k1
"Destiny is not a matter of chance, it is a matter of choice; it is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved." - William Jennings Bryan
Napapailing na lang si KC matapos basahin ang text message na pinadala ni Alex sa kanya. Sigurado siyang hindi na naman busy ang best friend niya kaya pinagti-trip-an na naman siya nito.
'Haha... Trust me, I am okay even if it will take forever for Mr Right to find me,' KC replied tapos iniatras niya ang upuan para silipin mula sa glass wall ng office nito si Alex.
As expected, she saw her friend rolled her eyes bago tumipa ng sagot sa cellphone nito.
'My dear, you are not getting any younger.'
'It's okay. I am in no hurry.'
Matalik silang magkaibigan ni Alexandra. Since their kinder days ay lagi na silang magkasama. Mayaman sina Alex. At siya naman ay scholar ng amo ng nanay niya kaya afford niya ring pumasok sa mga school na pinapasukan ni Alex.
Pareho sila ng tinapos at kahit mas mataas ang achievement niya, she ended as her best friend's secretary because Alexandra's family owns the company where they are working.
Okay lang iyon sa kanya. Salary wise ay wala syang masasabi. Idagdag pa na walang pressure dahil kaibigan niya ang boss niya. Mas madalas nga na talagang sa kanya lang nagdedepende si Alex. Paano naman kasi, bukod sa tagapagmana ay nakukuha pa nito lahat ng gusto nito. Walang effort.
Pero in fairness kay Alex, one man woman ito. Mula noong mag-college sila ay isang lalaki lang ang itinatangi ng puso nito. A man KC hasn't gotten the chance to meet. Lagi kasing wrong timing. Ayaw rin ni Alex na sa picture niya ito makilala. So kahit minsan 'di pa niya nakikita maski anino ng mahal nito.
'Baka magsisi ka. Mahirap tumandang mag-isa.'
'Matagal pa 'yon. Don't worry. Besides, what are friends are for? I'm sure di mo ako pababayaan... haha!'
'Whatever, KC,' sagot nito. 'Come with me tonight? My cousin's party.'
'I've already got plans for tonight. Sorry, Alex.'
'Alibis... tsk tsk tsk,' inilapag na ni Alex sa mesa ang cellphone nito.
Napailing na lang si KC. Tama kasi si Alex. Wala naman talaga siyang lakad. Matutulog lang siya at aasang maski sa panaginip ay makilala na niya si Mr Right.
*****
Nagmamadali si KC nang sumunod na araw. Male-late na siya kaya naman lakad-takbo siya papunta sa bus stop. Kung may isang bagay na strikto si Alex, 'yon ay sa tardiness. Ayaw nito sa mga taong late.
"Sandali!" Sigaw niya sa papaalis ng bus. Kahit kita niyang siksikan na iyon ay kailangan pa rin niyang makasakay dahil thirty minutes pa ulit bago ang kasunod na bus.
"Miss!" Nap'wersang tumigil sa pagtakbo si KC nang may matandang babaeng humatak sa braso niya. "Sandali!"
"Pasensya na ale pero kailangan ko na makasakay," pilit niyang binabawi rito ang braso niya pero matindi ang kapit ng matanda kaya nanlulumong tinanaw na lang niya ang papalayong bus.
"May nakikita ako sa mga palad mo," wika ng matanda na binabasa na pala ang palad niya.
"Ano po?" Medyo yamot pa siya kasi hindi naman siya naniniwala sa hula. Isa pa bakit may manghuhula sa lugar na 'yon? Araw-araw naman siya sa bus stop at alam niyang hindi tambayan roon ng mga manghuhula.
"May magandang mangyayari sa iyo ngayon," umpisa nitong tila na-eexcite. "Makikita mo na ulit si Mr. Right!"
"Sigurado po kayo?" Biglang napalitan ng excitement ang pagkayamot niya. Wala naman sigurong mawawala kung makikisama siya sa trip ng matanda.
"Oo... At ito pa," bigla nitong hinablot ang kwintas niya. Hindi naman nito iyon itinakbo pero tinitigan nito nang matagal. "Ingatan mo ito, hija."
"Bigay sa kin 'yan ng nanay ko." Kinuha niya rito ang kwintas na may pangalan niya. "Iniingatan ko ho talaga ito." Ibinalik niya iyon sa leeg. Hindi niya kailangan ng reminder. "Pero saan ko po makikita si Mr Right? Anong hitsura niya? G'wapo ba? Mayaman ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Sa tamang pagkakataon," luminga-linga ito sa paligid.
Saka rin na-realize ni KC na may mga nakatingin sa kanila na para bang hinuhusgahan sila ng matandang kausap niya.
"Mauna na ako sa'yo. Mag-iingat ka." Nagmamadali itong umalis ng tila may nakita sa 'di kalayuan nila.
"Ayon siya!" Sigaw ng mga ilang lalaking nakaputi na parang mga nurses o staff ng isang medical institution. Sinundan niya ng tingin ang tinutukoy ng mga ito at nakita niyang hinabol ng mga ito ang matandang kausap niya.
"Miss, takas sa mental iyong kausap mo," natatawang sabi ng katabi niya.
"What?!!" frustrated niyang bulalas.
Badtrip tuloy si KC. Paano, pati ba naman takas sa mental ay pinapakialamanan ang love life niya? Ganoon ba talaga ka-transparent na nangangailangan siya ng pag-ibig? Hindi yon nakakatuwa ha kasi umasa siya. Isa pa, sabi nito makikita niya ULIT si Mr Right. Ibig bang sabihin na-meet na niya ito dati pa? Na-excite pa naman siya roon. Hay!
Mabilis naman siyang nakasakay sa sumunod na bus. Sa katunayan ay maluwag 'yon. Sorpresa na walang mga nakatayo kaya naman komportable si KC. Umupo siya sa pandalawahan at nagpasyang umidlip muna. Total naman ay late na, siguradong traffic na. Sa Pilipinas pa ba? Parte na ng araw-araw na buhay ng Pilipino ang traffic. Parang love life lang ng marami, hindi maka-move on.
Hindi naman kasi sa naaatat siyang magkalove life rin. Kaso naman, at twenty-five ay NBSB pa rin siya. Kumusta naman 'yon?
'Hay naku! Kung darating si Mr Right, walang magagawa ang traffic ng EDSA.' She thought upon closing her eyes.
****
May importanteng meeting si Francis na kailangan niyang habulin bago mag-alas nueve. Kaso, sa dinami-rami ng pagkakataon ay noon pa siya itinirik ng kanyang kotse. Hindi agad-agad maaayos sabi ng driver niyang dinala niya para sana 'di siya mahirapang mag-park mamaya. Kaso nauna pang magpark sa gitna ng traffic ang kotse niya. Mabuti na rin at may driver siya. May maiiwang mag-aayos sa problema.
So heto, no choice siya kundi ipa-move ang meeting. And worse part was, magcocommute siya. First time 'yon sa tanang buhay niya na sasakay siya ng pampasaherong bus. Mabuti rin at umaga pa. Hindi pa sari-sari ang amoy ng mga makakasabay niya.
In fact, a lady who was wearing a blouse with his girl friend's company's logo caught his attention. Para kasing nayayamot ito at bubulung-bulong pa na animo isang bubuyog. Tinabihan niya ito pero hindi siya nito napansin dahil agad itong pum'westo para matulog.
'Well', he shrugged.
She looks familiar though. Hindi lang niya makapa sa memorya niya kung saan niya ito nakita. So he just pushed the thought at the back of his head.
So far ay okay naman ang experience niya sa bus. But not until biglang pumreno ang driver at halos magsitilapon silang mga sakay. May bigla palang nag-stop na bus sa unahan nila. Buti na lang nakahawak siya kaagad sa handle sa harapan niya.
"Aray," narinig niyang daing ng katabi niya.
When he turned to see, nagulat siya nang makitang duguan ang noo ng babae na umagos na sa mukha nito.
"Tulong," sabi pa nito bago umikot ang mga mata at mawalan ng malay
Ano pa nga ba? He was the one closest so sino pa ba ang magvo-volunteer na tumulong?
*****
Nasa ospital si KC nang magising siya. Ayon sa nurse na nasa tabi niya ay kakatahi lang sa noo niya.
Then she remembered na humampas nga pala ang ulo niya sa metal handle ng bus na sinakyan niya kanina.
"Mabuti na lang po at nadala po kayo agad dito," sabi ng nurse.
"Oo nga pala, sino nagdala sa akin dito?"
"Yung boyfriend n'yo po. 'Andyan sa labas. Kausap ni Dok," kinikilig ang nurse. "Ang swerte-swerte n'yo naman ma'am!"
"Huh?" Maang na tanong ni KC, boy friend daw? Na-curious naman siya at biglang bumilis ang t***k ng puso niya. G'wapo raw ba? Kailangan niyang makita! 'Wag lang sanang paasa ang nurse. Baka naman kasi mababa pala standard nito sa pagsukat ng kagwapuhan. "Aray!" Daing niya nang subukan niyang bumangon, kumirot ang ulo niya.
"Dahan-dahan po," agad siyang dinaluhan ng nurse para tulungan.
Nakaupo na siya nang pumasok ang doktor at ang hero niya. Nauna ang doktor kaya medyo natakpan nito ang boyfriend niya raw na kasalukuyan pang may kausap sa cellphone nito.
"How is my beautiful patient?" Tanong ng medyo may edad ng lalaking doktor at nang mahawi ito sa view, doon niya nakita ang lalaking pakiwari niya ay hinugot mula sa magazine.
Matangkad at kulang ang salitang gwapo para i-describe ito. Tindig pa lang alam ng may kaya sa buhay. Naka-skyblue na long sleeves ito na may dugo pa niya sa gawing dibdib. Marahil ay nakuha nito iyon nang buhatin siya.
'OMG, binuhat ako nang gwapong lalaki na 'to?!'
Nakangiti ito nang lapitan siya. 'Yong tipo ng ngiti na nakakatulala. Naman! Kung boyfriend niya ito for real, magpapakamatay siya 'wag lang itong maagaw ng iba!
"How are you?" Tanong nitong bahagyang inusyuso ang tsinicheck ng doktor sa kanyang sugat.
"I- i'm good," she stammered. "Thank you," pakiramdam niya tumutulo ang laway niya.
'Di yata't tama ang matandang baliw kanina! Siya na ba si Mr Right?!
"Great. Nawalan ka kasi ng malay kanina. But my uncle doctor here said you're safe and there's nothing to worry about." He said tapos bumaling sa doktor. "I better get going now -"
"Hindi mo na ba siya ihahatid?" 'Yong tono ng doktor ay parang tuwang tuwang may kasamang babae ang pamangkin marahil nito dahil tinawag siyang uncle kanina.
"Alam ko 'yan, Uncle Steve," umiiling-iling na sabi nito. "I have a meeting to catch." Binalingan siya nito "Take care next time." Matamis ang ngiti nito at siya nama'y speechless kaya napatango lamang siya. "Bye!" Tinungo na nito ang pinto.
"Wait!" Pigil niya, teka ano nga ba sasabihin niya? Nataranta siya nang lumingon ito. "Ahm -" bumaba ang tingin niya sa polo nito. "I'm sorry." Itinuro niya ang dugo niya roong nakamantsa.
"No worries..." He smiled again at nawala na ito sa paningin niya ay nakangiti pa siya.
*****
"Alam mo, nagdududa na ako sa'yo," untag sa kanya ni Alex nang madatnan na naman siya nitong nagde-daydream ng ikatlong beses nang sumunod na araw.
"H-ha?" Nakangiti niyang tanong.
"KC, kung hindi kita kilala, iisipin ko na kailangan ko nang tumawag sa isang mental institution at ipapadampot na kita."
"Ang harsh mo," nakangiti pa rin siya.
"Umamin ka nga sa 'kin, in love ka noh?" Pinameywangan siya nito sabay bagsak ng bitbit nitong files sa table niya.
"In love agad? 'Di ba pwedeng may crush lang?" Kinikilig siya nang maalala ang tumulong sa kanya na hindi niya nakuha ang pangalan.
"KC, you must introduce him to me!" Nahawa na ito sa ngiti niya. "After forever, may bumihag din sa puso mo! This is a milestone. We should celebrate!"
"Hindi ko nakuha pangalan niya, hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit." Nalungkot siya bigla "But I'm hopeful. Kung siya na nga si Mr Right, hindi pwedeng hindi kami magkita ulit."
"Ang hina mo naman!" Dinutdot nito ng daliri ang sugat niya. "Now I doubt if you really found Mr Right or it's just your imagination. Nakalog yata isip mo sa pagkakauntog mo, eh."
"Posible," lumabi siya tapos kinuha ang mga files na binagsak nito sa table niya. "Ilang kopya kailangan mo nito?"
"Dalawa lang. And please, take note this time. Andami mo ng errors today."
"Yes, boss!"
Hay, makikita pa nga ba niya ulit si Mr Right? Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng makalimutan ay ang itanong ang pangalan pa nito ang nakalimutan niya! S'yempre nahiya naman siyang alamin ang impormasyon na iyon sa Doktor na pinagdalhan nito sa kanya. Pero siguro babalik-balik siya roon sa ospital at baka makatsamba.