Paulo’s Point of View
“Hindi ka ba natatakot?” ang tanong ko naman sa kanya.
“Na alin?” ang tanong naman niya pabalik.
“Na mahusgahan ng mga tao sa paligid,” ang tugon ko naman.
“Just like what I’ve said, I don’t really give a damn,” ang saad niya. “Ayokong mabuhay na natatakot sa sasabihin ng iba. I don’t want to be controlled by what other’s think of me.”
“Mabuti ka pa,” ang komento ko naman sa aking isipan.
“How about you?”
“Anong ako?” ang tanong ko naman pabalik.
“Are you… straight?” ang tanong niya. “Or like me?”
Wala namang mawawala kung aamin ako sa kanya, hindi ba?
“Uhm, nagkakagusto nga ako sa kapwa ko lalaki,” ang pagkumpirma ko naman.
“That’s a relief,” ang komento naman niya na nagpakunot ng aking noo.
“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ko naman.
“Oh, nothing,” ang saad naman niya sabay iling.
“Paulo!” ang pagtawag naman ng isang pamilyar na boses kaya naman napatingin kami ni Marcus. “Bakit narito ka pa?” Tanong niya sa akin bago napansin si Marcus. “Ah, kaya pala. Marcus, andyan ka pala.”
“Yeah, ako ang naka-assign ngayon na mag-ayos dito sa front desk at magpa-rollcall mamaya,” ang tugon paliwanag naman ni Marcus kay Adrian.
“Ah, Angelo, nakabili na pala ako ng panghapunan,” ang saad naman ni Adrian. “Mauna na ako sa taas. Sasabay ka ba o gusto mo munang magpa-iwan?”
“Napatingin naman ako kay Marcus.
“I’m fine here,” ang saad naman ni Magnus. “You can have your dinner,” ang wika niya pa. Napatango naman ako. “Enjoy your dinner.”
“Thank you. Ikaw rin,” ang tugon ko bago kami umakyat patungo sa aming kuwarto ni Adrian. Pagkatapos ng aming hapunan ni Adrian ay naupo ako sa study area ko at hinintay ang roll cal naming. Habang naghihintay naman ay ipinagpatuloy ko ang pagsasaulo sa Preamble. Hindi nga nagtagal ay may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako at binuksan ‘yun. Tulad nga ng inaasahan, si Marcus ang mukhang nakita ko.
“Can I come in?” ang paalam naman niya. Tumango naman ako at tumabi. Pumasok naman siya sa kuwarto naming. Tumingin siya sa paligid. “John Paulo Collado. Adrian Cruz. You’re both here. Check. Titignan ko lang ang ibang bagay.”
“Sige,” ang pagpayag ko naman. Binuksan naman niya ang airconditioner.
“Gumagana,” ang anunsyo naman niya saby sulat sa papel. Pumasok siya sa banyo at nagsulat muli. Hindi naman siya nagtagal doon at lumabas din.
“Uhm, ‘yun lang,” ang anunsyo naman niya sa amin. “Have a good night.”
“Good night, Marcus,” ang maligalig na bati sa kanyan ni Adrian. Inihatid ko naman siya palabas ng aming silid.
“Rest well, Paulo,” ang wika niya nang nasa pintuan na siya.
“Ikaw rin,” ang tugon ko naman.
“Uhm, Paulo,” ang sunod niyang sinabi; isasara ko na sana ang pintuan ngunit natigilan naman ako. “I’m just wondering if it’s okay to get your number? And add you on your social media accounts?”
“Para saan?” ang tanong ko naman.
“Since we’re friends already. Kung kaibigan na nga ang tingin mo sa akin,” ang saad niya sabay puppy dog pout pa. Napakamot naman ako ng ulo.
“Ikaw ang bahala,” ang nag-aalangan ko namang pagpayag. Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mga labi.
“Here,” ang saad naman niya sabay abot ng hawak niyang papel at ballpen. “Dito mo na lang isulat ang phone number mo.”
Kinuha ko naman mula sa kanya ang papel at ballpen at sinulat ang aking phone number.
“Ayan,” ang saad ko naman sabay balik sa kanya ng kanyang mga gamit. Napasulyap naman siya sa aking isinulat at ngumiti.
“Thank you,” ang nakangiti niya pa ring pasasalamat. “Good night.”
“Good night din,” ang bati ko naman pabalik bago tuluyang isinara ang pintuan. Bumalik ako sa aking upuan at ipinagpatuloy ang pagsasaulo sa gawaing bingay sa amin ng amin ng history Professor. Nang mapagod ay kinuha ko naman ang aking libro at nagtungo sa aking kama at nagbasa. Natigilan naman ako nang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko naman ‘yun mula sa side table at tinignan ang sanhi ng notification.
Marcus Renzo Wright has sent a friend request. Ah, si Marcus lang pala. Tinanggap ko naman ang kanyang friend request. Gusto kong malaman kung anong klaseng tao si Marcus kaya naman tinignan ako ang kanyang profile. Hindi mo talaga maitatanggi ang kagandahang-lalaki ni Marcus kaya naman hindi na ako nagulat na ang daming reacts ng kanyang mga litrato. Sa America pala siya nag-aral ng High School. Pakiramdam ko ay malapit siya sa kanyang pamilya base sa mga litratong ipinost niya kasama ang kanyang pamilya. Na-miss ko tuloy si Nanay. Mabuti nga nung nalaman niya ang tungkol sa aking pagkatao ay patuloy pa rin niya akong sinuportahan.
Tinutigan ko naman ang mukha ni Marcus. Naroon pa rin ang pakiramdam na nakita ko na siya dati. Pero sigurado naman akong hindi. Nang makontento ay ibinalik ko ang aking phone sa side table at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay naagaw ang aking atensyon ng suot kong purselas; ang purselas na gawa sa rose quartz na binili ko sa Chinatown. Inilapag ko naman ang libro sa side table at muling sumagi sa aking isipan ang panaginip ko. Hanggang ngayon ay medyo nagtatalo-talo pa rin ang aking isipan sa mga kakatwang nangyari sa akin kamakailan lang. Nagtungo nga ako sa Chinatown para humanap ng kasagutan pero… ang pakiramdam ko, parang mas marami akong nahanap na katanungan. Hinubad ko naman ang purselas at naghanda sa pagtulog. Nang patayin ko ang ilaw mula sa desk lamp ay pinikit ko ang aking mga mata.
*****
Natagpuan ko ang aking sarili sa tapat ng isang gate. Napatingin ako sa nakalagay na mga salita; Universidad de Antonio de Padua. Pumasok ako sa loob. Medyo pamilyar ang lugar. Hindi ba ito ang campus ng Saint Anthony University? San Antonio? Saint Anthony?
Napatingin ako sa paligid. Tama! Nasa tapat ako ng Administration Office. Nasa panaginip na naman ako. Kung hindi ako nagkakamali, ako ngayon ang lalaking nagngangalang Joaquin. Parang may sariling pag-iisip ang aking mga paa; nagsimula akong maglakad patungo sa isa sa mga gusali doon; Institute of Mass Communications. Pumasok naman ako sa gusaling ‘yun at dumeretso sa isa sa mga silid-aralan. Kaagad kong napansin ang pagkaka-iba ng silid na ‘yun. Gawa pa sa kahoy ang armchair at ang pisara ay ginagamitan pa ng chalk.
“Wacky!” ang pagtawag ng isang boses. Napatingin naman ako. Ang babae sa una kong panaginip, si Aurora. “Halika rito!”
Lumapit naman ako at naupo sa tabi niya.
“Kamusta ang bakasyon mo?” ang tanong naman niya.
“Pumunta kami sa probinsya nila Mama at Papa,” ang tugon ko naman. “Nakakayamot nga roon dahil wala kang ibang matanaw kundi puno at mga hayop. Eh, ikaw?”
“Dito lang ako,” ang tugon naman niya. “Ayun, wala ring ibang ginawa. Wala ka man lang bang nahanap na magandang babae sa inyo?”
“Wala, eh,” ang tugon ko naman. Hindi alam ni Aurora ang tunay kong pagkatao… na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Isang bagay na… ayokong malaman ng kahit sino man. Hindi ito tanggap sa lipunan. Natatakot akong mahusgahan at pandirian ng mga tao sa aking paligid. “Isa pa, hindi naman ako naghahanap ng girlfriend ngayon. Gusto ko lang mag-focus sa sa pag-aaral.”
Kapwa naman kami natigilan nang may pamilyar na mukhang pumasok sa silid. Siya si Chris.
“Ang guwapo,” ang komento naman ni Aurora. “Mukhang anak-mayaman.”
“Kilala ko siya,” ang saad ko naman.
“Talaga?!” ang gulat namang reaksyon ni Aurora. Napatango naman ako.
“Siguro,” ang hindi ko naman siguradong tugon. Napatingin naman siya sa aming direksyon. Naramdaman niya sigura ang bigat ng aming pagtitig sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at linapitan ako.
“Ang liit lang ng mundo,” ang saad naman niya. “Long time, no see.”
“Oo nga,” ang namamangha ko ring tugon.
“Naaalala mo pa ba ang pangalan ko?”
“Chris?”
Tumango naman siya. “At ikaw si Joaquin.”
“Teka, saan kayo ulit nagkakilala?” ang singit naman ni Aurora.
“Sa Chinatown,” ang tugon ko naman.
“Siya ‘yung kwinento mo dati na nakilala mo sa tindahan ng mga moon cakes noong Chinese New Year?” ang tanong naman niya.
“Ako nga,” ang pagkumpirma naman ni Chris. “Ako nga pala si Crisanto Yap. Tawagin niyo na lang akong Cris.”
“At ako naman si Aurora.”
“Joaquin. Wacky for short.” Nagkamayan naman kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala na muli ko siyang makikita. “Nagyon lang kita nakita rito.”
“Ah, oo,” ang tugon naman niya. “Kalilipat ko ng eskwelahan at kurso.”
“Saan ka ba dati?” ang sunod ko namang tanong. Sinabi naman niya ang pangalan ng dati nyang pinapasukan at ang dati niyang kurso.
“Magdodoktor sana ako pero nagbago ang aking isipan,” ang kwento naman niya. “Masyadong mahabang proseso at tsaka napakatagal.”
“Mabuti naman pumayag ang mga magulang mo,” ang komento ko naman.
“Sa totoo lang, ayaw nila pero buhay ko naman ito kaya wala silang ibang magagawa kundi payagan ako,” ang paliwanag niya. Ito ang simula ng pagkagusto ko sa kanya.