Chapter 7

1713 Words
ANTON'S POV: WHEN i get out of the restroom, Trixie was already peacefully sleeping on the bed. Napangiti ako na tinitigan na muna siya. Damn, she's so beautiful. Hindi pa rin ako makapaniwala na naikama ko siya at ako ang unang lalake na umangkin sa kanya! I sat on the edge of the bed, staring at her gentle face for a few minutes. A smile crept onto my lips as I remembered what my son had said this morning when he saw Trixie. That he wanted Trixie to become his mom. Ang babaeng unang natipuhan ng anak kong maging ina ay nasa harapan ko na. Abot kamay ko na siya. Yet I can feel a tall, invisible wall standing between us. Tiyak bukas paggising ko, back to stranger na ulit ako sa paningin niya. Lalo pa’t isang linggo lang siya dito sa bansa. Babalik din sila sa Manila at sulitin ang mga araw na kasama niya ang pamilya niya. Imposible naman kasing. . . sa akin niya igugugol ang isang linggo niyang bakasyon dito sa bansa. Who am I to her? Yes, we have s*x, ibinigay niya ang kalinisan niya sa akin. Pero hanggang doon lang iyon. I shouldn't expect anything from her. Wala naman kasi siyang sinabing may aasahan ako sa aming dalawa. We just filled the intense loneliness and longing our bodies had felt after being single for so long. That’s all it was– nothing more, nothing less. Masakit pero– hindi ko pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa kanya. Lalo na't isa siyang sikat na international model. Ano naman ang laban ko sa mga lalakeng nanliligaw sa kanya? I'm just an ordinary guy here in the province. Just a simple governor. Kahit kayang-kaya ko siyang panindigan at pakasalan, I can't dictate her what to do. Para ko na rin siyang pinilit na mahalin ako kung gano'n. Napabuntong hininga ako nang malalim. Nagsimulang punasan siya ng maligamgam na tubig at face towel. Napaungol naman ito na maramdaman akong pinupunasan siya mula sa mukha, pababa sa leeg, balikat, dibdib at mga braso. Napakaputi niyang babae. Ang kinis ng kutis at napakalambot ng katawan. Ang sarap niyang yakapin at halikan. I smiled as I stared at the few red marks on her neck, shoulders, and chest– the ones I’d left earlier. Since she has fair white skin, my kisses easily left marks on her. The hickeys I’d given her were clearly visible on her skin. Napahaplos ako sa mga iyon, yumuko at magaang hinagkan ang mga kiss mark na iniwan ko sa balat niya. Matapos kong linisan ito, kumuha ako ng robe sa closet at isinuot iyon sa kanya. Kung ako lang ang masusunod, kahit hindi ko na siya damitan pa. Pero maraming tao sa labas at nandidito ang buong pamilya niya. Kaya kailangan ko ring mag-ingat. Baka mamaya, may pumasok dito sa silid at makita kaming dalawa na hubo't-hubad. I took a quick shower before going back to the bed. Nahihimbing pa rin si Trixie. Maingat akong sumampa sa kama. Nahiga sa tabi niya at pinaunan siya sa braso ko. Katulad niya, nakasuot rin ako ng bathrobe. Dahil wala namang ibang damit dito sa silid. A smile on my lips, I closed my eyes. I could feel the tiredness from the whole day settling in too. It was already past two in the morning, and the surroundings had grown quiet, it seemed like the guests outside had fallen asleep too. Payapa ang isip at puso ko na nagpatangay sa antok. “Bahala na bukas. Kakausapin ko na lang siya. Susubukang. . . ligawan siya kung papayag siya,” piping usal ko na natulog na. NANGUNOTNOO ako na maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. “Uhmm–” Napaungol ako na nag-inat ng mga braso. Inaantok pa ako pero napadilat ako ng mga mata na maalala– “Trixie?!” bulalas ko na napaupo ng kama! Kaagad kong naigala ang paningin sa buong silid. Tahimik, walang bahid na may iba akong kasama dito. Napasabunot ako sa buhok kong sabog-sabog pa. “Damn.” Napamura ako na bumaba ng kama. I rushed to the bathroom, peeked in to check for Trixie– but it was clean and the floor was dry, signs no one had used it. I hurried over to the balcony, scanning the area, looking at each woman by the shore one by one. . . but Trixie wasn’t among them. Mapait akong napangiti. Bagsak ang balikat at puno ng panghihinayang na bumalik ng silid. “Paano ko pa siya makakausap nito? I don't even have her cellphone number. Nakakahiya namang kunin sa mga kapatid niya ang number niya,” usal ko na nagtungo sa banyo at gumamit ng toilet, naghilamos at sepilyo na rin bago lumabas ng silid suot ang damit ko kahapon. I head down to the kitchen. Mabigat bawat yabag ko dala ng puyat at hangover. Malalim ang iniisip habang naglalakad. Iniisip ko si Trixie, ang mga namagitan sa amin kagabi. Ang mga ngiti at tawa niya. Ang malambing niyang boses at ang mga titig niyang nagpapabilis ng t***k ng puso ko kagabi. “Sana hindi ka pa nakakaalis, Trix. I need to talk to you,” I murmured as I headed to the kitchen. Pilit akong ngumiti sa mga taong narito. May ilan pa kasing naiwan mula sa mga bisita kahapon sa kasal nila Lucas. Pasimple kong naigala ang paningin, hinahanap si Trixie sa paligid, dito sa kitchen at kahit sa sala pero– wala ito. “Good morning, Gov Anton,” pagbati sa akin ng mga ito. I forced my smile. Ayoko namang sabihan akong isnabero. Kahit mabigat ang loob ko na hindi pa nakikita si Trixie, nakipag kamayan ako sa mga ito at binati sila pabalik. Matapos kong gumawa ng kape, lumabas ako ng bahay dala ang mug at naigala ang paningin sa paligid. Hinahanap pa rin ng mga mata ko si Trixie. Wala na rin dito ang pamilya ko. Mukhang kanina pa sila nakauwi dahil alasdyes na rin ng umaga. Nilapitan ko si Matteo na masayang nakikipag kwentuhan sa ilang bisita. Napalingon siya sa akin at nagpaalam sa mga kausap. Sinalubong niya ako. “Hey, dude. What's up?” aniya na nakipag fist bump sa aking nginitian ko. “Good morning, dude. Medyo masakit ulo ko e– hangover,” aniko ditong mahinang natawa at iling. “Si Lucas at Collete?” pasimpleng tanong ko. “Umalis na sila kaninang umaga e, kasabay ang pamilya mo. Alam mo naman si Lucas, gusto niyang solohin muna ang asawa niya. Pagbigyan na natin at bagong kasal e,” natatawang sagot nito na ikinatango kong ngumiting sumimsim sa kape ko. Nagtungo kami sa bench wood na nasa gilid sa ilalim ng puno ng niyog. Maganda dito sa isla nila Matteo. Puting-puti ang pinong buhangin. Malinis ang paligid kahit kakatapos lang ng kasiyahan dito. Mukhang naglinis na ang mga bisita para hindi masira ang natural na ganda ng lugar. Marami ring tanim na puno ng niyog dito sa bakuran na nagbibigay lilim. “Anyway, dude, salamat ulit sa tulong mo sa kasal ni Lucas ha? Saka, nakita ko kayo kagabi ni Trix sa pampang na masayang nagkukwentuhan. Salamat, sinamahan mo ang kapatid ko kagabi doon. Lalapitan ko nga dapat siya e. Kasi kita kong naiilang siyang makisalamuha sa mga bisita. Nababasa ko ring may ibang lungkot sa mga mata ni Trix, na hindi ko alam kung saan nagmumula. Bilang kuya niya, nag-aalala ako. Baka may personal na problema na pala ang kapatid namin na hindi namin alam.” Aniya na lumambot ang facial expression. Tumango-tango ako. Umaktong normal. “Wala iyon. Gusto ko rin siyang makilala. Lahat kayong magkakapatid ay kakilala ko na at kaibigan, lalo na kayo ni Lucas. Pero– tama ka, may bahid ng lungkot at pangungulila nga sa mga mata ni Trix kagabi. Pero– wala siyang nasabi e. Nag-inuman kasi kami at kung saan-saan na napunta ang topic namin. Hindi ko na nga matandaan ang ibang pinag-uusapan namin kagabi. Pero tanda ko nga na napapalakas ang boses at tawanan naming dalawa kagabi nang marami-rami na ang nainom namin,” tugon ko, pilit pina-normal ang boses ko at baka makahalata si Matteo na morethan kwentuhan ang naganap sa amin ni Trixie kagabi. Napasimsim ako sa kape ko. Tumango-tango naman itong kitang naniwala sa akin. “Nasaan na ba sila?” pasimple kong tanong. “Wala na, nakaalis na sila kaninang umaga. Nakatulog ka kasi kaya hinayaan ka na muna naming magpahinga.” Tugon nitong ikinatigil kong napalunok. I already expected it– that Trixie had left the island. But it still hurts. It’s like a little twist in my heart, having it confirmed that she’s really gone from here. My day felt even more dull after that. Kung bakit kasi napasarap ang tulog ko e. Hindi ko manlang naramdaman ito nang bumangon siya sa kama. “Hey, you okay, dude?” tanong nito na ikinabalik ng ulirat ko. Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako habang naiisip si Trixie. Pilit akong ngumiti na tumango. Sumimsim muli sa kape ko. “Yeah, I am, dude. Medyo inaantok pa talaga ang diwa ko. Uhm, anong oras ka aalis? Matutulog pa sana ulit ako,” alibi ko. Napanguso ito na napalinga sa paligid. “Baka bukas na, dude. Hintayin ko na munang umuwi lahat ng bisita. Nakakahiya naman kung pauwiin ko sila. Nandidito rin naman ang mag-iina ko kaya walang problema sa akin. Kumain ka na muna bago matulog ulit. Para hindi lang kape ang laman ng sikmura e anong oras na,” aniya na ikinatango kong tinapik siya sa balikat. “Ikaw, kumain na kayo?” “Oo, kanina pa. Kumain ka na lang doon, hmm? Feel at home, dude. Hindi ka naman iba sa akin e. Pamilya na ang turing ko sa'yo noon pa man,” aniya na ikinangiti ko. “Salamat, dude. Sa loob na muna ako.” He nodded. Tumalikod na ako na bumalik sa loob ng bahay. Kumuha ng pagkain sa kusina na dinala ko sa silid. Pagpasok ko ng silid, naigala ko ang paningin. Tahimik at malamig. Parang naririnig ko pa ang malambing boses ni Trixie, ang malamyos na tawa niya at mga ungol niya kagabi habang pinapaligaya ko siya. "Damn, I miss her already."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD