Marcus’ Point of View
Ipinagpatuloy ko naman ang pagtingin sa ibang estudyante sa mga kasunod na kuwarto. After my duty, I went back to the front desk to return the forms and the pen. Natigilan naman ako nang maalala ang phone number ni Paulo. Kinuha ko naman ang aking phone at sinave ang phone number niya sa aking contacts bago kinuha ang correction tape at binura ang kanyang numerong nakasulat sa form. Nang makasiguradong naka-lock na ang gate ng Men’s Dormitory ay nagtungo ako sa kuwarto namin ni Dustin.
Nadatnan ko naman siya sa kanyang tipikal na puwesto. Nagbabasa siya ng kanyang engineering manual. Dumeretso naman ako sa sariling kong pwesto. Kaagad kong ipinatong ang aking laptop sa study table. Mukhang seryoso naman si Dustin sa kanyang binabasa kaya naman hindi na ako nagtangkang magsimula ng usapan. Naupo naman ako sa aking upuan at binuksanang aking MacBook upang magbasa na rin ng mga resources para sa aking mga leksyon. Kaagad ko namang naalala si Paulo at napangiti sa aking kinalalagyan. Kinuha ko naman ang aking phone at binuksan ang f*******: application. Hinanap ko ang account ni Paulo. John Paulo Collado nga pala ang buo niyang pangalan. Yun ang tinype ko sa search bar. Kaagad ko namang nakita ang kanyang mukha sa isa sa mga account. Bago siya in-add ay tinignan ko muna ang mga nakalagay sa profile niya. He’s not originally from this city. Tinignan ko naman nang mabuti ang ang kanyang profile picture Napangiti na lang ako dahil ang cute niya sa dog face filter nan aka-apply sa kanyang litrato. Sinave ko naman ito sa aking phone at ini-add na nga ang account ni Paulo. Ilalapag ko na sana ang aking phone nang tumunog ito. Tinanggap na ng ani Paulo ang aking friend request. Napangiti naman ako at tuluyang linapag ang aking phone sa mesa. Sinimulan ko naman ang pagbabasa ng mga article para sa Statistics for Business and Economics class ko. Hindi ko namalayan na lumipas na ang ilang oras. Napagtanto ko lang ito nang mapatingin sa digital desk clock ko. Hindi ko namalayan na nauna pa lang natulog si Dustin. Isinara ko naman ang aking laptop at tumayo para magghanda sa aking pagtulog. Pagkatapos ko sa banyo ay dumeretso ako sa aking kama para magpahinga. Pinikit ko naman ang aking mga mata at unti-unti akong linamon ng antok at pagod.
*****
“Sigurado ka ba diyan, Didi?” ang tanong ng isang boses. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang sofa sa isang pamilyar na tahanan. Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses. Si Ate Samantha.
“Oo, jiejie,” ang pagkumpirma ko naman.
“Hindi na ba magbabago ang isipan mo? Magagalit si Baba,” ang komento naman niya.
“Alam ko pero nakapagdesisyun na ako,” ang matigas ko namang pagtayo sa aking naging desisyon.
“Chris,” ang paki-usap naman niya. “Sundin mo na lang si Baba. Ito ang makakabuti sa’yo.”
Napa-iling naman ako.
“Pero ayokong maging isang doktor,” ang saad ko naman.
“Ni shuo shenme (Anong sinabi mo)?!” ang gulat na tanong ng isang malalim na boses si Baba. Kapwa naman kami napalingon ni Ate Samantha.
“Baba!” ang gulat na reaksyon naman ni Ate. “Mali ang pagkakarinig mo.”
“Bao anjing (Manahimik ka)!” ang pagpapatahimik naman ni Baba sa kanya. Humarap naman siya sa akin.
“Baba, ayokong magdoktor,” ang saad ko naman sa kanya. Kaagad namang nanlisik ang kanyang paningin. “Masyadong mahaba ang proseso at hindi ‘yun ang gusto ko.”
“Na ni yao shenme? (Pwes, anong gusto mong gawin?) ” ang galit niyang tanong sa akin.
“Gusto kong kumuha ng Mass Communications sa Universidad de San Antonio de Padua, Baba,” ang tugon ko naman.
“At sinong nagsabing papayagan kita?!” ang galit niyang reaksyon. “Magdodoktor ka sa ayaw o sa gusto mo!”
“Ayoko!” ang madiin ko namang pagtanggi.
“Ayaw mo?” ang gulat niyang reaksyon. “Nasa pamamahay kita kaya susundin mo ang gusto ko.”
“Chris!” ang suway naman ni Ate Samantha.
“Wo shuo bu (I said no)!” Sigaw ko naman. Naramdaman ko namang dumapo ang kanyang kamao sa aking panga kaya naman napahiga ako sa sahig. Napahawak naman ako sa nasaktan kong panga.
“Baba!” ang pagpigil naman ni Ate Samantha nang pigilan si Baba na lumapit sa akin. “Qing tingzhi zhege (Please, stop this.)”
Itinulak naman siya palayo ni Baba kaya napaupo siya sa sahig.
“Jiejie!” ang pagtawag ko naman sa kanya. Nadatnan naman kami ni Mama sa sala.
“A-anong nangyayari rito?” ang tanong naman niya at napatingin kay Baba. Inutusan naman kami ni Mama namagtungo sa aming mga kuwarto na siya naman naming ginawa. Sa aming pag-akyat sa pangalawang palapag ng aming tahanan. Sa aming pag-akyat, nagsimula namang magtalo si Baba at Mama.
“Jiejie,” ang pagtawag ko kay Ate Samantha. “Dui bu chi (I’m sorry)” Napailing lang naman siya. Alam kong naawa siya sa akin. At alam kong hindi na dapat siya nadamay sa naging hindi naming pagkakaintinidihan ni Baba. “Gusto ko lang namang maging masaya.”
“Alam ko, Didi,” ang saad naman niya. Nagtungo nga ako sa loob ng kuwarto ko at dumeretso ako sa kama. Pinikit ko ang aking mga mata.
*****
Minulat ko ang aking mga mata. Unang araw ko ngayon bilang estudyante ng Universidad de San Antonio de Padua. Hindi ako makapaniwala na napapayag ni Mama si Baba na dito ako mag-aral at kunin nag kurso kung saan ako masaya. Nang makapagbihis ay sinalihan ko sila sa almusal. Tahimik lang naman sila at walang nag-uusap.
“Cris,” ang pagtawag sa akin ni Mama. Napatingin naman ako sa kanya. Dahil sa Universidad de San Antonio ka na mag-aaral; kailangan mo nang mag-commute papunta doon. Gagamitin ng kapatid mo ang sasakyan patungo naman sa Unibersidad niya.”
Hindi naman ako umangal, bagkus ay tumango na lang ako sa gusto nilang mangyari. Nagulat ba ako? Hindi. Lahat kasi ay may kapalit kay Baba. At siguro, isa nga ito sa kanilang napagkasunduan. Nang matapos mag-almusal ay tahimik kong kinuha ang aking mga gamit at lumabas ng bahay upang mag-abang ng masasakyan patungo sa Universidad de San Antonio de Padua. Medyo naguguluhan pa ako kaya naman kung saan-saan ako napadpad pero hindi naman nagtagal ay nakarating ako mismo sa University Campus. Dumeretso ako sa guwardya.
“Kuya, saan po ‘yung Institute of Mass Communications?” ang paghingi ko naman sa kanya ng direksyon.
“Ah, pumasok ka lang ng Main Gate. Tapos kumaliwa ka. Makikita mo Kaaagad ang Administration Building. Mula sa gusaling ‘yun. Nasa ikaapat na gusali. Di bale makikita mo naman ang nakalagay na sign.”
“Salamat po,” ang pasasalamat ko naman. Sinunod ko ang kanyang mga sinabi at nakarating nga ako sa tapat ng Instititute of Mass Communications. Nagpakawala naman ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang pumasok at hinanap ang silid-aralan kung saan naka-schedule ang unang klase ko. Nang mahanap ito ay pumasok ako. Kaagad kong naramdamanan ang bigat ng pagtitig ng mga etudyanteng naroon nang makapasok ako. Tumingin ako sa paligid at natigilan nang makita ang isang pamilya na mukha. Siya nga! Ang lalaking nakilala ko sa Chinatown noong kasagsagan ng Chinese New Year. Naaalala niya pa kaya ako? Hindi ko kasi malimutan ang pangalan niya. Joaquin. Ang saya ko. Dahil hindi ko inaasahan na dito siya nag-aaral at magiging kaklase ko pa siya.
Ngumiti naman ako at linapitan siya.
“Ang liit lang ng mundo,” ang saad komento ko nang makalapit. “Long time, no see.”
“Oo nga,” ang namamangha rin niyang tugon. Ramdam kong nagulat din siya na makita ako.
“Naaalala mo pa ba ang pangalan ko?” ang tanong ko naman.
“Chris?” ang hula niya.
Tumango ako. Mabuti naman at naaalala niya pa ang pangalan ko… kahit na isang beses pa lang kami nagkita. “At ikaw si Joaquin.”
“Teka, saan kayo ulit nagkakilala?” ang singit naman ng babaeng kasama niya.
“Sa Chinatown,” ang tugon naman ni Joaquin sa kanya.
“Siya ‘yung kwinento mo dati na nakilala mo sa tindahan ng mga moon cakes noong Chinese New Year?” ang sunod na tanong ng babae kay Joaquin.
“Ako nga,” ang pagkumpirma ko naman; napatingin siya sa akin. Nginitian ko naman siya. “Ako nga pala si Crisanto Yap. Tawagin niyo na lang akong Cris,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili.
“At ako naman si Aurora,” ang pagpapakilala ng babae sa kanyang sarili.
“Joaquin. Wacky for short.” Nagkamayan naman kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala na muli ko siyang makikita. “Ngayon lang kita nakita rito,” ang komento niya.
“Ah, oo,” ang pagkumpirma ko sabay kamot ng aking batok. “Kalilipat ko ng eskwelahan at kurso.”
“Saan ka ba dati?” ang sunod naman niyang tanong. Sinagot ko naman yun sa pagbiigay ng pangalan ng Unibersidad na dati kongpinapasukan at ang kursong pinakuha sa akin ni Baba.
“Magdodoktor sana ako pero nagbago ang aking isipan,” ang kwento ko. “Masyadong mahabang proseso at tsaka napakatagal.”
“Mabuti naman pumayag ang mga magulang mo,” ang saad naman ni Wacky.
“Sa totoo lang, ayaw nila pero buhay ko naman ito kaya wala silang ibang magagawa kundi payagan ako,” ang paliwanag ko. Kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Hindi na rin masama dahil narito si Joaquin. Napatingin ako sa suot niyang purselas na gawa sa rose quarts. Hinawakan ko naman ang aking pulso; sa ilalaim ng manggas ng aking polo ay ang parehong purselas na binili ko pagkatapos ng unang pagkikita namin ni Joaquin.