Ngayon ang alis nila ni Chimmy papuntang paris,ipinaalam niya na rin sa mga magulang niya na lilipad na sila papuntang paris.
Nilalakbay nila ang kahabaan ng edsa ng tumigil ang kotseng sinasakyan nila sa stop light,tumingin si Chimmy sa kotseng katabi nila at nakita niyang si Brent ang sakay nito dahil nakabukas ang bintana.Sa huling pagkakataon ay tinitigan niya ito,ang lalaking minahal niya ng lubusan.Tumingin naman si Brent sa direksyon niya pero hindi naman nito makikita ang tao sa loob dahil tinted ang sasakyan.
"Paalam Brent,sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong patay na ang pagmamahal ko sayo."wala sa sariling sambit ni Chimmy habang nakatingin parin kay Brent.
Si Brent naman ay hindi niya maipaliwanag ang sarili kung bakit hindi niya maalis-alis ang tingin niya sa sasakyang katabi ng sasakyan niya.Umusad na ang katabi nitong sasakyan pero nakatingin parin siya,nagulat nalang siya sa malalakas na busina ng ibang sasakyan na nasa likuran niya.
"Chimmy,"biglang sambit niya.
Nakarating sila Chimmy sa airport,habang binababa nila ang mga gamit nila sa kotse bigla nalang siyang hinila ni Shiela para pumasok sa kotse.
"Nandiyan si Brent sinundo ang nobya niya,"tiningnan ko naman ang deriksyon ng kanyang mga mata at nakita ko si Brent na magkayakap sila ni Sandra,kung ganun dito din pala sa airport ang punta niya.
"Wag kang iiyak Chimmy,hindi siya karapat-dapat na iyakan."sabi ni Shiela ng mapansin niyang parang iiyak na naman ako.
Nang makaalis na sila Brent ay bumaba na rin kami ulit ng kotse at binitbit ng mga gamit namin papasok sa loob ng airport.
Nag check in lang kami ng mga bagahe namin at pumunta sa isang milktea shop para bumili ng inumin habang naghihintay ng boarding namin.
Kausap ko si Mommy ng tawagin ang flight namin para sa boarding kaya nagpaalam na ako sa kanya.Nang makapasok na kami sa eroplano umupo na kami sa seat namin.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa unti-unting umaangat ang eroplano.Paalam Brent...
Sa mahabang oras na byahe namin nakarating na rin kami ng paris,may sumundo sa amin na family driver nila Shiela.Hindi ko akalain na makakarating ako sa bansang to para lang hanapin ang sarili ko at magbagong buhay.
Dito ako magsisimula ng panibagong buhay,dito ko bubuuin ang nadurog kong puso.Sinabi ko naman kay Mommy na nandito na kami sa paris.
Medyo malayo din ng byahe namin galing sa airport papunta sa bahay nila Shiela.
"Okay ka lang Chim,"?tanong ni Shiela.Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"Thank you Shie,"maswerte ako sa kanya dahil palagi siyang nandyan.Mag kapatid na ang turingan namin ni Shiela simula bata palang ay magkaibigan na kami dahil sa mga magulang namin na magkasosyo sa negosyo.
Sa haba ng byahe namin nakarating na din kami sa harapan ng bahay nila,bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan.Bumaba naman ako at nag-unat ng katawan,ang sakit ng katawan ko sa haba ng byahe.Kinuha naman ng mga kasambahay ang gamit namin at dinala sa loob ng bahay.
Sinabi naman ni Shiela na iakyat ang gamit ko at ilagay sa kwartong nakalaan sa akin.Kami naman ay dumiretso sa kusina para kumain,nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan dahil sa gutom.Nagmeryenda naman kami kanina habang nasa kotse pero hindi ako nabubusog pag hindi ako nakakain ng kanin.
Tinawagan naman ni Shiela ang mga magulang niya para ipaalam na nandito na kami sa bahay nila.Pagkatapos nilang mag-usap kumain na rin kami.
Sobra akong nabusog sa kinain namin,ang sarap kasi ng ulam na niluto nila.Hinawakan ni Shiela ang kamay ko at naglakad kami paakyat sa taas,dinala niya ako sa kwarto na nakalaan sa akin.
"Dito ang kwarto mo Chim yung sa kabila naman ay sa akin,pag may kailangan ka magsabi ka lang.Bukas na tayo mag-usap dahil pareho tayong pagod sa byahe,magpahinga na muna tayo,"
"Okay,goodnight Shie,"tsaka na lumabas ng kwarto si Shiela.Ako naman ay kumuha ng damit ko at pumasok sa banyo para maglinis ng katawan.Bukas ko nalang ilalagay sa cabinet ang mga gamit ko.Pagkatapos kong magpunas lumabas na ako at nahiga sa kama,sa sobrang pagod ko sa byahe nakatulog agad ako.