Marcus’ Point of View
Minulat ko ang aking mga mata. Natagpuan ko ang aking sarili sa dorm room. Kaagad naman akong napaupo at napatingin sa paligid. Mahimbing pa rin namang natutulog si Dustin. Tumingin ako sa desk clock. It’s just 6am. Ito ang pangalawang pagkakataon na napanaginipan ko ang tungkol kay Joaquin at Chris.
“This is so strange,” ang mahina kong sinabi sa aking sarili. Wala naman akong kilalang Joaquin at Chris ngunit bakit ko sila napapanaginipan? Noong unang beses ko silang mapanaginipan ay nasa library ako noon. Ang pagkakaalala ko ay taong 1969 naganap ang panaginip ko. At first, all I can think is that it’s all a coincidence. “Yung taon at ang paging year of the rooster nito. Baka nga unconsciously ko lang nabasa somewhere ang impormasyong ‘yun kaya naman nag-manifest sa aking panaginip.
Pero ang managinip ng parehong mga tao at may koneksyon pa sa unang panaginip ko? That’s all strange to me. I really can’t find any logical explanation to this. Bumaba naman ako kama upang maghanda para sa aking klase ngayong umaga.
Nang makapag-ayos ay naupo muna ako at nagsimulang magbasa ng mga articles na binabasa ko kagabi. Natigilan naman ako nang maalala ang mga panaginip ko. Binuksan ko naman ang word application at linagay ang mga naaalala kong panaginip. Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang mga napanaginipan ko. Karaniwan ko namang nakakalimutan kung anong mga napapanaginipan ko pero iba ngayon. They were all vivid na para bang naganap sa totoong buhay. Pero bakit ko napapanaginipan ang mga ito?
Ano nga bang koneksyon ko sa kanila? Sa mg panaginip ko, ako si Chrisanto Yap o mas tinatawag nilang Chris. May lahing intsik. I’m sure I don’t have any Chinese ancestors or even relatives. I have been in Chinatown a couple of times but never during the Chinese New Year. And I have never visited those places in my dream. But one of my questions is… do they even exist? Nagtungo lang kami ng pamilya ko sa Taiwan this semestral break dahil rinekomenda lang ng katrabaho ni Dad.
Chris is taking up Mass Communications and he’s studying in Universidad de San Antonio de Padua.
San Antonio de Padua? Isn’t it Saint Anthony? I searched the web for answers. At nahanapan ko nga ang kasagutan. Universidad de San Antonio de Padua nga ang unang pangalan ng Saint Anthony University.
Pero wala nang Institute of Mass Communications ngayon. Ang tanging mayroon ang School of Media and Communications. Hindi ba iisa lang ‘yun? Masasabi kong naging mahigpit ang mga magulang ni Chris sa kanya; lalo na ang kanyang ama na gusto siyang maging doktor. Ang gusto niya lang naman ay maging malaya at magkaroon ng sariling pagkakataon upang magdesisyun para sa kanyang sarili.
Napabuntong-hininga naman ako. Napapanaginipan ko ba ang mga ‘yun dahil hindi naman ganun ang nagaganap sa buhay ko? Sabi nga nila, ang mga panaginip ay kasalungat ng totoong buhay.
Sumagi naman sa aking isipan si Wacky. Kapag nakikita ko siya sa aking panaginip ay pareho nito ang aking pakiramdam sa tuwing nakikita ko naman si Paulo. Magaan sa pakiramdam. “Yung tipong gusto ko siyang makita palagi. Isang ngiti naman ang gumuhit sa aking mga labi. Sa totoo lang ay naaalala ko si Paulo kay Joaquin. Magkaibang-magkaibang sila ng itsura pero mayroong bagay na pareho sila ngunit hindi ko maipaliwanag at maituro ng diretso. Unang nagkakilala si Joaquin at Nick sa Chinatown kung saan unang nakita ni Chris si Joaquin pagkatapos niyang lumabas ng tindahan ng mga lucky charms.
Naalala ko ang suot ni Joaquin nung una silang nagkita; ang purselas na gawa sa rose quartz. Na suot din ni Paulo kagabi nang nagka-usap kami sa front desk. At nagtungo rin sila sa Chinatown.
Are these all-mere coincidences? But something’s off. Kung iisipin, nagsimula ang lahat ng ito nang makilala ko si Paulo. Am I really just overthinking?
I must be. Masyado lang siguro akong napapagos sa kababasa ng mga articles para sa mga subject ko. I guess I need to relax a bit. Isinara ko naman ang aking laptop at sinilid ‘yun sa aking bag bago ito binibit palabas ng kuwarto. Mukhang mamaya pa ang klase ni Dustin kaya hindi pa siya nagigising. Sa ganitong oras ay sarado pa ang nag-iisang nag-iisang canteen sa Saint Anthony University. Pupunta na lang ako sa kainan na malapit sa Men’s Dormitory. But I don’t feel like eating something heavy though.
“I’ll just grab some bread and coffee,” ang sabi ko naman sa aking sarili. Tinahak ko naman ang daan patungo sa malapit na bakeshop para kumuha ng tinapay at kape. Dumeretso naman ako sa School of Business ngunit sarado pa ang gate. I can’t believe this. Naglakad-lakad naman ako sa paligid just to see the School of Media and Communications is open. Natigilan ako. Should I go inside? “I guess it’s better than going back to the dormitory.”
Pumasok naman ako sa gate. I could sense a feeling of familiarity. I have never set foot here but the feeling is familiar. “Yung parang nakapasok na ako rito dati. Architecture-wise, ibang-iba itong gusaling ito sa gusali ng School of Business. Parang may kakaibang humahatak sa akin sa loob. Hinayaan ko lang naman akong dalhin ng aking mga paa sa kung saan man. Pagkalipas ng ilang sandal ay huminto ako sa tapat ng isang lecture room. Napatingin ako sa numerong naapaskil sa pinto; 211. Binuksan ko naman ito at napasilip sa loob. Napaka-pamilyar.
Hindi kaya ito ang lecture room sa muling pagkikita nila Joaquin at Chris? Kung ito nga ‘yun, ay ibang-iba na ang itsura. Naupo naman ako sa isa sa mga upuan doon at inilabas ang aking MacBook. Ipinagpatuloy ko ang aking pagbabasa habang kinakain ang tinapay na binili ko. Nang maubos ang aking kinakain ay mas lalo kong ibinaling ang aking tingin sa monitor at mas pinag-igihan pa ang pagbabasa ng mga articles. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako dahil na rin siguro sa katahimikan an bumabalot sa paligid.
****
“Jiejie, kailangan ko ba talagang pumunta?” ang tanong ko kay Ate Samantha.
“Didi, wala kang ibang pagpipilian. Huwag ka nang magreklamo at sundin mo na lang ang gusto ni Mama,” ang komento naman niya. “Isa pa, siya ang dahilan kung bakit ka pinayagan ni Baba lumipat sa Universidad de San Antonio de Padua. Pagbigyan mo na siya, ha?”
“Sige na nga,” ang pagpayag ko kahit na napipilitan. Magtutungo kami ngayon sa Chinatown upang bisitahin ang aming negosyo. Hindi naman nagtagal ay tinawag kami ni Mama at pinasakay sa sasakyan.
Nagtungo na nga kami sa Chinatown. Tinahak namin ang maingay at abalang mga kalye patungo sa lokasyon kung saan makikita ang tindahan namin ng mga Hongkong Style Egg Tarts. Hindi naman nalalayo ito sa pangkaraniwang egg tart ngunit Chinese puff patries ang ginagamit naming sa paggawa. Dan tat ang tawag naming dito.
Kaagad naman kaming binati ng mga trabahador sa aming pagawaan ng egg tarts.
“Mama, gusto kong matutunan ang paggawa nito,” ang sabi naman ni Jiejie kay Mama. “Didi, sumali ka rin.”
“Wala naman akong ibang gagawin,” ang komento ko naman. Nagtungo nga kami sa kusina at tinuruan kami ni Mama sa paggawa ng dan tat.
“Una, ipaghalo mo ang harina at asin sa bowl,” ang saad ni Mama na ginawa naman ni Jiejie. “Yung butter dapat malambot…pero hindi dapat sobra, ha? Chris, hatiin mo ang butter, ang sukat ay dapat kalahating pulgada.”
Napatango naman ako at kinuha ang kutsilyo at ginawa ang pinag-uutos ni Mama.
“Ihalo mo ngayon sa harina’t asukal.” Ginawa ko rin ‘yun. “Gamit ang kamay mo, Samantha. Pisilin mo ang mga butter sa bowl. Ngayon, lagyan mo ng dalawang kutsarang tubig at masahin mo.”
Pinanood ko naman na gawin yun ni Jiejie. Medyo tuyo ang nagawa niyang doaugh.
“Ganyan talaga ‘yan sa simula,” ang saad naman ni Mama. “Parang tao lang. Sa una tuyo kasi wala pang masyadong alam. Ngayon, balutin mo ng plastic at ilagay sa ref. Hihintayin natin yan ng bente minutos.”
May nakaghanda naman nang dough kaya ‘yun ang ginamit naming sa mga sumunod na pagbibigay ni Mama ng direksyon. Medyo mahaba ang proseso ng paggawa naming ng dan tat. Sa totoo lang, na-enjoy ko naman. Hindi kasi kami masyadong nakakapag-bonding ng pamilya ko.
“Didi!” ang pagtawag sa akin ni Ate Samantha. Napatingin naman ako sa kanya. Kaagad naman niya akong pinahiran ng harina sa ilong.
“Jijie!” ang pagreklamo ko naman na ikinatawa ni Mama at ni Ate Samantha. Kumuha rin ako ng harina at pilit na pinahiran ang mukha niya. “Jiejie!”
****
“Jiejie!” ang pagsambit ko sabay bukas ng aking mga mata. Natagpuan ko ang aking sarili sa lecture room sa School of Media and Communications. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot at bigat sa aking kalooban. Hindi ko maiwasan ang pagluha nang walang dahilan. Hindi ko alam kung ano ba atalagang nangyayari sa akin. Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha ko at napatingin sa oras.
“s**t,” ang pagmumura ko nang makita na malapit nang magsimula ang klase ko sa School of Business. Madalian ko namang sinilid ang MacBook ko sa aing bag at madaliang lumabas ng School of Media and Communications. Sa aking daan patungo sa aking koleyo ay nag-chat ako kay Paulo. Ayokong makalimutan ang bagay na ito. “Good morning.”
“Good morning din,” ang kaagad naman niyang pag-reply. Napangiti naman ako sa aking nabasa.
“Have you already eaten breakfast?” ang tanong ko naman.
“Hindi pa. Kagigising ko lang. Ikaw?”
“Tapos na. I’m on my way to my first class…But do you want to eat lunch with me?” ang yaya ko. I hope he agrees.
“Uhm, sige,” ang pagpayag naman niya. Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa nang Mabasa ‘yun. Hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng School of Business. “Sasabihan ko si Adrian.”
“Sure. I’m already here. See you later,” ang huli ko naman sinabi bago tuluyang pumasok ng gusali.