Chapter 2

883 Words
Chimmy's POV KINABUKASAN ay pumunta si Tita Thea sa bahay ang Mommy ni Brent.Si Tita Thea ay Ninang ko, siya din ang nagdesisyon na magsama kami ni Brent nong nalaman nilang may nangyari nga sa amin dala ng kalasingan tsaka nalang daw namin planuhin ang kasal.Pero hindi ko alam kong aabot pa ba kami sa kasalan. "Good Morning po Tita,"bati ko sa kanya na nakaupo sa sofa at may hawak na lunch box. "Good Morning Iha,"tsaka naman niya ako hinalikan sa pisngi. "Iha,pwede mo bang dalhin to sa opisina ni Brent tinatawagan ko kasi siya pero hindi sumsagot,paborito niya kasi tong bulalo,"sabi naman ni Tita.Tumango naman ako sa kanya. Nagpaalam na rin si Tita na uuwi,ako naman ay umakyat sa taas para magbihis ng maihatid ko na ang pagkain kay Brent. Nang matapos akong magbihis bumaba na ako sa sala para makaalis na,lumabas ako ng bahay patungo sa kotse ko bitbit ang lunch box.Agad ko namang pinaandar at pinausad ang sasakyan ko patungo sa opisina ni Brent. Pagdating ko sa harapan ng kumpanya nag park lang ako at bumaba ng kotse ko.Pumasok ako sa loob ng building at sumakay ng elevator,paglabas ko ng elevator naglakad ako papunta sa opisina ni Brent akmang kakatok sana ako ng mapansin kong nakaawang ang pintuan kaya tinulak ko ng pabukas. Para akong natulos sa kinatatayuan ko,paranf tinakasan ako ng lakas kasabay ang pagbuhos ng aking mga luha.Nabitawan ko ang hawak kong lunch box na naglikha ng ingay dahilan para matigil ang dalawang tao sa paghahalikan.Agad namang umalis si Sandra sa kandungan ni Brent. "Bakit Brent?bakit mo ginawa sa akin to,?bakit mo ako niloko,"?galit na sigaw ko sa kanya.nanginginig na ang buo kong katawan sa galit. "Alam mo kung ano ang meron sa atin Chimmy,kung hindi dahil kay Mommy sa tingin mo papayag ako na tumira tayo sa iisang bubong?Noon pa man alam mong si Sandra ang mahal ko at kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin,kahit kailan hindi ka magkakaroon ng puwang dito sa puso ko dahil si Sandra lang ang mahal ko,"galit na sabi nito.Parang pinag pirapiraso naman ang puso ko sa narinig ko mula kay Brent.Baka kailangan ko ng sumuko. Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan siya ng deritso sa mata. "Siguro tama ka nga na kahit ano pang gawin ko hindi mo ako kayang mahalin,na hindi ako magkakaroon ng puwang diyan sa puso mo. "Hindi ko nga alam kung dapat ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko sayo na kahit kailanman ay hindi mo ako kayang ipaglaban," "kung dapat pa ba kitang pahalagahan na alam ko namang kahit kailan ay hindi mo ako pinahalagahan "kung dapat pa ba kitang panindigan na alam kong kahit kailan ay hindi mo ako kayang panindigan "kung dapat pa bang kitang mahalin na alam nating pareho na kahit kailanman ay hindi mo ako magagawang mahalin. "hanggang kailan kita pipiliin Brent kung kahit minsan ay hindi mo ako nagawang piliin. "Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin Brent.Saan ba ako nagkulang?ano ang kulang sa akin?ginawa ko naman lahat ng kaya ko para maramdaman mong andito lang ako na nagmamahal sayo.Pero naaalala mo lang ako pag kailangan mo ng pampainit sa kama. "Hindi ko naman hinihingi sayo na mahalin mo ako ng buo,mahalin mo lang ako kahit paunti-unti lang Brent sapat na sa akin yun.Umaasa ako na isang araw magising ka na ako na ang mahal mo pero mali pala ako.Ano ba ang laban ko sa totoong tinitibok na puso mo. "Siguro ito na ang oras para magising ako sa katotohanan na kahit kailan hindi ako kayang ipaglaban,panindigan,mahalin at piliin ng taong pinaglaban ko,pinanindigan ko,minahal ko at pinili ko. "Suko na ako Brent,pagod na pagod na ako sa pagmamahal ko sayo.Nakakapagod kang mahalin,nakakapagod magmahal ng isang katulad mo.Siguro oras na para unahin ko naman ang sarili ko kaya pinapalaya na kita Brent. "Pinapalaya ko narin ang sarili ko sa isang pagmamahal na kahit kailan hindi ko naramdaman,tsaka ako tumalikod sa kanila at lumabas ng opisina niya.Parang hindi ko maihakbang ang mga paa ko kaya muntik pa akong matumba buti nalang nakahawak ako sa pader.Sinikap kong makarating sa elevator kahit halos hindi na ako makakita dahil sa luha kong patuloy na umaagos sa mga mata ko. Nang makarating ako sa lobby deri-deritso akong lumabas ng building.Biglang buhos naman ng ulan na para bang nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko.Naglakad ako papunta sa kotse ko, wala akong pakialam kung mabasa man ako ng ulan ang mahalaga ay makaalis ako sa lugar na ito. Pumasok ako sa kotse at tinext ko ang kaibigan kong si Shiela.Siya lang ang mapagsasabihan ko ng problema ko.Sinabi ko sa kanya na puntahan niya ako sa bahay dahil kailangan ko siya.Sinabi naman niyang hintayin ko siya sa bahay. Agad kong pinausad ang sasakyan ko pauwi sa bahay kung saan kami nakatira ni Brent.Mabilis naman akong nakarating sa bahay, agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob deritso akyat sa kwarto. Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama tsaka ko pinasok ang lahat ng mga damit ko.Hindi ko na kaya pang manatili dito,durog na durog na ako. Habang tinatapos ko ang pagliligpit ng gamit ko pumasok sa kwarto si Shiela.Tumakbo ako sa mga bisig niya at humagulgol ng iyak,alam kong alam niya na malaki ang problema ko dahil kahit minsan hindi niya pa ako nakitang nagkakaganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD