Marcus’ Point of View
Dumeretso naman ako sa aking klase.
“Mr. Wright, this is the first time you’ve been late in my class,” ang komento naman niya.
“Sorry, Prof,” ang paghingi ko naman kaagad ng paumanhin sa kanya. Tama siya. Ito nga ang unang beses akong na-late sa klase. Hindi lang sa kanya kundi sa iba pang klase. Dumeretso naman ako sa upuan na bakante at kaagad na inilabas ang aking handbook para sa klaseng ‘yun. Habang nakikinig sa lectue ay ang paglipad ng aking isipan patungo sa mga napanaginipan ko. Sa tingin ko ay kailangan kong magtungo sa Chinatown ngayon. Gusto kong malaman kung totoo ang aking mga napapanaginipan sa pamamagitan ng pagkumpirma ng mga lugar na naroon. Pero… ano nga bang hinahanap kong kasagutan? Kahit na magtungo ako doon ay anong mapapala ko?
Tuluyan na ngang nagtalo ang aking isipan. Ngunit tila ba may nagsasabi sa akin na kailangan kong pumunta.
“Right. I need to go,” ang pagkumpirma ko naman sa aking isipan.
“Uhm, Mr. Wright! Marcus Renzo Wright! Are you with us?” ang tanong ni Prof kaya naman natauhan ako at napatingin sa kanya.
“Yes, Prof?” ang gulat ko namang reaksyon.
“Are you okay?” ang tanong naman niya sa akin. “Why are you daydreaming? Nag-break ba kayo ng girlfriend mo?”
Natawa naman ang mga kaklase ko.
“No, Prof,” ang pagtanggi ko naman. “I don’t have a girlfriend, and I’m not interested in girls.”
Ang tawanan ay napalitan ng katahimikan at kaunting bulungan. It didn’t really bother me a bit.
“The girls seem… disappointed,” ang komento naman ni Prof. Napangiti naman ako at napakibit-balikat. Ito ang isa sa mga mapapait na katotohanang kailangan nilang tanggapin tungkol sa aking pagkatao. “Going back, Mister Wright, I was just asking you to read the third paragraph in the next page.”
“Okay, Prof,” ang kaagad ko namang tugon sabay basa sa pinapabasa niya.
“Good but please, pay attention next time,” ang bilin niya pa. “Okay, I’ll give you the remaining time to meat up with your groupmates and work on with your group reports.” Tuluyan namang lumabas si Prof kaya namkipagkita ako sa mga kagrupo ko.
“Do you want to stay here or find another place?” ang tanong ko naman sa kanila. Napatingin naman sila sa paligid. May mga grupong naroon at nag-uusap samantalang ang ilan ay mukhang maghahanap ng ibang mas tahimik na lugar. Ibinaling naman nila ang tingin nila sa akin. “So? How about sa library?”
“Huwag doon, Marcus,” ang pagtanggi naman ni Jackie, isa sa mga kagrupo ko. Masyadong malayo sa School of Business.”
“Then, where do you recommend?” ang tanong ko naman.
“Sa canteen na lang!’ ang saad naman ni Jessica. “Malapit sa School of Business at pwede rin tayong magmeryenda habang ginagawa ang group report natin.
“hay naku. Gusto mo lang talaga kumain,” ang tukso naman ng isa pa naming kasamahan sa kanya.
“So, tara na?” ang tanong naman sa akin ni Jackie na tila ba nasa sa akin ang huling desisyon. The last time I checked, hindi naman ako ang group leader. Hindi naman na ako nakipagtala at tumango na lamang. Kinha ko naman ang aking body bag at sinuot ‘yun. Nagsimula akong maglakad; kaagad namang sumabay sa akin ni Jackie. “Marcus,” nag pagtawag naman niya sa akin.
“Yes?” ang reaksyon ko naman sabay tingin sa kanya.
“Pwedeng magtanong?” ang paalam naman niya.
“Well, nagtatanong ka na,” ang tugon ko naman.
“Uhm, hindi ko alam kung nasa lugar ba akong magtanong,” ang pag-ikot naman niya sa aming usapan.
“Jackie, deretsuhin mo na lang ako,” nag bilin ko naman. “I’m sure I won’t be offended nor affecte.”
“Totoo ba ‘yung sinabi mo kay Prof kanina?” ang tanong naman niya.
“Which one?” ang tanong ko naman pabalik. “Yung wala akong girlfriend o hindi ako interisado sa mga babae?”
“Both?” ang tugon naman niya sabay awkward na tumawa. Napabuntong-hininga naman ako.
“Look at me,” ang bilin ko naman sa kanya. “Do you think I’m that type of person who jokes around?”
“Uhm, hindi,” ang tugon naman niya.
“Well, then, that’s my answer,” ang tugon ko naman.
“Sorry kung naitanong ko,” nag paghingi naman niya ng paumanhin.
“Ah, wala ‘yun,” ang saad ko naman. “Tulad nga ng sinabi ko sa’yo kanina lang. Hindi naman ako apektado sa mga ganyang bagay.”
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa canteen na matatagpuan sa loob ng School of Home Economics.
“Are you sure it’s okay to do our research work here?” ang tanong ko naman kay Jackie.
“At bakit hindi?” ang tanong naman niya pabalik. “Hindi naman tayo tatambay dito. Kakain din naman tayo at mag-aaral. Huwag ka nang paranoid diyan. Tara na.”
“Sumunod naman ako sa kanila patungo sa isang mesa. Kaagad ko namang sinet-up ang aking gamit. “I’ll buy the drinks.”
“Galante, iba talaga ang may kaya,” ang tukso naman ni Jessica. Napangiti lang naman ako. “Kami na ang bibili ng makakain mo.”
“Uhm, no thanks,” ang pagtanggi ko naman. “I don’t want to eat. I just want some iced coffee.”
“Sige, kami na ang pupunta,” ang pagboboluntaryo naman ng iba naming kagrupo. Kinuha ko naman ang aking wallet at kumuha ng pera bago inabot sa kanila. Naupo naman ako at sinimulan ang gawain.
“I’ll do the slide presentation,” ang saad ko naman.
“Sigurado ka? Mukhang marami ka nang ginagaw para sa grupo natin,” ang komento naman ni Jessica. Tumango naman ako.
“It’s fine,” ang tugon ko naman. “For now, mas importante ‘yung mga article na mahahanap niyo.”
Tumango naman sila sinaluhan ang ako sa aming proyekto. Sa kalagitnaan ng aking pagta-type ay napatingin ako sa mga taong nakapila sa harap. Kaagad kong napansin ang isang pamilyar na itsura. Si Paulo; kasama niya si Adrian, as always. Naka-formal attire sila ngayon. He looks cute. Napangiti naman ako sa aking kinalalagyan.
“Excuse me,” ang paalam ko sa aking mga kaklase bago naglakad patungo kung nasaan ngayon sila Paulo. Kinalabit ko ang kanyang balikat nang tuluyan akong makalapit. Nginitian ko siya nang lumingon siya sa aking direksyon.
“Sabi ko na nga ba, ikaw ‘yan,” ang komento ko. “Wala kang klase?”
“Uh, papunta na,” ang tugon naman niya. “Dumaan lang kami rito para bumili ng kape. Ikaw? Wala kang klase?” ang pagbato niya ng parehong tanong sa akin.
“Wala ngayong oras,” ang tugon paliwanag ko. “That’s why we’re here. To make some homework.”
“Bakit hindi na lang sa library?” ang sunod niyang tanong.
“Well, mas malapit sa pagkain at sa School of Business,” ang paliwanag ko naman ulit. “At isa pa, wala namang masyadong tao sa ganitong oras.”
“Sa bagay,” ang komento naman niya.
“Paulo, tara na,” ang pagtawag naman sa kanya ni Adrian sabay abot sa kanya ng baso ng kape.
“Marcus, mauna na kami,” ang paalam niya sa akin. “May klase pa kaming kailangan habulin.”
“So, I’ll see you later, then?” ang paalam ko. Tumango naman siya saba ngiti. Pinanood ko naman siyang lumabas ng canteen. Hanggang sa aking pagbalik sa aking upuana ay hindi ko maalis ang pagngiti.
“Sino ‘yun?” ang tanong naman ni Jackie sa akin.
“Ah, mga estudyante ng School of Teacher Education,” ang paliwanag ko naman. “Nakilala ko sila sa Inauguration of New set of Officers.”
“He’s cute,” ang komento naman ni Jessica.
“I know, right?” ang maligalig ko namang pagsang-ayon sa aking narinig. Natigilan naman ako samantalang napatingin naman sila sa isa’t-isa. Well, this is embarrassing.
“Gusto mo siya, ‘no?” ang tanong naman sa akin ni Jackie.
“Well, I, Uh,” ang mga tangi kong nasabi. Hindi ko alam kung paano sasabihin.
“Asus! Nahiya ka pa,” ang komento naman ni Jackie. “Okay lang ‘yan.”
Napangiti naman ako at tumango.
“Yeah, siguro,” ang nahihiya ko namang tugon. “I’m attracted to him. Ang cute niya kasi.”
“Aww, ang cute niyong dalawa,” ang komento naman ni Jessica. I felt more embarrassed.
“I guess we better continue our research,” ang suhestyon ko naman para maiwasan ang mas mahaba pang usapan tungkol sa amin ni Paulo. Napainom naman ako ng kape para mabawasan ang nararamdaman kong hiya at napailing na lang.
Sa gitna ng aking paggawa ng slides ay may tumabi sa akin kaya kaagad naman akong napatingin.
“Dustin? What are you doing here?” ang gulat ko namang reaksyon.
“My class just ended,” ang tugon naman niya. “I came here for a cup of soda. And a donut.”
“Nagsama na naman yung dalawang amerikano,” ang komento naman ni Jessica.
“Uulan na naman ng dugo,” ang saad din naman ni Jackie. “Mag-tagalog nga kayo.”
“Sorry,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. Laking America rin si Dustin. Sa Los Angeles ako samantalang sa Florida naman siya lumaki. Kaya naman nang magkakilala kami ay kaagad kaming naging malapit sa isa’t-isa. Originally, hindi kami magkasama sa iisang dorm room. Pagkatapos ng una naming taon sa Saint Anthony ay nag-apply kami para sa iisang kuwarto. We talk a lot and I could say that he became my best friend here. Even my sexuality was not a problem to him. I really appreciate this guy.