Chapter 5

1938 Words
TRIXIE'S POV: MULING kumuha ng wine si Anton sa bahay. This time, dalawang bote na ang dinala niya. Naiiling naman akong nakamata dito na nagtaas baba pa ng mga kilay habang palapit sa akin dala ang dalawang wine. “Are you hungry? Marami namang pagkain doon, gusto mo bang kumuha ako?” he asked. Umiling ako. “Nah, I'm fine. Kumain na ako kanina e. Ikaw, baka nagugutom ka ha? Kumain ka lang,” I replied. He opened the wine and pour in our glass. “Hindi naman. Ikaw itong inaalala ko. Are you cold? Do you want me to get you a blanket?” he asked again. “Okay lang ako. Sanay ako sa malamig na klima sa Toronto. Mainit nga dito sa bansa e. Kung hindi lang delekado, nakababad na ako d'yan,” aniko na inginuso ang dagat. Napangiti naman itong naupo muli sa tabi ko. “Magtatagal ka ba dito?” “Nah, just a few days. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Marami akong schedule na malalaking project. I can't reject those offers. Bukod sa malaki ang bayad sa akin, malaking achievement ang mga iyon sa career ko bilang modelo,” sagot ko na ininom ang wine ko. Lumamlam ang kanyang mga mata. May lungkot sa kanyang ngiti na bumaling na rin sa dagat na kaharap namin. “Hindi pala kita makakasama nang matagal,” mahinang usal niya na narinig ko pa rin naman. “How about you, Anton? Are you still single?” I changed our topic. He smiled and nodded. “Yeah, it's been more than ten years na rin. Ang totoo niya'n, ex girlfriend ko si Gabby– ang hipag mo. Pero naaksidente ako at nalumpo before our wedding. Kaya hindi natuloy ang kasal. Maraming nangyari. Hindi ko alam na ibinilad ng mommy ko sa kahihiyan si Gabby noon, dahilan kaya iniwan niya ako at lumuwas sa Manila. Sinundan ko siya matapos kong makalabas ng hospital kahit nakaupo na ako sa wheelchair. I begged her to come back. I asked for her forgiveness. Mabait si Gabby, kahit galit siya sa ina ko, inaalagaan niya ako sa Manila. She resigned from her work just to take good care of me. Dahil hindi ko kaya ang sarili ko maski ang tumayo ako. Ilang buwang nagtiis si Gabby sa piling ko, there are times na nasasagad ko na ang pasensiya niya. Nagkakataasan kami ng boses, nagagalit ko siya. Hanggang sa ako rin ang sumuko. I let her go. Dahil nakikita kong. . . hindi na ako ang nagmamay-ari sa puso niya. I decided to go abroad. Doon ako nagpatuloy sa pagpapagaling. Masaya akong iniwan si Gabby at ipinagkatiwala siya sa Kuya Matteo mo. Dahil nakikita kong masaya silang dalawa sa isa't-isa. Masakit pakawalan ang isang katulad ni Gabby na nasa kanya na lahat ng katangiang hahanapin ng isang lalake sa isang babae pero– wala e. Hindi kami ang itinadhana. Isa pa, your older brother deserve her more than I. Kaya nagpaubaya ako sa kanilang dalawa.” Pagkukwento nito habang umiinom kami. Natigilan ako na napatitig dito. Saka ko lang naisip na siya pala ang lalakeng natukoy dati ni Kuya Mat sa akin noong ikwinento niya sa akin kung paano niya nakilala si Ate Gabby. That was long time ago, kaya nawala sa isipan ko. Idagdag pang mayor ang tawag ni kuya noon kay Anton, kaya hindi ko siya kaagad na-recognized. “What happened next?” I asked. “Tumuloy ako sa America. Doon ako nagpagaling. Few weeks later, may nakilala akong bago, si Lea, ang therapist ko doon. She's a pinay. Kaya mabilis kaming nagkagaanan ng loob. Siya ang tumulong sa akin doon. Maasikaso at mahaba ang pang-unawa. Hanggang sa unti-unti na akong nakaka-recover mula sa pagkakabaldado ko. Naitatayo ko na ang mga binti ko at kalauna'y naihahakbang ko na ang mga ito. Hindi na ako nakasuot ng diaper dahil kaya ko nang maglakad patungong banyo. For the second time, I fall in love again. Nagsama kami ni Lea abroad, I got her pregnant. At first, masaya ang naging pagsasama namin. Kinailangan niya ring umuwi muna para dito sa bansa magsilang bago pa mahalaga ang tyan niya. Nagpatuloy ako sa pagpapagaling sa mga binti ko. Lalo akong naging determinadong gumaling dahil magkakaanak na kami ng mahal ko. I was planning to propose to her, pero gagawin ko iyon kapag fully recovered na ang mga binti ko. But when Lea came back? She changed a lot. Halos ako na nga ang mag-alaga sa new born baby namin kahit paika-ika pa lang ako noon na maglakad. Doing the house chores, washing our clothes and even cleaning the house. Si Lea? Nakababad siya sa cellphone niya. Kahit ipagtimpla ng gatas ang anak namin, ako ang gumagawa. And then dumating ang araw na inaalala ko noon. Ang iwanan niya kaming mag-ama. I begged in front her. Umiyak ako at lumuhod na hwag niya kaming iwanang mag-ama niya dahil kailangan namin siya. But she didn't listen. Lumabas siya ng bahay dala ang maleta niya– without looking back. Sobrang nadurog ako nang araw na iyon. Habang nakamata sa mahal ko na palayo na sa aming mag-ama. Sumama siya sa ibang lalake. At hindi na muli nagparamdam. Mabuti na lang, dumating si Gabby. Parang angel in disguise na rin na nagkalabuan sila noon ni Matteo, dahilan para umalis ng Pilipinas si Gabby. Siya ang naging katulong ko sa pag-aalaga sa anak ko. Magkatabi lang ang apartment namin. Naging mas nagkalapit kami ni Gabby pero– hindi na kami nagkabalikan pa. Hanggang kaibigan na lang ang namagitan sa aming dalawa at tanggap ko naman iyon. Dahil kahit nagkalabuan sila ni Matteo? I can see it in her eyes how much she loves your brother. We support each other. Nagtulungan kaming dalawa na bumangon. Naging sandalan ang isa't-isa. Hanggang sa tuluyan na akong gumaling. Nakakalakad na at sumunod kay Gabby na umuwi ng bansa noon.” Pagkukwento nito na naluluhang nakatanaw sa malayo. “Hindi na ulit nagparamdam ang ina ng anak mo? How old your child now?” I asked him. Nagpahid siya ng luha na inubos muna ang wine niya. “He's already eleven years old– and yes, his mother never showed up again. Okay na rin iyon, matagal na iyon. Naka-move-on na ako at masaya na kami ng anak ko. May parte sa puso ko na nalulungkot para sa anak ko. Dahil hindi niya na nakilala pa ang mommy niya. Kahit hindi sabihin ng anak ko, nababasa ko sa mga mata, he's longing to a mother's love. At hindi ko iyon maibigay-bigay sa kanya.” Anito na nagsalin ng wine sa baso namin. “Do you still believe in love, Mr Governor?” I teased him, trying to change our topic. He chuckled and shook his head. Nilingon niya ako na nagbalik na ang aliwalas sa mukha at kinang ng mga mata. “Yes, I don't believe in love anymore, Trix. Siguro, meron para sa iba, katulad ni Lucas at Matteo, pero wala sa akin. And that's okay. Hindi naman ako ang kauna-unahang tatandang binatang ama, right?” sagot nito na nangingiting nakatitig sa akin. I raised my eyebrows, sip of my wine before answering him. “You're right, Anton. Ako rin naman e, because of my experience from my past, I don't believe in destiny anymore. Love are comes to those who believes it. Unfortunately, I'm not one of those people believing in faith or destiny so called. Isa pa, masaya naman maging single, no heartache, no jealousy, no commitment, no overthinking, no sleepless night. Hindi naman lahat ng nasa in a relationship ay masaya. Karamihan ay panandaliang saya lang. Maghihiwalay din sila matapos ang ilang taon. Kaya bakit ka pa subok nang subok magmahal kung sa bandang huli, maghihiwalay din naman kayo,” sagot ko na inubos ang wine ko. HINDI namin namalayan ni Anton ang paglipas ng oras. Nakailang bote na rin kami ng wine at napapalakas na ang boses, tawanan at kant’yawan naming dalawa dito sa pampang. Hindi ko na nga matandaan kung saan-saan napupunta ang usapan namin. “Tell me about that–” Anton said. “How you almost drowned in a kiddie pool when you were five. How does that even happen?” he continue teasing me. Natawa akong nahampas siya sa braso. “Hindi naman ako nalunod. Nahulog lang ako then nagwawala ako kasi nabasa ang bag ko na may laruang isda sa loob no'n– pinaghirapan kong bilhin iyon gamit ang baon ko nang tatlong linggo,” we both burst out laughing, leaning on each other as we walked up the cobblestone path to the rest house. The air smelled like salt, night-blooming jasmine, and the faint scent of grilled seafood from the wedding reception–sweet and savory, just like the way Anton was looking at me. His eyes were the color of dark chocolate, and when he smiled, tiny crinkles formed at the corners, making him looks more hotter– and handsome. A really, really handsome guy. “Hey, you know what?” he said, stopping for a second to look out at the ocean. The waves were crashing softly against the shore, making a sound like lullabies. “You’re actually pretty funny when you’re tipsy. I enjoyed the night with you, likes it makes me forget I have three important meetings tomorrow at 7 AM.” Aniya sabay kamot at tawa. “At least you enjoyed the night, isa pa, anong oras pa lang naman, you know– we can continue our conversation inside. Saan na ba tayo?” I pushed him playfully, and he caught my hand, lacing our fingers together. Natigilan ako na napatitig sa kamay naming magka-intertwined. It felt natural– like our hands were meant to fit, like they’d been waiting to find each other all along. We teased each other back and forth, the kind of lighthearted banter that made your chest feel so light, you’d think you could float up to the stars. He told me about the time he got lost in Paris when he was sixteen, trying to find a bakery that sold his grandma’s favorite croissants. Marami din akong nai-share na kwento sa kanya sa childhood memories ko kasama ang mga kapatid ko at kaibigan dito sa bansa when I was young. Pagpasok namin sa bahay, magkaalalay na kaming dalawa. Nakakahilo ang ilaw dito at masyadong maliwanag. Marami pa ring gising sa mga bisita na nagkakasiyahan. We headed downstairs. Sa ikalawang palapag kasi naroon ang mga silid. “Are you okay? Do you want to drink water?” I heard him asked me. “No, I'm not thirsty. Pakihatid ako sa silid ko at para na akong matutumba.” I answered. “A’right.” Aniya na yumapos sa baywang ko at inalalayan akong umakyat ng hagdanan. Ilang beses kaming muntikang sumubsob ni Anton, mabuti na lang, hindi siya masyadong lasing kumpara sa akin na talagang umiikot na ang paningin. "We're here, so paano, magkita ulit tayo bukas?" pamamaalam niya na nasa tapat na kami ng silid ko. Napatingala ako sa kanya. Napapakurap na ang mga mata kong inaantok at nahihilo, but I still know what I'm doing. Napalunok siya nang yumapos ako sa batok niya. Hindi ko alam pero--tila may boses ang nag-uudyok sa akin sa mga sandaling ito na sunggaban siya! "Let's spent the night together, Anton. Maluwag naman ang kama dito. You can sleep here with me-- if want so," I whispered. Namutla siya na napalunok. "T-trixie, you're drunk." "I'm not, Anton. Nakainom ako pero-- hindi ako lasing. Come in, hindi mo naman siguro hahayaang. . . matutulog ako sa malamig na gabi, hmm?" "T-trixie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD