John Paulo’s Point of View
Hindi ko alam kung isang magandang ideya nga ang pagpayag kong makasabay sa pananghalian si Marcus. Pero wala naman sigurong mawawala. Isa pa, mabuti naman siyang tao kaya hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang inis ko sa kanya. Siguro, sa paglipas ng mga araw at mawawala rin ang pagka-ilang ko sa kanya. Isinilid ko naman ang aking kuwaderno at ballpen sa aking bag. Tumayo naman ako at naghanda para sa mga klase ko ngayong araw. Nang makaligo at makapagpalit ay yinaya ko naman si Adrian upang pumunta ng kainan para mag-almusal. Hanggang sa pagkain ng almusal ay hindi maalis sa aking isipan ang nangyayari sa akin. Muli kong inalala ang panaginip ko. Pakiramdam ko sa abwat pagtulog ko ay makakaranas ako ng isang panaginip patungkol kay Joaquin.
Natigilan naman ako nang may mapagtanto.
“Pau, okay ka lang?” ang tanong naman ni Adrian sa akin nang masaksihan niyang natigilan ako sa aking pagkain. Napataas naman ang kanyang kilay.
“Adrian, may na-realize ako,” ang saad ko naman sa kanya. “Sa tuwing nananaginip ako, parating naroon si Chris at Aurora. Hindi kaya may kinalaman sa kanilang dalawa ang mga ala-alang napapanaginipan ko.”
“Sa tingin ko nga,” ang pagsang-ayon naman niya. “Pero masyado pang maaga para masabi. Pakiramdam ko para tayong nasa isang drama na naghihintay ng mga susunod na magaganap. Tapos ka na ba? Tara na sa School of Media and Communications?”
Tumango naman ako bago kinuha ang aking bag. Sabay naman kaming tumayo at lumabas ng kainan. Tinahak namin ang daan pabalik ng University Campus. Dumeretso naman kami sa gusali ng School of Media and Communications.
Kapwa naman kami natigilan nang nasa tapat na kami mismo ng gusali ng School of Media and Communications. Nakatitig lang naman ako sa mga salitang ‘yun na nakapaskil sa taas ng entrance.
“Ang palalagi mong nakikita sa panaginip mo ay ‘yung Cris at Aurora, tama ba?” ang tanong naman niya sa akin.
“Tama,” ang pagkumpirma ko naman.
“Tara na,” ang yaya naman ni Adrian sabay pasok sa entrance. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Sa unang pagtapak ko sa gusaling ‘yun ay ‘tila ba nawalang ng liwanag ang paligid. Napatingin ako sa paligid ngunit wala akong makita. Hindi naman nagtagal ay bumalik ang liwanag ngunit… hindi na tulad ng dati ang aking nakikita. Ang sementadong gusali ay napalitan ng tabla. Napalitan ang mga nakapaskil sa announcement boards. Nawala si Adrian at hindi ko siya mahanap kahit saan. Parang may sariling buhay na naman ang aking mga paa at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ay napatingin ako sa paligid. Ang hula ko ay ito ang Institute of Mass Communications na itinayo noon at ang taon ngayon ay 1969. Nagtungo naman ako sa isang silid-aralan. Napatingin ako sa paligid. Ito ang eksaktong lugar ng pinangyarihan ng aking panaginip. Sa harap ay ang blackboard. May mga nakasulat pa gamit ang chalk. Sa tapat nito ang mesang gawa sa kahoy. At mga wooden armchair para sa mga estudyante. Naglakad ako patungo sa isang pamilyar na upuan. Sinuri ko naman ‘yun at nakita ang ilang mga salitang nakaukit sa kahoy. Kaagad ko namang napagtanto na si Joaquin ang mismong nag-ukit sa mga ‘yun tuwing nakakaramdam siya ng pagkabagot.
Malaya. Masaya. Wacky. Ito ang mga salitang nakaukit sa kahoy na upuan. May nakaukit ding letrang ‘C’ sa loob ng isang hugis puso. May nakaukit din na initials; C.Y. at J.F. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga salitang nakita ko.
“Andito ka lang pala,” ang saad ng isang boses sabay hawak sa aking balikat. Kaagad naman akong napalingon. Si Adrian. “Anong ginagawa mo rito?”
Hindi naman ako sumagot, bakus ay ibinaling ko muli ang aking tingin sa upuan. Nawala ang mga salitang nakaukit sa upuan. Bukod pa rito ay hindi na isang wooden armchair ang naroon bagkus ay isang plastic armchair na. Napatingin ako sa paligid. Hindi na ito ang silid na pinasukan ko kanina; nagbalik na ito sa dati.
“Uhm, Paulo,” ang pagtawag sa akin ni Adrian. “Hello? Narito ako,” ang saad niya pa. Napatingin naman ako sa kanya at napahawak sa kanyang mga braso. “Okay ka lang?” ang nag-aalala niyang tanong.
“Adrian, nangyari na naman!” ang bulalas ko. “May ala-ala na naman akong nasaksihan. Dito mismo nangyari ang panaginip ko kagabi. Sa silid na ito muling nagkita si Joaquin at Cris pagkatapos ng Chinese New Year sa Chinatown. Naging magkaklase silang tatlo nila Aurora. Transferee si Cris. Magdodoktor sana siya sa Universidad de Montecillo pero lumipat siya rito,” ang paliwanag ko pa. “At ito,” ang turo ka sa plastic armchair sa tapat ko. Dito ang upuan ni Joaquin. “May nakita akong nakaukit sa dating upuan na narito.
“Ano naman?”
“Malaya. Masaya. May letrang C sa loob ng isang hugis puso. At mga initials na C.Y. at J.F.,” ang tugon ko naman sa kanya.
“CY at JF?” ang pag-uulit naman niya. “Ano kayang ibig sabihin ng mga initial na ‘yun?”
“Hindi kaya, Crisanto Yap ang CY?” ang tanong ko naman.
“Eh, paano naman yung JF? Joaquin? Ano nga bang apelyido ni Joaquin?” ang komento naman niya.
“Paniguradong Joaquin ang para sa letrang J pero hindi ko rin alam kung anong apelyido niya,” ang saad ko naman. “Hanggang ganun na lang ulot tayo. Nasa isang dead-end na naman tayo.”
“Pero nagkaroon na tayo ng clue kung anong buong pangalan ni Joaquin,” ang komento naman niya.
“Uhuh?” ang reaksyon ko naman. Hindi ko alam kung saan patungo ang tinutukoy niya.
“Pwede tayong magtungo ng library at tumingin sa mga nakatagong yearbook doon,” ang paliwanag naman niya.
“Pero hindi ko naman alam kung kailan sila grumaduate,” ang tugon ko naman.
“Ang sabi mo taong 1969 nangyari ang una nilang pagkikita, hindi ba?” ang tanong niya. Napatango naman ako. “Transferee si Cris. Ibig sabihin, imposibleng nagkita sila sa unang taon nila rito.”
“Oo nga, no?”
“Titignan natin ang mga yearbook sa taong 1970 at mga sumunod pa nitong mga taon,” ang sabi niya pa. “Ang sabi mo rin naging magklaklase si Joaquin, Aurora at Cris. Kaya naman ang may batch na may mga ganitong pangalan, lalo na ang batch na may Crisanto Yap; siguradong sila na ‘yun.”
“Oo nga!” ang reaksyon ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Adrian, paano kung nakita na natin ang mga mukha nila?” ang tanong ko naman. “Paano naman ‘yun makaktulog sa atin? Sa akin?”
“Huwag na natin munang isipin ‘yan,” ang saad naman niya. “One step at a time muna tayo. Sa ngayon, ‘yun muna ang gawin natin.”
Napatango naman ako bilang pagsang-ayon. Kapwa naman kami natigilan nang may mga estudyanteng pumasok sa lecture room.
“Sorry, may klase po ba kayo rito?” ang tanong ng isang estudyante sa amin.
“Ah, wala,” ang tugon ko naman. “Paalis na kami.”
Hinila ko naman si Adrian palabas ng lecture room na ‘yun. Sabay naman kaming lumabas ng School of Media and Communications.
“So, anon ang plano?” ang tanong naman niya sa akin. Napatingin naman ako sa aking wrist watch.
“Tara na sa klase,” ang saad ko naman. “Malapit na pala ang una nating klase. Kailangan pa nating maglakad patungo sa School of Teacher Education.”
“Nagtagal pala tayo sa loo ng School of Media and Communications,” ang wika niya. Napatango naman ako; hindi rin ako makapaniwala na nagtagal nga kami sa loob. “Tara na. Baka ma-late pa tayo. Ayokong mapagalitan ni Prof. Bermudez. Ang strict pa naman ‘yun.”
Si Prof. Bermudez, ang professor namin sa isa sa mga Professional Education Subject namin. Hanggang balikat ang kanyang buhok at nakulayan ng matingkad na pula. Required kaming magsuot ng formal attire sa kanyang klase. Ayon sa kanya, mga future teachers daw kami kaya naman kailangan na naming maghanda at masanay sa buhay ng isang guro.
“Sandali lang, Adrian,” ang pakiusap ko naman sa kanya. Hindi kasi ako makapaglakad ng mabilis dahil sa suot kong leather shoes. Hindi pa ako komportable sa suot kong dress shirt at necktie. “Dumaan muna tayo ng canteen at bumili ng maiinom. Pakiramdam ko, aantukin na naman ako sa lecture ni Prof. Bermudez. Bumili tayo ng iced coffee.”
“Sige,” ang kaagad naman niyang pagpayag. “Madadaanan din naman natin ang School of Home Economics.”
Dumaan nga kami sa School of Home Economics. Dumeretso naman kami sa canteen upang bumili ng iced coffee. Nasa bungad pa lang kami ng canteen nang mapansin ang isang grupo ng mga estudyante na naka-business suit na nakaupo sa isang mesa. Mga estudyante ng School of Business. Automatic namang gumala ang aking tingin sa mga mukha naroon.
“Yun ba ang hinahanap mo?” ang tanong naman niya sabay turo sa isang direksyon. Sinundan ko naman yun ng tingin. Nakita ko naman si Marcus. Abala siyang nagta-type sa kanyang MacBook.
“Sino bang nagsabing hinahanap ko siya?” ang reaksyon ko naman.
“Hindi raw,” ang tukso naman niya. “Pero yang mga mata mo naglakbay sa mesang ‘yun. At hanggang ngayon, nakatitig ka pa rin sa kanya.”
Binalik ko naman ang aking tingin sa kanya.
“Hindi ko siya tinititigan,” ang pagtatama ko naman.
“Ang guwapo niya sa naka-brush up niyang buhok, di ba?” ang tanong naman niya.
“Mas gusto ko yung nakababa lang,” ang tugon ko naman na ikinatawa niya. Nanlaki naman ang aking mga mata nang mapagtanto ang aking sinabi. Napailing naman siya bilang reaksyon habang tumatawa pa rin.
“Kainis ka talaga,” ang reaksyon ko naman. “Tara na nga. Nauubusan na tayo ng oras.”
Dumeretso naman kami sa cashier at umorder ng iced coffee. Napalingon agad ako nang may kumalabit sa aking balikat.
“Sabi ko na nga ba, ikaw ‘yan,” ang saad ni Marcus. “Wala kang klase?”
“Uh, papunta na,” ang tugon ko naman. “Dumaan lang kami rito para bumili ng kape. Ikaw? Wala kang klase?”
“Wala ngayong oras,” ang tugon naman niya sa aking katanungan. “That’s why we’re here. To make some homework.”
“Bakit hindi na lang sa library?” ang tanong ko.
“Well. Mas malapit sa pagkain at sa School of Business,” ang paliwanag naman niya. “At isa pa, wala namang masyadong tao sa ganitong oras.”
“Sa bagay,” ang tugon ko naman.
“Paulo, tara na,” ang pagtawag naman sa akin ni Adrian sabay abot sa akin ng kape.
“Marcus, mauna na kami,” ang paalam ko naman. “May klase pa kaming kailangan habulin.”
“So, I’ll see you later, then?”
Tumango naman ako. Lumabas naman kami ni Adrian ng canteen at tinahak ang daan patungo sa School of Teacher Education.