Kinabukasan maaga paring nagising si Chimmy kahit napagod siya sa byahe nila.Pumasok siya sa banyo para maligo.Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng kwarto niya,nakita niyang nakasarado pa ang kwarto ng kaibigan niya kaya hindi niya na ito inistorbo at dumiretso na siya para bumaba.
Pumasok siya sa kusina,naghahanda naman ang mga kasama nila sa bahay ng almusal.
"Good morning po Ma'am,"nila kay Chimmy.
"Good morning din sa inyo,"magtitimpla lang ako ng kape.kumuha naman siya ng isang tasa para lagyan ng black coffee.Naupo siya sa table at uminom ng kape niyang tinimpla
Antayin ko nalang na magising si Shiela bago mag almusal para sabay na kami.Nag s-scroll naman ako sa social media ko ng lumabas sa feed ko ang post ni Sandra na naka tag kay Brent,kuha ito ni Sandra habang natutulog si Brent sa kama.Mukhang nagsasama na sila,bigla namang nawala ang cellphone ko sa aking kamay.
"Diba ang sabi ko sayo wag mo na silang pansinin,pano ka makaka move on kong panay ang stalk mo sa kanila,"galit na sabi ni Shiela,hindi ko napansin nasa likuran ko na pala siya.
Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya,tama nga siya pano ako makakapag move on kung parati kong makikita si Brent sa social media.Gagawa nalang ako ng bagong account i deactivate ko nalang ang luma ko.
Pagkatapos naming kumain ni Shiela pumunta na kami sa sala para pag-usapan ang negosyo naming itatayo dito sa paris.Napag desisyunan namin na isang cafe nalang ang itatayo namin.
Sa opisina naman ni Brent nagkalat ang mga papel sa sahig dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang report ng empleyado niya na pinasa sa kanya.Simula ng umalis si Chimmy maiinitin na ang ulo ni Brent na kahit siya ay hindi niya alamkung bakit nangyayari ito sa sarili niya.
"Hindi ba malinaw sa inyo ang innstruction ko na ayusin niyo ang mga report niyo bago ipasa sa akin?ganyan lang ba ang kaya niyong gawin?hindi ko kayo pinapasahod para hindi gawin ng maayos ang mga trabaho niyo,"singhal niya sa mga empleyado niya.Pinulot naman ng mga empleyado niya ang papel na nagkalat at lumabas na ng opisina ni Brent.
Alam nila kung gaano ka strikto si Brent pagdating sa trabaho kaya nga siya namamayagpag sa larangan ng negosyo dahil sa angkin niya talino,hindi siya madaling maloloko.
Siya ang CEO of Hansen Group na hindi kayang pabagsakin ng mga kalaban sa negosyo at dahil na rin sa kapangyarihan at impluwensya niya mas lalo pa siyang tinitingala ng karamihan.
Nakahanap naman ng pwesto si Shiela at Chimmy para sa itatayo nilang cafe,gusto nilang umpisahan agad ang kanilang negosyo.Alam naman nilang kakayanin nila basta magtutulungan lang silang dalawa.
Ito na ang simula ng bagong buhay ko,hindi naman madaling mawala ang sakit dito sa puso ko pero alam kong unti-unti din akong mabubuo ulit.Kung bumalik man ako sa nakaraan siguro pipiliin kong hindi na titibok ang puso ko para kay Brent.
Simula ng umalis si Chimmy hindi na pinapansin si Brent ng mga magulang niya,pag dumadalaw naman siya sa bahay ng mga magulang niya hindi siya nito kinakausap.Hindi niya rin alam kung nasaan si Chimmy bigla nalang ito naglaho,ayaw niya namang tanungin ang mga magulang nito dahil alam niyang hindi nila sasabihin kung saan ito nagpunta.
Lahat ng oras ni Brent ay itinuon niya sa trabaho niya halos hindi na rin siya umuuwi sa bahay niya.Sa opisina niya na rin siya natutulog,sinusubukan niyang kontakin si Chimmy sa pamamagitan ng social media nito pero naka deactivate na rin ang account nito.Tuluyan na nga siyang binura ni Chimmy sa buhay nito,aminado siyang nasaktan niya si Chimmy sa mga nasabi niya.