MISKIES POV Tumigil lang ako sa pag iyak ng itinigal na ni Carter ang sasakyan dahil nandito na kami sa tapat ng bahay namin, napatingin siya sa akin at agad kong pinunasan ang luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya ng nakatitig na siya sa akin ngayon, kanina pa habang nasa byahe kami ay panay ang hikbi ko. "Here." Napatingin ako sa panyo na inilahad niya, nahihiya ko naman iyong tinanggap. “Thank you.” Nginitian lang naman ako nito, agad na akong nag-ayos at magtataka si Manang kapag nakita niyang namumula ang mata ko at ang ilong ko. “Thank you sa pagdadrive sa akin pauwi.” Bababa na sana ako ng hinawakan nito ang braso ko para pigilan ako kaya taka naman akong napalingon sa kanya, agad niya rin namang binitawan ang braso ko. “How about this-“ “Miskie? Is that you?” Napatingin

