Chapter 5: Payback

1518 Words
Sumapit ang gabi na halos hindi niya kibuin si Katerina. Labis ang inis na nararamdaman niya sa dalaga dahil pakiramdam niya ay mas kinakampihan nito ang baklang uhugin na si Rico kaysa sa kanya. Puro yabang lang naman ang laman ng utak ng lalaking iyon. Unang araw pa lang niya sa isla ay ramdam na niya ang disgusto ng lalaki sa kanyang presensya at panay pa ang pang aalipusta nitong wala siyang sariling bahay at pera. Muntik pa nitong masira ang goodboy image na binuo niya para paibigin si Katerina. Napabuntong hininga siya, he can't let that dumbass ruin his plan for Katerina. Hindi siya nagsasayang ng ilang buwang pagpapanggap para lang sa wala. Tiniis niya ang mahirap na buhay sa isla pati na ang lansa ng mga isda. He really hates the stingy smell and especially hates the neighbors around him who act close to him. Ang sarap sabuyan ng granada ng mga ito para mabura na sa mundo! "Achilles…" Lumingon siya kay Katerina na kasalukuyang nakatayo sa isang gilid habang pinaglalaruan ang mga kamay nito. Bakas sa mukha ng dalaga ang pag aalinlangan na lapitan siya. "Galit ka pa ba?" Tanong nito pero hindi parin siya nagsalita. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya na pagalitan ka tsaka ikaw lang din naman ang inaalala ko. Ayoko lang na may makaaway ka habang nanatili ka dito. I don't like violence Achilles, takot ako sa ganun, hindi ako sanay kaya sana maintindihan mo," malumanay nitong paliwanag. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Plano sana niyang huwag itong kausapin ngayong gabi para kunwaring nagtatampo siya pero bakit ba hindi niya matiis ang babaeng ito? He shouldn't have a soft spot for this woman. Damn it! "Huy…" "Come here," malumanay niyang saad. Dahan dahan namang naglakad si Katerina papalapit sa kanya at umupo sa kawayang upuan katabi niya. "Galit ka pa ba?" Umiling siya bilang tugon. "Eh bakit ayaw mo akong kausapin?" Nakalabi nitong tanong. "It's because nagtatampo ako kaya dapat suyuin moko," pilyo niyang saad sa babae. Shit! Halos hindi na niya makilala ang sarili ngayon. Is this really him who says those cringey stuff and all? Dati ay hindi na niya kailangan pang magpacute at sabihan ng kung anu ano ang mga babae dahil sila ang kusang lumalapit at lumuluhod sa harapan niya but Katerina hits different. Sa dalawang buwan niyang pananatili sa isla, ganun na rin siya katagal na nagpapacute sa babaeng wala yatang balak na pagtuonan ng pansin ang alindog niya. "Naku Achilles ha, para paraan mo yata yan para makatsansing sakin eh." "Malay mo makalusot," kibit balikat niyang sagot saka bahagyang napangiti. Pareho silang natawa ni Katerina. Maya maya pa ay tinitigan niya ang babae habang nasisinagan ito ng buwan. She was really gorgeous. He can't help himself but have a boner everytime she's near him. Marami na siyang nakitang sexy at magaganda but her beauty is an exemption and he doesn't know why he thinks it that way. "So bati na talaga tayo?" Humarap ito sa kanya ng may matamis na ngiti sa labi. Lihim naman siyang napalunok. Damn! What an innocent temptress. Wala na siyang nagawa kundi marahang tumango sa dalaga."Matitiis ba naman kita?" Napansin niyang agad na bumalik ang ningning sa mga mata nito. "Syempre alam kong hindi," nakangising tugon ng babae. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Katerina na matutulog na kaya humiga na rin siya sa sofa. Dito siya natutulog mula ng dumating siya sa bahay ng dalaga. Hindi niya alam kung paano niya natiis na pagkasyahin ang sarili gayong sanay siya sa malambot na kama at malapalasyong pamamahay. Ibang iba sa malamok niyang puwesto ngayon. Ilang oras ang pinalipas ni Damon bago siya nagmulat ng mga mata. Halos mag-hahating gabi na ng tingnan niya ang orasan. Napagpasyahan niyang silipin ang dalaga sa silid nito. Tahimik siyang naglakad papalapit kay Katerina at hinaplos ang pisngi nito habang mahimbing na natutulog. Isang beses pa niya itong sinulyapan bago napagpasyahang lumabas ng bahay. Naglakad siya sa masukal na gubat ng isla kung saan nakatago ang kanyang Jaguar Land Rover. Buti na lang at bali balita sa buong isla na may mga ligaw na hayop sa loob ng gubat kaya walang nagtatangkang pumasok dito kundi siya lang at mga tauhan niya. Agad niya itong pinaandar at binaybay ang daan patungo sa abandonadong warehouse malapit sa bayan. Ipinarada ni Damon ang kanyang sasakyan sa labas ng building kung saan naroroon ang kanyang mga tauhan kasama ang kanyang bihag—ang mga piratang nanggulo kaninang umaga. Pagpasok niya ay nakita niya si Rain na nakatayo sa gitna drum habang pinaglalaruan ang bakal na isinasaw nito sa apoy. Bored siguro ang baliw nato kaya nandito. Hindi niya pa nakakalimutang inutusan niya itong marahan siyang pukpukin ng baril sa ulo para himatayin siya at maging makatotohanan ang acting niya kapag nakita siya ni Katerina sa baybayin pero ang baliw niyang kaibigan, sinamantala ang pagkakataon at pinukpok siya ng napakalakas. Isang araw tuloy siyang tulog ng matagpuan ni Katerina. Nakita pa niyang may ilang pasa siya sa mukha na sigurado siyang kagagawan ng lalaki. "Am I late?" Bungad niya. Ngumisi naman ng malademonyo ang baliw niyang kaibigan. "Nahhh, you're just in time." "You seemed to have a lot of time that you really came here." Rain shrugged his shoulders. "I'm bored Damon. Nakakasawang kasama si Tuazon. Lagi na lang nangongolekta ng pera." Napailing na lang siya. Isaac and his obsession of collecting money. Hindi na siya nag-aksaya pa at agad na sinipat ng tingin ang limang lalaki na nakatali habang nakasalampak sa sahig. Yumuko siya upang magpantay ang mukha niya sa kaharap. It's payback time. Messing with Damon Achilles Castellanos means death. "Hi," bati niya rito at nginisihan ang lider ng grupo. Nanlaki naman ang mga mata nito nang mapagtanto kung sino siya. "I—ikaw?" "Yes, mabuti naman na naaalala mo pa ako," aniya at kinasa ang baril pagkatapos ay pinutok ito sa balikat ni Edgar. Umagos ang sariwang dugo mula sa sugat nito. Napapikit siya. The smell of blood really makes him ecstatic. Idiniin niya ang kanyang daliri para mas lalong makaramdam ng sakit ang kaharap. "Ahhh!" Umalingawngaw sa buong building ang sigaw ng lalaki na nagmistulang musika sa kanyang pandinig. "Ang lakas ng loob mong pagnasahan ang pag-aari ko, huh? Wala kang karapatang hawakan ni dulo ng buhok ng babaeng yun dahil akin siya! Akin! Naiintindihan mo ba? Akin lang!" Gigil niyang bulyaw. Napaigik naman sa sakit ang kaharap niya nang mas lalo pa niyang diinan ang sugat nito sa balikat. Parang baliw siyang tumawa habang nakikita ang paghihirap ng lalaki. "At talagang plano mo pa akong turuan ng leksyon?! You are messing with the wrong man Edgar. I'm gonna show you who's the real boss that even demons will bow down on my feet." "B—boss patawarin nyo na po ako," umiiyak nitong pakiusap subalit wala siyang maramdamang awa para rito. "M—magpapakabait na ako, magtatrabaho po ako sa inyo Boss," dagdag pa ng lalaki. Muli siyang natawa. "I don't need men as weak as you are." Kinuha niya ang bakal na iniinit ni Rain saka idiin sa sugat ni Edgar dahilan para muli itong sumigaw dahil sa hapdi. Maging ang mga tauhan ni Edgar ay ganun din ang kanyang ginawa. Nang magsawa siya sa kanyang ginagawa, binalingan niya si Artemio na naghihintay lang ng kanyang utos. "You know what to do with them, Artemio," malamig niyang turan. "Yes, my Lord," tugon nito at kinuha ang bakal na hawak niya para para ituloy ang pagpaparusa sa mga bihag nila. Magkasabay sila ni Rain na lumabas ng warehouse. Kahit nasa labas na sila, dinig na dinig parin niya ang impit na sigaw at pagmamakaawa ng mga ito. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Five down, one man left. Sisiguraduhin niyang may kalalagyan sa kanya ang Rico na yun. He'll make sure to make him feel how the man he said who has nothing in his pants get mad. Nagsindi muna siya ng sigarilyo saka umupo sa hood ng kanyang sasakyan. Wala pa ring tigil kakasigaw ang mga lalaki sa loob pero mas lalo lamang siyang natutuwa sa narinig. "Hindi ka pa ba babalik sa syudad Damon?" Tanong ni Rain sa kanya. "Miss me already?" He playfully smiled at Rain who scoffed upon hearing his remark. "You're too bland for my taste," Rain wears a smug face. Napailing na lang siya at tumingin siya sa kawalan. Ayaw mang aminin ng utak niya ay parang nagugustuhan na niyang manatili sa isla kasama si Katerina. "It's not yet time bud," aniya sa kausap. Narining niya ang pagak nitong tawa. Like him, Rain is also a mafia boss, the future leader of BlackStone Sigma Organization—one of their best allies in Spain. "I bet Valentino is raging mad these days. You're taking too long. Siguro kinakalawang na yang karisma mo kaya hindi ka nakapasa kay Katerina." Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kaibigan. "f**k you Rain!" "Why don't we bet?" Rain grinned. "Bet your ass. I'll make sure this month won't end ng hindi ko napapasayaw sa palad ko ang babaeng yun. Mark my word, Velasquez…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD