John Paulo’s Point of View
Nang makarating kami ni Adrian sa School of Home Economics ay nagmadali naman kaming nagtungo sa lecture room. Papasok na sana kami ng lecture nang may tumikhim nang malakas. Kapwa naman kami natigilan ni Adrian at napalingon. .
“Good morning, Prof,” ang pagbati naman ni Adrian sa kanya.
“Mr. Collado… Mr. Cruz, it’s not teacher-like to run at the hallways,” ang komento naman niya. “Let me remind you that you’re not high school students anymore.”
“Sorry, Prof,” ang paghingi naman namin ng paumanhin.
“Just enter,” ang saad naman ni Prof. Kaagad naman kaming pumasok sa lecture room. Naupo kami sa upan na si Prof mismo ang nag-arrange. Dahil Collado ang apelyido ko at Cruz naman ang kay Adrian. Magkatabi kami sa second row sa medyo harap. Sa klseng ito ay napipilitan kaming makinig sa lecture ni Prof. Bermudez. Napaka-istrikto niya kasi. ‘Yung kulang na lang ay bawal huminga. Sa totoo lang, okay lang naman ang istilo niya ng pagtuturo. Lecture method pero naiintindihan ko naman. Mas gusto ko kasi yung may practical applications o kaya naman ay may discussion sa pagitan ng teacher at ng mga estudyante. Maikli lang kasi ang attention span ko kaya naman madali akong mabagot at ma-distract. Isa itong challenge para sa akin. Madalas na lang akong bumibili ng kape para hindi ako antukin sa klase. Sa awa naman ng Diyos ay hindi pa ako nakakatulog sa klase.
******
Pakiramdam ko ay napakabagal ng takbo ng oras sa klaseng ‘yun. Nang matapos ang klase ay may pahabol pang reading assignment si Prof. Heto na nga siguro ang simula ng mga pagsubok ko sa aking kurso. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyang lumabas na nga si Prof. Bermudez. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanyang aura kung bakit na lang napakabigat. Nakakatakot siya.
“Paulo, tara na,” ang yaya naman ni Adrian. Hindi ko namalayan na naisilid niya na ang kanyang mga gamit sa kanyang bag.
“Ang bilis mong mag-ayos,” ang komento ko naman.
“Lunch time na kasi,” ang paliwanag naman niya. “Gutom na ako, dude.”
Napailing na lang ako at binilisan ang pagaayos ng mga nagkalat kong gamit sa armchair.
“Iisa lang ang subject natin pero parang tatlo ang pinasukan mo,” ang komento naman niya.
“Ah, isinulat ko rin ang mga nakita ko sa pangitain ko kanina,” ang paliwanag ko naman. “Tapos sinaulo ko kaunti ‘yung Preamble.”
“Napakabuti mo talagang mag-aaral,” ang saad naman niya. Napa-iling naman ako.
“Gusto ko lang magseryoso ngayong nasa University na tayo,” ang paliwanag ko naman.
“Bakit? Hindi ka bag anito ka-studious nung nasa High School pa tayo?” ang tanong naman niya.
“Uhm, seryoso ako sa pag-aaral,” ang tugon ko naman. “Pero bumaba ang mga grado ko simula nung nalaman ng mga kaibigan ko nag sekreto ko. Hindi kasi ako maka-concentrate sa pag-aaral. Na-depress ako sa nangyari at sa mga sinabi nila sa akin.”
“Huwag kang mag-alala,” ang komento naman niya. “Hangga’t kasama moa ko rito sa Saint Anthony; walang makakagawa sa’yo ng ganyan.”
“Maraming salamat. Adrian,” ang pasasalamat ko naman.
“Walang anuman,” ang tugon naman niya. “Masuwerte lang siguro ako na pinalaki ako sa isang kapaligiran na bukas sa mga taong katulad mo. Pero, Paulo…”
“Ano ‘yun, Adrian?” ang tanong ko naman.
“Huwag kang mai-inlove sa akin,” ang tugon naman niya.
“Ha?!” ang gulat ko namang reaksyon.
“Alam ko namang malakas ang s*x appeal ako, napakabait ko pa at understanding,” ang pagbubuhat naman niya ng kanyang sariling bangko kaya naman napangiwi ako.
“Huwag kang mag-alala, Adrian. Hindi kita type,” ang saad ko naman sabay tawa.
“Ouch,” ang reaksyon naman niya. “Libre mo na lang ako ng inumin. Saan ba tayo kakain?”
“Hindi ko sigurado,” ang tugon ko naman.
“Hindi ba sasabay sa atin si Marcus?” ang tanong naman niya.
“Oo nga pala!’ ang reaksyon ko nang maalala. Kinuha ko naman ang aking phone at kumunekta sa aking data connection. Sunod-sunod naman ang pag-vibrate ng phone ko kasabay ng pagdating ng sari’t-saring notifications. May mga chat si Marcus na binuksan ko at binasa.
“Are you done with your class?” ang una niyang mensahe. “I’ll see you at the canteen in the School of Home Economics. I’ll be waiting.”
Kaagad naman akong nag-reply kay Marcus.
“Adrian, nasa Canteen na raw si Marcus,” ang balita ko naman sa kanya. “Tara na.” Binilisan ko naman ang paggalaw.
“May na-eexcite makita si Marcus,” ang tukso naman niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo.
“Naghihintay na kasi siya,” ang paliwanag ko naman. “Nakakahiya.”
“Osiya,” ang reaksyon ko naman. “Tara na nga.”
Kapwa naman kami lumabas ng lecture room. Sabay naman naming itinapon ang aming hawak na plastic cups na pinag-inuman namin ng kape. Dumeretso kami sa canteen ng School of Home Economics. Pagkapasok naming ng canteen ay medyo marami nang tao ang nasa loob kaya naman medyo nahirapan kaming maghanap sa mga mesa. Hindi naman nagtagal ay nakita ko si Marcus sa isang mesa. Kasama niya si Dustin. Kumaway naman siya nang makita kami ni Adrian. Kinalabit ko naman ang braso ni Adrian. Lumapit naman kami ni Adrian sa kanila.
“Please, have a seat,” ang saad naman ni Adrian nang makalapit kami.
“Ang pormal mo naman,” ang reaksyon naman ni Adrian bago kami umupo. “Nasa restaurant ba tayo?” Natawa naman sila ni Dustin.
“Masanay na kayo kay Marcus; ganyan talaga siya,” ang tugon naman ni Dustin.
“Pasensya na pala kung napaghintay naming kayo,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Kagagaling naming ng School of Teacher Education. Masyadong strict yung Prof namin kaya hindi ko ma-check ang phone ko.”
“Okay lang,” ang tugon naman ni Marcus. “Hindi naman kami naghintay ng matagal.”
“Anong hindi?” ang reaksyon naman ni Dustin. “Kani—aray!” ang saad ni Dustin matapos mabatukan ni Marcus. “Hindi nga kami naghintay ng matagal,” ang wika ni Dustin sabay himas sa nasaktan niyang batok.
“Mabuti na lang, may nakita kaagad kaming available na upuan dito sa canteen,” ang sunod na sinabi ni Marcus. Napatingin naman ako sa paligid at tumango. “Anyway, anong gusto niyong kainin? It’s my treat.”
“Ha? Sigurado ka?” ang tanong ko naman. Ngumiti naman siya at tumango.
“Of course,” ang tugon naman niya.
“Nakakahiya,” ang saad ko.
“It’s okay. Ako naman ang nagyaya na mag-lunch tayo,” ang paliwanag niya pa.
“Pero hindi mo naman kailangang bilhan kami ng lunch,” ang argyumento ko.
“Alam ko… but please, don’t feel uncomfortable,” ang paki-usap naman niya.
“Hindi naman,” ang pagtanggi ko.
“So, let me buy you lunch then,” ang pagpupumiliit ni Marcus. Sa tingin ko naman ay wala naman akong ibang magagawa. At ayaw ko na ring makipagtalo.
“Ikaw ang bahala,” ang pagsuko ko naman. Isang nakakasilaw na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga labi na palagi kong nakikita sa aking panaginip. Sa isang saglit, nakita ko si Cris kay Marcus.
“So, what do you want to eat?” ang kaagad niyang tanong.
“Ikaw na ang bahala,” ang tugon ko. “Mukhang si Adrian dapat ang tanungin mo.”
Kapwa naman kami napatingin kay Adrian.
“Bespren!” ang pagtawag naman ni Adrian kay Marcus. Kapwa naman sila nagtungo sa harap para kumuha ng makakain.
“Ano na ulit ang pangalan mo?” ang tanong naman sa akin ni Dustin kaya napatingin ako sa kanya.
“Ah, Paulo,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili. “Dustin ang pangalan mo, hindi ba?”
“Yuhp,” ang pagkumpirma naman niya. “Anong course mo?”
“Education. Major in English,” ang tugon ko naman. “Ikaw?”
“Engineering,” ang tugon naman niya. “So, paano mo nakilala si Marcus? Matagal na ba kayong magkakilala?”
“Ah, ang totoo niyan, nagkakilala kami sa Inauguration of Officers,” ang paliwanag ko naman.
“Oh, I see,” ang saad naman niya sabay tango ng kanyang ulo. “Siya nga pala ang Presidente ng organization nila. Ikaw?”
“Ah, Vice-President ng English Society,” ang tugon ko ulit. “Si Adrian naman ang Treasurer.”
“Kaya pala naging malapit kaagad ang loob sa’yo ni Marcus,” ang komento naman niya. Gusto kong sabihin na hindi naging ganoon ang aking naramdaman nang unang makita si Marcus; bagkus, isang hindi mapaliwanag na galit ang naramdaman ko nang makita ko siya. Mabuti na lang ay unti-unti nang nawawala ang galit na ‘yun sa aking dibdib. Siguro nga ay nasasanay na nga ako sa presenya ni Marcus. Hindi na lang ako umimik at ngumiti. “Pareho kayong mga lider.”
“Uhm , sa totoo lang, hindi ko ginusto na maging officer ng organization naming,” ang kwento ko. “Rinush naming ang pagpili ng mga officers kaya naging Vice-President ako ng English Society.”
“Nakakatuwa namang pakinggan,” ang komento niya. “Kaya mo ‘yan.”
“Kakayanin sa tulong ng Presidente namin,” ang saad ko.
“Bagong estudyante ka rin, hindi ba?” ang sunod naman niyang tanong. Pakiramdam ko ay nasa hot seat ako dahil sa rami ng kanyang mga katanungan sa akin. Napakamot naman ako ng ulo at tumango. Hindi naman nagtagal ay bumalik sila Adrian at Marcus bitbit ang mga tray ng pagkain.
“Here’s for you,” ang anunsyo ni Marcus sabay lapag ng palate ng pagkain sa aking harapan. May kasama pang yoghurt at mga prutas. Napatingin naman ako sa pagkain ni Adrian. Hindi na ako nagulat sa dami ng pagkain niya. Ang hula ko ay kasya yun sa dalawa o tatlong tao.Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Marcus.
“Maraming salamat, Marcus,” ang pasasalamat ko naman sa kanya.
“You’re welcome,” ang tugon niya sabay ngiti. “Enjoy your meal.”
Ngumiti naman ako at tumango. Napatingin ako sa plato at sinuri ang pagkain na naroon. Nagsimula naman kaming kumain habang nag-uusap. Maraming naging katanungan sa akin si Marcus na komportable ko namang sinasagot.