Chapter 6: Makeout

1550 Words
Nang sumunod na araw, nagkayayaan silang mga dalaga't binata na maligo sa dagat bilang pampalipas oras. Akala ni Katerina ay si Achilles na ang susundo sa kanya dahil nagkaayos na naman silang dalawa pero si Rico ang kumatok sa pintuan. "Yayayain sana kitang sumama na maligo Katerina," bungad ng binata. "Uh… Pasensya na Rico baka kasi dadating si Achilles, sa kanya na lang ako sasabay," magalang niyang tanggi. Nakita niya ang nakakalokong ngisi ni Rico ng marinig ang sinabi niya "Wag ka ng umasa na susunduin ka niya Katerina, masaya na silang nagtatampisaw ni Louella sa dagat." Bigla siyang nakaramdam ng inis at pagkadismaya. Napabuntong hininga na lang siya at napilitang sumabay sa binata. Sinubukan ni Rico na magbukas ng usapan pero nawalan siya ng ganang magsalita kaya pinili na lang din nitong manahimik. Pagkarating nila sa lugar, hindi nga nagsisinungaling si Rico, naroon si Louella kasama si Achilles at nagtatawanan pa ang dalawa na para bang sila lang ang tao sa paligid. Mas lalo lang siyang nawalan ng gana at gusto na lamang niyang umuwi pero nakakahiya naman sa iba. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Rico. Nilingon niya ang lalaki saka tipid na nginitian "...ayos lang ako, wag kang mag alala." Nakita niyang napatingin din ito sa gawi nila Achilles na nakatingin rin sa kanilang dalawa ni Rico. Unang nagbawi ng tingin ang binata at muling ibinaling kay Louella ang atensyon nito. Nasawalang bahala na lamang siya at tinalikuran ang dalawa. Maya-maya pa ay nagkatuwaan na sila sa paglangoy. Kasama niya si Rico ngunit tinawag ito ni Mang Ben. Marahil ay may ipapasuyo ang matanda kaya naiwan siyang mag-isa. Natanaw niya si Achilles habang panay parin ang pag-uusap ng dalawa. Nakalambitin pa ang braso ni Louella sa leeg ng binata. Maharot talaga! Ibinaling na lang niya ang paningin sa ibang direksyon para iwasang mas lalo pang sumikip ang kanyang dibdib. Dahil wala siya sa sarili habang lumalangoy, hindi niya namalayang napalayo na pala siya sa mga kasama. Napunta siya sa mabatong parte sa likod ng kanilang nilanguyan kanina. Hindi sinasadyang nakasagi siya ng isang matulis na bagay dahilan para masugatan siya sa kanyang paa. Dahil malinaw ang tubig, kita niya ang pagdurugo ng sugat niya. Lumangoy pa siya ulit ngunit napunta lamang siya sa mas malalim na parte. Inilibot niya ang kanyang paningin subalit puro asul na karagatan lamang ang kanyang nakikita. Nagsimula ng tumubo ang kaba sa kanyang dibdib dahil nag-iiba na ang paningin niya sa dagat. Parang unti-unti nagiging dark blue ang kulay nito. Bigla niyang naalala na baka may pating o kaya ay shokoy na naninirahan doon at kainin siya kaya nagmamadali siyang umalis. Nang subukan niyang gumalaw saka naman sumakit ang kanyang binti. "Oh my God! Bakit ngayon pa ako pinulikat!" Nagsimula na siyang maghysterical kaya nawalan siya ng balanse at unti-unting nalulunod ang kanyang katawan kasabay ng alon. "T—tulong!" "Tulo—" … Kanina pa hinahanap ng mga mata ni Damon si Katerina. Nakita pa niya ito kamakailan lang kasama si Rico subalit nalingat lang siya saglit, nawala na ang dalaga sa paningin niya. Panay parin ang daldal ni Louella pero wala doon ang atensyon niya. Kung may choice lang siya ay hindi niya pagtyatyagaan ang ganito kadaldal na babae. Hindi na siya nakatiis at nagpaalam sa kasama. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha nito ngunit wala siyang pakialam. Nagtanong siya sa iba nilang mga kasama ngunit walang nakakita kay Katerina. Napansin din niya ang pagkawala ni Rico kaya mas lalong nag-ngitngit ang kanyang kalooban. Siya dapat ang susundo sa dalaga kanina pero nagulat na lang siya nang naglalakad na ang dalawa paalis ng bahay. Sa labis na inis niya, ginamit niya si Louella para sana ay pagselosin si Katerina gayong hindi naman siya sigurado kung effective nga. Napansin niya ang naglalakihang bato na humahati sa dagat sa dalawang parte. Hindi kaya ay nandoon ang dalawa? Dahil sa inis ay lumusong siya sa tubig at lumangoy para tingnan ang kabilang bahagi nito ngunit ganun na lang ang pagkagimbal niya nang makita si Katerina na nalulunod. Dali-dali siyang lumangoy upang iligtas ang dalaga. Niyakap niya ito at isinandal sa bato. Panay naman ang ubo ni Katerina habang habol ang hininga. "Katerina? Are you alright?" Nag-aalalang niyang tanong subalit itinulak siya ng dalaga. Hindi naman siya natinag at mas idiniin pa niya ang kanyang katawan sa babae habang nakakulong ito sa kanyang braso. Naasiwa si Katerina sa kanilang posisyon ngunit nang subukan niyang itulak si Achilles, kasing tigas ng bakal ang dibdib at braso nitong nakapulupot sa katawan niya. Nang tingnan niya ang binata ay matalim ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Are you going to get yourself