ANTON'S POV:
NANGINGITI akong pinapakiramdaman si Trixie na katabi ko. Pinagmamasdan muli ang kaulapan. Hindi naman niya binibitawan ang kamay ko. Sa tuwing marahan kong pipisilin ang malambot at mainit niyang palad, she do the same. Pinipisil niya ang kamay ko pabalik.
I still can't believe this is happening right now. Sinusuway ko naman ang sarili ko not to fall in love with her. Walang katiyakan na mamahalin din ako ni Trixie. Idagdag pang magkalayo kami. Kung gusto naming magkasama, may isa sa amin na kailangang isuko ang career niya. It's either her– or me.
I'm so happy that I'm with her right now. Idagdag pang dalawang linggo ko siyang makakasama sa Toronto. But I'm still afraid. Natatakot ako na madudurog lang ako sa bandang huli. Katulad sa nangyari sa dalawang past relationship ko kay Gabby at Lea.
Yes, nakatagpo ako ng matino, mapagmahal at mabait na katulad ni Gabby, pero hindi kami nagkatuluyan dahil may ibang taong nakalaan sa kanya. Ikakasal na nga kami e, pero naudlot pa. Sa sumunod na umibig ako, nagsama na kami sa iisang bubong at nagkaanak pero– iniwan niya ako. Ipinagpalit niya ako sa ibang lalake. Kung sila Gabby at Lea pa nga lang na mga ordinaryong dalaga katulad ko ay nabigo akong mapanatili sila sa tabi ko, na mahalin ako at handang samahan ako hanggang pagtanda, paano na lang ang isang Trixie Payne?
Si Trixie na bukod sa sikat na international model, maraming manliligaw na matataas na tao at kapwa niya sikat na modelo. Idagdag pa ang katotohanang isa siyang heredera mula sa pamilya Payne, paano ako lulugar sa puso niya? Isang suntok sa buwan na maabot ko ang isang katulad niya. Maraming mas karapat dapat na lalakeng mas nababagay sa kanya. Kaysa sa isang katulad kong ordinaryo, probinsyano, politician at may anak na sa pagkabinata. Pagtatawanan si Trixie at kakant'yawan na sa isang probinsyanong single dad siya bumagsak. Mapapahiya siya kung ako ang maging kasintahan niya.
“Hey, what's wrong, Anton?”
Napabalik ang ulirat ko na marinig ang malambing at nag-aalala niyang boses. Napatitig ako sa kanya. Nakaharap siya sa akin na puno ng pag-aalala ang mga mata. Ngumiti ako na kusang umangat ang palad ko para haplusin siya sa pisngi. Hindi naman siya umangal.
“Wala. I'm just happy,” sagot ko ditong napanguso.
“Masaya ba iyong nakatulala ka na may bahid ng takot, lungkot at pag-aalala ang mga mata?” aniya na ikinangiti ko.
“Masaya akong kasama ka ngayon, Trix. Nahahawakan at nakakausap nang gan'to. Pero alam ko naman. . . may hangganan itong sayang nadarama ko. Two weeks, dalawang linggo lang ang meron ako para makasama ka. After two weeks, babalik na ako ng bansa. Magkakalayo na tayo at hindi ko alam kung kailan ulit kita makakasama nang gan'to. Kung matatandaan mo pa kaya ako pagkalipas ng taon? Ano'ng mangyayari sa atin pagkatapos nito?” wika ko dito na napalunok at hindi nakasagot.
Kita ang takot, pag-aalangan at lungkot sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa kamay kong nakasapo pa rin sa kanyang pisngi.
“Let’s not think what will happen tomorrow, Anton. Minsan, kahit planado mo na ang mga gagawin mo para bukas, walang katiyakan na mangyayari ang mga nasa plano mo. Sabi mo nga, hayaan nating tangayin tayo ng alon sa kung saan niya tayo gustong dalhin. Let's just be real, enjoy every moment, create happy moments together that we will surely remember until we grow old, and do– some naughty things that we both want,” aniya na ikinangiti kong pinagbundol ang dulo ng aming ilong.
Napahagikhik naman ito. This is what I’ve been dreaming of– just the two of us, close to each other, no secrets, no alibis.
"Anton, I’m sleepy," aniya na napahikab. "Can I sleep like this? Your shoulder is so comfortable." Paglalambing niya pa na ikinangiti ko.
"Of course you can, Trix," sagot ko, inayos ang kumot para sa kanya para hindi siya lamigin. "Sleep well. I’ll wake you up when we’re almost in Toronto. And when you wake up, we’ll be in a new city– together."
Hindi naman nagtagal, nakaidlip na siya sa balikat ko habang magkahawak ang kamay namin. Hindi ko mapigilang kumuha ng ilang selfie namin habang natutulog siyang nakasandal sa balikat ko. Hindi ko rin maiwasang hagkan siya sa ulo at noo. Mabuti na lang, nahihimbing siya. Hindi niya ako nararamdaman na ninanakawan siya ng halik! I never thought I’d have this– someone who makes me forget about being a governor, someone who makes me feel like a ordinary guy who’s in love.
ILANG oras pa ang lumipas, nakarating na kami ng Toronto. Nauna akong nagising kay Trixie. Napangiti ako na makagisnang nahihimbing pa rin siya sa balikat ko. Hinagkan ko na muna siya sa noo bago ginising.
"Hey, sleepyhead. We’re almost there," saad ko na ngumiti sa kanya at inayos ang kanyang buhok na tumabing sa maganda niyang mukha.
Nagising naman ito. Napakusot-kusot ng mga mata na napalingon sa may bintana at napangiti.
"Wow, that was fast," aniya na napahikab. "Toronto looks so beautiful from up here. And I’m so glad I’m here with you– even if you’re just here for Lea." Dagdag niya na hininaan sa dulo pero narinig ko pa rin naman.
"Me too," sagot ko na marahang pinisil ang palad niya.
Ngumiti siya na sumandal muli sa balikat ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko tuloy mapigilang hagkan siya sa ulo.
"Anton, thank you for coming with me," aniya habang palapag na ang eroplano. "This flight would have been so lonely if you weren’t here. You made it the best flight of my life– and we still have two weeks together."
Napangiti ako na isinandal ang pisngi sa ulo niyang nakasandal sa balikat ko. Napahalik ako sa palad niya na hinayaan lang naman nito.
"Two weeks that I’ll never forget," pabulong tugon ko. "I promise to make every second count, Trixie. No more alibis, no more pretending– for these two weeks, it’s just you and me." Usal ko sa isipan.
MAGKAHAWAK kamay kaming lumabas ng arrival ni Trixie. The cold air hit us even before we fully stepped out the airport. We're both wearing black facemasks and gray hats that covered down to our eyebrows. In my left hand, I held our luggage. Kilalang model si Trixie dito. Kaya kinailangan naming magsuot ng sumbrero at mask para hindi siya pagkaguluhan. Lalo pa't magkahawak kamay kaming dalawa. Tiyak na pagpipyestahan siya ng media.
“Stay close to me,” bulong niya sa akin, her voice soft but firm. “There are some photographers near the exit sometimes. I don’t want to make a scene on your first day here.” Aniya.
Tumango ako, my eyes secretly scanning the crowd. I saw so many people– some waiting for friends, some rushing to their next stop. Everyone was busy with their own lives, but for Trixie, everyone was a potential onlooker. Alam kong sikat siya dito sa Toronto– a model for big brands, known for her sharp eyes and sleek posture. Kahit nababalot ang mukha niya ng facemask, marami pa rin ang makakakilala sa kanya. Lalo na kung maikalat sa social media.
“Relax,” bulong ko, giving her hand a tighter squeeze. “I got you. We’ll get out of here quietly.”
When we walked out of the main exit, I let out a sigh of relief when I saw no cameras or people staring too long at us. Umakto kaming normal lang. Para hindi suspicious ang galaw namin. Trixie had already called a taxi before we arrived– the driver didn’t ask many questions, just took our luggage and loaded it in the back. Habang nasa loob ng taxi, she took off her mask and hat, fixing her hair that had gotten a little messy. Mabuti na lang at nakalabas kami ng airport na walang ibang nakakilala kay Trixie. Ngayon ko lang napagtanto, mas mahirap at mas masikip pala ang mundong ginagawalan niya, kumpara sa akin.
“I’m sorry you have to go through this,” paumanhin niya sa akin and her voice carrying a hint of shame. “I know you came here for a vacation, not to hide with me.”
“Wala ‘yon, Trix,” I answered, smiling at her. “This is part of who you are, right? I don’t mind at all. As long as I’m with you, I’m okay.”
“Sa akin ka na lang tumuloy. Wala naman akong ibang kasama sa condo e. Kaysa mag-book ka pa ng hotel mo.” Aniya habang nasa byahe kami.
“Okay lang ba?”
“Of course. Isa pa, ako lang ang kakilala mo ditong mapagkakatiwalaan mo,” kindat niya na ikinangiti ko.
“Thanks, Trix.”
“You're welcome, Gov.”
Pagdating namin sa condo niya, naigala ko ang paningin. Her condo was in a tall building near downtown Toronto– when you look out the window, you can see the vast city skyline and parts of the lake. Tiyak na mas maganda pa dito sa gabi.
“This place is amazing,” saad ko, looking around in awe. “I didn’t expect it to be this big.”
Ngumiti ito na kumuha ng tubig aa double door fridge niya dito sa kitchen kung saan kami tumuloy. Nagsalin siya sa dalawang baso.
“Thank you, honestly, may sentimental value ang condo na ito sa akin. Ilang buwan ko ring sahod ito noong nagsisimula pa lang ako dito. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong from day one, naging independent na ako dito? Hindi ako naglalabas ng pera mula sa mga magulang ko. Pinaghirapan ko lahat ng meron ako dito,” aniya na uminom at sinenyasan akong lumapit.
“That was amazing, Trix. Hindi lahat ng mga heredera katulad mo, mas gugustuhing pinaghihirapan ang perang gagamitin.” Tugon ko na inabot ang baso at uminom ng tubig.
Matamis itong napangiti na naigala ang paningin sa kabuoan ng kanyang condo. Nangingiti naman akong nakatitig sa kanya. Kinakabisado ang maganda niyang mukha. Mukha na pangarap kong sana. . . sana habang buhay kong nakikita.
"How I wish this moment won't end. Ang sarap siguro sa pakiramdam. . . na kasama kitang tumanda."