John Paulo’s Point of View
Sa kanyang pagngiti ay ang pagdilim ng paligid. Minulat ko ang aking mga mata. Ang puting kisame ng dorm room ang bumungad sa akin. Napatingin naman ako sa paligid. Maliwanag na ang paligid kaya naman napaupo ako, napatingin ako sa kama ni Adrian; wala siya roon. Hindi naman ako nagulat dahil alam ko namang maaga talaga siyang nagigising at bumabangon. Bumaba naman ako ng aking kama at dumeretso sa may bintana upang buksan ito. Hinawi ko ang mga kurtina at itinulak ang bintana. Kaagad namang pumasok ang sariwang hangin sa loob. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang ibang estudyanteng naglalakad sa loob ng campus. Dumeretso naman ako sa aking mesa at kinuha ang aking kuwaderno at ballpen mula sa aking backpack. Kailangan ko nga palang isulat ang aking panaginip kagabi bago ko makalimutan. Ito nga ang aking ginawa. Ilang salita rin ang aking binilugan: Institute of Mass Communications, Joaquin o Wacky, Aurora, Crisanto Yap o Cris at Universidad de San Antonio de Padua.
Patapos naman na ako nang magbukas ang pinto. Kaagad naman akong napalingon. Si Adrian, suot ang kanyang sportswear.
“Gising ka na pala,” ang saad niya nang makita ako.
“Kagigising ko lang,” ang tugon ko naman. “Saan ka galing at bakit ganyan ang suot mo? Physical Education class ba nain ngayon? Hindi ba Thursday pa ang schedule natin?”
“Sa Thursday pa nga ang klase natin para diyan,” ang pagkumpirma naman niya. “Pumunta ako ng field para mag-jogging.”
“Anong oras na ba?” ang retorikal ko namang tanong sabay tingin sa asul na wall clock. Alas-siyete pa lang pala. Alas-diyes pa ang una naming klase. Ipinagpatuloy ko naman ang pagsusulat samantalang naupo naman siya sa gilid ng kanyang kama at nagpahinga.
“Nanaginip ka na naman ba kagabi?” ang tanong naman niya sa akin. Tumango naman ako habang isinusulat ang huling nangyari sa panaginip ko.
“Ano namang napanaginipan mo?” ang tanong siya sa akin. Ikwinento ko naman sa kanya ang lahat ng aking napanaginipan.
“Universidad de San Antonio de Padua?” ang pag-uulit niya. “Hindi ba Saint Anthony University rin ‘yun?” ang retorikal niyang tanong. “Ang alam ko, ito rin ang unang pangalan ng University natin. Pinalitan ang pangalan noong late 1980’s na.”
“Pero wala na tayong Institute of Mass Communications,” ang komento ko naman.
“Dahil napalitan na ng School of Media and Communications,” ang saad naman niya. “Naaalala mo na ba ang itsura ng mga taong napapanaginipan mo?”
“Hindi pa rin, eh,” ang malungkot kong tugon. “Ang naaalala ko lang ay ang labi ng lalaking Cris.”
“Labi?” ang nagtataka naman niyang tanong. “Paanong ‘yung labi lang ang naaalala mo? Huwag mong sabihin; naghahalikan kayo sa panaginip mo?”
“Hoy!” ang bayolente ko namang reaksyon. “Tumatak lang sa akin ang mga labi niya dahil sa mga ngiti niya. Sa tingin ko… Hindi. Ramdam ko na nagkagusto si Wacky kay Cris dahil sa mga ngiting ‘yun.”
“So, ang sinasabi mo ay mag-jowa itong si Cris at Wacky?” ang tanong naman niya sa akin.
“Hindi ‘yan ang sinasabi ko,” ang pagtatama ko naman. “Mahirap sabihin. Hindi ko kasi alam kung ako ba o si Wacky.”
“Paanong hindi mo alam? Hindi ba napapanood mo ang mga nangyayari sa panaginip mo?”
“Ang totoo niyan, sa panaginip, ako si Joaquin. Nakikita ko ang lahat ng nangyayari sa mga mata ni Joaquin.”
“Talaga?” ang gulat naman niyang reaksyon.
“Oo,” ang pagkumpirma ko naman. “Kaya naman, hindi ko alam ang itsura ni Joaquin. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ko nakikita ang mga ‘yun.”
“Hindi kaya mga ala-ala ni Joaquin ang mga nakikita mo?”
“Ala-ala?” ang nagtataka ko namang pag-uulit sa kanyang sinabi. Tumango naman siya.
“Bakit naman niya pinapakita sa akin ang mga ala-alang ‘yun? Hindi ba mas madali na lang kung sasabihin niya sa akin nang deretso kung anong kailangan niya at anong gusto niyang gawin ko?”
“Medyo weird nga ang paraan ng pagmumulto niyang Joaquin na ‘yan,” ang pagkumpirma naman niya. “Baka naman may gusto siyang ipakita sa’yo para matulungan mo siya.”
Napabuntong-hininga naman ako. “Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“Bakit hindi tayo pumunta sa School of Media and Communications para maghanap ng mga clue?” ang suhestyon naman niya.
“Magandang ideya pero sa tingin ko, kahit na magpunta tayo roon, hindi pa rin tayo makakahanap ng kasagutan,” ang tugon ko naman.
“Bakit naman?”
“Limang dekada na ang lumipas, panigurado akong marami na ring nabago sa Saint Anthony. Isa pa, kahit na pumunta tayo roon, hindi ko rin naman kung anong hahanapin.”
“Sandali lang,” ang saad niya. “Baka makita natin ang mukha ng Cris na sinasabi mo. Siguro naman makakahanap tayo ng mga litrato ng mga dating estudyante ng School of Media and Communications.”
“Sa bagay,” ang tugon ko naman nang mapagtanto ang kanyang sinasabi. Mas mabuti nang may masimulan kaysa sa wala. Gusto kong malaman kung ano nga bang nangyayari sa akin. Sa totoo lang, kung ano man ang gusto ni Joaquin mangyari; matutunan ko na kaagad kung ano ‘yun. Natigilan naman ako nanag tumunog ang aking phone. Kinuha ko naman ‘yun mula sa side table at tinignan. Nag-message si Marcus.
“Good morning.” Ito ang laman ng mensahe niya; may nakalagay pang smiley face. Napatingin naman ako kay Adrian.
“Oh, sino ba ‘yan at bakit parang nag-iba ang timpla ng mukha mo?” ang tanong naman sa akin ni Adrian.
“Si Marcus,” ang tugon ko naman.
“Si Marcus?” ang nagtataka naman niyang tanong. Hindi ko alam na naging maka-chat na kayo.
“Nag-send siya ng friend request kagabi,” ang kwento ko naman.
“So, okay na kayo?” ang sunod naman niyang tanong.
“Hindi naman kami nag-away,” ang tugon ko.
“Ang ibig kong sabihin ay komportable ka na sa kanya?”
“Medyo,” ang tugon ko naman. “Pero hindi ko pa rin naaalis sa aming sarili ang pakiramdam na para akong nasa isang roller coaster kapag kausap siya. Naiinis ako, natutuwa at nalulungkot sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha.”
“Baka naman… kahawig niya ‘yung nagustuhan mong kaibigan,” ang hula naman niya.
“Hindi, ibang-iba siya,” ang pagtatama ko naman. Pinadalhan ko naman ng parehong pagbati si Marcus.
“Have you already eaten breakfast?” ang tanong naman niya.
“Hindi pa. Kagigising ko lang. Ikaw?”
“Tapos na. I’m on my way to my first class,” ang tugon naman niya. “But do you want to eat lunch with me?”
“Uhm, sige,” ang pagpayag ko naman. “Sasabihan ko si Adrian.”
“Sure. I’m already here. See you later,” ang huli naman niyang sinabi.