killed, Katerina?!" Malamig na tanong nito. Nakaramdam siya ng paninikip sa kanyang dibdib dala ng labis na kaba mula sa muntik na niyang pagkalunod at sa presensya ng binata. Naiinis siya sa talim ng mga mata nito na parang gusto na siyang sakalin samantalang kung makatingin ito kay Louella ay malamlam ang mga mata na animo isang maamong tupa. "Hindi!" Inis niyang tugon rito. "Then why are you swimming here all alone?" Ramdam niya ang galit sa boses ni Achilles sa mga binitawan nitong kataga kaya nagsimula ng manubig ang kanyang mata. "Sinadya ko ba yun?! Malay ko bang mapupunta pala ako dito!"Galit niyang saad at pinagpapalo ito sa dibdib upang bitawan siya ngunit mas hinigpitan lang ng lalaki ang yakap nito. "You jerk! Anong karapatan mong pagtaasan ako ng boses huh?!" Umiiyak niyang asik. Nakakainis talaga! Naiinis siya kung bakit siya naiiyak. Hindi pa rin natinag si Achilles sa pagpupumiglas niya. Ang init ng katawan na hatid ng lalaki ang mas lalo lang nagpapakaba sa kanya. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon bago nagsalita si Achilles. "I'm sorry for raising my voice at you. I'm just so damn worried about you. Akala ko napano kana" anito sa malumanay na boses. Hindi naman siya sumagot at nanatili lang nakayuko. Iniangat ni Achilles ang kanyang mukha at tiningnan siya sa mga mata. Nararamdaman niyang parang nalulunod siya sa mga titig ng binata. Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Achilles mula sa kanyang mata patungo sa kanyang mga labi. Nag-aapoy na pagnanasa ang nakikita ni Katerina subalit imbes na matakot ay parang natuwa pa ang kanyang damdamin. Naramdaman niyang parang kinikiliti ang kanyang sikmura habang inaasam ang maaring mangyari sa mga oras na iyon. Marahil ay napansin nito ang masidhing pagnanais niyang gawin ang bagay na iyon kung kaya't walang pag-alinlangan siya nitong siniil ng halik. Hinawakan nito ang kanyang batok at nagsimula ng gumalaw ang mga labi. Ramdam niya ang Libo-libong kuryenteng gumagapang sa kaibuturan niya. Sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso na parang hindi na siya makahinga at mukhang sasabog na. Hindi man siya eksperto sa larangang ito pero sinubukan niya paring gantihan ang halik nito sa paraang alam niya. Achilles expertly inserted his tongue inside her mouth and explored within. Wari ay nalalasing siya sa klase ng halik na ipinagkaloob nito sa kanya. Iniwan ni Achilles ang kanyang labi at dumako ang halik nito sa kanyang leeg. Humawak si Katerina sa batok ng binata at idinikit ang kanyang katawan sa lalaki. Nakaramdam siya ng sensasyon na hindi niya maipaliwanag. May gusto siyang mangyari subalit hindi niya alam kung ano at paano. "Ahhh! Achilles…" Mahinang ungol niya ng nararamdaman ang pagpisil nito sa kanyang pang-upo. Inihilig niya ang kanyang ulo upang mas bigyan pa ng espasyo ang binata. Iniangat nito ang kanyang katawan at pinulupot niya ang kanyang mga binti sa bewang ng lalaki. Dahil nakashorts lang si Achilles, ramdam niya ang matigas na umbok nito na tumatama sa kanyang p********e. Mas lalo pang kiniskis ng binata ang kanyang sarili nito sa kanya. Achilles is dry humping her! "Katerina! Achilles!" Natigil ang tuluyang pagtupok ng apoy sa kanilang dalawa nang marinig nila ang pamilyar na boses. Tinig iyon ni Mira at hinahanap na sila. Dali-dali niyang itinulak si Achilles. Nakuha pang tumawa ng huli na siyang ikinainis niya. Pinanlakihan niya ito ng mata. "Umayos ka Achilles ha!" Banta niya rito. Ngumisi ang binata kaya napadako ang kanyang tingin sa mamula-mula nitong mga labi. Napakagat labi siya. "Stop biting those sexy lips of yours, woman. I might ravish it again right here… right now" anito habang hinihingal. Muli nilang narinig ang boses ni Mira kaya napagpasyahan ni Katerina na lumabas na sa pinagtataguan. Nang akmang susunod si Achilles ay itnulak niya ito. "What?" Takang tanong ng binata. "Magtago ka at baka makita ka Mira," tarantang sabi niya. Kunot noo siyang tiningnan ni Achilles. "How?" "Basta magtago ka," tinulak niyang muli ang binata. "Subukan mong sumisid sa ilalim," dagdag pa niya. "Kanina pa kita hinahanap Katerina, andito kalang pala!" Saad ni Mira habang papalapit sa kanya. Napalunok naman siya bago hilaw na ngumiti. "Ah, sinubukan ko lang namang libutin itong lugar Mira," sagot niya. Napatango naman ang babae at iginalapa ang tingin sa paligid. "Mag-isa ka lang? Hinahanap ka kasi ni Achilles eh. Bigla din nawala ang lalaking yun, akala ko nandito siya." "Huh? W—wala siya dito. Hindi ko siya nakita," aniya. "Ganun ba? Halika na, kain na tayo," aya ni Mira sa kanya. Luminga pa siya sa paligid subalit hindi na niya nakita si Achilles. Woah. Napailing na lang siya. She almost lost her self control, damn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD