Chapter 7

835 Words
5 YEARS LATER Simula ng itayo namin ni Shiela ang sarili naming negosyo sa awa ng diyos ay naging successful naman ito,ginugol ko ang lahat ng oras ko sa trabaho hindi ko hinayaan ang sarili ko na manatili sa masakit na nakaraan. "Mama..nakita kong tumatakbo palapit sa akin ang anak ko.Oo,buntis na pala ako nong pumunta ako dito sa paris,wala kasi akong naramdaman na symptoms ng isang buntis.Nalaman ko nalang ng lumalaki na ang tiyan ko. "Hello baby,"hinalikan ko ang anak ko sa pisngi.Nakikita ko ang ama niya sa kanya dahil kamukha ito ni Brent,para siyang batang Brent. "Ay,naku hinihingal ako kakahabol diyan sa anak mo,namimiss kana daw niya kaya ayan excited na makita ka,"reklamo ni Shiela. "Mama gusto kong makita si Papa,"nakanguso nitong sabi. "Mamaya na anak baka may trabaho pa si Papa mo,antayin mo lang siya dito sigurado akong pupunta yun mamaya," "Talaga Mama makikita ko si Papa,"tumango naman ako at pinisil ang ilong niya.ang cute-cute talaga ng anak ko. Masaya akong naipanganak ko si Bryn lalong nagkaroon ng kulay ang buhay ko,okay na sa akin ang anak ko, ang makasama ko lang siya habang buhay ay sapat na para maging kumpleto ang buhay ko. "Anong plano mo Chim?dadalhin mo ba si Bryn pauwi ng pinas,"hindi naman ako nakasagot sa tanong ni Shiela. Tinitingnan ko lang ang anak kong naglalaro ng robot niya,hindi ko alam kong kaya ko siyang ipakilala sa ama niya.Alam kong magiging selfish ako pero hindi dapat malaman ni Brent na nagkaanak kami,tapos na kung ano man ang meron sa amin noon,wala na siyang puwang pa sa buhay namin ng anak ko. "Ilang linggo lang naman ako sa pilipinas bibisitahin ko lang si Daddy sa ospital,"sabi ko. Ilang linggo na nasa ospital si Daddy dahil inoperahan siya sa puso,ayaw sana ni mommy na umuwi pa ako pero hindi naman ako mapanatag pag hindi ko nakita ang sitwasyon ni daddy.Alam din ni mommy na nagkaanak kami ni Brent. "Ayaw kong makita ni Brent si Bryn,ayaw ko siyang ipakilala bilang ama ni Bryn.Sabihin mo nga sa akin Shie nagiging selfish na ba ako kung gusto ko lang naman protektahan ang anak ko,"?tanong ko sa kaibigan ko. "Naiintindihan kita Chim,isa kang ina na handang protektahan ang anak mo,ina na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng isang anak at hindi pagiging selfish yun,"sagot ng kaibigan ko. "Mama are you sad,"hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang anak ko sa amin. "No baby,Mama is not sad,"matalino ang anak ko kaya alam kong naiintindhan niya ang mga nangyayari sa paligid niya. "You look sad po kasi Mama,"sagot naman nito. "Baby may pinanood kasi kami ng Mama mo na drama na nakakalungkot kaya medyo nalungkot din kami ni Mama,"pagdadahilan ng kaibigan ko.Mukhang hindi na rin nangulit ang anak ko,kung maaari ay ayaw kong makita niya ako na nalulungkot. "Papa,"sigaw ni Bryn at tumakbo papunta sa pintuan para salubungin si Owen. Si Owen ang naging malapit sa amin lalo na sa anak ko,suki siya dito sa cafe namin kaya naging close kami, sa harapan lang kasi nito ang kumpanya na pag-aari niya. Papa ang tawag ni Bryn sa kanya dahil yun ang gusto niya,alam naman ng anak ko na hindi niya tunay na ama si Owen. "Mukhang namiss ako ng anak ko ah,"masaya naman si Bryn habang karga ni Owen. Makita ko lang ang anak ko na masayang nakangiti tanggal lahat ng pagod ko,binigyan ko si Owen ng cake at coffee.Nakatulog naman ang anak ko sa mga bisig niya,iginiya ko naman siya sa mini office namin dito sa cafe para doon matulog si Bryn,inayos ko ang sofa at hiniga naman ni Owen si Bryn. "Salamat,"kanina pa yan excited na makita ka," "Kaya pala sobrang saya niya kanina ng makita niya akong papasok ng cafe," Lumabas naman kami para balikan si Shiela.Siguro iiwan ko nalang si Bryn dito kay Shiela pag uuwi ako ng pilipinas. "Shie pwede ko bang iwan nalng muna sayo si Bryn pag umuwi ako ng pilipinas,"? "Walang problema sa akin yun Chim hindi naman mahirap bantayan ang anak mo,mabait na bata naman yang si Bryn," "Uuwi kang pinas,"?tanong ni Owen. "Oo,pero saglit lang ako doon kailangan ko lang malaman ang sitwasyon ng daddy ko,"alam naman ni Owen ang nakaraan ko kung sino ang ama ni Bryn,kung bakit ako napadpad dito sa paris. "Sasamahan nalang kita,"sabi nito. "Dba may trabaho ka?pano ang kumpanya mo,"tanong ko. "Kahit wala naman ako may pera paring pumapasok sa kumpanya ko,"sagot nito. Wala na akong nagawa ng magpumilit si Owen na sasama siya. Ang kumpanya naman ni Brent ay lalong namamayagpag,matagal na panahon ng wala siyang balita kay Chimmy.Naniniwala siyang balang araw magtatagpo din muli ang landas nila. Nalaman niyang niloloko lang pala siya ni Sandra,nahuli niya itong nakikipagt*lik sa ibang lalaki sa loob ng condo nito.Kaya rin siya binalikan ni Sandra dahil sa negosyo niya kaya ang ginawa niya ay pinabagsak niya ang negosyo ng pamilya nito. Nagsisisi siyang hindi niya minahal noon si Chimmy pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung tapos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD