Hindi ko naman akalain na mahuhuli kami ni Chimmy na naghahalikan ni Sandra.Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasaktan at base na rin sa mga binitawan niyang mga salita sa akin.
Wala na akong pakialam kong nahuli man niya kami ni Sandra,sa umpisa pa lang alam niyang si Sandra na ang mahal ko.Tinawagan ko si Chimmy pero hindi nito sinasagot ang tawag ko baka ginagawa niya lang to para mapansin ko.
Pagkatapos ng trabaho ko lumabas na ako ng opisina ko para umuwi.Nag text ako sa kanya kung nasaan siya baka nagsumbong siya kay Mommy sa nakita niya sa opisina ko.
Nakarating ako ng bahay namin ni Chimmy na ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kanya,nandito ang kotse niya kaya alam kong nandito siya sa bahay.Pumasok ako sa loob at dumiretso sa kwarto niya,pagbukas ko si Manang ang nakita kong naglilinis.
"Manang si Chimmy nasaan,"tanong ko.
"Wala na siya dito sa bahay iho,umalis siya kanina bitbit ang mga gamit niya ang sabi niya ay hiwalay na daw kayo, kaya wala na daw siyang dahilan pa para manatili dito,"sagot ni Manang.Para naman akong nanlamig sa sinabi nito.Naglakad ako papasok sa kwarto ko,naupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para tawagan siya pero naka block na ako sa kanya.
Dapat masaya ako dahil wala ng hadlang sa pagmamahalan namin ni Sandra pero bakit iba ang nararamdaman ko,bakit wala akong kasiyahan sa puso ko na tuluyan ng umalis si Chimmy.
Lumabas ako ng kwarto at deritso sa kotse ko,pupuntahan ko si Mommy baka alam niya kung nasaan si Chimmy.
Pagdating ko sa harapan ng gate nila Mommy agad akong lumabas ng kotse para pumasok,naabutan ko sila Mommy na nasa sala habang kausap ang mga magulang ni Chimmy.Nang makita ako ng mga magulang ni Chimmy tumayo sila at nagpaalam agad kay mommy na aalis na.
"Tita alam niyo po ba kung nasaan si Chimmy?wala po kasi siya sa bahay,"
"Wala talaga siya sa bahay mo Brent dahil umalis na siya,sobrang nasaktan na ang anak ko sa pagmamahal niya sayo na hindi mo man lang kayang suklian.Wag kang mag-alala nag-usap na kami ng mga magulang mo na hayaan ka nalang sa babaeng mahal mo.Alam kong makakahanap din si Chimmy ng lalaking karapat-dapat sa pagmamahal niya at mamahalin din siya,"at tuluyan na silang lumabas ng bahay.
"Kahit minsan ba hindi mo man lang nakita si Chimmy bilang asawa mo Brent?wala ka man lng bang katiting na nararamdaman para sa kanya?simula ngayon bahala kana kung anong gusto mong gawin,kung sino man ang babaeng nagugustuhan mo wala na kaming pakialam.Kung alam ko lang na sasaktan mo lang ang damdamin ni Chimmy sana hindi kona kayo pinilit na tumira sa iisang bubong kahit hindi pa kayo kasal,"galit na sabi ni Mommy tsaka naglakad ito paakyat ng hagdan.
Naiwan naman si Brent na nakatulala,hindi niya lubos maisip na darating ang araw na mapapagod si Chimny na mahali siya,na kaya siya nitong sukuan.pero bakit parang hindi matanggap ni Brent na tuluyan na siyang iniwan ni Chimmy.
Umuwi si Brent sa bahay niya at dumiretso sa mini bar niya,gusto niyang magpakalunod sa alak.hindi niya alam kung bakit ganito ang epekto sa kanya ni Chimmy pero huli na ang lahat para sa pagsisisi.
Habang nagpapakalunod siya sa alak ay tumunog ang cellphone niya nakita niyang si Sandra ang tumatawag,hindi niya ito sinagot hinayaan niya lang tumunog ito hanggang sa tuluyan ng mamatay ang tawag.
Sa kabilang banda naman nakaupo si Chimmy sa kama na nakasandal ang likod sa headboard at nakayukyok ang mukha sa kanyang mga tuhod habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha.Sobra parin siyang nasasaktan sa ginawa ni Brent sa kanya.Kung sinabi niyang maghiwalay nalang sana sila baka matanggap niya pa.
Bakit Brent?hindi ba ako karapat-dapat sa pagmamahal mo para saktan mo ako ng ganito,bakit hindi mo ako kayang mahalin,ano ba ang kulang sa akin.Sa loob ng apat na taon hindi man lang siya nagawang bigyan pansin ni Brent.Baka dapat niya nang kumbinsihin ang sarili niya na kahit kailanman ay hindi sila ni Brent para sa isa't-isa.
Sa pag-alis niya sa lugar na ito sisiguruhin niyang maiiwan ang lahat ng sakit na nararamdaman niya at sa pagpunta niya sa bansang paris ay doon niya bubuuin ang kanyang sarili.
Dapat nong umalis siya sa bahay ni Brent ay aalis na siya pero gustong sumama ng kaibigan niya,pag natapos niya ang kailangan niyang gawin sa kumpanya nila ay lilipad na kami papuntang paris.