Zhykher pov
Maayos namang naidaraos ang kaarawan ni Lolo Mariano kahapon. Maraming natirang pagkain halos buo pa ang letchon. Kaya ngayon naisipan naming magtampisaw sa dagat kasama ang aking mga kaibigan at hindi nakaligtas ang mga matatanda kay Queen pati sila napasama na rin.
Gusto ni queen na doon kami sa paboritong lugar ni Lessy. A place where I saw Lessy half naked. Oh f*ck namamanyak na yata ako. Marami naman akong nakitang hubo't hubad na mga babae. And I f*cked most of them when I want to release my lust and desire.
Pero pagdating kay Lessery iba ang nararamdaman ko eh. It's like I admire her, I want her to be mine alone. Kahit may anak siya, kahit pinagdududahan mong marumi siya dahil nagkaanak siya sa pagka-dalaga....the other side of my mind murmured. Ipiniling-piling ko nalang ang aking ulo sa aking naisip.
"Pre, okay ka lang? Mukhang tumama na sa'yo ang mahiwagang balisong este pana ni kupido.".... Jeremy ask.
F*ck you moron!
"Huwag kang magmura sa harap ng mga anak ko g*g*."
Nagmura ka rin Aragon...
"But seriously bro, do you like her? Nakikita naman namin sa mga kilos mo kahit mag-deny ka pa."
Oh nakikita nyo naman pala bakit pa kayo nagtatanong?
"Just a confirmation, iba kasi yong conclusion kaysa mula sa'yo manggaling ang sagot."
Hindi ko alam bro, ginugulo niya ang sistema ko. Siguro humahanga lang ako sa katapangan niya kung paano niya harapin ang mga pagsubok niya sa buhay. Una ko siyang nakita sa palengke ng bisitahin ko ang site ng project natin kay Mayor Sanchez. Nagtitinda siya ng isda, inaalipusta, hinuhusgahan at kung anu-ano pang mga masasakit na salita ang ibinato sa kanya.
Tapos nalaman ko kay Lola Carmella na bukod sa single mom siya. Paralisado din pala ang tatay niya at may pinapaaral siyang mga kapatid. Bread winner siya ng pamilya, bawat peso mahalaga sa kanya. Not like us na kayang kumita ng bilyones at walang pakialam na nagtatapon ng peso.
Sa pupuntahan natin ngayon ay doon ko siya second time na nakita. Kung gaano siya ka masiyahin sa harap natin o nila Queen. Kapag nag-iisa na siya doon niya nilalabas ang kahinaan niya. Sinisigaw ang mga hinaing niya sa buhay. Umiiyak sa mga mapanghusgang tao.
"Ibig sabihin awa lang pala ang nararamdaman mo kay Lessery. Huwag mo siyang isama sa collection mo bro. Ngayong hawak na siya ng asawa ko, may kalalagyan ka kapag sinasamantala mo ang kahinaan ni Lessery. You know how the tigress roar kapag mahal niya sa buhay ang pinapakialaman."
Jeremy is right, fate made a way for her to get close to Queen. Do I just feel pity for her? Bakit ako nagagalit kapag may ibang lalaking lumapit sa kanya. Katulad nung isang araw bigla ko nalang siyang napagsalitaan ng di maganda.
"Guys let's go! ready na ang lahat for our beach outing."... inporma ni queen. Naglalakad na kami papunta dun sa magandang lugar na tambayan ni Lessy. Walking distance lang naman kaya ng lakarin at ang mga kinakailangan namin ay ang mga tauhan na ni Lolo ang nagdala. Ang mga lasinggero kong mga kaibigan bitbit nila ang mga inumin.
"Lessery saan ba punta ninyo?" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Ito iyong lalaking kasama ni Lessery nung nakaraang umaga. Kumulo na naman ang dugo ko. Napaka ganda pa ng ngiti ng babae habang nakipag-usap sa asungot na yon. Mabuti nalang at tinawag ito ng nanay niya kaya nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.
"Kawawang nilalang sa isipan ng ating mahal na kaibigan double dead na. Sa talas ng patalim este paningin sagad sa buto ang lalim ng sugat."....si Axel
"Pre, kailan ka pa naging makata? Ang pagkakaalam namin makati ka lang."...pambubuska ni Justine na ikinatawa ng lahat.
Pagdating doon sa lugar namangha sila sa angking ganda nito.
"Less, Tama ang sinabi mo kagabi na mas maganda tingnan ang lugar na ito kapag sa araw."
Ibig sabihin nung hanapin namin sila kagabi dito sila sa lugar na ito galing. Ang tapang naman ng dalawa at hindi man lang natakot na baka tangayin sila ng mga lamang dagat.
"Love, dito kayo galing kagabi?"...tanong ni Jeremy
"Oo diyan kami naupo habang nagpapahangin at naghihintay ng Ka-date namin."...baliw na sagot ni queen.
Yong iba nag-umpisa ng maghabolan sa dagat na animo'y mga batang paslit na naglalaro. Tuwang-tuwa naman sina Lolo at Lola habang nagbi-video. Sana kung nandito lang si mommy at ang mga kapatid ko.
Nakaupo ako ngayon kung saan dito nakatayo si Lessy para magbihis. Nang mapadako ang paningin nito sa gawi ko bigla itong namula at umiwas ng tingin. "How cute when she blushed". Alam ko kung ano ang pumasok sa isip niya. Hindi ko na ikinwento kay pareng Jeremy na binato niya ako ng bato sa pag-aakalang nambuso ako.
"Ate, sinama namin si Zaile para makaligo sa dagat."..... sigaw ni Lerian habang karga ang isang batang lalaki.
Tumayo si Lessy para kuhanin ang bata. Ang cute ng bata, gwapo naman pala ang tatay nito. Napaka walang kwenta ng ama, siguro takot sa responsibility at baka natakot rin na baka siya pa ang bubuhay sa pamilya ni Lessy dahil mahirap lang ito.
"Bakit dinala mo yan rito Lerian? Ikaw talagang babae ka."
"Hinanap ka niya eh mama ng mama."
"Syempre ako ang ina kaya ako ang hahanapin."
Natawa nalang ako sa sagot ni Lessy.
"Mama, mama!"
Ang cute niya habang binibigkas ang salitang mama.
"Love, did you notice something.?"
Just shot up Aragon, we will find out that matter later. I will discuss that with you when we get home.
Rinig kong usapan ng mag-asawa pero hindi ko naiintindihan ang topic kaya pinagsawalang bahala ko nalang. Muli kong tiningnan ang anak ni Lessery at lumapit ito sa gawi nila Jeremy at Queen kasama ang kambal.
"Hi baby Zaile this is our twins baby Afreen and baby Afroze. You will meet the triplets too soon."....sabi ni Afsheen sa bata.
Naiinis ako sa suot na short ni Lessery dahil napaka ikli nito. Naka black t-shirt at kaki shorts siya. Pang modelo ang kanyang mga binti dahil mahaba, makinis at walang peklat ito. Matangos ang kanyang ilong parang may lahi sila. Ano ba itong nasa isip ko. Marami naman akong halos hubad na babae na nakikita sa mga beach. Napaka-daring pa nga ng mga bikinis nila na halos labas na ang mga kaluluwa. Bakit naging possessive ako kapag si Lessery ang pinag-uusapan? Pang limang araw ko pa lang naman ng makilala ang babae. Tskkk...nababaliw na yata ako.
"Pre, ayaw mo bang maligo?"...sigaw ni Gian
Mamaya na ako maliligo. Pero ang mga pasaway nagsilapitan sa'kin para dalhin ako sa dagat. Kaya hinubad ko ang aking tsinelas at tumakbo.
Pre, sandali lang maliligo na ako. Pero ang mga g*go panay parin ang habol sa'kin. Hindi ko namalayan nakalapit na pala ako sa gawi ni Lessery kung saan karga niya ang kanyang anak.
Nagtago pa ako sa likod ng babae habang nakahawak sa magkabilaan niyang balikat.
