ANTON'S POV:
ILANG araw na ang lumipas at hindi ko na nakita pa si Trixie dito sa probinsya namin sa Zambales. I want to follow her to Manila so bad. I even had my driver keep my car ready every single day, pero abala ako sa pag-aayos ng bagong pampublikong paaralan at pagtugon sa bagyong dumaan sa bayan.
Mabilis lumipas ang mga araw. Abala ako sa mga meetings, pagbisita sa mga nasasakupan ko at personal na pag-abot sa mga relief goods sa mga pamilyang nasa evacuee center dahil nasira ang mga bahay dala ng bagyo noong nakaraang linggo. Ngunit kapag nakabalik na ako sa tahimik na opisina ko, ang mukha ni Trixie ang laging nasa isip ko.
She’s always smiling in my mind– that sweet, shy smile she gave me when we were on their island. Hanggang sa dumating ang Sabado– the day of Trixie's flight back to Toronto, where she works as an international model. I almost missed it because of a last-minute meeting with the municipal council.
"Sir, male-late na tayo! Ang flight ni Ms. Trixie ay mga 30 minuto na lang!" sigaw ng driver ko habang mabilis na nagmamaneho ng aking kotse papunta sa airport.
I know, I know– I shouldn’t have let this meeting take so long, sabi ng isip ko, napapalunok ako na parang mauubos na ang hininga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at gulong-gulo ang isipan sa pagmamadali!
“Damn, at last!” bulalas ko na makarating kami ng airport.
Kaagad akong bumaba ng kotse dala ang bag at plane ticket ko. Nagmamadali akong pumasok sa airport, binigyan ko agad ng pera ang driver para sa parking at tumakbo patungo sa departure area– hindi ko na inalala na isa akong governor, basta lang maabutan ko si Trixie bago pa siya makaalis.
Naabutan ko sila ni Lucas na inihatid si Trixie sa gate– malapit na siyang pumasok. Napatikhim ako na nagkunwaring hindi sila nakita. Kinakausap ni Trixie ang pamilya niya. Maluha-luha silang nagpapaalam sa isa't-isa habang hawak na ang kanyang boarding pass.
“Thank, God, I made it! I made it! I almost lost my chance!” usal ko sa isipan.
Lihim akong nagdidiwang at mabilis na lumapit sa kanila. Pasimple akong bumati at kunwari ay nagulat na nagpang-abot kami.
"Good morning, everyone! What a surprise to see you all here– hindi mo nabanggit na ngayon ang alis mo, Trix, what a cool coincidence," wika ko na pinanormal ang boses, kahit na pawis na pawis ako mula sa pagtakbo.
Ngumiti ang mga ito sa akin–maliban kay Trixie na hindi ko mabakasan ng emosyon sa mga mata. Ni hindi ito ngumiti na makita ako. Tinapik ako sa balikat ni Matteo na may ngiti. He's looking at me like he knows I’m in a hurry, like he suspects something, kaya hindi ko maiwasang kabahan.
"Anton, are you traveling today? I thought you’re busy with the province’s recovery efforts," tanong niya na napasulyap sa hawak kong boarding pass.
Tumango ako, huminga nang malalim at tumingin nang diretso kay Matteo.
"Yes, I have a flight in 20 minutes. Flights to Toronto are always full, so I’m lucky I got a ticket at the last minute," sagot ko, saka nilingon si Trixie na ngayon ay nakatitig sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago bumaling sa pamilya niyang nasa harapan ko.
"I’ve been busy with the province these past few days, so I couldn’t leave earlier. But just this morning, my private investigator told me that Andrew’s mom– Lea, is in Toronto. So I’m going there to talk to her about our son, who’s been missing her so much. I want to ask her to at least talk to Andrew on a video call first." Alibi ko.
That’s it! That's the perfect cover. Napalapat ako ng labi na nakamata ang mga ito sa akin. Bakas ang gulat at pag-aalala sa kanilang mga mata at alam nilang ni minsan, hindi na nagpakita si Lea sa aming mag-ama.
Nilingon ko muli si Trixie na nanatiling tahimik, walang kangiti-ngiti. Ni hindi ko makitaan ng kagalakan na inaasahan ko kapag magkita ulit kami. Para siyang bumabalik sa dating tahimik at walang interes sa mga tao sa paligid niya
“Kayo, ihahatid niyo lang ba si Trix?” tanong ko na pilit pinanormal ang boses.
Ngumiti at tumango naman ang pamilya ni Trixie.
"Yes, we’re sending her back. Her show in Toronto is coming up this week, and she needs to get everything ready there," sagot ni Matteo na ikinatango ko.
Tinapik nila ako sa balikat na may ngiti sa labi, tila sinasabi ng mga mata nila na kaya ko ito, para sa anak ko na nangungulila sa kanyang ina, ibababa ko ang pride ko at kakausapin ang ina nito.
“Are you okay, dude? Kaya mo ba siyang harapin? Paano kung tatanggi siya?” nag-aalalang tanong ni Matteo sa akin.
Mapait akong napangiti. “Susubukan ko sa abot ng makakaya ko. Kasi gusto ng anak ko– siya ang maging mommy niya. Kung kinakailangan kong lumunod at magmakaawa sa kanya, gagawin ko.” Wika ko na si Trixie ang tinutukoy ko.
“We understand, Anton. A father who wants to fix things for his son– there’s nothing wrong with that. Is your leave only for two weeks?" Tugon ni Lucas na tinapik ako sa braso.
Tumango ako at ngumiti. "Yah, just two weeks. I promised Andrew I’d be back soon, and I’ll explain everything to him. And since Trixie and I are on the same flight, maybe I can accompany her until we reach Toronto’s airport– so she won’t be alone on the long trip," saad ko na pinanormal ang boses kahit na planado ko naman talagang sundan ang kapatid nila.
“You’re a good man, Anton, we know that. A'right, go ahead and accompany Trixie. She might need someone there, especially since she just got back to Toronto," saad ni Tito Luke– ang ama nila.
Ngumiti ako na bumeso kay Tita Tarah at Jane, nakipag fist bump naman ako kay Matteo, Lucas at tito. Naga-anuns'yo na kasi sila na aalis na ang eroplano. Sunod na yumakap sa kanila si Trixie, napahikbi pa ang bunso nila. Lahat sila ay naluluha na nagpapaalam.
"Take care of yourself, sweetheart– and if you need help, don’t be shy to ask Anton," sabi ni tita. "Call us as soon as you land, okay? Don’t forget we’re here for you."
Ngumiting tumango-tango naman si Trixie, muling niyakap ang kanyang ina at nagkaiyakan na silang dalawa. Kumalas din kaagad sila dahil kailangan na naming pumasok.
“Okay, Mom. I’ll call you right after we land. Don’t worry about me– I have someone with me," saad nito na pinupog ng halik ang buong mukha ng kanilang ina. “I love you, I love you all. Kaya ayokong umuwi e, nadudurog ako na iiwan ko kayo,” aniya na muling niyakap ang kanyang pamilya.
May ngiti sa mga labi na nagpaalam na kaming dalawa ni Trixie. Luhaan ang pamilya nito na pinanood kaming dalawa at kumakaway sa amin na panay ang lingon sa kanila. We walked together towards the departure gate, side by side but not touching– just like how we walked on the beach that night in Zambales, when I was too scared to hold her hand.
"You know, I'm really glad we’re on the same flight," saad ko na bumasag sa katahimikan namin.
Nilingon ko ito na nagpahid ng luha at nagsuot ng sunglasses. "Me too. Long flights are scary when you’re alone," sagot nito. "I hope you get to talk to Lea, and I hope she agrees to talk to Andrew. A child needs their mom." She added.
"I hope so too. But even if she doesn’t, it’s okay, at least I tried. And besides, I got a bonus– I’m with you on this flight," saad ko na nakatitig ditong namula ang pisngi at nag-iwas ng tingin.
Tinulugan ko ito na ihatid ang kanyang maleta papunta sa entrance ng departure area. This is it– we’re going to be on the same plane for 16 hours, then we’ll be in Toronto together for two weeks.
"I’ll ask if I can switch seats to sit beside you," saad ko, hawak ang hawakan ng kanyang maleta. "So you’ll have someone to talk to when you’re sleepy or hungry."
She nodded. "That’s okay. I’d like that too," pagsang-ayon nitonh ikinangiti ko.
Magkasama kaming pumasok ng departure gate. Lihim akong napangiti na hindi siya umangal nang hawakan ko ang palad niya at pinag-intertwinded ang palad namin. Marahan kong pinisil ang malambot nitong palad, and ahe did the same. Nakahinga ako nang maluwag na naabutan ko.
Two weeks. I had enough time to show her how much I like her, enough time to make her fall for me again without the world watching. Alam kong maiksi lang ang dalawang linggo para mas magkalapit at magkakilala kami ni Trixie. Pero gano'n pa man, susubukan ko pa rin. Ipapakita ko sa kanya kung sino ako at kung kaya niya bang magtiwala sa akin. May pagkakataon na rin ako para makausap siya. . . tungkol sa namagitan sa amin noong nakaraan.