k6

2228 Words
Kay ganda ng umaga. Lalo na kapag bago ka natulog ay kasama mo pa ang taong mahal mo - kahit na sekreto lang. Ang hirap naman kasing 'wag mahalin si Francis. He was a natural charmer. Likas ang pagiging sweet at protective. At kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na 'wag mamisinterpret ang mga pinakasimpleng gesture nito ay napakakulit pa rin ng puso niya. Na kahit alam niyang ikakasal na ito at ang best friend niya ay patuloy pa rin niya itong lihim na minamahal. Kahit na alam niya na bandang huli, masasaktan lang siya. Tapos nang magshower si KC at nagbibihis na para pumasok sa opisina nang pumasok sa kwarto niya ang ina. "Pwede ba tayong mag-usap?" Malambing na sabi ng mama niya. "Oo naman po, Mama." Tumabi siya nang maupo ito sa kama niya. "Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita." Niyakap siya nito. "Mama naman talaga, ang aga aga eh. Alam mo naman 'yon, Mama, 'di ba? Higit kanino man, ikaw ang pinakaimportante at pinakamamahal kong tao sa buhay ko." Hindi maintindihan ni KC pero bigla siyang kinabahan. It wasn't every day that her mother would pull out a drama so early in the morning. "Gusto ko lang makasiguro na kahit anong mangyari ngayon ay hindi ka magagalit sa akin. Kasi anak, kahit hindi ka totoong galing sa akin, minahal kita at itinuring kitang sariling anak ko." Umiiyak na ang mama niya. "Alam ko po 'yon. Kaya 'di ba paulit ulit kong sinasabi sa inyo na ako pa rin ang pinakamaswerteng anak sa buong mundo? Kasi kahit ayaw sa kin ng totoong nanay ko, 'andyan ka naman at hindi mo ako itinuring na iba." "'Yon na nga anak, eh. Patawarin mo 'ko. Hindi ko sinasadya -" "Mama," hinawakan niya ang mga kamay nito para i-assure na hindi siya galit, "tama na, okay? Wala kang kasalanan. Alam ko. All this time alam ko na may komunikasyon ka sa pamilya ko. They hate me. Tanggap ko na 'yon. Kasi bakit ko sila kakailanganin at hahabulin kung may mama naman akong mahal na mahal ako?" Naiyak na rin tuloy siya. "Nagsinungaling ako, KC. Patawarin mo ang mama, anak!" "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Hindi alam ng mga magulang mo na buhay ka-" "Mama?" May hindi nga ba ito sinasabi sa kanya? "You would never lie to me, 'di ba?" "Anak, akala nila patay ka na... Ang ate ko, Yaya mo siya, anak. Dala niya ang anak niya ng masunog ang bahay n'yo. Akala niya anak niya ang nailabas niya sa sunog. Huli na nang makita ka niya at mapagtanto niyang naiwan sa loob ng nasusunog na bahay ang sarili niyang anak." Umpisa nito. "Nawalan siya ng anak. Galit siya dahil namatay ang anak niya. Kaya sa halip na ibalik ka sa kanila, pinili niyang paniwalain sila na ikaw ang batang nasunog." "Kung ganun, sino -?" ang tumustos sa pag-aaral niya? "May alam ang ate na sekreto ng pamilya n'yo. May anak sa iba ang papa mo. Doon siya lumapit sa nanay. Dahil sa pagkawala mo, nagkaroon ng puwang sa papa mo ang kapatid mo. Natakot ang nanay na kapag nalamang buhay ka pa ay hindi ulit mapapansin ang anak niya. Kaya kapalit nang pananahimik ng ate ay ibibigay nito lahat ng hilingin niya. Parte roon ang pagpapaaral sa'yo. At kung bakit napunta ka sa akin ay dahil hindi gusto ni ate na nakikita ang batang iniligtas niya na dapat ay anak niya. Tinanggap kita kasi hindi ako magkakaanak. Ikaw lang ang magiging paraan para maging ina ako. Isa pa, wala kang maalala pagkatapos ng sunog. Hindi ka na rin nila hinanap kasi akala nila ikaw ang nasunog. Hindi naman kasi nila alam na 'andoon ang pamangkin ko nang mangyari ang trahedya." Hindi siya makapaniwala. All this time naka-fix na sa puso't isipan niya na hindi niya tatanggapin ang pamilya niya kapag dumating sila sa punto na 'to. "You don't mean telling me this kasi -" hindi niya matanggap that she had been living a lie all her life at hindi niya napaghandaan ang ganitong pangyayari. "Oo, anak," tumango ito, "nahanap ka na nila." "Mama, hindi... Hindi ako naniniwala." Mahigpit siyang yumakap sa ina "Naalala mo, sabi ko iingatan mo ang kwintas mo? Ito na 'yon anak, nahanap ka na ng pamilya mo dahil sa kwintas mo." "What?" "Akala ko naihanda ko na ang sarili ko sa tagpong ito, hindi pa pala!" Ang kwintas niya - paano? Bukod sa kanya at sa nanay niya, the only person who knew it belonged to her was - Could Katrina be - ? Impossible! "Nasa baba sila, anak." Ayaw siyang pakawalan ng ina. "Ma-" ayaw rin naman niyang bumitaw. "'Wag kang mag-alala. Sasamahan kita." Natatakot siya. Kahit nalaman niyang nabuhay siya sa kasinungalingan nang mahabang panahon, wala siyang makapang galit para sa kinilalang ina. She is still her mother. Hindi magbabago 'yon. ***** Kanina pa siya nakatingin lang sa mga taong nagpakilalang pamilya niya. And she was right, one of them was Katrina. She was Charlize, ang kakambal na ikinuwento nito sa kanya ilang araw na ang nakararaan. Katrina managed to have her DNA when she invited her for dinner. Pero nilinaw nito that the only purpose of the DNA test ay para pagtibayin ang sisterly instinct nito na siya ang kapatid nito. She was also told of the story behind the necklace that now gave understanding to KC why Katrina was crying when they met. "Charlize," ang magandang ginang na si Cassandra ang nagpakilalang nanay niya. Gusto siya nitong yakapin pero nag-aalangan ito sa pananahimik niya. "Anak." She was crying alright, but at the same time takot ito na baka 'di niya ito matanggap bilang ina. "You really are Charlize!" Sabi naman ng ama niya na si Karlo. "I couldn't forgive myself that I believed that you're dead." "We are your family, Charlize." Si Katrina ang unang nangahas na yumakap sa kanya. "I am your twin sister!" Then it hit KC, if she was Charlize, then Alexandra is her sister as well! "I missed my baby growing up!" Hindi na nakatiis si Cassey. "Can I hug you, anak?" Tapos niyakap na rin siya nito kahit 'di pa siya pumapayag. Sumunod na rin ang ama nila and perhaps that was their very first family hug after twenty plus years! "Wait!" Biglang sabi niya. "Si Alex?" "Your sister is not yet ready to face you," paliwanag ni Karlo. "Alam na ba niya?" Bigla siyang nag-alala, would Alex accept her? After all, they weren't just bonded by their friendship but by a stronger bond - blood. "Please, how Alex would react is not our concern right now. Ang importante, heto na tayo, buo na ang pamilya natin!" Si Katrina. "Tama ang kapatid mo, anak. We will deal with Alex later." Mahigpit pa rin siyang yakap ni Cassey. Napatingin naman siya sa mama Myra niya na humihikbi sa tabi. "Sandali," sabi niya. "Alam ko, ngayon lang tayo nagkita at nagkakilala, pero gusto ko lang sabihin na hindi ko iiwan ang mama ko." "Anak hindi, okay lang ako," tanggi ni Myra. "Charlize, ako ang mama mo," nasasaktang sabi ni Cassey. "I already missed being a mother to you for a very long time. Please anak, come with us now." "Pasensya na po. But unless you let mama come with me, hindi ako sasama sa inyo," matigas niyang sabi kahit magprotesta pa lahat. "Okay, maybe everything was too soon. Hindi mo kailangang magdecide ngayon, anak." Namagitan na si Karlo. "But promise me, you will come live with us." Tumango na lang siya. Sina Cassey at Katrina ay gayon na lang ang pagpoprotesta. But in the end, ang ama ng tahanan pa rin ang nasunod. Especially dahil hindi pa rin handa si KC sa magiging pagbabago sa buhay niya. Sure it is going to be a 180 degree turn. At ang pinaka-concern niya ngayon, kapatid niya ang best friend niyang pakakasalan ng lalaking mahal niya. Si Francis na dati pa pala niyang kakilala.... ***** It was Alexandra's mother who supported her studies then. Ang mali nito, hindi nito inalam kung sino ang mga taong nakakasalamuha ng sarili nitong anak. She could have prevented the friendship of Alex and KC. Pero dahil tadhana ang nagpasya, si Alex din ang nagdala kay KC palapit sa katotohanan without any knowledge of it. "I will never accept you, KC," si Alex. "What were you thinking? Na mas may karapatan kang maging anak kesa sa 'kin?" "Alex, hindi ko naman alam 'to. Everything happened so fast, but if there's one good thing about it, it is knowing that my best friend is my sister" "You're a fake! I should have known!" Galit ito, 'asaan na ang Alex na nakilala niya noon? Why the sudden change of attitude? "Why aren't you happy? Alex, if there could be one reason that I'll gladly be part of this family, it's you." "Then let me say this again, KC. I will never accept you as my sister and I regretted having you as a friend. Now, please stay away with me." "Alex-" Is their friendship beyond redemption? Nevertheless, her new family allowed her mother to come with her on one condition that KC would resume the old life she's got before she got separated from them. Pinull-out siya ni Karlo sa pagiging assistant ni Alex. Instead ay binigyan siya ng ibang departamento na i-mamanage. Surprisingly, Katrina volunteered to assist her. Kaya magkakasama silang magkakapatid sa kompanya. At ang isa pang point of interest, Francis was appointed as the new CEO. "One more thing, KC," Alex told her. "Stay away from my Francis." So heto siya ngayon, trying so hard to avoid Francis. Pero ano ang magagawa niya kung ito mismo ang lumalapit? Dalawang bagay lang naman, she will avoid Francis and save her relationship with Alex or continue to love Francis and not only lose Alex but herself in the end as well.... "Good morning, beautiful ladies." Like what Francis was doing for the past three days, dumadaan muna ito sa Finance para batiin sina KC at Katrina tuwing umaga. "Hello, handsome," Kat would cheerfully greet him back, KC would just offer a nod without a smile. "How are you doing, Charlize?" Nilapitan siya ni Francis so there's no way she can avoid him. "Great," she answered. "I would think so because you've got a very good assistant here, right, Kat?" "You bet!" Tapos nagpaalam na ang binata. "I wonder why he always goes here when his girlfriend's department is at the other wing?" Bahagya siyang siniko ni Kat. "I don't know." She pretended not notice that her sister was teasing her. Besides, baka mabigyan na naman niya ng kulay ang ginagawa ni Francis. Then she would really have a hard time forgetting him. Nilubayan siya ng kapatid nang tumunog ang telepono. "Papa wants us in the board room at once," ani Katrina pagkababa nito ng aparato. "He's here?" Kasi dati noong assistant pa lang siya ni Alex, hindi naman niya nakikita ang Chairman na nagpupunta roon. "Apparently... I think Papa is still excited that his beautiful daughters are working in his company." "Will Alex be there?" "I think so, and Francis as well. He said he wanted us to meet somebody." Their father owns a group of companies. Kat and Francis have been managing the other businesses. But for some reason, pinagsama sama sila ni Karlo sa isang kompanya. His goal according to him was, they should learn to be a family first. Okay. So they went. Hindi siya pinapansin ni Alex. Nakalingkis lang ito all the while kay Francis. "Mga anak, I want you to meet our new director," umpisa ni Karlo. Nasa tabi ng kanilang ama ang isang gwapong binata. "Ivan Leith," saad nito. "Alex, if you remember his father, he is the son of Anton who served this company for quite a while. And Francis, you were classmates!" "Yeah, I remember," sagot ni Francis na tumayo para i-acknowledge si Ivan. "Glad to know there is a familiar face here," natuwa naman si Ivan. "And Tito Karlo wasn't lying when he told me that he really has three beautiful daughters," his eyes though were already fixed on KC. "I'm Alex, nice to meet you," nauna si Alex. "Hi Ivan, Katrina here." "Pleasure to meet you and -" binalingan siya ni Ivan before she could introduce herself. "You must be Charlize." "I am..." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "It is nice to meet you, Ivan." "It's very nice to finally meet the new princess... I already heard so many good things about you through your father." Hindi nito itinago ang paghanga, in fact hindi pa nito binibitawan ang kamay niya kaya namagitan na si Katrina. "Excuse me, Ivan. I want you to know-" kinalas nito ang mga kamay nila. "If you're interested with Charlize, you have to go through me first." Matamis ang ngiting dugtong ng kapatid niya. "Oh, oh... Sorry." Napatawa si Ivan at humingi ng paumanhin. "Well, she's guarded," sabi naman ni Karlo. "But I know, my daughter will be in good hands with you." Pakiramdam ni KC gusto ng kanilang ama si Ivan para sa kanya. Napatingin siya kay Francis. He wasn't smiling at all. While Alex seemed very happy. Ivan, who just came kapalit ng ama nito will not only be a mere director. He will head the Marketing department and will be working closely with them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD