Chimmy's POV
SINABI ko lahat-lahat kay Shiela,ang nakita ko sa opisina ni Brent,ang sakit na nararamdaman ko dulot ng pagpapakatanga ko sa pagmamahal. Ang pagkadurog ng puso ko dahil lang sa nagmahal ako ng taong hindi ako kayang mahalin.Hindi ko naman kasalanan kung tumibok ang puso ko kay Brent,kung pinaniwala ko ang sarili ko na balang araw mamahalin niya rin ako.
Tinulungan ako ni Shiela na buhatin ang mga gamit ko pababa,nagpaalam lang ako sa kanila ni Manang na aalis na ako na hiwalay na kami ni Brent kaya hindi na dapat pang manatili ako sa bahay na ito.
Lumabas kami ng bahay ni Shiela, bago ako sumakay sa kotse huling beses ko pang nilingon ang kabuuan ng bahay.Hindi ko dinala ang kotse ko dahil pag-aari yun ni Brent.
Habang nasa byahe ako tumunog ang cellphone ko tiningnan ko ito at pangalan ni Brent ang lumitaw sa screen.Hinayaan ko lang itong tumunog.
"Shie pwede bang dumaan muna tayo sa bahay kakausapin ko lang sila Mommy"gusto ko munang lumayo at mapag-isa,gusto ko munang maghilom ang sakit na nararamdaman ko.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa loob.Nagulat pa si Mommy ng makita niya ako.
"Anak buti napadalaw ka,nasaan si Brent bakit hindi mo kasama,"tanong ni Mommy.
"Mom kaya ako nagpunta dito para makausap kayo,"tumingala pa ako para pigilan ang pag-agos ng luha ko."Mom hiwalay na kami ni Brent wag na po nating ipilit ang mga bagay na impossible.Hindi ako ang mahal ni Brent at sa loob ng apat na taong pagsasama namin umaasa ako na baka mahalin niya rin ako pero wala e.Gusto ko munang lumayo mommy para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko.
"Babalik ako pag okay na ako,kapag tuluyan ko ng nahanap ang sarili ko.Mahal na mahal ko kayo ni Daddy ikaw na sana ang bahala magpaliwanag kay daddy."
"Kung saan sa palagay mo na makakabuti sayo gawin mo anak,alam kong masakit pero wag kang papatalo sa sakit na nararamdaman mo.Pag kailangan mo ng tulong nandito lang kami ng Daddy mo,"tsaka ako niyakap ni mommy ng mahigpit.
Umalis kami sa bahay ng mabigat ang loob ko dahil mamimiss ko ang mga magulang ko.May pumasok naman na mensahe sa cellphone ko galing kay Brent binuksan ko ito at binasa,tinatanong niya kung nasaan ako.Hindi ako nag reply sa kanya agad kong binura ang lahat ng mga messages niya at binlock ko na rin siya.
Nang makarating kami ni Shiela sa bahay nila iginiya niya ako sa isang bakanteng kwarto.
"Ano ang plano mo ngayon Chim,"tanong ng kaibigan ko.
"Gusto ko munang magpakalayo-layo para hanapin ang sarili ko at para narin magpahilom ng sugat sa aking puso.Tanggap ko naman na hindi ako ang pinili,alam kong masakit pero ganun talaga e nagmahal lang naman ako,kahit masakit pero kailangan kong mag move on,"hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi madali para makapag move on,para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko gayumpaman kailangan kong tanggapin ang katotohanan.
"Andito lang ako sa tabi mo Chim,kung gusto mo pumunta ka muna sa paris doon ka muna sa bahay namin,wala namang nakatira doon.You can stay there as long as you want until na maghilom ang sugat diyan sa puso mo,na balang araw kaya mo nang harapin ang taong nag-iwan ng malalim na pelat diyan sa puso mo."sabi ng kaibigan ko.Mas mabuti nga siguro na umalis na muna ako sa lugar na to.
Kung darating man ang panahon na itinadhana kami ulit ni Brent na magkita atleast kaya ko na siyang harapin.Sana darating ang araw na tuluyan ng mawala ang pagmamahal ko sa kanya,na minsang tumibok ang puso ko para sa kanya.