"Ay shokoy ka talaga, ano ba yang ginagawa mo?" napasigaw si Lessery sa paghawak ko sa kanya.
"Papa!"....nabigla kaming pariho ng biglang bigkasin ng bata ang salitang papa. How cute ng tumingin siya sa akin at ngumiti. Parang may kung anong humaplos sa sulok ng aking puso.
"Baby Zaile hindi siya ang papa mo. Siya si senyorito shokoy este Zhykher pala." bigla kong sinamaan ng tingin si Lessery.
Kakatawag mo ng shokoy sa'kin pati sa anak mo ipinakilala mo akong shokoy.
"Naku pasyensya na po, nadulas lang kadalasan kasi sa mga kaibigan ko dito mga shokoy."
Ako ba ay pinagluluko mo Lessery?
"Aba, senyorito mukha ba akong manluluko? Ako nga itong naluko oh at si Zaile ang ebidensya."
Bigla naman akong na guilty sa aking sinabi.
"Papa!"....muling sambit ng bata.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa buti nalang hindi ito nabasa. Lessy, can we take some photos? Just a remembrance ang cute nyo kasing tingnan.
"Naku senyorito huwag na po, nakakahiya baka makita pa ng nobya mo at mapagkamalan kang may anak. Baka sabunot pa ang aabutin ko pag nagkataon."
Magpaturo ka kay Queen ng martial arts para pag may sumabunot sa'yo pwedi mong labanan.
Pre, pakikuhanan kami ng pictures...sabay hagis ko ng aking phone Justine.
"Pre, pre-nuptial shoot ba ang gagawin ko?"
Ikaw ang bahala basta huwag lang tabingi.
"Senyorito naman eh, nakakahiya sa Lolo at Lola mo oh."
Dropped the senyorito or I will kiss you right here, right now. Surang-sura na ako sa kaka-senyorito mo eh.
"Hey couple are you ready?"...sigaw ni Justine.
Yes! We are ready...natawa pa ako kay baby Zaile dahil panay ang halik nito sa pisngi ng mama niya. I found it too cute. Kinuha ko naman ang pagkakataon habang ngumiti si Lessery niyapos ko sila. Nagulat pa siya at nilingon ako, habang tumawa naman si baby Zaile.
"Nakakakilabot kang shokoy ka, dinadamay mo pa ako sa mga kalukuhan mo eh."
Can I carry baby Zaile? What is his full name?
"Zachary Zaile Sarreal...syempre apilyedo ko ang gamit niya."
Hmmm what a beautiful name. Sige na pakarga ako kahit saglit lang. Don't worry marunong na akong magkarga ng bata.
"Halata namang marami ka nang anak eh."....she murdered but I clearly heard it. Wala ako nun babae, mga anak ni pareng Afzal at Jeremy ang palagi kong karga-karga.
Tuwang-tuwa si baby Zaile ng kargahin ko ito at ako naman ang hinalikan niya.
I hold Lessery's hand gusto niyang kumawala pero tinawanan ko lang ito.
"Namimihasa ka talagang shokoy ka. Gusto mo yatang maging model ng family goal eh."
Tumpak Lessy! sa wakas gets mo rin ang point of view ko.
Enough na pre, galit na ang amazona ko. Mas lalo namang umuusok ang bunbonan ni Lessery sa sinabi ko.
"Akin na nga yang anak ko."
Hayaan mo na, gusto pa niyang kargahin ko siya eh. Halika doon tayo sa malalim dahil lulunurin kita sa harap nila.
"Hoy ayoko pang mamatay, kawawa naman ang anak ko wala na ngang ama mawawalan pa ng ina."
Napaka advanced talaga ng utak mo. May sinabi ba akong lulunurin kita sa tubig? Lulunurin kita sa malalim kong pagmamahal sa harapan nilang lahat.
"Bitiwan mo nga yang kamay ko."
Dapat walang bibitaw kahit ano man ang mangyayari.
"Nababaliw kana, dapat kana ring i-admit sa duldol program na sinasabi nila."
Sa puso mo lang ako magpapa-admit Lessy......