Chapter Two

2552 Words
NAPAKUNOT ang noo ni Ice nang paglabas niya sa silid ng anak ay makitang nandoon pa sa sala si Dominic. Nakangiti ito kahit mag-isa habang nakatuon ang mga mata sa hawak na smartphone. Napatingin ito sa kaniya nang maramdaman ang presensya niya. "O, napatulog mo na ba si Alilee?" tanong nito habang hindi mapalis sa labi ang matamis na ngiti. Humakbang siya palapit dito. "Oo. 'Kaw, hindi ka pa ba uuwi? Hindi ko na kailangan umalis ng mas maaga bukas kaya okay lang kahit hindi mo na agahan ang pagpunta rito bukas ng umaga," malamig na sabi niya. Naging normal na sa kaniya ang ganiyang timbre ng boses kaya naman hindi na iyan pinapansin ni Dominic. Hindi ito nagsalita dahil abala ito sa smartphone nito. "Gabi na, magda-drive ka pa pauwi." "Dito na lang ulit ako matutulog, sasabay na lang ako paglabas ninyo bukas," wika nito na hindi maalis ang mga mata sa ginagawa sa smartphone nito. "Teka, ano ba 'yan?" hindi na niya napigil na usisa sa kaibigan. "Ah, ito ba? Sinubukan kong mag-join sa isang dating site," nakatawang tugon nito sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya. "May panahon ka pala para riyan? Kalokohan lang 'yan." "Masaya 'to," salungat naman nito sa sinabi niya. Napailing siya at tiningnan lang ito. "Teka, bakit ba ayaw sagutin?" tanong nito sa sarili habang hindi mapakali sa kinauupuan. Napailing siya at napabuga ng hangin. "Tigilan mo na nga 'yan, Dom, gawain lang 'yan ng mga jobless na tao at walang ibang prioridad sa buhay kung hindi ang mag-ubos ng oras sa mga walang kuwentang bagay tulad niyan." Lumakad siya patungo sa hagdanan upang umakyat na sa kaniyang silid at matulog. "Matulog ka na, malinis naman 'yong guest room," sabi pa niya habang umaakyat sa baitang ng hagdan. Hindi siya nito pinansin at nanatiling abala sa ginagawa. ••• NAPANGIWI si Tawny nang maramdaman ang kirot sa maselang bahagi ng katawan niya. Iyon ang kaniyang ikinagising kinaumagahan. Ilang araw na niyang nararamdaman na may pangangati sa kaniyang pagitan kaya mas dinalasan niya ang paglilinis niyon sa isip na baka iyon lang ang kailangan niyang gawin subalit tila mas lalo lang lumala, sapagkat ang pangangati ay nagkaroon na ng pagkirot ngayon. Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at tinawagan si Stephanie. Nahihiya man siyang sabihin sa kaibigan ang tungkol doon ay pinili niyang ipaalam iyon dito sa takot na baka mas lumala pa ang kondisyon niya. Tinawagan niya ito para may kasama siya sa pagkonsulta sa OB-Gyne. "Baka naman naghahanap na lang 'yan ng susundot kaya nangangati," pilyang biro pa ng kaibigan niya sa kaniya. "Seryoso 'to, Steph. Samahan mo na lang akong kumonsulta sa doktor at baka magsarado pa ito nang dahil sa kung ano mang sanhi ng pangangati nito." ••• SA parking lot pa lang ng ospital ay tanaw na nila ang nurses na nagkakagulo sa ER, kaya naman hindi niya napigil ang mapakunot ang noo at tingnan muli ang pangalan ng ospital na ito, Villaverde Medical Hospital. "Private hospital ito pero halos kasing dami sa public ang pasyente," nauna nang puna ni Stephanie. "Oo nga eh," sang-ayon niya dahil iyon nga rin ang iniisip niya. Sabay silang bumaba sa kotse nito. Lumalakad sila patungo sa entrance ng ospital nang hindi sinasadya ay mapatingin siya sa bagong dating na pasyente, duguan ito at naghuhumiyaw sa sakit. Nakahiga ito sa stretcher at pinagtutulungang ibaba ng dalawang paramedic buhat sa ambulansya. Subalit kaagad na naagaw ang atensyon niya ng humahangos na doktor palapit sa pasyenteng iyon. Bigla ay nawala sa normal ang pintig ng kaniyang pulso at tila tumahimik ang paligid kasabay ang paghinto ng pag-inog ng mundo. 'Siya?' wala sa loob na naitanong sa isip niya. Pinakatitigan pa niya ang doktor sa isip na baka namamalik-mata lang siya. "Tawny?" untag sa kaniya ni Stephanie na sinabayan pa nito ng pagkalabit sa braso niya. Napapalunok na tiningnan niya ang kaibigan. "Nakakita ka na naman ng guwapo," paanas na sabi nito habang nakatanaw sa direksyon ng doktor na tinitingnan niya. "Tara na." "Wala bang doktor dito?!" masungit na wika ng doktor na iyon kaya muli siyang napatingin dito at napahinto sa gagawin sanang paghakbang. Ang boses nito, pamilyar na pamilyar sa kaniyang pandinig. 'Siya ba talaga ang nakikita ng aking mga mata!?' hindi makapaniwala na tanong pa niya sa isip. Mataman niya itong tinitigan upang mas makatiyak, at oo, ito nga ang lalaking nakaniig niya isang gabi pitong taon na ang lumipas. Lumambot ang anyo niya habang nakatitig dito kasabay ang bahagyang pamamasa ng kaniyang mga mata. Hindi nagbago ang boses nito pero lalo lang itong naging guwapo sa paglipas ng pitong taon. Nakita niyang sinilip nito ang mga mata ng pasyente gamit ang hawak na tono-pen. Kung gayo'y isa pala itong doktor. "Padating pa lang po si Doc. Francisco," tugon ng isang nurse. "Pambihira!" galit na sabi nito habang tumutulong sa pagtulak ng stretcher na kinahihigaan ng pasyente. "Is it not being implemented in this hospital that you should always have a physician who is watching out for emergency matters?!" galit na tanong pa ng doktor na ito sa mga ito. "Double time!" pasinghal na dugtong pa nito. "Hoy, ano'ng nangyari sa'yo?" untag muli sa kaniya ng kaibigan. "Kailangan na ba kitang pausukan ng ensenso't kamangyan? Eh, parang na-engkanto ka na r'yan." Tumingin lang siya rito at muling ibinalik ang tingin sa doktor. Noon dumating ang doktor na tinutukoy ng dalawang nurses at sa pagkakataong iyon, ang doktor na kanina lang ay tinitingnan niya ay hindi sinasadyang napasulyap sa kinaroroonan nila. Muli pa itong napatingin bago napatitig sa kaniya, at gaya niya ay tila hindi rin nito inaasahan na makikita pa siya. "Tara na," wika niya sa kaibigan at nagpatiunang lumakad papasok sa entrance ng ospital. ••• NAKADAMA siya ng inip nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin dumating ang OB-Gyne. Mabuti na lang at maya-maya ay lumapit ang nurse sa kinauupuan nila ni Stephanie. "Ah, Ma'am, on duty naman po ang mga OB namin pero abala po sila, nagkataon po kase na sabay-sabay ang manganganak ngayon tapos nasa vacation pa 'yong dalawa naming OB, pero h'wag po kayong mag-alala, may doctor po kami na nag-volunteer upang tumingin sa kondisyon mo. Hindi po siya OB-gyne specialist pero maaari ka niyang tingnan," paliwanag ng nurse sa kaniya. "O sige, ayos lang sa 'kin," sabi na lang niya sa isip na hindi na niya p'wedeng ipaghintay pa ang kalagayan ng p********e niya. Kaya nga imbes na sa regular OB-Gyne niya magpatingin ay pinili niyang doon na lang sa ospital na iyon dahil malapit ito sa nilipatan niyang bahay. "O, sige po kung ganoon, halika na po pasok po tayo sa loob para maihanda kita bago ko tawagin si Doc," yakag nito sa kaniya. Tumingin siya sa kaibigan, tumango naman ito. "Hihintayin kita rito," sabi nito, "don't worry magiging okay ka," sabi pa nito na para bang napakalala na ng kalagayan niya. Tumango na lang siya at lumakad upang sumunod sa nurse. Dinala siya nito sa pribadong silid ng OB-Gyne consultant. Isinagawa nito ang initial assestment sa kaniya bago siya inihanda at inihiga sa naroong obstetric table. "Sandali lang po," paalam nito at lumabas pagkaraan. Hindi pa natatagalan na lumabas ang nurse ay muling bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan niya at muntik pa siyang mapatalon buhat sa obstetric table nang makita ang pumasok. Wala sa loob na nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa samu't-saring emosyon na biglang sumalakay roon. Saglit silang nagkatinginan ng doktor na kanina lang ay tinatanaw niya sa labas ng ER, ang lalaking naka-one night stand niya pitong taon na ang lumipas. Hindi siya nakatagal sa malamig nitong titig kaya siya ang unang nag-iwas ng tingin buhat dito. "Good morning," malamig pa sa patay na bati nito sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita at 'ni hindi man lang nagawang tumingin dito ulit. Napakamapaglaro talaga ng tadhana. Sa nakalipas na pitong taon ay muli silang pinagtagpo ng lalaking ito na kauna-unahang pinagkalooban niya ng kaniyang p********e kahit walang kaugnayan dito, sa ganitong eksena pa talaga. Nag-sanitize ito ng mga kamay at nagsuot ng medical hand gloves. "Ako si Doc. Ice Villaverde. So far, ako muna ang titingin sa kondisyon mo. Naipaliwanag na siguro ng nurse namin sa iyo ang tungkol dito," napakalamig ng paraan ng pagsasalita nito, walang ka-emu-emosyon. 'Ice?' tanong niya sa isip dahil iyon lang ang kaagad niyang natandaan. 'Hindi ba Dominic ang pangalang ibinigay niya sa akin nang gabing iyon? Jhon Brhyan Dominic,' dugtong pa niya sa isip. Subalit hindi niya isinatinig ang nasa isip at pinili niyang manahimik pa rin. Humakbang ito palapit sa kinahihigaan niya at pumuwesto sa kaniyang paanan. Napalunok siya at lalong kumabog ang dibdib. Hindi siya aware sa labis na pamumula ng pisngi niya nang mga sandaling iyan. Nahihiya siya at labis na naiilang. Sumenyas ito na i-open wide niya ang mga hita niya, at wala siyang nagawa kun'di gawin iyon. Parang balewala lang naman dito ang nangyayari. Sinimulan nito ang kailangang gawin. Magaan lang ang paglapat ng kamay nito sa bahaging iyon ng katawan niya ngunit ganunpaman ay nararamdaman pa rin niya ang kirot sa bawat paglapat ng daliri nito roon. Pero teka, hindi ba at may mga kagamitan naman talaga sa pagsilip sa genital area? Bakit kinakamay nito ang bahaging iyon niya? Hindi niya napigil ang mapangiwi at mapakislot nang maramdaman ang medyo matinding pagkirot nang tila ipasok nito ang daliri sa loob niya. Naipadyak niya ang paa at tinamaan ito sa braso. "Don't move!" nainis na saway nito sa kaniya. Hindi sinasadyang nagtama ang mga paningin nila, subalit hindi niya natagalan ang malamig nitong titig kaya naman iniiwas niya ang mga mata rito. "Kailangan kong makita ng maayos ang genital canal, kailangan din ng trans-vaginal ultrasound para makita ko kung apektado ba hanggang sa loob." Tumayo ito at inihanda ang mga bagay na gagamitin para roon. Napasunod siya ng tingin dito at napatingin sa name badge na nakalagay sa lab coat na suot nito. Dr. Ice Villaverde, Cardiologist. Napaawang ang bibig niya. 'Anong kinalaman ng cardiologist sa genital area ng babae?' sa loob-loob niya. Malayung-malayo ang kaugnayan ng puso sa genital area sa pagtibok pa lang. Naramdaman marahil nito ang tingin niya kaya tumingin ito sa kaniya. Kaagad naman niyang iniiwas ang tingin at hindi napigil ang mapalunok. Lumapit ito sa kaniya at isinagawa ang trans-vaginal na sinasabi nito. Hindi niya napigil ang mapapiksi nang ipasok nito sa pagitan niya ang ultrasound wand na nilagyan nito ng condom at lubricating gel. "Huwag kang malikot!" pagsusungit nito habang tinitingnan ang monitor sa gilid ng kinahihigaan niya. Naiintindihan ba nito ang ipinapakita ng imaging device o nagpapanggap lang ito? Muli siyang napapiksi nang igalaw nito ang bagay na iyon sa pagitan niya. "Sinabing h'wag malikot eh!" paasik na pagsaway nito ulit sa kaniya at pinukol siya ng medyo matalim na tingin. "M-masakit kase talaga," napapaluha na sabi niya at bahagyang naitikom ang kaniyang mga hita. Nanigas siya nang maramdaman ang kaliwang kamay nito sa kanang tuhod niya at muling ibinuka ng mas malaki ang mga hita niya. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa hiya, lalo na nang silipin nito ang pagitan ng mga hita niya. "Ayos lang 'yan. Konting tiis lang, saglit na lang ito," malumanay na nitong sabi pero nananatili pa ring seryoso sa pagkakatitig sa pagitan niya. Tila nakatulong naman ang inasal nitong iyon dahil medyo gumaan ang pakiramdam niya at hindi niya napigil ang sariling mapatitig dito. Hindi siya aware sa paglamlam ng kaniyang mga mata habang nakatitig sa guwapo nitong mukha. "Huwag kang malikot ha," mahigpit na bilin nito bago umalis sa paanan niya at kinuha ang clipboard sa desk na naroon saka ang ballpen sa bulsa ng lab coat nitong suot. Tumingin ito sa monitor at nagsulat. Ano'ng ginagawa nito? Kailangan ba nitong isulat ang nakalagay roon? Natapos ito sa ginagawa at tumingin sa kaniya. Tinanggal nito ang medical gloves sa mga kamay at itinapon sa trash bin na naroon sa sulok, saka muling nag-sanitise ng mga kamay bago muling nagsuot ng panibagong gloves. Hinawakan nito ang bagay na ipinasak nito sa pagitan niya at binunot iyon. Inalis nito ang condom na inilagay roon at itinapon din sa trash bin. Pero hindi pa yata ito nakatiyak, gumamit pa ito ng colposcope at sinilip ang kaniyang ari gamit iyon matapos pasukan at pabukahin gamit ang vaginal speculum. Parang gusto ng mag-lock ang kaniyang mga panga sa kakatiis ng sakit. 'Tumigil ka nga, mas masakit pa rin nang kunin niya ang virginity mo,' kantyaw niya sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isip niya kung gaano kasakit ang unang karanasan, wala iyong kasing sakit pero kataka-takang nagawa niya iyong tiisin hindi gaya ngayon na halos panawan siya ng ulirat. Inalis nito ang tool na ginamit sa ari niya at inilagay sa isang tabi pati na rin ang colposcope. "Sikapin mong maging malinis sa katawan, ganundin dapat ang partner mo para maiwasang maulit ito," narinig niyang sabi nito na kinainis niya. "My last intercourse was five years ago, isn't it obvious? Simula noon wala na akong—" "Hindi ko tinatanong," putol nito sa kaniya sa medyo mataas na tono. Natigilan siya at muling napalunok dahil sa inasal nito. Muli nitong hinubad ang medical gloves sa mga kamay saka iyon itinapon sa trash bin. "Hindi naman ganoon kalala, pero may konting infection. Pari-resetahan kita ng antibiotic na iti-take mo, at kung maaari gumamit ka ng mild na feminine wash. Maselan ang iyong feminine area kaya maaaring na-irritate sa ginagamit mong feminine wash. Bumalik ka rito after seven days para sa follow up check-up," pormal na sabi nito. Tinitigan niya ito at sinubukang hanapin sa ekspresyon ng mukha nito kung naaalala pa ba nito ang isang gabing nakaraan nila pero wala siya 'ni katiting na nakitang palatandaan sa mukha nito simula pa kanina. Napadaing siya nang bumangon at umibis buhat sa kinahihigaan. Natigilan siya nang i-abot nito sa kaniya ang mga kasuotan niya na hinubad kanina para isuot ang medical gown. Kinuha niya rito ang mga iyon. "Salamat." Tumalikod siya at kinuha ang nakaipit na panty sa mga kasuotan niya upang iyon ang unang isuot. Akala niya ay umalis na ito, pero napatingin siya rito nang mapansing nandoon pa ito nakaupo at may kung anong binabasa sa desk ng OB-Gyne na nakatalaga roon. Tumingin ito sa kaniya. "What!?" paasik pang tanong nito sa kaniya, nakaangat ang mga kilay. Hindi siya nagsalita. Bahagya siyang napabuntong-hininga nang humakbang patungo sa kanugnog na comfort room ng silid na iyon. Sinundan siya nito ng tingin at tumayo buhat sa kinauupuan. "I've seen it all," sabi nito. Saglit siyang natuog, alam niyang ang bawat bahagi ng kaniyang katawan ang tinutukoy nito. Tumingin siya rito at nakita niyang inilang hakbang nito ang distansya sa pintuan at mabilis na lumabas doon bitbit ang clipboard na sinulatan nito kanina. Naiwan siyang natitigilan habang hindi maitago ang pamumula ng mga pisngi. Kung ganoon pala ay natatandaan pa nito ang gabing iyon. Parang may kung anong init na gumuhit sa kaniyang dibdib pababa sa sikmura niya. Hindi niya sigurado kung kinikilig ba siya o napahiya? Ilang sandali rin ang lumipas bago siya kumilos patungo sa comfort room upang magpalit ng kasuotan. Nang lumabas siya roon ay saktong bumukas ang pinto ng silid na iyon at pumasok ang isang babae na nakasuot ng lab coat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD