Bago mag 9:00 am nakauwi na kami sa bahay. Isa sa the best moment ng aking buhay dahil sa unang pagkakataon na makasakay ako ng helicopter. Tuwang-tuwa rin ang aking mga kapatid hindi rin nila inaasahan na ang dating tinatanaw lang sa himpapawid ang kanilang masasasakyan.
Sheen, maraming salamat sa experience na pinaranas mo sa amin. Pasalamat ko kay Afsheen pagkababa namin.
“Asus walang anuman, masaya rin ako na napapasaya ko kayo. Tara na baka nagsidatingan na ang mga bisita ni Lolo Mariano. Hello people we're home!”...sigaw ni Afsheen napaka pasaway talaga parang bata kung umasta.
“Mabuti naman at nakarating kayo kaagad.”si Lolo Mariano.
“Leandro at Lerian umuwi kayo para magbihis ng inyong uniform pero kailangan bumalik kayo kaagad dito. Pakitulongan niyo ang ate ninyo sa pag-aasikaso.”...si Lola Carmella.
“Sige po Lola babalik ako kaagad.”...sagot naman ni Lerian. Hindi na daw uuwi si Leandro dahil hubarin nalang niya ang kanyang t-shirt na uniform dahil may shirt naman siyang suot na extra.
Pumasok na ako sa loob para ihanda ang mga snacks sa mga panauhin ni Lolo Mariano. Sumunod din si senyorito shokoy sa akin sa kusina kunwari umiinom ng tubig. Style niya bugok, naiinis parin ako sa kanya dahil inubos niya ang squid roll na para kay Lola Carmella.
“Kumusta ang lakad nyo?”pag-uusisa ni haring shokoy.
Hindi kami naglalakad dahil lumipad kami sa eri kanina patungong Ramon Magsaysay State University. Naibuga pa niya ang tubig na nasa bibig.
Apaka bastos mo, dapat nilunok mo muna ang tubig bago ka tumawa o umiyak. Next time tiyakin mo munang walang laman iyang bibig mo para walang madamay.
“Im sorry! ikaw naman kasi nakakatawa yung sagot mo.”
Ibig sabihin kasalanan ko ganurnnnn?
Ha-ha patawa rin kasi tanong mo....pang-aasar ko pa sa kanya.
Nakita naman ng dalawang mata mo na umupo kami sa helicopter tapos lumipad na ito.
“Nakakatuwa kang kausap Lessy dahil may sense of humor.”
Oo nga po noh senyorito hindi katulad ng tanong nyo na walang amor....tumawa na naman pero umiwas na ako. Mahirap na dahil baka mag ala shower na naman ang bibig nya.
“Uy!!! Ang saya natin ah.”....pambubuska ni Axel na kakapasok lang sa kusina.
Itanong nyo po sa kaibigan nyo kung ano ang topic para matawa rin kayo.
“Ang daming desert kayo ang nagluto ng lahat ng mga iyan?”tanong ni Axel.
Si Afsheen po ang nagluto nyan naka-assist lang ako sa kanya.
“Hmmm our amazing queen.”...komento pa niya.
“Dumating na si Mayor at ang kanyang pamilya paki ready ang meryenda.”...imporma ni nanay Nida
“Tutulongan kana namin.”...si shokoy
Hindi na po kailangan, kaya na namin ni Lerian. Ang mga bisita niyo nalang ang inyong asikasuhin.
Kasama din pala ang malditang anak ni Mayor Robert Sanchez. Tskk panay pa cute sa mga boys. Nakakita lang ng mga kabayo nagwawala agad sa kanyang kwadra.
“Oh-mm-gg best! Kung sumama ka lang sana eh di makikita mo rin sana ang mga nakikita ko ngayon. Gigil na bulong niya sa kanyang kausap sa phone. Ang yuyummy nila sarap papakin. Taga maynila best mga yayamanin at mukhang wild sa kama.”...hindi ako marites pero naririnig ko ang mga pinagsasabi ng anak ni mayor.”
Juskolord mukhang p*KP*k na siya sa mga pinagsasabi niya. Hindi ba siya nabibigatan sa kapal ng make-up niya? Parang hindi pinapalampas ang arina, cornstarch, giniling na bigas sa kusina ah...hindi ko namalayang naisatinig ko pala.
“What did you say?”....taas kilay niyang tanong
Hindi po kayo ang kinakausap ko. Paalis na sana ako ng muli siyang magsalita.
“Serbidora ka ba dito? Bigyan mo nga ako ng juice coz I'm so thirsty.”
Gusto mo isang container para mawala iyang thirst mo?
“Aba nang-iisulto ka ba?
Hindi! Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo ng marami para mapawi ang thirst mo.
Bumalik na ako sa kusina kaysa makipagtalo sa feeling model. May mga mayayaman talaga na walang dilikadisa sa katawan. Kung makakita ng gwapo naglulupasay kaagad.
Uy ikaw ba hindi attractive sa kanila?...anas ng kabila kong isip.
“Ate okay ka lang ba?”...Di ko namalayan na lumapit na pala si Lerian.
Oo naman okay lang ako, napaka maldita lang kasi ng anak ni mayor. Nakakita lang ng gwapo para ng gutom na bulate.
“Ikaw ba hindi ka nagagwapohan kina kuya?” Ano bang tanong yan Lerian? Nakita mo bang kinilig ako?.
“Kikiligin ka rin babe!” ayyyy shokoy ka... biglang sigaw ko sa gulat. Ano ka ba? Bakit ba sulpot ka ng sulpot? Tutubuan ako ng nerbyos sa'yo eh. Ang kapatid ko naman ay tawa lang ng tawa.
May kailangan po kayo?
“Ikaw!”
Umayos po kayo, nandito po ako para magtrabaho ng maayos.
“Maayos rin naman ang sagot ko ah, ikaw na ang magdala ng extra juice kasi kulang daw doon sa lamesa.”
Si Lerian naman ay agad kinuha ang pitchel ng juice para dalhin sa sala.
“Lissy, ang ganda mo.” Naku wala akong peso para sa papuri mo.
“Bakit ko kailangan ang peso?”
Para hindi ako magkabulutong. Bakit ka ba palaging nandito sa kusina, kalalaki mong tao nakababad ka sa kusina.
“Kasi nandito ka.”
Syempre nagtatrabaho ako kaya ako nandito.
“Gusto kita palaging nakikita eh.”
Dapat na ba akong kiligin?
“Manhid ka ba?”
Malamang hindi.
“Why don't you feel my presence?”
Ay si senyorito parang tanga, feel na feel po kita sir. Dahil sa biglaan mong presence malapit na akong tubuan ng nerbyos.
“Zhyk, hinanap ka ni mayor.”....si Ryan.
Less, anong pweding lantakan diyan. Pumili nalang po kayo ng gusto niyo diyan basta maglaan nalang kayo ng lugar para sa letson.
“Oh nandito ka rin? Anong ginagawa mo dito hijo?....si Afsheen.
“Hi Queen, mas masarap kumain dito nakakabusog dahil walang ka kompitensya.”
Ipakilala daw kayo ni Lolo sa anak ni mayor. Naku kinilig ng sobra ang Lola nyo, kulang nalang tumulo ang laway.
“Bahala na sila doon, hindi ako mabubusog sa hitsura nun. Sa dami ng make up, mukha na siyang cake na maraming icing.” bumulanghit kami ng tawa sa sinabi ni Ryan.
Grabeh ka naman kong maka pamintas ng kapwa. May pakiramdam din yun kapag naririnig ang mga kumento nyo masasaktan.
“Less, nagsasabi lang ako ng totoo bilang isang lalaki. Akala kasi ng iba kapag marami silang kolorete sa mukha ma-a-attract kami. Their thought is wrong kasi mas nagagandahan kami sa simply lang. Yung hindi naman mukhang manang at hindi sobrang maarte.”
“Anong topic nyo dito?”...si Justine.
Oh bakit ka rin nandito? Bakit nyo iniwan ang prinsesa ni mayor?
“Nabighani sa alindog ni Zhykher ayon nakakilingkis na.” p*KP*k nga, anas ng isip ko.
“Baby Afroze your mommy is here.”
“Bakit mo bitbit ang anak ko?” Para makapunta dito at makakain ng deserts Queen.
“Ayowwnn ginamit pa ang anak ko para sa kumakalam mong bulate.”
Nakita ko si Lerian na dala-dala na ang mga pinagkainan ng mga bisita kaya tinulungan ko na. Hinugasan ko na ang mga ito at itinabi sa gilid. Panay parin ang kain ng mga patay gutom. Kahit mayayaman sila hindi man lang nag-iinarte. Para silang mga sundalo na kung saan pweding umupo at makakain gurah agad.
Ang swerti ng mga babaeng magiging asawa nila. Katulad ni Afsheen at ang bestfriend nito.
“Guys gising na si kikay.”...si Afsheen.
Hello Kikay kumusta ka diyan sa Canada inday?
“Nakakainis kayo, pumunta kayo sa lugar ni Zhykher na hindi ako kasama. Nakakatampo talaga iyang pag-uugali ninyo.”
“Kikay, tingnan mo sila!” hinarap niya ang video sa mga kalalakihan na kumakain.
“Naku palayasin nyo ang mga yan diyan dahil hindi nila titigilan hanggat hindi nauubos.”
“Ang harsh mo talagang manalita Clea, akala mo talaga patay gutom kami”...si Gian.
“Alangan naman na sasabihin nating patay busog kayo eh lantak naman kayo ng lantak. Uy sino yang magandang binibini sa likod ni Ryan?”
“Maghunos dili ka Clea nagiging tibo kana, isusumbong na kita kay pareng Afzal.”
Tumahimik ka Axel, pinagsasabi mo.
“Future wifey yan ni Zhykher kikay.”...bigla akong napalingon sa sinabi ni Afsheen at nakita kong pilya itong ngumiti sa'kin.
“Ay Hala patingin ako sa malapitan b*tch kakaliskisan ko.”...si Clea.
Tanga, hindi yan serina para kaliskisan mo witch.
“Hi I'm Clearose Humpress Della Torres.”
Magnanakaw ng apilyedo ko...singit ni Afsheen.
“Kusang binigay ng kuya mo kaya huwag kang OA b*tch.”...si Clearose.
I'm Lessery Sarreal po ate, “tang*ina mukha na ba akong manang?”
“OO!”...sabay sigaw ng lahat at nagsitawanan.
“Mga yawa kayo, may araw kayo sa'kin.”
»May gabi din dito sa amin«...sabay na sigaw ulit nila
“Mabulunan sana kayong lahat.”
»Tapos na kaming kumain«...mga baliw talaga sila parihas kung mag-isip ng sagot.
“We Love You Clea.”...pagkatapos mang-asar nag-a i love you na. Ang sweet naman ng mga kaibigan na parang kapamilya na.
“Welcome to the squad Lessery.”...sabi ni Clea sa akin.
Naku at----ooppss kapag inulit mo ang ate sasabunotan ko yang bolbol mo.”
Wala po ako niyan....agad kong sagot na ikinatawa nilang lahat pati si Clea natawa na rin.
“Sabi ko sa'yo eh madagdagan ang mga baliw.”...si Axel
“Kami ba pinaparinggan ninyo?”...si Afsheen
“Hindi pala kayo bingi?”...si Ryan
“Pre, uumpisahan na natin ang pagtatanim ng duldol program.”....si Axel
Libre pa ang unan, libre na ang panali sa kanila hahaha.
“Akala nyo makakaligtas kayo, hindi kami papayag na hindi kayo kasama.”....si Afsheen.
“So kailan ang kasal ni Zhykher? para makapaghanda na ako.”...singit ni Clearose sa usapan.
Mali po iyang iniisip mo. Huwag kang maniwala kay Sheen dahil nagbibiro lang siya.“Malay natin magkatotoo, malay natin ikaw na ang makapagpatino kay Zhykher. Anyway nice meeting you Lessery, Hope to meet you soon.”
Ikinagagalak ko ring makilala ka Clea. Aasahan ko rin na makilala ka ng personal at mag-iingat ka diyan palagi.
“B*tch tatawagan nalang kita kapag free na ako.... umiiyak na naman si kulit eh.”
“Okay bye witch.”
“Bye Clea.”...sabay paalam ng lahat.