MISKIE'S POV Bumaba ako ng sasakyan at agad ko namang natanaw si Carter na nasa isang gilid at pinalilibutan ng mga babae. Napailing na lang ako at nakangiting pumasok, napalingon naman siya sa akin at bahagya niyang tinaboy ang ibang babae na nakapalibot sa kanya at malaki ang ngiti akong kinawayan. Hindi pa ito nakuntento at tumayo pa para alalayan ako paupo. Nagbulungan naman ang babaeng nakapaligid sa kanya habang nakatingin sa akin. “May girlfriend na, sayang.” “Sabi ko sayo e, halata namang may girlfriend.” “Ang gwapo pa naman.” Namula ang pisngi ko at napalingon kay Carter na hindi pinapansin ang mga sinasabi ng mga babae at nakangiti lang akong tinitignan. Alam ko na ako ang tinutukoy nilang girlfriend ni Carter. “Uhm-” Magsasalita na sana ako para itama ang misunderstanding

