TRIXIE'S POV:
“Do you have any plans for today?” I asked him as we headed to the living room.
“Hmm. . . wala naman. Pagod ang katawan ko e. Bukas na lang siguro. Ikaw, may gagawin ka ba?” balik tanong naman nito na nilingon ako.
I shook my head and smile at him. “I want to take a rest too. Tomorrow will be definitely a super busy day,” I replied. “Come, I'll tour you around.”
He smiled and nodded. Magkasabay kaming umakyat sa second floor, kung saan naroon ang dalawang silid. The guestroom and of course– the master's bedroom. Mas malaki nang double ang master's bedroom sa guestroom. Minsanan lang ako magpatulog dito, at ‘yon ay si Liza lamang. Hindi ako basta-basta nagpapatulog ng lalake dito– except my family. Kahit nga si Gello noon ay hindi. Kaya ikinuha ko siya ng bagong condo na nasa ibaba ko lang.
“Wow, nice. Malaki rin pala ang space dito noh? At maganda ang view dito sa balcony,” aniya at tumuloy kami ng balcony.
Napangiti ako na napahalukipkip. Nasa 50’th floor kami ng building. Kaya tanaw ang syudad sa aming kinaroroonan.
“Told you I had good taste.” Aniko dito na napangiting nilingon ako. “Pero mas magandang tumambay dito sa gabi. Look at that,” I added and pointed my big billboard in front us.
Nasa rooftop ito ng kaharap naming commercial building. Pero sa sobrang laki nito, kitang-kita pa rin ang mukha ko kahit medyo malayo ang makakakita. Perfect na perfect ang kinaroroonan ng billboard dito sa condo ko. Dahil kaharap ko lang ito.
“Wow,” aniya na napangiti. “She's so beautiful and charming huh? Kilala mo ba siya? Baka pwede mo akong ipakilala sa kanya,” biro nito na mahinang ikinatawa ko at nahampas ito sa braso na natawa.
“Masungit kaya ‘yan. Mahirap siyang lapitan. Iyan ang tingin ng karamihan sa kanya. Especially those who don't really know her well. But her family and friends? They know the truth. Na hindi talaga siya mahirap lapitan, kung tao kang haharap sa kanya,” pananakay ko sa biro nito na napatango-tango na may ngiti sa mga labi habang nakatitig sa billboard kong close-up ang kuha.
Ilang minuto pa kaming tumambay ng balcony. “Tara, silipin natin ang mga silid dito,” pag-aya ko, sumunod naman ito.
Pumasok kami sa loob. We walk past a hallway gallery of black and white photos I took on my trips, Anton pausing to look at one of a beach in Palawan. Hinintay ko naman ito.
“Did you take these?” he asks, his voice soft.
“Uhum. Photography’s my little escape from work.” I said. We headed to the first room, the guestroom.
“This is my guestroom,” I said and open the door.
Pumasok kami at naigala niya ang paningin. Napapatango-tango ito na may kinang sa mga mata.
“Nice. Mas malaki pa ito kaysa sa silid ko sa amin a,” naiiling wika niya.
“You can use this room, if you want. Pero– ginagamit kasi ito ni Liza– my manager and also my best friend. Paminsan-minsan ay natutulog ‘yon dito e. Parang pangit naman kung sa kamang ginagamit niya ka matutulog, right?” wika ko ditong ngumiti.
“Sa sofa na lang ako sa sala. Malaki naman iyon and it's comfortable. Pahiram na lang ng kumot mo ha? Malamig dito e,” aniya na ikinailing ko.
“No, I won't allow you to sleep in the couch, Anton. Napaka walang puso ko naman no’n.” Wika ko. “If you want, if it's okay with you– we can share my room. Halika, I'll show you my room,” saad ko na hinila ito sa kamay na nagpatianod.
Pumasok kami sa kabilang silid kung saan ang master's bedroom. “We're here. This is my room. Kami lang ni Liza ang madalas nandito. Hindi ako basta-basta nagpapatuloy ng bisita dito kahit mga kakilala ko pa sa trabaho. Being a model is hard. Lahat ng kilos dapat pulido. I have to be extra careful. Kaya kahit mga regalo ng mga fans ko, hindi ko dinadala dito sa condo. Maaari kasing may hidden camera ang mga iyon o tracking device para malaman nila kung saan ako nakatira.” Pagkukwento ko habang iginagala siya dito sa silid ko.
“Ang swerte ko pala. Pinatuloy mo ako dito sa condo mo,” he commented.
Napangiti ako. “Mapagkakatiwalaan ka naman e. I trust you, Anton. And I know, hindi mo ako ipapahamak.” Wika ko. “We can share the bed. Malaki naman ito at ayoko namang sa sahig o sofa ka matutulog.”
Napalunok siya na napasulyap sa king-size bed ko sa gitna nitong silid.
“Bathroom’s right here– feel free to use it anything here. Hindi naman ako madamot lalo na't bisita kita.” Wika ko na ipinasilip ang bathroom sa kanya na sumilip sa loob.
“Okay lang ba talaga, Trix?”
“Oo naman. I was thinking we could take a quick shower first? Para makapagluto na tayo ng hapunan, o mas gusto mo magpa-deliver na lang tayo ng food?” tanong ko dito na umiling.
“Nah, mas maganda kung magluto na lang tayo, Trix. May stocks ka ba sa kitchen?” tugon niya na ikinatango ko.
“Yeah, meron naman. Okay lang bang pakikuha mo ang luggage natin sa baba? Dalhin mo dito ang gamit mo at dito ka naman sa silid ko tutuloy. I'll take a shower first, hmm?” I said and he nodded.
“Sure.”
MABILIS akong naligo at alam kong gagamitin din ni Anton ang banyo. I step out of the bathroom, the cold tile beneath my feet a sharp contrast to the warmth still lingering on my skin. A single white towel is wrapped tight around my body, barely reaching my mid-thighs, and water droplets trace slow paths down my shoulders, my neck, my forearms. Hawak ang towel na nakabalot sa katawan ko, lumabas ako ng banyo at nagulat na makitang. . .
Nandito si Anton.
He’s bent over our luggage, one hand holding a folded shirt, the other fumbling with the zipper of a large duffel bag. Kapwa kami natigilan na mapatitig sa isa't-isa. Napalunok pa siya na napapasulyap sa dibdib at hita ko. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan. Maging ito ay hindi makakilos sa pwesto na nakamata lang din sa akin. The only sound is the soft drip of water from my hair onto the floor, and the quiet click of the zipper as it slips out of his fingers.
I swallowed, forced my smile. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig kaming dalawa sa isa't-isa. Lumukob ang kakaibang kaba at excitement sa puso ko habang nakatitig dito at hindi maiwasang maalala. . . ang gabing nagkasama kami sa isla!
His eyes are on me. I follow his gaze– down to the curve of my collarbone, where a drop of water has paused before sliding further, then to my bare arms, still glistening from the shower. I know he’s looking at my chest too, even if I don’t want to admit it. The towel feels suddenly too small, too flimsy, like it could unravel at any moment. Hindi ko alam kung ano ang mga tumatakbo ngayon sa isipan niya. Baka mamaya ay iniisip niyang inaakit ko siya– na hindi ko naman sinadya. I swear. I'm not that kind of woman.
“Anton,” I say, my voice coming out softer than I intended.
Dahan-dahan siyang tumayo na nakamata pa rin sa akin. Pilit akong ngumiti.
“Trixie– I’m sorry, I didn’t know you were. . . I mean, Pasensiya ka na talaga. It's not my intention to see you—” he rambles, his hands moving nervously over the bag, folding and refolding the same shirt over and over.
I take a small step back, pulling the towel tighter around myself. The heat between us doesn’t fade. If anything, it grows, filling the small room until I can barely breathe. I can see the way his Adam’s apple bobs as he swallows, the way his eyes keep drifting back to me despite his best efforts. My own eyes wander– over his broad shoulders, the way his shirt clings to his back, the strong lines of his jaw. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa mga sandaling ito. Na tila may nagdidikta sa akin sa kung ano ang gagawin ko.
“I-it’s okay, Anton. Isa pa, y-you already saw me naked–”
Napapikit ako na napamura sa isipan. Kung bakit kasi iyon ang naisatinig ko! Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang maramdamang gumalaw siya. Nagdilat ako ng mga mata at nagulat nang sumapo siya sa magkabilaang pisngi ko. Walang ano-ano ay–
inangkin niya ang mga labi ko!
Kusang umangat ang mga braso ko. I wrapped my arms around his neck and respond his kiss! Napaungol ito na niyakap ako at mas pinalalim ang pang-aangkin sa mga labi kong ikinanghina ko na tuluyang natangay sa init at pananabik na nadarama naming dalawa!