon palang daw matitikman ng mga shokoy. Fresh manggo juice, fruits and coffee. Ang natirang mixture ng lumpiang shanghai ay nilagay ko sa loob ng pusit. Nilublob ko sa bread crumbs at pinerito ko ito. “Queen, ikaw ang nagluto nito? Parang new menu tu ah.”....tanong ni senyorito shokoy kay Afsheen. “Bakit ano ba yan?”... Afsheen asked back. “Pagkatapos lutuin ang lumpia, iyan yata ang niluto ni Lessery na may nilagay sa loob ng pusit tapos pinerito niya.”...sagot ni nanay Nida “Wait!” Kumuha si Afsheen ng Lima at naglagay pa Ng sawsawan tapos binigay niya kay Lola Carmella. “Take it Lola, ang daya nitong babaetang ito may secret menu na niluto hindi man lang muna pinatikim sa'yo.”...reklamo ni Afsheen. “Leandro kumain ka ng marami dahil 700 aalis na tayo. Ikaw Lerian maupo kana at kumain. Ready na ang lahat ng pagkain may Less pero walang kulang di ba Lolo?”...daldal ni Afsheen. “Love ang ingay mo bahay mo ba 'to.”...reklamo ni Jeremy. “Tumahimik ka may deal na kami ni Lola aampunin ko na siya.”...natawa nalang kami sa sagot ni Afsheen. “ Less, umupo kana sa tabi ni Zhyk dun lang may bakante.” Ayoko dahil baka kapag nabulunan ako hindi ako bibigyan niyan ng tubig ikamamatay ko pa at mawalan pa ng ina ang anak ko. Walang preno kong sagot. “Lessy, ganun na ba ako kasama sa paningin mo?”...sagot ni Zhykher. “Ayowwwnnnnn ohhhhh ang sweet na ni baby Zhykher natin pre.”...si Axel Kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan ko ng mga almusal as in punong-puno talaga parang huling kain ko na. “Hey baby Less, you can eat that two plates of food?”... Froilan asked Pasyensya na po medyo nahiya kasi ang mga alaga sa tiyan ko sa inyo kaya dinamihan ko na. “Pre, mukhang madagdagan ang mga baliw.”....si Ryan Naglakad na ako sa may sala kung saan nakaupo ang yaya ni Afreen at Afroze. Inilapag ko ang mga pagkain saka bumalik para kumuha ng dalawang baso ng mango juice. Pasyensya na po huh! Magtatampo muna kaming dalawa ni Ann sa inyo kaya medyo lalayo kami..... nagsitawanan naman sila sa aking tinuran. Kinuha ko si Afreen at pinaupo sa kandungan ko habang kumakain din ako. Si Ann ganun din ang ginawa. Nagkukwentuhan pa kami hanggang sa matapos na kaming kumain. Ibinalik ko sa kanya si Baby Afreen at dinala ko naman ang mga pinagkakainan namin sa kusina para mahugasan. Juskolord mga bakunawa ba ang laman ng tiyan nila at talagang inubos ang mga almusal. Mukhang hindi man lang nagtira ng bakante para sa tanghalian....anas ng isip ko. “Ang daya ni Zhykher kasi yung pinakamasarap na almusal yon ang nilantakan niya. Dalawa lang ang nakain ko eh”...reklamo ni Gian. “Less, may natira pa bang lumpiang pusit sa kusina?....si Justine. Meron pa po pero kay-----hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko dahil nagsitakbohan na ang limang lalaki. Mga tanga hindi naman alam kung saan ko nilagay. “Less, saan mo nilagay?”... sigaw ni Afzal Maupo nalang po kayo at edi-distribute ko para pantay. “Zhyk, huwag kang tumayo dahil marami kanang nakain”...banta ni Jeremy. Dinala ko na ang tupperware at tong para bigyan sila. I give them 5 each pati si Lolo. Pero si Lola umayaw na dahil sobrang busog na daw niya. Sheen, gusto mo?... umiling na siya. “Ako hindi mo bibigyan?”...shokoy talaga Marami kana raw kasing nakain eh baka sumakit pa ang tiyan mo. Magtira naman po kayo ng bakante para sa tanghalian. Itong natira sa kanila nalang kasi kulang daw share nila. “Lessy!”....siningkitan pa ako ng mata. Binilatan ko naman siya ng mata bilang ganti. Saka bumalik sa kusina, pero ang shokoy sumunod pa. Para kay Lola Carmella yan mamayang 10 o'clock eh. “Babe, gumawa ka nalang para kay Lola ha..... mwahh.” ano raw??? Yawa ka talagang shokoy ka. Dala ang tupperware bumalik na siya sa dining area. “Zhyk, sumosobra kana pre hindi halatang patay gutom ka.”...si Axel Pagkatapos naming hugasan ni Lerian ang pinagkainan. Nagbihis na ako ng simpleng white t-shirt at jeans with my white shoes na talagang pinakakaingatan ko pa. Sasakay daw kami sa helicopter ni Afsheen. Hindi ko alam kong kakayanin ko kasi first time kong sumakay. “Lolo, Lola aalis muna kami at 9 o'clock I'm sure makakabalik na kami. Love, pakitingnan minsan ang mga babies huh. Bilisan nyo na para makauwi tayo kaagad.” Sheen, natatakot akong sumakay diyan eh. Huling buhay ko na ba ito? Makikita ko pa ba ang baby ko? “Ate Lessery ang OA mo, magtiwala ka nga lang kay ate Afsheen.” ...si Leandro “Trust me Less, sige isuot nyo na mga headsets nyo para makalipad na tayo.”...imporma ni Afsheen Mahigpit kong hinawakan si Lerian dahil pati ito ay takot di pala. Nakapikit pa ako habang unti-unting umakyat pataas ang helicopter. “Less, buksan mo ang mga mata mo para makikita mo ang views sa ibaba.” Wow ang ganda naman niyan, salamat sa diyos at binigyan niya ako ng pagkakataong makasakay ng helicopter. “Kanina takot na takot ka eh.” Kanina yon Leandro, ngayon hindi na. Sobrang sarap sa pakiramdam na nasa himpapawid. Sana makasakay din sina nanay, tatay at Zaile...lihim kong dasal. “Dont worry Less, makasakay din sila soon.” Nagulat ako sa sinabi ni Afsheen. Nakakabasa ka ng laman ng utak sheen? Mahinang tawa lang ang sagot ni Afsheen sa tanong ko. Grabeh unbelievable talaga ang babaeng ito. Hindi nagtagal ang narating na namin ang Ramon Magsaysay State University Campus. Lumapag kami sa kanilang playground manghang-mangha ang mga kamag-aral at kaklase nina Leandro at Lerian. Pagdating namin sa Head office ng school agad na lumabas ang pinuno ng paaralan. “Good morning sir, I'm Lieutenant Colonel Afsheen Della Torres Aragon of Canadian Military Air Force. Pagpapakilala ni Afsheen. “Good morning din, pasok kayo sa office ko. Lessery Sarreal hija kumusta kana?” Professor Santiago good morning po. Okay naman ako sa awa ng diyos. “We won't hang around anymore sir. Because we have an important occasion today. I just want to get the transcripts of records of the three of them because I will be transferring them to Manila. Please send it to my email address or to the university where they will transfer.” “Mag kamag-anak kayo?”....takang tanong ni sir panot. “Yes sir, a long lost relatives.” “Ah okay don't worry, just give me your email address and the university email address.” “Ano nga pala ang pangalan ng university na lilipatan nila?.” “Della Torres International State University of professionals Manila branch.” “Congratulation sa inyong tatlo dahil sa magandang opportunity na dumating sa buhay ninyo. Pag-igihan ninyo ang inyong pag-aaral hanggang sa mag-tagumpay kayo. At huwag nyo kaming kalimutang bisitahin.” “Sure po sir! At maraming salamat.”....si Leandro. Nagpaalam na kami sa mga faculty teachers. Saka umalis na, habang naglalakad naisipan kong bisitahin saglit ang aking mga kaklase para makapagpaalam na rin. Sheen, pwedi ko bang bisitahin sandali ang mga dati kong kaklase. “Sure why not! Let's go we will meet them. Leandro, Lerian magpaalam na rin kayo sa mga kaklase ninyo. Kung magtatanong sila kong sino ako sabihin nyo pinsan ninyo ako.” “Opo ate!” Nakita ko ulit ang aking mga kaklase at kaibigan. Nag-iiyakan pa kami dahil sobrang na miss namin ang isa't isa. “Sino iyang magandang dilag na kasama mo? Ang astig magpalipad Ng helicopter ah.”...one of my male classmate ask. Sorry nakalimutan kong ipakilala sa inyong lahat ang pinsan ko. Isa siyang military air force official sa Canada Afsheen Della Torres Aragon. “Pwedi hingiin ang number ni ma'am Afsheen?...tanong ng isang lalaki kong kaklase. Gusto mo number ng asawa niya? “Ay sayang may asawa na pala si ma'am ganda.” “Kanayon nga ipangpangrunam ti panagadalmo (always priority your study). Isipin palagi ang paghihirap ng mga magulang para maitaguyod ang inyong pag-aaral. Ang pag-ibig at libog ang maaaring gamitin sa tamang panahon. Crush okay lang para ma inspire kayo.” “Ammom kadi ti agsao iti ilocano?” ...my classmate. “Wen bassit laeng.”...afsheen Sige paalam sa inyong lahat nice meeting you all. “Manen, naimbag nga bigat dagiti gagayyem.”...si Afsheen “naimbag nga bigat met gayyem.”sagot naman nila. “Lets go Less, apay nga agulimekka?” Natuwa lang ako sa'yo Sheen. Hindi ka naman siguro encyclopaedia diba? “Gagi, bilisan mo na nga baka pagalitan na tayo no Lolo Mariano.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD