Chapter Four

1373 Words
TUNOG ng doorbell ang gumising kay Tawny nang umagang iyon. Pupungas-pungas pa siyang lumabas ng silid at binaba ang hagdanan patungo sa pintuan. "Oh, nagising ba kita?" nakangiting bungad ni Stephanie sa kaniya nang mapagbuksan niya ito. "Ang aga mo yata," sabi niya habang nakatapat sa bibig ang braso upang hindi nito malanghap ang hininga niya sapagkat hindi pa siya nakapag-mouthwash. Niluwangan niya ang bukas ng pinto upang papasukin ito. "Oo, naisip ko kase na baka nahihirapan kang kumilos dito sa bahay dahil sa kondisyon mo," anito habang lumalakad papasok bitbit ang paper bags na dala nito na sa tingin niya ay pagkain para sa almusal. Napasunod siya ng tingin dito at napasandal sa doorframe. "Ganoon na ba ako kalala para isipin mo 'yan?" Napapailing siya. Tumingin ito sa kaniya. "Kinausap ako ng Dad mo, sinadya pa niya ako sa bahay kagabi para itanong kung alam ko kung saan ka lumipat," inignora nito ang tanong niya at bagkus ay iyon ang sinabi. Napaangat ang likod niya sa kinasasandalan. "Sinabi mo ba?" "S'yempre, hindi." Tumikwas pa ang kilay nito. "Pero baka nasundan ka n'ya," nag-alala na sabi niya sabay silip sa labas upang tingnan kung may kahina-hinalang sasakyan doon. Pero sa pagtingin niya sa labas ay hindi ang ipinag-aalala niya ang kaniyang nakita kun'di ang pamilyar na babaeng lumabas sa kabilang bahay, sa bahay nila Alilee. Napaawang ang bibig niya habang kunot ang noo dahil sa pagkasurpresa nang makita ang pamilyar na babaeng ito. Ngunit hindi pa iyan, mas napaawang pa ang bibig niya kasabay ang kakaibang pagkabog ng kaniyang dibdib nang makitang kasunod nitong lumabas si Doctor Ice sa pintuan. Labis ang pagkabigla niya sa kaniyang nakita, 'ni hindi niya nagawang kumilos habang nakatanaw sa mga ito. "Please, Alisa, let's fix this. Kung may problema talaga, pag-usapan natin. O kung mayroon kang tinatakasang kasalanan sa 'kin, don’t worry, I don't care about that at all. Just… don't leave," narinig niyang sabi ni Ice sabay hawak sa braso ng babaeng iyon. Bakas sa mukha at tono ng pananalita nito ang pagsusumamo. Lumingon dito ang babae kaya mas nakita niya ang mukha nito at dahil doon ay hindi niya mapigil ang mapakuyom ang mga kamao kasabay ang pagtalim ng tingin dito. "Ice, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo para lang paulit-ulit kang masaktan?" napapailing na tanong nito. "I feel nothing for you anymore. So please, let me go. Mag-move-on ka na." Pahaltak nitong binawi ang braso kay Ice saka mabilis na lumakad at sumakay sa sasakyang nakaparada roon. Mabilis nitong namaniubra ang kotse at pinaharurot iyon palayo. Naiwan si Ice sa kinatatayuan habang pigil sa mga mata ang mga luhang nais kumawala. Nasasaktan ito at hindi nito iyon maikukubli sa mapait nitong kaanyuan. Bigla ay nakadama siya ng habag para rito at masidhing galit para sa babaeng iyon. Naramdaman nito marahil ang presensya niya kaya napatingin ito sa kinatatayuan niya at nagulat ito nang makita siya, ngunit sa kabila ng matinding pagkagulat ay mabilis itong nakabawi at kumilos pabalik sa loob ng bahay nito na para bang walang nangyari. ••• LUTANG si Dominic habang naglalakad sa pasilyo ng hotel. Puyat siya simula pa nang mga nagdaang gabi. Dahil diyan ay hindi niya napansin ang kasalubong at nasagi niya ito. "Ops, sorry," kaagad niyang hingi ng dispensa. "Okay lang," sabi naman ng babaeng nasagi niya. "Teka, 'yong wristwatch ko, nabitawan ko pala habang sinusuot ko." Kunwa'y hinagilap sa makintab na sahig ang bagay na tinutukoy nito. Tumalsik iyon sa sulok at kaagad naman niyang nakita. Dinampot niya iyon at iniabot dito, subalit napansin niyang pamilyar ang wristwatch kaya bago pa nito mahawakan ito ay kaagad na niya itong naiiwas sa kamay nito. "Wait, ang wristwatch ko," tila nabahalang sabi nito habang nakatitig sa kaniyang mukha imbes na sa relong hawak niya. Tumingin siya rito. "Hindi bagay sa ganda mo ang panlalaking wristwatch gaya nito," seryosong turan niya bago ibinaba ang tingin sa relo at tiningnan ang ilalim niyon. Tama siya, kaniya nga ang relong iyon dahil nakasulat sa ilalim niyon ang pangalan niya. Sa lolo niya ang relong iyon, siya ang pinakabata na apong lalaki bago ito namayapa kaya sa kaniya iyon ipinamana. Hindi lang iyon basta mamahaling relo, apat na tao lang ang mayroon niyon sa mundo dahil namayapa na ang watchmaker ng brand ng relong iyon bago pa matapos ang huli, kaya mahalaga talaga iyon sa kaniya. "Mukhang nag-check in ka sa hotel na ito para rito," napapatiim-bagang na sabi niya bago ibinalik ang tingin sa kaharap. Napangisi ito. "Walang kinalaman ang relong 'yan sa pag-check-in ko rito, kaya iabot mo na sa 'kin 'yan," pagtataray nito at akmang kukuhanin iyon sa kamay niya pero muli niya iyong iniiwas dito. "Ibalik mo ang relong 'yan, ibinenta sa 'kin 'yan ng isang desperadang babae sa mataas na halaga kaya hindi ako papayag na kunin mo sa 'kin ng ganoon na lang ang wristwatch na 'yan." Siya naman ang napangisi at tinitigan ito. Malakas naman ang loob nitong titigan din siya. "Sa tingin ko, mas desperada ka sa babaeng nagbenta nito sa 'yo," nanunuya na sabi niya rito. "Anong—" "Kaya naman, " putol niya. "Magkano ba ang kailangan mo?" Umangat ang isang kilay nito at umayos ng tindig saka mabilis na sinabi ang halagang nais nito. Maanghang ang naging reaksyon niya matapos marinig ang halaga na iyon. Binili ng lolo niya ang wristwatch na iyon sa napakataas na halaga at apat na beses na mas mahal ang halagang hinihingi ng babaeng ito sa kaniya at halos kasing halaga na ng sports car niya na halos itabi na niya sa pagtulog. "Sobrang laki naman yata niyon. Parang pati pagkatao ko gusto mo ng kuhanin," napapangising sabi niya. "Tinanong mo ako kung magkano, tapos ngayon nagrereklamo ka?" pagtataray nito. "Nagkamali lang ako, mas desperada ka pa pala kaysa sa inaakala ko." "Ibinenta sa 'kin ang wristwatch na 'yan sa mataas na halaga. Anong gusto mong gawin ko? Ibalik na lang 'yan sa 'yo ng ganoon na lang?" Nakatikwas ang kilay nito, seryoso. "Kung ganoon, tatapatan ko kung magkano ang halagang binayad mo sa kaniya para sa relong ito." "Ibalik mo sa 'kin ang relo," matigas na utos nito sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. "One million pesos," sabi niya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pamimilog ng mga mata nito. "One million dollars," banat pa nito. "Two million pesos, wala na akong pakialam sa 'yo o kung nagsasabi ka ng totoo, hindi na ako magtatanong ng kung anu-ano." P'wede naman niyang makuha iyon kahit hindi siya magbigay ng pera, pero hindi rin niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito, ang mga taong gaya nito ay nakakaisip ng mga bagay na maaaring hindi sumagi sa isip ng isang mabuting tao. "At higit sa lahat, ayoko na makita ang pagmumukha mo," dugtong pa niya. Napangisi ito. "Sige na nga, kahit lugi pa ako." Napasimangot siya sa sinasabi nito bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang abugado niya. ••• HALOS liparin ni Dominic ang eskuwelahan ni Alilee. Limang minuto na siyang late sa pagsundo sa bata. Hindi siya basta nakaalis kanina sa hotel dahil sa ilang usapin doon maliban pa sa babaeng nakaharap kanina. Mabuti na lang at marami pang kasabay na mga bata si Alilee nang madatnan niya. "Seem so sad," puna niya sa bata nang mapansin ang pananahimik nito habang tinutugpa na nila ang daan pauwi sa bahay ng mga ito. Hindi ito kumibo. "Pasensya ka na late si Tito, hindi kase ako nakaalis kaagad kase—" "That's not the reason," putol nito sa kaniya. "Sila Daddy at Mommy, I heard they were fighting last night," sabi nito sa malungkot na tono. Sinulyapan niya ito sa rearview mirror. "Huwag mo na lang silang pansinin, lahat naman ng Mommy at Daddy nagkakaroon ng konting pagtatalo pero nagkakaayos din, ganoon din sila Daddy at Mommy mo," sabi naman niya para palubagin ang kalooban nito. "Really?" "Yeah, even my Dad and Mom, nag-aaway rin sila pero nagiging okay rin pagkaraan." Hindi ito nagsalita kaya naman tumahimik na rin siya. Subalit ang isip niya ay abala sa pag-iisip kung anong naging pag-uusap nila Ice at Alisa. Mabigat ang naging buntong-hininga niya bago napailing. 'Ice, matauhan ka na,' bulong niya sa isip. 'Pabayaan mo na si Alisa.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD