ANTON'S POV
WE'RE finally boarding the plane– together. Habang naglalakad kami ng pasilyo ay panaka-naka kong pinipisil ang malambot niyang palad. Masaya na ako kahit muli itong natahimik. Hawak ko ang palad niya at hinahayaan niya akong alalayan siya. This is where it all changes– no more hiding, no more pretending I’m here for Lea. It just only the two of us. Hindi ko na rin inaala ang mga tao sa paligid namin at wala dito ang pamilya niya na inaalala kong makita kaming dalawa at maghinala na may something sa pagitan namin.
“Excuse me, is there any way I can switch seats to sit beside her? She’s used to long flights, but I’d still like to be beside her if possible," saad ko sa attendant at itinuro si Trixie na nakatayo sa tabi ko.
The flight attendant check her list, pagkatapos, ngumiti siya na bumaling sa amin ni Trixie.
"Oh, what a coincidence! The seat right beside her is empty. I’ll update your boarding pass right away, sir," sagot niya, na kaagad kumuha ng bagong tiket para sa akin.
Nakita kong ngumiti si Trixie nang bahagya, pero kaagad naglaho ang ngiti na nag-iwas ng tingin sa akin. Trying to hide her smile. Napatikhim siya nang kalabitin ko ito sa tagiliran.
"You didn’t have to do that, Anton," mahinang saad nito pero nagniningning ang mga mata sa tuwa. "I’ve been taking long flights for years now, I’m used to sitting alone." Dagdag niya.
"I know you are, Trix," sagot ko.
Kinuha ang kanyang maleta at inilagay ito sa overhead compartment na may kadalian– alam kong kayang niyang gawin ito nang mag-isa, ngunit gusto kong tulungan siya.
"But I’d be better if I’m beside you. Now, sit down– let me make you comfortable anyway." Wika ko.
Inalalayan ko itong makaupo, pagkatapos ay inayos ang kanyang upuan. Ibinaba ko ang likod nito hanggang sa makakuha siya ng tamang posisyon, ibinigay ko sa kanya ang pinakamalambot na unan na nakita ko at binalot siya ng kumot. I want to take care of her like she’s the most precious thing in my life– because she is, even if she’s perfectly capable of taking care of herself. Sulitin ko na. Dahil limitado lang ang oras na meron ako para makipaglapit sa kanya. Para makapasok sa puso niya.
"Are you okay? Too hot? Too cold?" tanong ko, tinignan siya mula ulo hanggang paa.
She softly chucked and shook her head. "I’m perfectly fine, Anton. You’re acting like I’m a first-time flyer who doesn’t know the drill," saad niya, ngumiti na pinisil ang ilong kong ikinangiti ko. "But thank you, it feels so good to be taken care of, even if I don’t need it."
Umayos kaming dalawa ng pagkakaupo. Gumalaw na ang eroplano at nagsimulang lumipad. Bumaling si Trixie ng tingin sa labas ng bintana na katabi niya. Bakas ang kamanghaan sa mga mata nitong may bahid ng halo-halong emosyon– lungkot, pangungulila, takot at saya. Alam kong sanay na siya sa paglipad at buong buhay niya na itong ginagawa bilang international model. Mula sa Paris hanggang sa New York, sa Tokyo hanggang sa Toronto.
"Hey, what are you thinking about?" pabulong tanong ko na bahagyang inilapit ang mukha dito at tinitignan ang labas ng bintana. "You look like you’re in another world up there."
Napailing naman ito na kiming ngumiti sa akin. "I’m just thinking about how beautiful the sky looks from up here. I’ve flown hundreds of times, but I still never get tired of this view," saad niya. "Want me to tell you a secret? Every time I fly, I make a wish. Just a small one, but it always makes me feel better."
"Really? What did you wish for this time?" tanong ko na matiim na nakatitig sa mga mata nitong nagniningning, gahibla lang ang pagitan ng aming mukha.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa na nagkakapalitan na ng hanging nalalanghap. Hindi ko alam kung ramdam niya pero– sobrang bilis ng t***k ng puso ko na magkadikit kami nang gan'to. Na nakikita siya nang gan'to kalapit. Na abot kamay ko siya. Nakikita, nahahawakan at naririnig ang malambing niyang boses.
"That’s a secret," ingos niya na pinagsagi ang dulo ng aming ilong bago bumaling muli ng tingin sa bintana.
Napasulyap ako sa labas, kita mula dito sa taas ang syudad, ang asul na malawak na dagat, at ang mga ulap na aming nadaraanan.
“Sana isinama mo si Andrew, wala ba siyang passport?” pag-iiba niya ng topic.
Nagsawa na rin siyang nanonood sa labas ng bintana at umayos ng pagkakaupo na nilingon akong napanguso.
“Meron naman. May pasok kasi siya. Ayoko namang lumiban siya sa klase para dito. Isa pa, baka mabigo kasi siya na mapapayag ko ang babaeng gusto niyang maging ina e. Okay lang na ako ang masaktan, Trix. Alam mo ang hindi ko kayang pagdaanan?” aniko na matiim na nakatitig sa kanyang mga mata.
Napalunok muna ito na hindi bumibitaw sa matiim naming titigan. “W-what?” halos pabulong tanong niya.
Mapait akong napangiti na lumamlam ang mga mata na maisip ang anak ko sa tuwing nagkakasakit siya, hinahanap ang mommy niya. Nakatulog na ito pero sinasambit niya ang katagang ‘mommy’ na tila tinatawag niya ang ina at nangungusap. Kaya kong magmakaawa pero– hindi ko kaya na makitang ang anak ko ang gumagawa no'n. That he's begging for someone to stay right beside him. To love him, to take good care of him, to protect him.
“Hindi ko kaya na nasasaktan ang anak ko, Trix. Kung kaya ko lang ibigay ang lahat ng kahilingan niya, lalo na ang mga bagay na magpapasaya sa kanya, gagawin ko. Kahit paghirapan ko pa. Nakahanda akong tiisin ang hirap, bigat at kirot. Kahit ano pa iyan, basta mapasaya ko lang ang anak ko.” Mababang saad ko na naging emotional.
Hindi naman ito nakasagot. Napalunok siya na nakatitig sa akin. Napailing ako na pilit ngumiti.
“Nabanggit ko sa'yo noong nakaraan na dalawang beses na akong nagmahal at nagmakaawa sa mahal ko na hwag akong iiwan. Lumuhod, umiyak at nagmakaawa. Pero iniwan nila ako. Pero hindi ko kayang makita na gawin iyon ni Andrew, Trix. Bilang ama, hindi ko kayang makitang umiiyak ang anak ko at nagmamakaawa na piliin siya, na mahalin siya, na tanggapin siya.” Wika ko na namuo ang luha habang naiisip ang anak ko. “Pero ano'ng magagawa ko kung. . . kung ito ang nakaukit sa tadhana namin. Gano'n talaga. May mga anak na isisilang at lalaki sa isang masaya at kumpletong pamilya. Meron din namang mga isisilang. . . na lalaking may kulang sa puso nila. Katulad ko, lumaki ako na napanood kung gaano kalamig ng daddy sa mommy ko kapag nasa loob na kami ng tahanan namin. Alam ko naman kung bakit kami tinanggap noon ng daddy. Dahil anak niya ako at nagpakasal ba sa iba ang babaeng laman ng puso niya– si Tita Nicole. Kaya kailanman, hindi kami naging masayang pamilya lalo na sa loob ng pamamahay namin. Dahil ni minsan, hindi minahal ng daddy ang mommy ko, hanggang mamatay na ito. Wala e, iyon yata talaga ang tadhana namin. Ang mahirap kaming mahalin ng mga tao sa paligid namin– lalo na ng mga mahal namin. Mula sa mommy ko na hindi naranasang mahalin ng daddy pabalik, sa akin na iniwan ng dalawang babaeng minahal ko noon, at ngayon naman. . . ang anak ko. Ang anak ko na nangungulila sa pagmamahal ng isang ina. At bilang ama niya, napakasakit sa akin na hindi ko iyon maibigay sa kanya. Masakit na may kulang sa puso ng anak ko na hindi ko mapunan.” Paglalabas saloobin ko na napayuko at sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko.
She tap my arm and lead me put my head on her shoulder. Sumandal ako sa kanyang balikat. Hinayaang maubos ang luha ko hanggang sa makalma ko ang sarili. Gumaan ang pakiramdam ko at naglahong parang bula ang bigat sa dibdib ko na naiisip ang sitwasyon naming mag-ama.
“Pasensiya ka na. Kahinaan ko kasi talaga ang anak ko,” paumanhin ko dito na ngumiting tumango.
“It's okay. Nakakahanga ka nga e. Andrew is still lucky to have you as his dad. Kaya siguro ikaw ang naging ama niya, dahil hindi man siya mamahalin ng kanyang ina? May ama naman siyang mamahalin siya nang sobra-sobra.” She cheerfully said that makes me smile.
"Siguro nga. Saka, hindi lang naman si Lea ang pwedeng maging mommy ni Andrew, 'di ba?" pasimpleng hirit ko ditong napatikhim na nagpipigil mapangiti.
"Of course. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo e. Kahit sino ay pwedeng maging mommy ng anak mo basta ba-- iyong pipiliin mo ay 'yong totoong mamahalin ang anak mo na parang anak na niya." Wika nito na tila may iba sa kinang ng kanyang mga mata at munting ngiti sa mga labi.
“Kung alam mo kayang gusto kang maging mommy ng anak ko– pagbibigyan mo kaya kaming mag-ama na maging bahagi ng buhay mo?” piping usal ko na nakamata ditong bumaling muli sa labas ng bintana ang paningin.
NAKAIDLIP kami ni Trixie sa mahabang byahe. Nakasandal siya sa balikat ko habang magkahawak ang aming kamay. Para kaming magkasintahan sa itsura naming dalawa.
Nagising kami nang dumating ang pagkain. Ngumiti ang attendant na bumali bago iniabot ang menu sa aming dalawa ni Trixie. Tumingin ako sa menu at nakita ko ang paborito niyang pagkain. Adobo at sinigang– na sinabi niya sa akin noong gabing nagkasama kami sa isla.
“Excuse me, can we get two orders of adobo and sinigang? And also two matcha lattes, please?" saad ko sa flight attendant.
“Noted, sir, anything else?” wika nito kaya bumaling ako kay Trixie na nakatitig na pala sa akin at bakas ang kamanghaan sa mga mata.
“What?” Pabulong tanong ko. Naipilig niya pa ang ulo.
"How did you know I wanted that? I didn’t even look at the menu yet," tanong niya na mahinang ikinatawa ko.
"Sinabi mo sa akin noong nasa isla tayo– that adobo and sinigang are the only things that make you feel at home when you’re far away," saad ko na ngumiti sa kanya. "I remembered everything about you, Trix. Even what happened to the room we occupied on that very special night. I remember." Pilyong bulong ko na ikinalapat niya ng labing pinamulaan ng pisngi at nakurot ako sa hita.
“Kainis ka,” ingos niya na ibinalik na ang menu na hawak.
Hindi naman nagtagal, dumating ang pagkain namin. As we ordered, kumpleto at iyon ang dumating sa amin. Nagsimula kaming kumain na magana. Inaasikaso ko siya na hinahayaan lang naman ako. Kahit ang punasan ko ng tissue ang gilid ng kanyang labi, hinahayaan ako nito at nangingiti pa.
“Mahaba pa ang byahe. Gusto mo bang manood pagkatapos kumain o matulog na lang ulit tayo?” tanong ko habang kumakain kami.
Napanguso siya na napaisip. “Matulog na lang. Napuyat kasi ako kagabi e. Halos madaling araw na nang matulog kami nila Lucas. You know, it's my last night with them kaya sinulit namin ang gabi,” sagot nito na ikinatango ko.
“Sige, matulog na lang muna tayo pagkatapos kumain. Ako rin e, dama ko na nga ang pagod ko sa halos buong linggo na walang pahinga.” Pagsang-ayon ko na sinubuan itong tinanggap iyon, kahit na ginagamit ko ang kutsarang isinubo ko sa kanya.